(Dahlia POV)
Inaalalayan ko ang braso ng aking Grandma habang papunta sa isang bus stop. Tahimik na naglalakad ang mga tao ngunit mahahalata na nagmamadali sila.
Dahil siguro sa ulan na nagbabadya.
“May buwan ba ngayon iha?”
Tanong ni Grandma sa akin.
“Sa kasamaang palad Grandma, matatakpan na ng maiitim na ulap. Pero ang ganda ng buwan. Bilog na bilog.”
Dati rati nakikita ni Grandma ang mga nakikita ko ngayon. Ngunit dahil sa aksidente hindi na niya makita ang nasa paligid.
“Nararamdaman ko nga na parang uulan ng malakas. Malamig ang hamog na dala ng hangin.”
“Kaya kailangan niyong sumakay ngayon ng bus Grandma.”
“Paano ka Dahlia?”
Nakita ko ngang bigla nang naging walking sign yung traffic light.
Tatawid na sana kami ni Grandma ng biglang nilipad ang sombrero nitong medyo may kalumaan na din.
Bigla akong bumitaw sa pag-alalay sa kanya at hinabol ang nilipad nitong sombrero.
Ngunit nakalimutan ko na nasa gitna pala ng kalsada si Grandma.
Natigilan ako.
Sa lakas ng busina, at sagitsit ng isang sasakyan… Parang tunog ito na merong maglalaho sa aking buhay. Napalingon ako…
Si Grandma na di alam ang nangyayari sa kanyang paligid. Di niya alam kung saang direksyon siya maglalakad.
Huli na bago pa man ako makasigaw…
Nasilaw ako ng isang sasakyan na parating din sa aking kinakatayuan.
Wala talagang boses na lumabas sa aking bibig, kundi napapikit na lamang ako.
May malakas na braso na humila sa akin.
Pareho kaming dalawa natumba sa kalsada.
Umuntog ang ulo ko sa kanya at ang kamay nito na siniguradong hindi masasaktan ang ulo ko.
Mabubundol din ako kung di ako…
Kung di ako sinagip na may kakayanang gumalaw sa situation na ito.
Pakiramdam ko lumapat ang aking labi sa malambot…
Ngunit sa aking pagmulat naka-dampi nga aking labi sa nagligtas sa akin.
Nagkatitigan kaming dalawa.
Mga mata nito na di mo ma-ilarawan kung nangungulila ba o nagagalit sa mundong ito.
Saglit na tumigil ang isipan ko sa pag-iisip.
Ngunit ng bumalik ako sa realidad, agad akong bumangon. Tinignan ang direksyon ni Grandma.
“Grandma!”
Ang sumalubong sa akin ang liwanag ng mga sasakyang nagsitigil dahil sa aksidenteng mangyayari sana.
Si Grandma nakatayo na sa tabi. May mabuting loob na umalalay sa kanya.
Dahil sa takot na naramdaman ko kanina para sa kanya, tumakbo na ako dito na hindi ko man lang naalalang pasalamatan yung taong sumagip sa akin.
“Grandma.”
Yakap ko sa kanya.
Nakahinga ako ng malalim at halos namuo sa aking mga mata ang luha.
Malakas ang kabog ng puso ko. Sobra akong natakot. Nanghihina ang aking tuhod sa pangyayari.
Saka nga tuluyan nang pumatak sa pisngi ko ang aking luha.
“Ano ba ang nangyari? Nagkakagulo ba?”
Walang ideya at di ko alam kung paano ko sa kanya ila-larawan ang nangyari.
Napakalas ako sa kanya at hinarap yung lalaking tumulong kay Grandma.
“Maraming salamat Kuya. Di ko alam kung paano ko po kayo masusuklian sa kabutihan mo.”
Ngunit poker-face ang itinugon nito sa akin.
Alam kong wala na ngang libre sa mundong ito, kaya lang wala akong pera, dahilan upang pasasalamat na lang ang tanging magagawa ko.
Pero napatitig ulit ako sa mukha nito. Narealize ko lang na…
Ang bilis ng pangyayari, ngunit nagawa niya kaagad para iligtas si Grandma.
Nakapang-amerikana ang lalaki at ang mukha nito, malayong taga dito sa bansa namin. Isang foreigner. Paniguradong di niya ako na-unawaan.
Halata rin sa suit niya na tauhan ito ng mayroong kakayanang bayaran ang isang kagaya niya.
Tumalikod siya ng biglang tumunog ang nakasiksik sa tenga niya.
Saka tuluyang tumalikod at tumunog ang nakasiksik sa tenga nito. An earpiece for two-way radio, so he can receive instructions from someone.
Napatanto ko na lamang na marami ang kagaya niya sa paligid. Nagkalat sila.
Kaya naman tumawid na kami ni Grandma bago pa man kami pagkaguluhan dahil sa nangyari at magsanhi ng traffic sa kalsada.
“Habang dumadami ang mga sasakyan, lalong sisiksik ang kalsada. Magkakaroon ng maraming aksidente. Ano ba ang nangyari iha?”
Sa sinabi ni Grandma, napalingon ako sa taong tumulong sa akin. Nakalimutan ko ang tungkol sa kanya.
Ngunit likuran na lamang ang nakita ko ng tumalikod ito sa akin.
Kinaluskos nito ang puti niyang sleeve. Di pa nga kalayuan ang distansya namin sa kanya, nakita ko ang detalye ng tattoo nito sa braso.
Isang dragon.
“Grandma dito ko lang. May nakalimutan ako gawin.”
Dahil ligtas na din naman dito si Grandma. Natalikuran ko lang yung nagligtas sa akin kanina, dahil sa takot na baka anong nangyari kay Grandma. Hindi ko pa naman ugaling di magpasalamat sa mga tumutulong sa akin.
Yun na nga lang ang maisusukli ko sa mga kabutihan nilang ginawa eh. Bakit di ako magpapasalamat sa kanya?
“Ang batang ‘to, kanina pa hindi sinasagot ang mga tanong ko.”
“Mamaya po Grandma, pag-uwi natin sa bahay.”
Kaya kahit di pa nga maaring tumawid ng kalsada, pinuntahan ko ang mga nakaparadang sasakyan. nagsibalikan na ang ilang tauhan sa loob ng sasakyan.
Alam ko na may katayuan sa lipunan ang tumulong sa amin kanina. Pero kahit na… Di sa akin uso na pipiliin lang ang taong pasasalamatan. Konsensya ko pa.
Kahit sa pagtawid ko binubusinahan ako ng ilang sasakyan, patuloy akong naglakad. Pero ng dumating ako sa kinalalagyan nila… Huli na.
Tumakbo na ang mga sasakyan.
Huli kong nakita yung lalaking sumagip sa akin kanina. Muli kaming nagkatitigan.
Nang maalala kong naglapat ang labi namin kanina.
Napatuptop ako ng aking labi.
Yung h***k. Sapat na ba yun sa kanya bilang pasasalamat ko sa ginawa nitong pagligtas sa amin?
Nagising ako sa katotohanan na nasa gitna ako ng kalsada. At mauulit ang pangyayari kanina kung di ako aalis kaagad.
May parating pa naman na traffic officer, kaya binalikan ko na si Grandma.
Dear readers,
I want to let you know, every page you read makes my heart jump in happiness. Arigato.
EVERY BEAUTIFUL REVIEW will encourage me to write more beautiful novels.
EVERY VOTE you give to me is really a treasure to my novel.
Thank you for the unconditional support you are giving to me dear readers! See yah in my different novels.
[Tagalog Complete]
[Ongoing]
Sincerely with gratitude,
Death Wish.
(Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun
(Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D
(Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin
(Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“
(Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas