(Dahlia POV)
Pagpasok ko sa loob ng sasakyan matatawa ka na lang ata sa makikita mo. Sila na mayaman. Inumin na mamahalin. Upuan na parang marami nang babaeng ginalaw dito si Kai. At di ko hahayaan na mabibilang ako sa kanila. Hinding-hindi. Talagang hindi ako magdadalawang isip na may gawin sa kanyang masama kapag sinubukan niya ako.
Tahimik na pumasok din si Cedrick sa sasakyan. Inabala ang sarili sa harapan ng tablet niya pagkatapos maupo.
Nang di ko napigilan magsalita ang aking bibig.
“Pagkatapos nito, ayoko na. Ayoko na makita ang pagmumukha niyo. At wag niyo naman sana parating idinadahilan sa pananakot niyo, ang pamilya ko.”
Ngumisi lang si Cedrick bilang tugon.
Sabagay, kay Kai ko dapat sinasabi ang bagay na’to. Secretarya lang naman siya nito.
Tumigil sa isang sikat na five-star hotel ang sasakyan. Naunang lumabas si Cedrick ng bumukas ang pinto. At
(Venal POV)Taimtim na iniinom ni Master Dryzen ang tsaa sa kamay niya. Habang nakatitig siya sa labas, at ang puntirya ng kanyang mga mata ay ang nangyayaring hapunan sa may terrace ng isang kilalang Five-star Hotel sa lugar. Alam kong naririnig niya ang pag-uusap.Bago pa man maging huli ang lahat hinarang ko siya kanina. Napakaraming tao sa lugar na yun, at maaring di namin matakpan ang gagawin ni Master Dryzen. Humupa naman ang inis na nararamdaman nito ng sabihin ko kung bakit kailangan harapin ni Miss Dahlia ang Grand Alpha ng mga taong-lobo, si Kai. Ang grupo lang naman nito ang iniiwasan namin.Alam ni Master Dryzen, ang tanging kakayanan ng mga taong naglilingkod sa kanya. Wala kaming kalaban-laban sa mapupusok at mababangis na mga taong lobo. Ang grupo ng Grand Alpha ay kayang patayin si Master Dryzen kapag sabay-sabay silang umatake sa kanya. Nag-iisa lang siya. Kaya naman pilit naming binabawasan ang mga t
(Venal POV)Kinuha ko naman ang tablet ko para sa susunod na gagawin ng mga assistant ko. Ang kunin si Mr. Carlo Ofemia sa hospital, at ilayo sa lugar ang kinikilalang pamilya ni Miss Dahlia, upang wala nang dahilan na takutin siya ng Grand Alpha.“Make the proper arrangement for them tonight. And make sure they wouldn’t tracked by the werewolves. At kung hindi sila pumayag, gumamit na kayo ng dahas. Basta mailayo lang sila sa tinitirahan nila.”At di ko alam kung ano ang pinaplano ni Master Dryzen para kay Miss Dahlia. Tatawagan ko na rin sana si Master Dryzen ng… si Lilith tumatawag sa akin.“Venal, kailangan mong dalhin ang babae sa Blue Mansion. Umalis na si Master Dryzen kanina.” Dahil alam niyang makukuha ko si Miss Dahlia. “Mabuti at maayos mong nagawa ang utos niya sayo.”“Ngayon ka pa talaga magtataka sa kakayanan ko Lilith.” At ang it
(Cedrick POV)Bumalik ang dalawang tauhang sumunod kay Miss Dahlia. At nabigo silang ibalik ito. Napangisi ako sa kanila. Lalo na si Master Kai. Napaluhod ito sa harapan namin, at alam kong walang magagawa ang pagluhod nila. Nabigo nila si Master Kai.“Cedrick alam mo na ang gagawin sa kanila.” Saka ko senenyasan ang mga tauhan ko na alisin sa harapan namin ang dalawang babae.Ngunit hindi ito maganda. Nakapikit ang mga mata ni Master Kai, at sinusubukan atang kontrolin ang inis na nararamdaman. Hangang sa napabuntong hininga ito.“Bakit inaabala ko ang aking sarili na makipaglaro sa isang basura? Meron tayong kailangan gawin diba Cedrick?” Binuksan niya ang kanyang mga mata at napayuko na lamang ako ng makita ko ang nanlilisik niyang mga mata.“My priority ay ang hanapin ang regalo sa atin ng magbibigay ng pagka-immortal sa atin. At pumapangalawa lang ang aking kapatid. Ida
(Dahlia POV)Biglang napakamot si Grandma. “Ah, oo nga pala bulag ako. Mauupo na lang ako sa labas. Presko pa ang hangin kesa sa loob ng bahay, na di ko man lang alam kung kanino bang amoy ang naamoy ko.” At tuluyan na nga siyang nakalabas. Napa-iling na lamang ako.Sinubukan kong tawagan si Karen par ikumpirma ang nangyari, ngunit out of coverage siya. Di ko ito makontact. Sinubukan ko din si Auntie Esmeralda, di rin matawagan. At nagmadali akong umakyat sa silid ko para nga kunin yung contact number ng hospital kung nasaan si Carlo. Isa din na di matawagan. Busy yung linya.Kinuha ko yung jacket ko at hinubad ang damit na di naman taga-rito sa bahay. Isinubsub ko sa isang paperbag, at nagbihis para umalis. Sa di ko kasi maintindihan kung bakit nangyayari to. At isa lang ang alam kong may kagagawan nito. Si Kai.Paglabas ko dala ang paperbag, nagulat ako kasi… nandidilig si Grandma.&
(Venal POV)Pinuntahan ko si Kevin upang ipaliwanag sa akin kung ano ang ginagawa pa ng matanda sa pamamahay nito. Di niya alam ang isasagot sa akin, nang dumating ang report, tinakasan sila ng matanda.“At paano nangyari?” Napa-iling si Kevin. Di niya alam at di ko rin ma-isip kung paano nakatakas ang matanda sa sasakyan sa kabila nang impossibleng makatakas ang kahit sino man. Kahit taong lobo walang nagagagawa sa ganoong klaseng sasakyan.Yung matanda lang ang nakatakas, habang yung mga kapamilya niya, mahimbing pa nga ang tulog. Sinabi nila sa akin na handa ngang tangapin ng pamilya ni Miss Dahlia ang alok, ngunit ang matanda tumangi. Hangang sa nagtanong yung dalagita, kung paraan saan daw upang gawin namin yun. Nang di kaagad ang mga tauhan ko makasagot, naghinala na sila. Magkakaroon sana ng kaguluhan, ng agad pinatulog ang mga ito. Kaya ang nangyari, talagang sapilitan ang lahat.
(Dahlia POV)“Is this Miss Dahlia Amelia Ofemia I am talking to?”“Yes?”“Good Morning, Miss Dahlia, we would like to congratulate you for passing the first phase of application here in Storm Corporation.”“Storm Corporation?” At umangat ang aking paningin sa napakataas na gusali. Kahit malayo ito sa kinakatayuan ko, kitang-kita parin ito.“Yes, you heard it clearly Ma’am. And we would like to interview you today’s afternoon, 2PM.” Saka naalala ko ang sinabi ni Karen na ipinasa niya yung resume ko sa isang malaking kompanya, at walang iba kundi ang Storm Corporation. Napatitig din ako sa card na hawak ko. At pakiramdam ko noong tinagap ko ito, parang ibenenta ko ang kalayaan na i-reklamo ang mga kagagawan nila sa amin.Kailangan ko ng pera para sa pang-araw-araw namin, ib
(Dahlia POV)Pag-akyat ko sa bus, puno na. Yun lang. Kaya nakatayo ako at kumapit na lang sa hawakan, habang yakap ko yung folder na naroroon yung ilang mahahalagang dukomento tungkol sa akin. Kapag may nakikita akong lalaki na kung makatitig sa akin mula paa hangang ulo, sinasadya kong isalubong sa kanya ang mga titig ko, kaya naman napapatitig sa malayo. Bwisit lang dahil kalalaking tao, naka-upo, habang yung matandang babae nakatayo sa tapat niya. Nagiging gentleman lang ba ang mga lalaki sa mga magaganda at bata pang babae? Mga sira ulo. Kaya sa inis ko, inapakan ko ang isang paa ng lalaki. Ako na ang amasona. Medyo nagulat siya.“Tayo.” Nang makita niya mukha ko. Ngumiti ako dito.“I-ikaw ba ang uupo Miss?” Nanatili lang akong nakangiti. Parang mala-anghel ang ngiti ko kapag sapilitan lang at may binabalak. Kala mo naman kung sinong inosente. Tumayo ang lalaki at willing talaga ibiga
(Dahlia POV)Talagang malawak ang bakuran nila, at hindi lang yun, napakaganda, malinis at halos makita mo kulay berde. Nature lover ata ang may-ari ng kompanya. Medyo kinakabahan na ako lalo na ng binuksan na ang pinto ng sasakyan at lumabas na ako. Di ko na nagawang i-angat ang paningin ko sa kalangitan dahil sumunod na ako sa dalawang babae na yung isa nagsilbing driver nito. Pagpasok ko, ang laki ng bulwagan at may distansya din ang reception desk na napakahaba. Ngunit marami din namang mga receptionist. Sobrang presko sa loob, dahil nga di biro ang pagka-istraktura ng gusali. Sa gitna ng bulwagan, naroroon ang isang dragon na gawa sa isang parang diamante. Ang mga mata nitong hinulma, feeling ko matagal ko na itong nakita… Hindi ko lang maalala kung kailan at saan.“Miss… We don’t have time.” Dahil bigla akong natigilan. Saka since nga pinasundo na lang ako, kailangan ko sumunod kaagad sa kanila.