(Dahlia POV)
Pagdating ko sa kinatatayuan ni Grandma, napayakap ako ulit sa kanya.
May kaliitan na din kasi ang katawan niya.
“Dahlia naman, wala pa akong pangkabaong para i-pain mo na ako kay kamatayan.”
Narealize na ata ni Grandma.
Napangiti na lamang ako sa kanya. Kahit hindi niya nakikita.
“Saka ayoko pang iwan ang napakaganda kong apo.”
Nambula pa ang Grandma ko.
Sa nakikita ko sa kanya masayahin naman siyang matanda. Ngunit marami ang nagsabing napaka-sungit nito noon, bago pa man niya inampon.
“Apo-apuhan po Grandma.”
“Oh sige, binabawi ko. Di ka nga maganda. Binabawi ko.”
“Sorry Grandma.” Medyo natatawa ako sa tampo ni Grandma.
“Sadyang yung katawan ko mas gugustuhin atang sagipin yung sombrero niyo.”
“Natural minsan sa tao ang kumilos na hindi nag-iisip. Ang utak Dahlia, ginagamit yan parati.”
Saka mahinang natawa sa akin si Grandma.
Matandang to, kahit ang mean, di ko parin hahayaan na mamatay na lang ng basta-basta.
Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Pinasilong ako nito sa tahanan niya, kahit di naman ako nito ka-ano-ano.
Marami ang nagsabi sa akin, na aalilain lang ako nito, ngunit marami rin ang nagkamali.
Tinuring niya akong anak higit pa sa mga apo niya.
Kaya ata nagrerebelde ang kanyang mga apo.
“Di ko alam kung sino ang nagligtas sa akin. Ano ba sila? Tao o mga nilalang na—.”
“Ayan ka na naman Grandma sa mga kathang-isip mo. Mabuti na lang Grandma mabibilis silang kumilos para saklolohan tayo.”
“Sa sobrang bilis nila parang hindi na nga sila mga tao, Dahlia.”
Si Grandma talaga. Pero malaki ang naitutulong ng kathang-isip niya sa ginagawa kong kwento. Feeling ko nga talagang magkadugo kaming dalawa.
“Ang masama Grandma, di man lang ako nakapagpa-salamat. Nasaktan ko pa ata yung nagligtas sa akin.” Napabuntong hininga ako.
“Di ko man lang nasuklian ng maayos ang pagligtas niya sa akin. Kamuntik na din siyang madisgrasya sa ginawa niya.”
At di ko naman maaring sabihin kay Grandma yung nangyari na nawala ang first kiss ko.
Saka di naman yun talaga masasabing first kiss diba?
Hangang sa muli ngang napa-berde ang traffic light.
Naglakad na kami papunta sa kabilang kalsada.
At napatakbo ng tuluyang pumatak ang ulan.
Buti na lang malapit na kami sa tapat ng bus stop. Saka nakikita kong parating na ito.
“Grandma, good timing talaga tayo.”
Ikinatigil na ng bus sa tapat namin.
Naunang nagsipasok yung ilang naghihintay din at kami itong nagpahuli.
Si Grandma lang ang sasakay.
Binati ko ang driver na siyang kilala nga ako. Kapitbahay lang namin. Dating kaibigan ni Granpa, asawa ni Grandma.
“Uncle Bert alam niyo na kung saan si Grandma i-hihinto.”
Saka binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Itinago ang takot at kaba na nangyari kanina.
Para na din kay Grandma, na bulag na nga. Kahit paano ayokong mabalot ulit siya ng takot.
Minsan ang mga mata natin ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng takot sa mundong ito. Isa ding dahilan kung bakit nalulungkot tayo. Nagiging sakim at mapanakit dahil sa nakikita.
“Aba naman di mo sasamahan ang Grandma mo?”
“Sayang naman Uncle Bert. Magiging libre pa ang isang upuan mo riyan para sa akin.”
Napakindat ako dahil nga libreng sakay ito para kay Grandma.
Napakamot si Uncle Bert sa kanyang leeg.
“Twenty minutes Grandma nasa bahay na ako. Wag kayong mag-alala sa akin.”
Paalam ko ng mai-upo ko ito ng maayos sa tabi ni Uncle Bert.
Sanay na si Grandma sa ayos naming ito.
“Oy bata ka. Wala ka pang kabaong kaya mag-iingat ka ha. Maari ka namang sumabay na ah?”
“Hindi. Alam niyo naman ang buhay manunulat Grandma, kailangan magmasid sa paligid. Pera din yun. Kapag tuluyan na nga akong naging isang sikat na manunulat. Sige na po. Naka-abala na ako masyado. Uncle Bert, si Grandma ko, ha.”
Saka lumabas na ako at napakaway na lamang sa kanila.
May ngiti sa labi ko di na nga makita ni Grandma.
Atleast marealize ng mga tao, dapat palaging ngumingiti. Kahit nagmimistulan na ngang baliw.
Di naman pinagbabawal na ngumiti diba?
Nakaalis na ang bus.
Nagsimula na din ako maglakad.
Sayang ng pamasahe ko at maari ko pa itong idagdag sa pinag-iipunan naming pambili ng lupang kinakatayuan ng teashop ng pamilya ni Grandma. Kung hindi mawawala yun na pinagkikitaan namin at pinagkukunan ng pang gastos pang-araw-araw.
Binuksan ko ang payong dahil napakalakas na ng ulan.
Malamig. Medyo giniginaw na ako.
Nang matigilan ako kasi naalala ko na naman ang nangyari kanina.
Dahlia, hinding-hindi na magkakatagpo ang katulad mo sa isang kagaya niya. Pasalamat ka na lang na nailigtas ka ng isang lalaking di niya inalala ang sarili na baka madamay pa siyang maaksidente.
Pero natigilan ako…
Plus, yung sinabi ni Grandma na ang bibilis nila kumilos. Lalo na yung lalaking parang hangin na di ko namalayan sumulpot sa tabi ko at hinila ako para maka-iwas sa paparating na sasakyan.
Ngunit talagang nakita ko na siya bago pa man mangyari ang aksidente. Malayo pa ang sasakyan nila.
Paanong agad siyang nakalabas?! At niligtas ako?
Napailing na lamang ako.
Ibang klase talaga ang isipan ko. Ang lawak ng imagination. Worst, napaka-wild.
Utak ng isang manunulat di mo talaga inaasahan na makakagawa siya ng kwentong di mo aakalain.
Dear readers,
I want to let you know, every page you read makes my heart jump in happiness. Arigato.
EVERY BEAUTIFUL REVIEW will encourage me to write more beautiful novels.
EVERY VOTE you give to me is really a treasure to my novel.
Thank you for the unconditional support you are giving to me dear readers! See yah in my different novels.
[Tagalog Complete]
[Ongoing]
Sincerely with gratitude,
Death Wish.
(Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun
(Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D
(Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin
(Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“
(Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas