로그인"Eli.. natatakot ako.." ang tinig ni Roselle ay talagang tinig ng isang batang nawawalan na ng pag asa, "gutom na gutom na ko.. ayaw tayong pakainin ni Lola..""Wag kang kakain ng ibibigay niya.. baka mamaya, lasunin niya lang tayo.." bulong ni Eli, "isa pa, wag kang matakot, hindi kita pababayaan.." niyakap niya ang umiiyak na kapatid.Para sa isang limang taong gulang na bata, si Eli ay mas matured mag isip. Kuhang kuha niya ang ugali ng ama, na parang isang matanda.Ayaw niyang kakaawaan siya ng iba, at ayaw niyang magmukmok lang sa isang tabi at hintayin na lang ang kanyang kamatayan.Para sa kanya, kung hindi ka lalaban at magpapatalo ka na lang, wala kang silbi sa mundo!Iniikot niya ang kanyang mga mata sa paligid, at nakakita ng isang ref.Binuksan niya iyon. Kahit paano, buhay naman pala ang ref, at maraming tubig na selyado pa. Subalit hindi siya nagtangkang kumuha ng isang inumin. Para sa kanya, sa lugar ng isang kaaway, walang safe kainin, o kahit tubig na inumin."Wow! ma
"Lola Susana.. bakit po kayo nagagalit sa amin?" tanong ni Roselle saka lumapit sa matanda, "hinahanap na po kami ni Daddy, sigurado po iyon..""Heh!" singhal ni Susana saka marahas na itinulak ang bata, dahilan upang matumba ito. Nagmamadali namang lumapit si Eli sa kapatid saka inalalayan itong makatayo.Umagos ang luha ni Roselle, saka yumakap sa kakambal, "Eli.. baka nag aalala na sina daddy sa atin.. kailangan na nating makauwi..""Lola, wala kaming ginagawang masama sayo! bata lang kami, limang taong gulang lang, ganito mo ba tratuhin ang iyong mga apo?!" galit na singhal ni Eli sa matandang babae."Apo?" naniningkit ang mga mata ni Susana, saka sinampal ng isa ang bata sa pisngi. Naiirita siya kapag nakikita ang batang ito, dahil kamukhang kamukha ito ni Asher. Kung tumingin, animo Panginoon! at ayaw niyang may isa pang Asher na lumaki at apakan siya, agawin ang kayamanan ng pamilya, na para sana sa kanyang anak na si Simon.Ang isa pang ikinaiinis niya sa batang ito, ni hindi
Napanganga siya sa kanyang narinig. Hindi niya maintindihan ang nais ipahiwatig ng lalaki sa kanya. Sa gitna ng kaguluhan at tensyon, tila hindi angkop ang mga salitang binibitawan nito.“Ganito ba talaga magsalita ang lalaking ito? Sa gitna ng gulo, pag-init pa ng katawan ang nais pag-usapan? Hindi yata ito inaatake ng kalibugan!” bulong niya sa sarili nang bahagya niyang itulak si Asher.Humarap siya at mabilis na tumalikod, pilit inililihis ang usapan. “Kumusta na kaya sila?” tanong niya, na ang tinutukoy ay ang kanyang mga anak. Hindi na niya kayang harapin ang mga salitang puno ng panghihinayang at pagnanasa mula kay Asher.“Roselynn,” malungkot na sabi ni Asher, “totoo ang sinabi ko. Hinintay kita ng limang taon, at nagsisisi ako na sa kontratang pinirmahan mo, bawal kitang halikan.” Halos bumigat ang kanyang tinig, puno ng panghihinayang at pagsisisi.Ngunit para kay Roselynn, wala nang halaga ang mga salita ni Asher. “Kailangang makita ko na ang mga anak ko. Nais ko na silang
"HINDI!!" sigaw ni Simon, halos mabasag ang boses niya sa tindi ng pagkabigla. Ang lugar na tinutukoy nila—ang rest house sa may burol—ay pagmamay-ari mismo ng kanyang ina. Isang beses lang siyang nakapunta roon, maraming taon na ang nakalipas. Ang sabi noon ni Susana ay inaayos pa raw, kaya hindi pa puwedeng tirhan. Mula noon, hindi na siya muling bumalik. Hindi niya kailanman inisip na ginagamit pala iyon bilang lihim na hideout."Gumising ka, Simon!" madiing sabi ni Drake habang hinahawakan ang balikat niya. "Malupit si Susana. At handa siyang pumatay ng mga bata kung ito ang landas papunta sa ambisyon niya."Nanginig ang kamay ni Simon. Para siyang tinamaan ng kidlat sa dibdib—mabigat, masakit, at hindi kayang unawain. Paano? Paano iyon magagawa ng kanyang ina?Taong simbahan. Kilalang-kilala sa komunidad. May sariling mga foundation. Regular na nag-o-organize ng mga auction para sa charity. Madalas makita sa mga pagtitipon kasama ang mga pilantropo, tumutulong para magtayo ng mga
“WALA?!” hindi makapaniwala si Asher sa sinabi ng yaya, ang tinig niya’y halos mabasag sa galit at takot. Parang binunot sa dibdib ang bawat salita, habang ang puso niya’y tila humahagis ng pako sa kanyang dibdib.“Opo, sir… kanina po, may mga armadong lalaking dumating dito, at kinuha sina Miss Roselle at master Eli…” bulong ng yaya, nanginginig. Kasabay nito, pinilit nina Drake na alalayan ang mga katulog na nagugulong sa sahig, ang mga kamay nila’y pinaghigpitan ng tali na tila ba ayaw na silang paalisin at pakilusin..“Shit!” napasuntok si Asher sa lamesa, ang tunog ay parang hampas ng malupit na katotohanan sa kanyang pandinig. Agad siyang tumakbo sa kanyang silid, hinahanap ang anumang bakas sa CCTV—subalit nagulat siya. Walang larawan, walang tunog. Wala ni isang patak ng bakas. Waring pinaghandaan, inihanda para sa natatanging planong ito.Nanlalaki ang mga mata ni Roselynn, nanginginig ang katawan. Iniisip ang panganib na maaaring kaharapin ng kanyang mga anak. “Ang—ang mga
Napaupo si Roselynn sa malamig na sahig ng opisina, tila nawalan ng lakas ang bawat kalamnan niya. Para bang ang bigat na ilang taon niyang kinikimkim sa dibdib ay biglang bumaon nang sabay-sabay, dinudurog ang bawat hibla ng puso niya. Nakayuko si Asher, halos hindi makatingin sa kanya. Ngunit ang katahimikan niya—ang kawalan nito ng paliwanag—iyon mismo ang pinaka matalim na sandatang tumusok sa kaluluwa ni Roselynn.“Niloko… mo ako,” bulong niya, ngunit ang galit ay ramdam na ramdam sa bawat pantig.“Roselynn…” ni hindi natapos ni Asher ang sasabihin nang umusog siya palapit. Pero parang apoy ang kamay nito para kay Roselynn kaya mabilis niyang itinaas ang kamay at umatras.“Huwag mo akong hawakan!” ang tinig niya’y umalingawngaw sa pagitan ng malamig na salamin at marmol na sahig, halos kumislot ang hangin. Napapikit si Asher, parang tinamaan ng isang bala na hindi niya kayang salagin.“Ano’ng ginawa mo sa’kin? Sa amin?” humahagulgol na usig ni Roselynn. “Akala ko… isa lang ang ana







