Share

82.Tumakas si Drake

Author: Middle Child
last update Huling Na-update: 2025-10-02 21:36:20

Umagang umaga, madilim pa ang paligid nang magising si Becky. Tahimik ang buong bahay, masyadong tahimik para sa isang tahanang may dalawang tao. Napabalikwas siya ng bangon, dala ng instinct na may mali. Agad niyang napansin na bukas ang ilaw sa hallway, at ang malamig na simoy na pumapasok mula sa sala.

“Kuya?” mahina niyang tawag, inaasahang sasagot ito mula sa kabilang kwarto. Ngunit walang tugon.

Dali-dali siyang tumayo, halos natapilok pa sa pagmamadali. Tinungo niya ang silid ni Drake, kabadong kumakatok bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Walang tao. Walang kahit anong ingay. Ang kama’y magulo, parang iniwan lang bigla. Ang laptop na kahapon ay mahigpit na yakap ng kanyang kuya—wala na.

Namilog ang mga mata ni Becky, at kusa na lang bumilis ang tibok ng kanyang puso. “Hindi… hindi pwede…” bulong niya, halos pakiusap sa hangin.

Agad siyang lumapit sa bintana. Bukas ito, at ang kurtina’y animo’y nilalaro pa ng hangin. Doon niya napansin ang bakas ng mga yabag sa lupa sa labas,
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   104.Perfect timing

    Napanganga siya sa kanyang narinig. Hindi niya maintindihan ang nais ipahiwatig ng lalaki sa kanya. Sa gitna ng kaguluhan at tensyon, tila hindi angkop ang mga salitang binibitawan nito.“Ganito ba talaga magsalita ang lalaking ito? Sa gitna ng gulo, pag-init pa ng katawan ang nais pag-usapan? Hindi yata ito inaatake ng kalibugan!” bulong niya sa sarili nang bahagya niyang itulak si Asher.Humarap siya at mabilis na tumalikod, pilit inililihis ang usapan. “Kumusta na kaya sila?” tanong niya, na ang tinutukoy ay ang kanyang mga anak. Hindi na niya kayang harapin ang mga salitang puno ng panghihinayang at pagnanasa mula kay Asher.“Roselynn,” malungkot na sabi ni Asher, “totoo ang sinabi ko. Hinintay kita ng limang taon, at nagsisisi ako na sa kontratang pinirmahan mo, bawal kitang halikan.” Halos bumigat ang kanyang tinig, puno ng panghihinayang at pagsisisi.Ngunit para kay Roselynn, wala nang halaga ang mga salita ni Asher. “Kailangang makita ko na ang mga anak ko. Nais ko na silang

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   103. Iligtas ang mga bata

    "HINDI!!" sigaw ni Simon, halos mabasag ang boses niya sa tindi ng pagkabigla. Ang lugar na tinutukoy nila—ang rest house sa may burol—ay pagmamay-ari mismo ng kanyang ina. Isang beses lang siyang nakapunta roon, maraming taon na ang nakalipas. Ang sabi noon ni Susana ay inaayos pa raw, kaya hindi pa puwedeng tirhan. Mula noon, hindi na siya muling bumalik. Hindi niya kailanman inisip na ginagamit pala iyon bilang lihim na hideout."Gumising ka, Simon!" madiing sabi ni Drake habang hinahawakan ang balikat niya. "Malupit si Susana. At handa siyang pumatay ng mga bata kung ito ang landas papunta sa ambisyon niya."Nanginig ang kamay ni Simon. Para siyang tinamaan ng kidlat sa dibdib—mabigat, masakit, at hindi kayang unawain. Paano? Paano iyon magagawa ng kanyang ina?Taong simbahan. Kilalang-kilala sa komunidad. May sariling mga foundation. Regular na nag-o-organize ng mga auction para sa charity. Madalas makita sa mga pagtitipon kasama ang mga pilantropo, tumutulong para magtayo ng mga

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   102. Duda

    “WALA?!” hindi makapaniwala si Asher sa sinabi ng yaya, ang tinig niya’y halos mabasag sa galit at takot. Parang binunot sa dibdib ang bawat salita, habang ang puso niya’y tila humahagis ng pako sa kanyang dibdib.“Opo, sir… kanina po, may mga armadong lalaking dumating dito, at kinuha sina Miss Roselle at master Eli…” bulong ng yaya, nanginginig. Kasabay nito, pinilit nina Drake na alalayan ang mga katulog na nagugulong sa sahig, ang mga kamay nila’y pinaghigpitan ng tali na tila ba ayaw na silang paalisin at pakilusin..“Shit!” napasuntok si Asher sa lamesa, ang tunog ay parang hampas ng malupit na katotohanan sa kanyang pandinig. Agad siyang tumakbo sa kanyang silid, hinahanap ang anumang bakas sa CCTV—subalit nagulat siya. Walang larawan, walang tunog. Wala ni isang patak ng bakas. Waring pinaghandaan, inihanda para sa natatanging planong ito.Nanlalaki ang mga mata ni Roselynn, nanginginig ang katawan. Iniisip ang panganib na maaaring kaharapin ng kanyang mga anak. “Ang—ang mga

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   101.Nais ko silang makilala

    Napaupo si Roselynn sa malamig na sahig ng opisina, tila nawalan ng lakas ang bawat kalamnan niya. Para bang ang bigat na ilang taon niyang kinikimkim sa dibdib ay biglang bumaon nang sabay-sabay, dinudurog ang bawat hibla ng puso niya. Nakayuko si Asher, halos hindi makatingin sa kanya. Ngunit ang katahimikan niya—ang kawalan nito ng paliwanag—iyon mismo ang pinaka matalim na sandatang tumusok sa kaluluwa ni Roselynn.“Niloko… mo ako,” bulong niya, ngunit ang galit ay ramdam na ramdam sa bawat pantig.“Roselynn…” ni hindi natapos ni Asher ang sasabihin nang umusog siya palapit. Pero parang apoy ang kamay nito para kay Roselynn kaya mabilis niyang itinaas ang kamay at umatras.“Huwag mo akong hawakan!” ang tinig niya’y umalingawngaw sa pagitan ng malamig na salamin at marmol na sahig, halos kumislot ang hangin. Napapikit si Asher, parang tinamaan ng isang bala na hindi niya kayang salagin.“Ano’ng ginawa mo sa’kin? Sa amin?” humahagulgol na usig ni Roselynn. “Akala ko… isa lang ang ana

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   100. Sumambulat na katotohanan!

    Nagmamadali si Drake sa pagtakbo, halos mapatid na ang hininga sa sobrang kaba. Nang malaman niyang natuklasan na ni Susana Jimenez na ang anak ni Roselynn ay ang kambal na anak ni Asher, alam niyang tapos na ang katahimikan. Hindi kailanman papayag ang ina ni Simon na mailipat sa mga bata ang kayamanan ng kanilang pamilya, lalo na’t matagal na nitong isinusumpa ang mga iyon, dahil na rin sa sinabi ng matandang Andrade, na para sa kanyang mga apo sa tuhod ang kanyang kayamanan.“Kailangan ko silang makita… bago siya mauna,” bulong ni Drake habang nagmamaneho.Hindi maaaring maunahan siya ni Susana. Hindi lang mga bata ang delikado, maging sina Roselynn din.Kailangan na niyang aminin kay Roselynn ang lahat—na matagal na niyang alam kung sino ang mga anak nito. Ngunit ngayon na nalaman ni Susana ang plano niyang iligtas ang kambal, nais na siyang ipapatay ng babae. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang banta nito.“Kung hindi mo tatapusin ang mga batang ‘yan… ikaw ang tatapusi

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   99. Not the old Asher

    "TOTOO bang iniskandalo mo si Mr. Lorenzo kagabi?" tanong ni Asher kay Roselynn.Natigilan siya. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Roselynn sa tanong ni Asher. Hindi niya alam kung paano siya hihinga, paano sasagot, o paano itatama ang nararamdaman niyang panghihina. Lalo na’t sa harapan niya, si Asher ay nakatayo—mataas ang kilay, nakahalukipkip, at tila mas pinili pang manuod sa kanya kaysa intindihin siya.“Mi-Mr. Andrade…” mahina niyang simula, pero agad itong nagsalita.“Sagutin mo ang tanong ko,” madiin na sabi ng lalaki. “Gusto ko lang malaman kung tama ba ang kumakalat na tsismis. Dahil kung totoo iyon…” bahagya itong yumuko at tumitig sa kanya nang diretso, “may epekto ‘yan sa kumpanya. At sa’yo. Hindi ka ba natatakot na maging resulta niyan ay ang pagkasira mo at ng kumpanya ko?”Lumunok si Becky, nakatingin kay Roselynn na parang hinihintay kung papaano ito magpapaliwanag.Bumuntong-hininga si Roselynn. “Hindi ko ini-iskandalo si Mr. Lorenzo. Nagkam—”“Hmph.” Tumawa s

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status