Home / Romance / Not Your Wife Anymore / 105 - SPECIAL GUEST

Share

105 - SPECIAL GUEST

Author: Cristine Jade
last update publish date: 2025-11-07 06:16:40

Nakatayo pa rin doon si Sean, at halatang enjoy na enjoy sa atensyon ng mga reporter. Nang mayamaya ay nilingon ang sasakyan na sinakyan. Naging senyales naman iyon sa mga reporter para itutok ang mga camera nila sa pintuan ng sasakyan. Naisip nila na maaaring may kasama pa si Sean na naroroon sa loob.

Hanggang sa bumukas ang pintuan at inilitaw noon ang isang sapatos na may kataasang takong. Tumapak sa lupa ang sapatos, at saka tuluyang iniluwa ng pintuan si Ingrid na nakasuot ng pormal at nan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Jacqueline Tabag
update p po Ms. A ang gaganda ng mga story mo sinusubabayan ko po
goodnovel comment avatar
Jeosh Borillo
update na po ms.a plssss...kakaabang Naman wag ka sana manggaga sa iBang author nasa kagandahan na d na tinapos...update na po
goodnovel comment avatar
Chariz Meigh
thank you for your update... next pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Not Your Wife Anymore   295 - THE END

    Sa isang tahimik na café malapit sa headquarters ng Quantum Technology, magkatapat sina Raven at Eris habang sa mesa nila ay may umuusok na dalawang tasa ng mainit na kape. Ang ilaw ay malamlam, at ang paligid ay tila nagbibigay ng pagkakataon para sa isang tapat na pag-uusap, habang ang mga mata nila ay nakatuon lamang sa isa’t isa.“Raven, alam kong marami kang pinagdaanan. Pero gusto kong itanong sa iyo kung nakahanda ka na bang maging asawa ko?” seryosong tanong ni Eris.“Nakita mo naman na siguro ang malinis kong intensyon sa iyo. Handa akong maging higit pa sa naipakita ko na sa iyo kung papayagan mo,” dagdag pa ni Eris.Hindi agad umimik si Raven, nakatingin lang sa tasa ng kape. Pero nang nagsalita siya ay mariin ang kanyang tinig, puno ng bigat ng nakaraan.“Eris… hindi ko maitatanggi na ikaw lang ang naging sandigan ko nitong mga panahong nag-iisa at walang-wala ako. Pero sana maintindihan mo na hindi pa ako handa sa isang mas mabigat na relasyon nating dalawa. Ang masamang

  • Not Your Wife Anymore   294 - CLOSURE

    Malalim na ang gabi. Sa loob ng terminal ng airport ng San Clemente, kapasin-pansin ang isang taong nakaupo sa pinaka-sulok na parte ng lugar. May suot itong baseball cap at shades. Mapapansin na yukong-yuko ito at parang ni ayaw na makihalubilo o tumingin man lang sa ibang mga pasahero roon.Hawak ang tiket at pasaporte, mapapansin ang panginginig ng kamay ng taong iyon, at ang kanyang mga mata ay malikot, tila takot na baka may makakita sa kanya.“Kailangan kong makaalis bago pa ako tuluyang mahuli. Kung makalipad ako ngayong gabi, baka may pagkakataon pa akong magsimula muli,” pagka-usap ni Angie sa sarili. May ilang oras din ang nakalipas nang tumayo si Angie at naglakad patungo sa check-in counter. Pero hindi pa siya nagtatagal na nakapila roon, nang may biglang lumapit na dalawang security personnel sa kanya. Ang isa sa kanila ay nagpakilala bilang bahagi ng security team ng Quantum Technology.“Miss Angie Ong, may alerto mula sa Presidente ng Quantum Technology. Ikaw ay nasa

  • Not Your Wife Anymore   293 - ANG HATOL

    Nagsimula ng magtayuan ang mga bisita. Mahina silang nagbubulungan habang naglalakad palabas ng simbahan. Naiwan si Ingrid kung saan siya nakaluhod pa rin sa harap ng altar. Hindi inaasahan ni Ingrid ang biglang paglapit sa kanya ni Barbara at ubod-lakas siya nitong hinampas ng mamahaling bag na kanyang dala."Hayop kang babae ka! Kahit noon pa, wala na akong tiwala sa 'yo! Malakas ang kutob ko na hindi ka kailanman gagawa ng matino! Pagkatapos kang pakisamahan nang maganda ng anak ko, nagawa mo pa 'yun sa kanya?!" Sunod-sunod ang ginawang pag-atake ni Barbara, na kahit gusto mang salagin ni Ingrid ang bawat bagsak ng bag sa ulo at katawan niya ay hindi na niya makayang gawin. Naawat lang si Barbara sa ginagawa niya nang nakalapit sa kanya ang asawang si Leo."Tama na, Barbara! Tama na! Nakaganti ka na, tama na! Buntis ang tao sa apo mo,"Humihingal na tumigil si Barbara, pero nanlilisik pa rin ang mga mata na nakatingin kay Ingrid. "Wala akong apo sa kanya! Sa umpisa pa lang, hind

  • Not Your Wife Anymore   292 - NAGING HUKUMAN

    Lumapit si Ingrid, ang kanyang tinig ay mababa, puno ng desperasyon.“Coleen, hindi mo naiintindihan. Hindi ko kayang hayaang masira ang lahat ng pinaghirapan ko. Ipagpalagay mo na lang na wala kang nalalaman.”“Walang alam? Hah! Ingrid… napaka-delikado ng ginagawa mo. N’yo. Saka, hindi ka ba nakukunsyensiya? Pera ng bayan ang pinag-uusapan natin. Ang ninanakaw n’yo.!”“Ninanakaw? Wala akong ninakaw, Coleen! Oo, sila! Pero hindi ako. Taga hatid lang ako ng mga pera. Mensahero lang ako.”“Kahit pa, Ingrid. Kunektado ka pa rin. Magkano ba ang kailangan mong pera? Pahihiramin na lang kita. Tigilan mo na lang ‘to…”“Coleen… hindi libo ang kinikita ko rito… milyon! Milyon, Coleen… maghahatid lang ako ng pera nila, pero milyon ang nakukuha ko. Saan ka pa?” “Aanhin mo ang milyon, Ingrid kung ang kapalit naman nun ay ang buhay mo? Paano kung mabuko ‘yan? Paano kung madamay ka? Makakaladkad ang pangalan mo sa eskandalo, Ingrid. Ang pamilya n’yo. Ingrid… huwag mong ipagpalit ang easy money na

  • Not Your Wife Anymore   291 - PAG-AMIN

    Matiim na tinitigan ni Caleb si Ingrid. “Noon pa man, may tensyon na silang dalawa ni Coleen. At sa araw ng insidente, si Raven ang huling kausap ni Coleen para makipagkita sa kanya doon sa lumang gusali kung saan natagpuan ang bangkay ni Coleen. Kung may ebidensya si Erline laban sa akin, bakit hindi si Raven ang imbestigahan niya?” mariing sabi ni Ingrid. “Ingrid… hindi mo pwedeng basta idamay si Raven para lang makaligtas ka. Oo, hindi sila malapit ni Coleen, pero dahil ‘yun sa ‘yo, sa mga walang kwentang mga kuwento at mga kasinungalingan na sinasabi mo kay Coleen. Para sabihin ko sa 'yo, wala akong nakitang ebidensya na may kinalaman si Raven sa pagkamatay niya,” sagot ni Erline.Nanginginig si Ingrid na sumigaw.“Meron! Iyong recording ng pag-uusap namin ni Coleen ilang oras bago ang kanyang kamatayan!” Nagbaling ng tingin si Ingrid kay Caleb. “Ibinigay ko iyon sa iyo, Caleb.”Sa gitna ng bulwagan, matapos ang sunod-sunod na akusasyon, biglang lumapit ang isang babae mula sa

  • Not Your Wife Anymore   290 - SI INGRID, SI CALEB O SI RAVEN?

    Si Caleb ay lumapit kay Erline, malamig pero matalim ang kanyang mga mata. “Ibigay mo sa akin ang mga ebidensya. Ako mismo ang mag-iimbestiga. ”Lumapit din si Ingrid kina Caleb at Erline habang hawak-hawak ang laylayan ng kanyang gown.“Caleb… alam mong hindi ako ang may kasalanan. Ginagamit lang ni Erline ang mga ebidensya para sirain ako. O baka naman binayaran ka ni Raven para sirain ako at hindi matuloy ang kasal ko kay Caleb?”“Walang kinalaman si Miss Raven dito. Ginawa ko ang lahat ng ito para sa pagmamalasakit ko kay Coleen.”“Pagmamalasakit? Bakit? Sino ka ba? Sino ka sa buhay ni Coleen? Bakit napaka-determinado mo na imbestigahan ang kamatayan ni Coleen? Ano ba talaga ang relasyon mo sa kanya?”Napangiti si Erline, malamig pero puno ng hinanakit.“Relasyon? Si Coleen ay naging kaibigan ko. Siya ang nag-iisang taong tumanggap sa akin noong high school, noong panahong binully mo ako.”Nagulat si Ingrid, napaatras, kasabay ng paniningkit ng mga mata, tila nag-iisip.“Ano? Hin

  • Not Your Wife Anymore   32 - TALENTADO

    “Excuse me?”Lumingon ang limang lalaki kay Raven.“Alam n’yo kung nasaan nakalagay ‘yung test paper ni Dean Jose? ‘Yung exam

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • Not Your Wife Anymore   37 - ISANG MILYON PARA SA IMPORMASYON

    Agad na sumugod si Caleb a kuwarto ni Mason. Nakita niya itong nakahiga sa kama nito, puro pantal ang buong katawan. Allergy na naman!Binalingan niya si Celia. “Tawagin mo si Doc Tony!”“E-Eh Sir… mukhang kailangan na nating dalhin si Mason sa ospital. Sa tingin ko, delikado na ‘yan. Kasi, wala s

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • Not Your Wife Anymore   26 - NAMULOT NG BAGAY NA ITINAPON NA

    Pag-uwi nila Raven at Maddison ay nakaluto na ng hapunan ang mga kasambahay sa bahay ng mga magulang niya.Agad silang nagpalit ng damit pambahay at lumabas ng kuwarto. Ang balak ni Raven ay kausapin ang mga magul

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • Not Your Wife Anymore   27 - BEVERLY TOWNE

    Hindi makasagot si Raven. May pakiramdam siya na hindi niya magugustuhan ang mga susunod na sasabihin ng ama.“Hindi ka naman siguro tanga, Raven, para ideposito lang sa banko ang lahat ng pera na ‘yun

    last updateLast Updated : 2026-03-18
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status