Share

52. Makipagkita kay Drake

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2025-08-17 00:12:26

Parang hindi mapakali si Roselynn sa upuan niya. Kahit anong i-type niya, mali-mali, at halos puro erasure na ang nasa dokumentong ginagawa niya. Ramdam niya ang init ng pisngi niya, at mas lalo lang siyang nainis dahil alam niyang si Asher ang dahilan.

“Focus, Roselynn. Trabaho lang, trabaho lang,” paulit-ulit niyang bulong sa sarili.

Ngunit kahit anong gawin niya, hindi mawala ang bigat sa dibdib. Ang mga salita ni Asher kanina—na siya mismo ang gustong umako sa sakit niya—parang nakaukit na sa isip niya. Sino ba ang taong ito para sabihing kaya niyang pasanin ang bigat na matagal na niyang tinatago?

Muli niyang kinuha ang cellphone. May unread messages pa rin mula kay Drake. Hindi niya binuksan. Ramdam niya ang panginginig ng kamay niya, hindi dahil sa galit, kundi dahil sa isang uri ng takot. Takot na baka hindi na si Drake ang una sa puso niya.

Mula sa kabila ng mesa, biglang nagsalita si Asher. “Hindi mo ba balak sagutin?”

Natauhan siya. “Ha?”

“Yung cellphone mo. Kanina pa nagvi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   113. Umalis si Drake

    Habang natutulog ang dalawang bata sa magkaibang kama, nagtungo sina Roselynn at Becky sa may sofa sa gilid."Alam mo bang umalis na si kuya kahapon?" bungad ni Becky sa kanya."Ha? umalis? hindi man lang siya nagpaalam sa akin?" gulat na sabi ni Roselynn.Kahit masama ang ginawa ni Drake sa kanya, hindi niya maitatanggi na malaki din ang naitulong nito sa kanila at sa pagkakaligtas sa kanyang mga anak. Alam niya na hindi ipapahamak ni Drake ang mga inosenteng bata."Nahihiya siya sayo.. isa pa, alam ng mommy at daddy ko ang nagawa niya, at humihingi sila ng tawad. Wala na namang problema kay Kuya, may pera naman siya, at plano na ulit niyang mag aral. Kaya hindi mo na siya kailangang hanapin. Isa lang ang hiling niya.." wika ni Becky."Ano?""Wag mo na daw siyang hahanapin.."Masakit para sa kanya, na naputol ang relasyon nila ni Drake. Maaaring hindi niya ito mahal, subalit sumugal ang lalaki sa kanya. Nais sana niyang bigyan ng pagkakataon ang pagsasama nila noon, pero nagkaaberya.

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   112. Hinagpis

    Nagtilian ang mga tao ng masaksihan ang malagim na trahedya. Ang masayang musika ay napalitan ng nagkakagulong sigawan, basag na basag ang katahimikan ng gabi. Huminto ang auction, nahulog ang martilyo ng auctioneer, at ang mga ilaw na kanina’y nakatutok sa entablado ay tila naging malupit na spotlight ng isang trahedya.“Diyos ko…” mahina ngunit nanginginig na bulong ni Helen, habang napaupo siya sa upuan, tila nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Namutla si Mildred, hawak pa rin ang baso ng alak, ngunit nanginginig ang kanyang kamay. Sa unang pagkakataon, nawala ang yabang sa kanyang mga mata—napalitan iyon ng pagkabigla at takot.Tumakbo ang mga pulis patungo sa riles. May sumigaw na huminto ang tren, ngunit huli na ang lahat. Ang tunog ng bakal na humahagod sa bakal ay parang sigaw ng kamatayan na tumusok sa pandinig ng bawat nakasaksi. Ang ilan ay napaiyak, ang iba’y napatakip ng mata, at may mga napatigil na lamang, hindi malaman kung ano ang kanilang nararamdaman.“Mommy…” p

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   111. Pasaring

    "Maldita talaga ang Mildred na yan.." bulong ni Susana kay Helen. "Kahit kailan, hindi na ibinagay sa event ang kanyang outfit.. Feeling ko, ang nais niya palagi ay maging center of attraction.""Baka center of distraction. Mayaman siya, kaya kailangan natin siyang pakisamahan.." ganting bulong ni Helen, "Wag kang mag-alala.. sisiguraduhin nating mauubos niya ang salapi niya dito..""Ang talas kasi ng dila, nakakinis!" gigil subalit puno ng composure na wika ni Susana. "Parang palaging bagong hasa..""Sinabi mo pa.. alam mo naman yan, yumaman lang dahil kay Andong.. sa kasamaang palad, itinuring na lucky charm ng pamilya, lumaki tuloy ang ulo.""True.. hindi kagaya natin na likas ng mayayaman kaya pino kumilos. Ewan ko ba, talagang money can't buy class..""Class picture lang," nagakatawanan silang dalawa dahil sa sinabi ni Helen.Habang nag-uusap sila, lumingon si Susana sa auction stage. Nakita niya si Mildred na abala sa pagbibigay ng mga bid, tila walang pakialam sa ibang tao. Sa

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   110. Event

    SA isang gala nights!Naghanda ng isang auction si Susana. Para na rin maligtas siya sa gulong kinasasangkutan niya. Hinihintay na lang niya ang tawag ng kanyang mga tauhan upang mag update sa kalagayan ng kambal.Kasalukuyan silang nagsasaya ng kanyang mayayamang amiga.Wala sa kanyang hinala, na may aberyang naganap. Hindi siya nagbubukas ng telepono kapag nasa gala, dahil mas priority niya ang makaattract ng mga negosyanteng maaaring makasama sa negosyo.Kapag namatay ang mga anak ni Asher, sigurado siyang masisiraan ng ulo ang lalaki, at ang kanyang biyenan, ay ilalagay niya sa home for the aged hanggang bawian ng buhay.Dahil doon, tanging ang anak niyang si Simon ang may karapatan sa lahat ng kayamanang mayroon ang pamilyang Andrade!Masaya ang buong event hall.. bumabaha ng pagkain, naghahalo ang mamahaling amoy ng perfume at ang amoy ng mamahaling alak.Ang mga bisita ay kanya kanyang umpukan, at yabangan ng mga alahas na nakasabit sa kanilang mga braso at leeg.Maraming nagdo

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   109. Siya ang mommy mo

    “DADDY…” halos sumigaw si Roselle nang makita ang ama. Ang boses niya’y nanginginig, halo ng takot at pananabik. “Bakit po umiiyak si Miss Rosie?” tanong niya sa maliit na boses, habang nakatingin sa sekretarya ng kanyang ama.Lumapit si Asher, tahimik ngunit mabigat ang bawat hakbang, at hinawakan ang maliit na kamay ng anak. “Anak…” ang tinig niya’y puno ng lungkot at pagsisisi. “Anak… siya ang— siya ang mommy mo…”Tumigil si Roselle sa paghinga. Nakatitig siya, parang hindi makatanggap ng katotohanan. Totoo ba? Ang sekretarya ng kanyang daddy… ang babaeng palaging nakangiti, laging mahinahon… siya pala ang mommy niya? Paano nangyari iyon? Bakit hindi niya ito nalaman noon?Hinawakan ni Asher ang kanyang mukha, pinatingkad ang bawat salita. “Walang kasalanan si mommy sa paghihiwalay niyo. Hindi niya alam na nag-eexist kayo… Ako, ako ang nagkamali. Matagal ko na pinagsisisihan, pero hindi ko na nahabol ang lahat. Nakaalis na siya ng bansa noong mga oras na iyon…”Napahinto si Roselle

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   108. Paglayo ni Drake

    HABANG nakahiga sa kama si Roselle, si Roselynn ay nakahawak sa maliliit na kamay ng bata. Nais niya ipadama dito ang init ng kanyang pagmamahal. Ayaw niyang bigyan ang sarili ng pagkakataong bitawan ang bata.Patuloy ang kanyang pag iyak.Dumating sina Simon, Becky at Drake. Nakita nila ang kaawa awang lagay ng bata."Kumusta daw si Eli?" tanong ni Simon."Tinatahi na ang kanyang sugat." si Asher iyon. "Nabaril siya habang papatakas.""Oh my God!" natutop ni Becky ang kanyang bibig matapos marinig ang sinabing kalagayan ng bata."Matapang talaga si Eli.." huminga ng malalim si Simon, "wag kang mag alala kuya, sisiguraduhin kong mapaparusahan si mommy. Hindi ko kayang tanggapin na maaatim ng kanyang konsensiya na manakit ng mga inosenteng bata.""Salamat naman, Simon, at hindi mo pinapanigan ang mommy mo.." sabi ni Asher."Kuya, ikaw ang nagturo sa akin, na kapag mali, wag nating piliting tuwidin ang naging baluktot. Tama lang na malaman niya, na walang kama kamag anak kapag nagkasala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status