(Dahlia POV)
“Grabe naman kayo Grandma. Syempre nag-aaral din yun ng maayos. Nagpaalam yun sa inyo na gagabihin siya kaninang umaga. Pustahan tayo Grandma, agad yun uuwi.”
“Sus Dahlia. Wag mong pinagtatakpan yang mga pinsan mo. Meron pa akong tenga. Bulag lang ako.”
“Grandma, relaxs.”
Isinuot ko ang apron saka kinuha ko ang kutsilyo.
Hiwa mode na sa mga sangkap.
“Kwento niyo na lang ulit sa akin yung lagi niyong kinukwento. Kasi, hindi ko naman pina-plagiarized ang imagination niyo. Yan kasi ang subject ko sa sinusulat ko ngayon Grandma. Dragon. Malay niyo, dream come true na tayo! Sikat nang manunulat ang apo niyo!”
Pero mas pinili ni Grandma na manahimik na lang.
Okey.
Wala ata si Grandma sa mood ngayon, plus baka gutom na din.
“Dahlia…”
“Grandma.” Binuhay ko yung stove.
“Ang kinukwento ko sayo hindi isang kathang isip lamang.”
Medyo napangiti ako sa sinabi ni Grandma.
“Alam mo Grandma, kung ganyan ang paniniwala ng isang writer, talagang marami siyang mahuhuling mambabasa. Share mo nga Grandma ulit.”
“Tss. Sira ulo ka Dahlia. Binabalaan kita.”
“Kwento ka na Grandma. Makikinig ako.”
Napabuntong hininga ito.
Para hindi rin siya ma-bore sa kakahintay.
“Of the present age… Ngayon Dahlia. Ngayon yan.”
“Oo, mas maraming magbabasa na gustong basahin yung modern kesa Mandeville times pa, Grandma. Gusto nila modern. Yun na ang modern ngayon.”
Ulit ko.
Baga naiwan na nga talaga siya ng panahon.
Alam niyo na ang mga matatanda. Memories nila ang mga pinagdaanan sa panahon nila.
“Dragons and werewolves have hidden their wings and fangs. Blend in the human society without knowing by a weak creature like us.”
“Porque ba Grandma wala tayong superpower? Grandma naman eh. Gawin mo naman may power yung mga tao. Kunwari nakaka-lipad. Ganoon.”
“Tsk. Sinisira mo lang Dahlia ang kwento ko.”
“Hehehe. Ako ang first critics mo Grandma.”
Nahiwa ko na ang kamatis, bawang, at sibuyas. Tinignan ko ang kumukulong tubig.
“Dragons are now the rich and charming CEOs, while werewolves are the dangerously handsome gangsters.” Napatango ako. Lagi naman ganoon talaga.
Kung sino pa ang nakaka-angat sila pa ang may mga superpower.
Superpower kung paano mandaya, mangurakot at magtanim ng takot sa mga mahihinang nilalang kagaya na lang ng mga tao.
Yung mga ganyang tao kasi…
Mga hayop na sila. Buwaya at tusong unggoy.
“The great war between the two races has lasted for centuries. Blood has been shed on both sides. The knot of hate is strong and unbreakable.”
See. Magaling talaga yan si Grandma manahi ng kwento. Kaya di ako nagtataka na nangaling ako sa pamilya niya.
“Dragons are powerful and protected by magic. One fully-grown dragon can easily eliminate a dozen werewolves.” Nakita kong napasuntok pa si Grandma at napasipa.
Hahaha. Feel na feel ni Grandma ang pagiging narrator ng kwento niya.
“However, their numbers are much fewer, as a dragon is not a productive race. Their shapeshifting is also restricted since the dragon form is too big and will arouse unnecessary attentions.”
Ahahaha. Mapapalakpak talaga ako Grandma kapag nakakita ako ng totoong dragon.
Ngunit kathang isip lang naman sila. Kagaya ng ilang superhero. Example si Superman, Batman at iba pang kasama sa league ng superheroes.
“As individuals, werewolves are not as strong and not favored by magic, but when in great number, they can still rival a dragon. The restrain on their shifting is much lifted, which makes them the perfect assassins.”
Maganda din ang pagka-plot ni Grandma ng kwento niya. At yung feeling nito kala mo naman na witness ni Grandma ang existence ng mga dragon at taong lobo.
Mapapa-iling ka na lang talaga sa kanya.
“Humans, tayo Dahlia.”
“Syempre. The weak creature.”
“Wag mong minamaliit ang tao Dahlia. Minsan sila ang susi para magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga makapangyarihang nilalang. Balik tayo sa kwento. Tayong mga tao, we stuck between the two races, are largely unaware of the fight. Di natin alam na may kahiwagaan silang ginagawa. However, they are not to be underestimated. They will show their true selves sometimes.”
Dinaig pa niya si Shakespeare nang mapatayo na ito at nakaharap sa akin. Di naman niya ako natitigan ng maayos.
Hitsura ni Grandma, nakakatakot talaga siya. Ngunit alam kong maganda ang puso niya. Dahil inampon niya ako.
Sana nga naging manunulat na lang si Grandma, pero alam ko na boung buhay niya binuhos nito ang oras sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo ng kanyang pamilya. Yung cafe na matagal na ngang nagseserbisyo, ilang henerasyon na ang nagdaan.
“Grandma…” Tinikman ko ang sinandok kong sabaw. Masarap.
Ang galing ko talaga.
“Tikman mo. Masarap yung timpla ko!”
Dear readers,
I want to let you know, every page you read makes my heart jump in happiness. Arigato.
EVERY BEAUTIFUL REVIEW will encourage me to write more beautiful novels.
EVERY VOTE you give to me is really a treasure to my novel.
Thank you for the unconditional support you are giving to me dear readers! See yah in my different novels.
[Tagalog Complete]
[Ongoing]
Sincerely with gratitude,
Death Wish.
(Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun
(Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D
(Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin
(Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“
(Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas