(Dahlia POV)
Sumilip na muli ang liwanag ng buwan. Kaya medyo natiwasay ako sa paglalakad. Nabasa ng kunti. Sana hindi ako nito sipunin.
Malapit na ako sa amin. Sinara ko ang payong. Inayos ko.
Nang natigilan ako…. Dahil parang may sumusunod sa akin.
Huminga ako ng malalim. Sa sitwasyong ito kailangan ko lang magmadali sa paglalakad.
Isang makitid pa namang iskinita ang dinadaanan ko.
At halatang tulog na ang mga nakatira sa malapit dahil ngilan-ngilang bahay na lamang ang merong ilaw.
Ang gabi, ito yung mahalagang oras para sa mga mangagawang ginagawa ang trabaho nila sa umaga.
Ito yung oras na nagkakaroon ng katiwasayan ang isipan ko.
Ngunit hindi sa ngayon.
Masama talaga ang pakiramdam ko na parang may sumusunod sa akin.
Kaya tumigil ako sa paglalakad.
Mabuti nang harapan ang kinakatakutan diba?
Pero paglingon ko sa likuran… Pagaspas lang ng hangin ang sumalubong sa akin.
Nawala ang pangamba ko.
Napabuntong hininga.
Ngunit hindi na naman ako makahinga dahil may nakita ako sa tubig na namumuo sa daanan. Yung refleksyon…. Parang may dumaang napakalaking ibon sa kalangitan. Ibon na parang ahas?
Umangat ang paningin ko sa kalangitan.
Wala naman.
Napatitig ako sa buwan na muling nagliwanag.
Guni-guni ko na naman ba?
Imahinasyon kong to. Di na ako tinitigilan.
Napailing-iling na lamang ako.
Nagpatuloy sa paglalakad. Napapalingon sa likuran ko sakaling tama ang kutob ko. Ang nakita ko kanina ay isang anino ng dragon.
Pero guni-guni ko lang talaga ata.
Ayan na naman, nadala ata ako sa kwento ni Grandma.
At tungkol sa mga dragon ang isinusulat kong kwento ngayon. Nagbabakasakali na tangapin sa isang publisher na lagi kong pinapasahan ng mga likha ko.
Ngunit paulit-ulit naman akong nakakatangap ng rejection.
Pero hindi talaga ako susuko. Alam ko sa aking sarili kung saan magaling. Di man ngayon, balang araw makikilala akong magaling na manunulat.
Sumpa ko yan sa buwan!
Buwan! Ikaw ang magsisilbing paalala sa aking isinumpa.
Tandaan mo yan! At palagi ko talagang itatak sa aking isipan.
Bakit dinamay ko pa ang buwan sa kalokohan kong to?
Nang biglang kumulog. At alam ko na ang susunod nito… kidlat!
Kaya napatakbo na ako kasi malapit na rin naman ako sa gate namin.
Isinara ko ang aking mga mata. Alam kong, kikidlat na.
Kumidlat na.
Pilit kong kinakampante ang paghinga ko.
Diyos ko po… nakakatakot naman ang kulog na yan.
At muli na namang pumatak ang ulan.
Natabunan ang buwan ulit.
Binuksan ko na ang gate. Atomatikong gumagawa naman ng ingay. Di naman highly gate ang meron kami. Sadyang pinagkumpol-kumpol lang naman na mga lata.
“Grandma! Andito na ako.”
Masaya kong bati habang inaalis ko ang aking sapatos.
Binuksan ko ang pinto.
Nadatnan kong nakatulog na si Grandma sa kanyang rocky chair. Halatang hinihintay niya akong maka-uwi ngunit tinalo na ng kanyang puyat.
Kabisado niya ang bahay, simula sa gate. Kaya kahit paano maari namin siyang iwan.
“Sumobra ka sa dalawampung minuto na paalam mo sa akin.”
Napangiti na lamang ako sa kanya. Kinuha ko ang kamay nito at napamano.
Parang hindi ko siya kasama kanina.
“Natagalan lang Grandma, kasi kailangan ko ng inspirasyon para magsulat ngayon.”
“Tss. Wala paring tatalo sa mga kwento ko.”
Yabang ni Grandma sa akin. Marami nga siyang kwento at may kwento siyang palaging gusto ko marinig. Yung tungkol sa mga dragon at lobo. Sayang lang at di na niya maaring isulat.
Kaya yung nasirang pangarap ni Grandma, ako na lang ang magpapatuloy.
Nangako ako sa kanya.
“Kwento mo nga ulit, Grandma.”
Hinuhubad ko na yung jacket ko saka isinabit sa likuran ng pinto.
Nilapitan ang fridge at tinignan kung ano ang lulutuin ko.
Maulan… Kaya mas masarap kung sinabawan ang iluluto ko. Plus, wala na akong oras dahil uuwi na mamaya lang yung dalawang apo ni Grandma. Dito din tumutuloy. Paniguradong mga gutom na yun.
Ang mga magulang ng apo ni Grandma, naninirahan sa probinsya. Pinadala sila dito para makatulong kay Grandma at makapag-aral ng maayos sa isang sikat na paaralan dito.
Nakakapag-aral sila. Napakapalad nila.
Pero nalulungkot ako. Sinasayang nila ang oppurtunidad na ibinigay ng mga magulang nila sa kanila. Sana ako na lang ang nasa katayuan nila.
Promise di ko sasayangin ang opportunity kung makapag-aral ako.
Kaya lang matanda na ako para pumasok pa sa paaralan.
Pero age doesn’t matter naman.
Ang problema talaga wala akong oras.
Kailangan ko alagaan si Grandma. Kailangan kong gabayan ito sa pang-araw-araw niya. Ako kasi ang nagsisilbi nitong mga mata.
Napakahopeless ko.
“Ano po ang gusto niyo Grandma, sinabawan na isda o prinito?”
Harap ko sa kanya na nag-eenjoy talaga ang matanda sa rocking chair niya.
Kahit medyo, nakakatakot ang tunog.
Hahaha. Di naman kasi talaga ako fans ng horror movie pero di ko mapigilan na takutin ang sarili ko.
“Makatanong naman to. Kala mo naman kumpleto pa ang aking ngipin ko sa Prinitong binigay mong choice.”
“Ah! Sinabawan! Since nga tag-ulan naman ngayon. Mabuti na din yun sa mga pinsan ko Grandma.”
Kahit di ko naman nga mga pinsan talaga.
Ngunit, pinipilit kong tawagin silang pinsan, since nga myembro na din ako ng pamilya ni Grandma, diba?
“Anong oras na ba at parang wala pa sila?”
Napalingon ako sa analog clock.
Malapit na mag alas-otso.
“Pupunta pa lang yung maliit na kamay sa seven, Grandma.”
“Mga batang yan, pinag-aaral ng maayos. Hays. Ano na ba ang mga inaatupag nila? Si Carlo? Ano ang pinagkakaabalahan niya?”
“Sus Grandma, no need mag-alala. Narinig mo namang magfo-focus na daw siya sa pag-aaral.”
“Sus. Wala akong tiwala sa batang yun. Ikaw tinatakpan mo pa sila sa akin.”
Inilabas ko na sa freezer yung isda. Ewan kung masarap pa ito sa sinabawan since di na nga fresh.
“Eh, ang karingking kong apo, si Karen? Ano ang kinakaabalahan niya?”
Medyo natawa ako sa sinabi ni Grandma.
Dear readers,
I want to let you know, every page you read makes my heart jump in happiness. Arigato.
EVERY BEAUTIFUL REVIEW will encourage me to write more beautiful novels.
EVERY VOTE you give to me is really a treasure to my novel.
Thank you for the unconditional support you are giving to me dear readers! See yah in my different novels.
[Tagalog Complete]
[Ongoing]
Sincerely with gratitude,
Death Wish.
(Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun
(Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D
(Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin
(Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“
(Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas