(Dahlia POV)“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakamataas na autoridad ay walang kalaban-laban kay Master Kai. Ngayon ko lang napagtanto, wala ka talagang ideya kung sino ang kinakalaban mo.”Ako na ang biglang ngumisi, at hinila ang collar ng damit ni Cedrick since di ako natutuwa sa ginagawa niya.“Oo, alam ko. A
(Dahlia POV)“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala nakatago ang kanyang sungay, halimaw na hindi mo aakalain. Isa pala siyang magnanakaw.“Ayan, mauupo ka lang din pala, pinahirapan mo pa ako.” Pangiti niyang sabi at nanatili ang dalawang katulong sa may likuran ko. “Sa t
(Dahlia POV)“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang maayos pa akong nakikipag-usap sayo. Ikulong niyo ang babaing yan! Hindi siya bibigyan ng pagkain o inumin sa loob ng tatlong araw!”“Krimen ang gagawin mo.”“Anong paki ko? Sa tingin mo ba may hustisya ang isang kagaya mo sa lipunang ito? Wala. Iku—.” “Aking kapatid, anong problema ni Miss Dahlia sayo?” Sabat ng isang boses na matikas, ngunit pami
(Dahlia POV)“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangihan yung paghatid-sundo niya sa akin. Nakakahiya na kasi at parang dumagdag pa ako sa trabaho niyo. Promise, kaya ko na po ang aking sarili.”“Ipagpapatuloy ko parin Miss Dahlia ang utos ng boss natin sa akin. Ngunit sa ngayon, sakay na at ihahatid kita sa inyo.”Alam ko naman na hindi niya tatangapin ang pagtangi ko, kaya tahimik akong sumakay na lamang at nagpas
(Dahlia POV)Basang-basa na ang aking pisngi ng luha. Sa pagpara ko ng Taxi, at ng maupo ako, parang nais kong lumipad kaagad ito sa bahay.At ng malapit na kami, dinig ko nga ang malakas na sirena ng bombero. Nang maging malinaw na sa paningin ko ang nangyayari, malakas ang apoy. Nahihirapan ang bombero na maapula ito. Nilalamon na nito ang kabuhuan ng bahay namin.Sobra akong nanghihina, upang mapaupo na lamang ako sa tabi. Tahimik na napaluha. May nais makipag-usap sa akin, pero nanatili akong tahimik.Hangang sa naapula na nga ang apoy. Ano pa ba ang matitira sa bahay namin kung yari ito sa kahoy? Labis na nadudurog ang puso ko sa aking nakikita.“Kamuntikan na din maabot ang bahay namin sa sunog na yun Dahlia. Hay naku. Mabuti at wala kayo riyan ng grandma mo. Ngunit balita ko, sumabog na oven ang dahilan kung bakit nagkasunog sa inyo. Nakaligtaan mo ba na bulag ang Grandma mo at hayaan siyang maiwan mag-isa. Tsk. Kawawa namang matanda.” Galit na sinabi ng ale sa akin. Dahil nga
(Dahlia POV)Nang maimulat ko ang aking mga mata, may naririnig akong boses, at yun si Sir Venal. Luminga ako sa paligid at nasa isang silid ako. Hangang sa nakuha ng attention ko ang lalaking nakatayo sa may Veranda, at may kinakausap sa kabilang linya si Sir Venal.Maliwanag na sa labas, ibig sabihin umaga na.Napalingon sa akin si Sir Venal, at bago pa man ako makabangon sa higaan, kaagad siyang pumasok at nilapitan ako.“Miss Dahlia, magpahinga na muna kayo.” Pigil niya sa akin.“Anong nangyari?”“Nawalan kayo ng malay. Over fatigue kaya kailangan niyo na munang magpahinga.”“Si Grandma?”“Sa ngayon kailangan ko ng opinion niyo, kung hahayaan niyo na maidala ang iyong abuela sa mas maayos na hospital.”“Hindi parin siya nagkakamalay?” Malayong sagot ko sa sinabi niya.Napabuntong-hininga si Sir Venal. Napa-iling, ibig sabihin hindi pa nagigising si Grandma.“Kailangan ko puntahan si Grandma.” Susubukan ko sanang bumangon ulit ngunit pinigilan ako ni Sir Venal.“Hayaan niyo na mana
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)Nang magising ako, may nalaglag na kumot sa aking balikat. Napatitig pa nga ako. Kinuha ko ang kumot, at nais kong tanungin kung sino ang naglagay noon sa akin, pero di ko na ata kailangan magdalawang-isip. Natitiyak kong si Sir Venal ang may gawa noon.Bumukas ang pinto, at nakangiting lumapit ang dalawang assistant na may dalang paperbag.“Miss Dahlia, hetong mga damit ang nahanap namin para makapagpalit kayo. Baka kasi magkasakit kayo kapag hindi pa kayo nakapagpalit ng damit.”“Ah, nag-abala pa kayo. Ako na ang bahalang—.”“Tangapin mo na yan Dahlia.” Sabat ng pumasok, at si Madam Lilith. Kaagad akong napayuko dito. “Magpapalit ka ng damit o gusto mong magkasakit. Anong pipiliin mo? Asa ka namang may damit ka pa sa bahay ninyong nasunog. Magpalit ka na ng damit.”Wala akong nagawa kundi tangapin ang ilang paperbag na ang halos laman mga damit nga. “Maari ko bang tangapin yung pamalit ko lang ngayon?”“Aba, ang arte. Lahat yan branded, at wag kang mag-alala hindi ka na