(Yuki POV)“Hay naku, mabuti nga nakuha ko pa ito, kahit may damage na. Ang sabi nila napakaganda daw ng nobelang ito.” Narinig ko, at ng lumingon ako sa nagsasalita, palabas na ito sa bookstore, dala-dala ng babae ang isang libro na kagaya ng librong ipinadala ni Mr. Owen sa akin. Yun ang libro na ang may akda ay ako, pero hindi naman ako ang nagsulat.Tss. Talagang bumenta sa publiko.“Ubos kaagad ang stock ng ibang bookstore, kagaya ng dito. Talagang pinag-aagawan.” Huling narinig ko bago nakalabas ang dalawang babae.“Sayang naman, hindi tayo nakaabot.” Muling may dumaan sa akin. “Ang sabi, yang si Miss Yuki, muling gumaling na naman sa pagsusulat. Nakita mo naman ubos kaagad yung stock. Sa laki ng demand, ang mahal ng libro, pero ubos kaagad. Napakaganda ata talaga ng librong yun.”“Ako sis, medyo hindi kumbinsado. Kasi yung latest niyang libro hindi maganda. Kailangan pa bayaran yung mambabasa para basahin yun. Hindi kaya yang librong tinatangkilik ngayon ay binili lang niya sa
(Yuki POV)“Hindi ito maari, pati synopsis… At ang pangalan ng mga karacter sa kwento ay pareho.” Angal niya. Dismayado ang mukha niya.“Bakit hindi mo basahin ang nilalaman? Baka coincidence lang.”Hindi niya ako sinagot kundi kinuha ang gamit niya, at aktong aalis ng bigla kong pinigilan ang braso niya. Napalingon siya sa akin. Ngumisi ako.“Baka nais mo munang mag-usap tayong dalawa.” Saka ko inalis ang salamin, at ngumiti sa kanya.Nanlaki ang mga mata ni Dahlia.“Ikaw si…”“Shhhh.” Mahina kong alo sa kanya. Linapit ko ang aking labi sa kanyang labi at binulong ang pangalan na nais niyang kumpirmahin kung sino ba talaga ako.“Alexandra Steel. Ang paborito mong manunulat, hindi ba?”At saka ko ibinalik ang aking salamin bago pa man may makakilala sa akin.“So, gusto mo bang basahin yan, habang nagkakape tayong dalawa?”(Dahlia POV)Hindi impossibleng sumakit ang binti ko dahil sa maghapon na tinignan ko ang kondisyon ng mga halaman. Sa laki pa naman ng gusali nang kompanya, talagan
(Dahlia POV)'“Willing naman si Master Dryzen na matikman ang mga paborito mong pagkain, kaya ipagluto mo na lang siya ng mga paborito mo.”Nakatitig ako sa suitcase ni Sir Venal kung nasaan ang libro.“Yang libro, kailangan kong basahin yan ngayon. Wag mag-alala ako parin ang maghahatid sayo pauwi mamaya.”Nais ko magsalita, kung maaring hiramin ko ang isang kopya ng libro, pero sinarhan na ni Sir Venal ang case, at napangunahan na ako ng hiya.Nang nasa kusina na ako, talagang gumugulo sa aking isipan ang tungkol sa librong yun. Ang tanong nasaan na nga ba ang manuscript ko?Sa tingin ko kailangan ko tangihan ang kagustuhan ni Master Dryzen na saluhan ko siya sa hapunan. At habangWala pa si Sir Venal, minadali ko ang pagluluto ko. Dalawa sa mga paborito kong putahe.Pasensya na talaga Sir Venal, ang hapunan kasama si Master Dryzen ay hindi ngayon ang aking priority. Talagang gumugulo sa aking isipan ang tungkol sa libro at hindi matatahimik ang loob ko nito.Hindi na nga ako makak
(Dahlia POV)Para makatakas sa kanya… Sa kumulo kaagad ang aking dugo dito…“Andito si Miss Yuki Carter!” Sigaw ko at itinuro ko ang babaing nasa harapan ko. Kaagad ko naman nakuha ang attention ng karamihan, kaya naman kaagad na sinugod siya.Lumayo naman ako, at ang mga mata ni Yuki ay naiinis sa ginawa ko.Tss. Isa siyang magnanakaw kung sakaling tama ang hinala ko.Nakita ko ang biglang pagdagsa ng mga lalaking naka-uniporming itim. Hindi ko makakalimutan ang gabing yun na ang uniporme nila ay katulad sa mga tauhan ni Kai Carter.Tumakbo ako palayo, at napadpad ako sa isang parke. Parke na may malalaking fountain at sinasabayan ng mga makukulay na ilaw.Napabuntong-hininga ako na napaupo… Ipinikit ang mga mata. Sumasakit ang tiyan ko. Senyales na hindi ako natutuwa sa natuklasan ko. Darating ba sa punto na makikipagtalo ako sa paborito kong manunulat? Na isa siyang magnanakaw? Ninakaw niya ang manuscript ko at inilathala sa pangalan niya?Nilakasan ko ang aking loob na kunin ang
(Secretary Venal POV)Tahimik na kumain si Master Dryzen, tipong ninanamnam niya bawat subo. Talagang nagugustuhan niya ang niluluto ni Miss Dahlia. Hangang sa hindi ko namalayan, naubos niya ang lahat na nakahandang pagkain. Napapunas ito ng bibig, at napasandal ng likuran sa upuan. Tinitigan ako, na kaagad ko naman ikinayuko.Muli siyang napangisi.Sa totoo lang kinakabahan ako kapag ganito siya.At sa pagbukas ng kanyang bibig, hindi ko inaasahan na nakarating na sa kanya ang isang maselan na impormasyon. “The One Who Own the Deadly Gazed, sa tingin ko nabasa mo na ang laman ng librong yan.”“Master Dryzen…” May gulat sa aking boses, at ang puso ko biglang bumilis ang pagtibok.“Nais kong makilala ng personal ang nagsulat ng librong yan.”Napapikit muna ako, bago ko inangat ang paningin ko sa kanya.“Gumagawa na ako ng paraan Master Dryzen. Kaya lamang kumplikado ang lahat. Ang nagsulat ng libro ay ang kapatid ng Grand Alpha. Hindi ko kaagad maihaharap sa inyo ang nagsulat ng kw
(Dahlia POV)“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakamataas na autoridad ay walang kalaban-laban kay Master Kai. Ngayon ko lang napagtanto, wala ka talagang ideya kung sino ang kinakalaban mo.”Ako na ang biglang ngumisi, at hinila ang collar ng damit ni Cedrick since di ako natutuwa sa ginagawa niya.“Oo, alam ko. A
(Dahlia POV)“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala nakatago ang kanyang sungay, halimaw na hindi mo aakalain. Isa pala siyang magnanakaw.“Ayan, mauupo ka lang din pala, pinahirapan mo pa ako.” Pangiti niyang sabi at nanatili ang dalawang katulong sa may likuran ko. “Sa t
(Dahlia POV)“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang maayos pa akong nakikipag-usap sayo. Ikulong niyo ang babaing yan! Hindi siya bibigyan ng pagkain o inumin sa loob ng tatlong araw!”“Krimen ang gagawin mo.”“Anong paki ko? Sa tingin mo ba may hustisya ang isang kagaya mo sa lipunang ito? Wala. Iku—.” “Aking kapatid, anong problema ni Miss Dahlia sayo?” Sabat ng isang boses na matikas, ngunit pami