(Venal POV)
Naghihintay na sa labasan ang sasakyan.
Patuloy parin ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Pumasok na si Master Dryzen sa sasakyan matapos pirmahan nito ang dokumento na kailangang bayaran sa auction na ito.
Sa tabi ng driver niya, ako naupo.
Nakita ko sa salamin na isinandal ni Master Dryzen ang ulo niya sa upuan.
Ipinikit ang kanyang mga mata.
Impossibleng wala siyang gagawin.
O kagaya din ito kanina, tungkol sa babaeng iniligtas niya. Papalipasin ng ganoon kadali.
Siguro… Oras na ata para kumalma na din ako.
Ngunit nagkakamali pala ako.
“Stop the car.”
Agad ikina-preno ng sasakyan.
“Give it to me.”
Alam kong ako ang pinagsasabihan niya. Kaya inilabas ko na lamang ang tablet kung saan naroroon ang impormation tungkol sa negosyante kanina.
Napangisi siya matapos basahin ito. Saka pasipang binuksan ang pinto ng sasakyan.
Sa isang iglap nawala ito sa aming paningin.
Lumabas din ako at mga tauhan niya.
Agad akong napa-konect sa base namin kung saan naroroon ang tauhan ko at tina-track nila ang bawat kilos ni Master Dryzen.
Nalalaman ng team kung nasaan si Master Dryzen, sa tuwing nawawala na lang itong bigla.
Dahil kapag hinayaan namin na gumawa ng gulo ang dragon na yun, kami lang naman ang mapaparusahan ng deity. Siyang nangangalaga ng kapayapaan sa mundong ito.
“His location?”
“Data transfer to your system, Sir Venal.”
Saka ko tinignan ang tablet ko.
Bumalik ako sa loob ng sasakyan.
Di nga ito maganda.
Papunta si Master Dryzen sa lugar kung nasaan ang negosyanteng hinayaan niyang matalo siya.
Tss. Malaki naman ang chansa niya na ipanalo ang item diba?
Bakit niya hinayaan?
Sinasabi ko na nga ba hindi niya papalampasin ang pangyayaring to.
O baka nakikita niyang bagong laruan ang mayabang na matabang negosyante kanina?
Saka di talaga maganda kapag palagi na lang nanalo.
He knows the next target.
He is that greedy.
The wealth of the businessman.
Nakarating kami sa bahay inuman na ang kinikilala lang mga mayayaman sa lipunan.
Nagkalat ang tauhan ng ilan. Ngunit alam kong wala sa loob si Master Dryzen… Nasa kagubatan.
Naririnig ko sa malayo ang pagkaladkad niya sa negosyante.
Nagmamakaawa na ito sa kanya.
Ang pagaspas ng dahon at patak ng natitirang ulan…
Napapikit na lamang ako, ng marinig ko ang hiyaw ng kawawang nilalang.
Napabuntong hininga ako ng iminulat ko ang aking mga mata.
Napatango ako sa mga tauhan ko.
“Do the clean-up operation.”
Mga tauhang maglilinis ng krimen na ginawa ni Master Dryzen.
Natagpuan ko si Master Dryzen na hawak ang isang singsing.
Pinakita niya sa akin. May ngiti sa labi at ang kamay nito duguan. Di ko na nagawa pang tumitig sa biktima niya.
Yung singsing ba ng negosyante ang dahilan kung bakit hinayaan niyang makuha ang huling item sa auction?
“Do you think, ito na singsing na hinahanap natin?”
Di ko alam ang isasagot ko.
Oo, kaya mahalaga sa kanya ang mga bato, dahil ito lang ang susi para makabalik siya sa mundo. Katapusan na ng parusang ibinigay sa kanya ng nakakataas.
Isinuot ni Master Dryzen sa daliri niya ang singsing.
Naghintay kami… pero walang nangyari.
Napa-ismid ulit siya at natawa sa sarili.
Hangang sa narinig kong, mahina itong napamura. At sa isang iglap ulit nawala na naman siya sa harapan ko.
Na-iwan ang singsing at ang bangkay ng isang tao.
Napalapit ako dito.
Napa-iling ako.
Isinuot ko ang gloves saka isinara ang mga mata nito. Saka ibinalik ang singsing na siyang dahilan ng pagkamatay niya.
Di ko alam kung ano ang gagawing kwento sa nangyaring krimen. Pero may tiwala naman ako dahil magagaling ang tauhan dito ni Master Dryzen.
At di naman ako kukuha ng mga tao na siyang ikakalagay namin sa panganib.
Sa pagpasok ko sa sasakyan na naghihintay, wala si Master Dryzen. Kinumpirma ng isa na hindi ito nagpakita sa kanila. Napatingala na lamang ako sa kalangitan. Ang liwanag ng buwan muling sumisilip sa ulap.
Ungol ng mga taong-lobo ang naririnig ko sa paligid.
Ang mga lahing nagbabadyang papatay kay Master Dryzen, kapag nalaman nila kung sino nga ba ito.
Tagu-taguan. Maliwanag ang buwan…
Kailangan na ilihim at itago ni Master Dryzen ang kanyang pagkatao.
Tinignan ko muli ang tracker.
Alam ko na malalim na naman ang iniisip ni Master Dryzen.
Bata pa ako, alam ko na ang drama niya sa kanyang buhay. Ang hangad lang naman niya mahanap ang susi at makauwi sa kanyang mundo.
Hindi ito ang tahanan niya. Alam niyang hindi siya nabibilang sa mundong ito.
Sa katagal-tagal na pananatili niya sa mundong ito. Nangungulila siya sa iniwang minamahal sa mundo nila.
Dinala kami ng sasakyan sa gusali na pamamay-a*i ni Master Dryzen.
Napakataas. Sa gusaling ito, itinatago ni Master Dryzen ang kanyang pagkatao.
Uulitin ko, ang mundong ‘to ang nagdudusa sa mga ginagawa niya. Binabalik ang parusa mismo sa mga naninirahan dito.
Naghihintay kami sa may rooftop. Parating na siya.
Naghihintay ang chopper na siyang magdadala sa kanyang pamamahay.
At nagsiyukuan kaming lahat ng maramdaman namin ang kanyang aura.
Umangat ang paningin ko.
Nakatitig na ako ngayon sa harapan ng nilalang na mas pinili atang mapag-isa. Sa kabiguan na mahanap ang matagal nang bagay na gusto niyang mahawakan.
“Is that key really existed? O sadyang pinaglalaruan lang nila ako!”
Sa may distansya biglang malakas na kumulog at sinundan ng nakakatakot na kidlat.
Di ko na ata kailangan sumagot.
Napasenyas na lamang ako sa tauhan na may dala ng roba niya. H***d na naman kasi ito. At lahat ng babaeng makakakita sa kanya ay mababaliw sa anyo niyang ito.
Nang ma-isuot sa kanya ang roba, agad na inilahad ko ang naghihintay na chopper.
Ang tirahan niya, ang tinaguriang Blue Mansion.
Usapan na ang nakatira talaga ay isang dragon.
Dear readers,
I want to let you know, every page you read makes my heart jump in happiness. Arigato.
EVERY BEAUTIFUL REVIEW will encourage me to write more beautiful novels.
EVERY VOTE you give to me is really a treasure to my novel.
Thank you for your unconditional support you are giving to me dear readers! See yah on my different novels.
[Tagalog Complete]
[Ongoing]
Sincerely with gratitude,
Death Wish.
(Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun
(Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D
(Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin
(Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“
(Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas