Pag-uwi nila Raven at Maddison ay nakaluto na ng hapunan ang mga kasambahay sa bahay ng mga magulang niya.
Agad silang nagpalit ng damit pambahay at lumabas ng kuwarto. Ang balak ni Raven ay kausapin ang mga magulang. Gusto niyang sabihin sa mga ito na hiwalay na sila ni Caleb, ayaw niyang sa iba pa malaman ng mga ito ang balita.
Tamang-tama naman na nakasalubong nila ang mga ito bago pa sila makababa ng hagdan.
“Raven! Nandito na pala kayong mag-ina!” masayang bati ni Ana habang nakapulupot ang kamay sa katawan ng asawa.
Kung nasa singkwenta y singko na ang edad ng amang si Noel, mas bata ng siyam na taon ang ina. Lalo pa at baby face ang itsura ng mukha nito. Mukha nga lang treinta ang edad nito, kahit ang totoo ay nasa kuwarenta mahigit na ito. Idagd
“Preliminary lang ‘yun. There’s no reason to celebrate. Malamang na malalamangan na siya ng mga kalaban niya sa finals. Iyon ang mali niya. Ibinuhos na niya agad lahat sa umpisa.”Nagtatakang nagkatinginan ang mga naroroon pero hindi sila nagpahalata sa harap ni Caleb. “Wait, nai-save ko ang interview sa kanya kanina ng ABS TV. Iko-connect ko sa screen, sabay-sabay nating panoorin,” suhestiyon ng isa. “I-connect mo na rin ang audio para dinig na dinig nating lahat ang interview,” suhestiyon pa ng isa.“Okay, okay!”Ibinuka ni Caleb ang mga labi niya. Gusto niya sanang pahintuin ang gusto nilang panonood sa interview, pero nag-aalangan din siya. Natatakot siya sa maaari niyang mapanood at marinig sa interview. Pero ano nga ba ang ikinatatakot niya? Ang dahilan naman ng pagsali ni Raven sa Math Olympiad ay para may mapatunayan sa kanya. Marami ng sumali at nasa Top 20 ng Math Olympiad ang nasa kumpanya na nila. Hindi nila pinapalagpas ang mga katangi-tanging mga indibidwal na galing
“Kilala ko ‘yan!” sigaw ng isa sa mga empleyadong naroon, “hindi ko malilimutan ang pangalan na ‘yan.”Ang nagsalita ay si Donald, ang head ng Internal Audit Department. Naglingunan sa kanya ang lahat ng naroroon sa loob ng elevator. “Personal mo siyang kilala?” “Hindi naman, pero matunog na matunog ang pangalan niya sa San Clemente Science & Technology kung saan din ako nag-aaral. Ahead siya sa akin ng ilang taon sa SCST.” “Ahead? Pero mas bata siya sa iyo,” protesta ng isa. “Yes. Paano kasi pumasok siya sa SCST nung twelve years old lang siya. Accelerated kasi siya.” “Meaning, ganun siya kagaling!” sabi ng isa.“Nung nasa SCST pa siya, lagi siyang sumasali sa International Math Olympiad. Kung hindi ako nagkakamali, 16 years old siya nung nanalo ng first place sa limang subject. Math, Physics, Chemistry, Biology at Information Science. Kaya hindi ko siya pwedeng malimutan.”“Wow….”“Maraming nag-offer sa kanya nun na mga sikat na mga unibersidad mula sa ibat ibang panig ng mundo
Nakangiti ang lalaki ng kinawayan nito si Raven, kaya walang nagawa si Raven kung hindi ang lumapit sa sasakyan ng dating guro. “Salamat po, Sir Nilo,” nahihiyang sabi ni Raven. “Nabalitaan ko na ikaw ang nakakuha ng unang puwesto sa ranking ng National Math Olympiad.”“Prelims pa lang po iyon, meron pa pong finals,” nahihiyang sagot ni Raven.“Congrats pa rin. Masaya ako para sa ‘yo, Raven. Dahil nakikita ko na gusto mo pang may marating at hindi maging maybahay na lang habambuhay.”Nahihiyang tumango-tango si Raven kay Nilo habang nakangiti. Binalingan ni Nilo ang mga reporter na nakamasid sa kanila. “Kung gusto ninyong mas lalo pang makilala si Raven Santana, pwede n’yo akong interview-hin. Dati niya akong guro sa San Clemente Science & Technology.”Natuwa ang mga reporter. Ika nga, hitting two birds in one stone. Hindi na sila mahihirapan maghanap ng makakapanayam para sa mga balita na may kinalaman kay Raven Santana, ang una sa ranking ng National Math Olympiad.Samantala, sa
“Mrs. de Villa!”Lahat ay napalingon sa baritonong boses. Nasa pagkapasok ng gate nakatayo ang District Superintendent na si Nilo Hernandez. Agad na inayos ni Mrs. de Villa ang mukha. Pinilit niyang ngumiti, sinalubong ang bagong dating. “Sir Nilo! Hello! Naligaw ka po sa Northford?” Kakamayan sana ni Mrs. de Villa ang bagong dating pero sa halip ay may inabot ito sa kanyang nakatuping papel.“A-Ano ‘to, Sir?”“Nagpunta ako rito para sabihin sa iyo na kailangan mo ng mag-resign sa posisyon mo. Ngayon din!”Kasabay ng pagkakasabi ni Nilo ay nabasa na rin ni Mrs. de Villa ang nilalaman ng sulat. Nanlaki ang mga mata niya pagkabasa roon, kasabay ng kabang naramdaman. Pero pinilit niyang maging normal at kaswal. “B-Bakit po, Sir? Sa ano’ng grounds? Wala akong alam na ginawa kong lalabag sa school regulations and policies.”Dahil sa nakita nilang itsura ni Mrs. de Villa, naging alerto ang nasa paligid na mga reporters at itinutok ang mga telepono at camera nila kay Mrs. de Villa at Nil
First place? Imposible!Naisip ni Ingrid na baka mali ang dinig niya sa mga sinasabi ng mga katabi. Tinapos niya muna ang pagvi-video at saka nakinig, dahil kasalukuyan ng ini-interview si Raven.“Ms. Raven, base sa application mo sa NMO, graduate ka ng San Clemente Science and Technology. Pero sa course mong B.S. Math sa St. Andrew’s University, hindi ka nakatapos. Bakit ka huminto? Nagtrabaho ka ba agad? Ano’ng naging trabaho mo?” tanong ng isa sa mga reporter.Nakagat ni Raven ang ibabang labi niya. “Nakalagay din naman sa application ko na isa akong plain housewife for seven years, at pagkatapos iyong huminto ako sa St. Andrew’s,” nahihiyang sagot ni Raven.Samantala, nakita ni Mason ang pagkukumpulan ng mga tao kay Raven pero hindi niya alam kung ano ang meron. “Ano’ng meron? Ano’ng nangyayari?” Sumagot ang isang kaklase niya. “Ang galing pala ng Mama mo, Mason! Nanalo daw siya ng first place sa Math Olympiad! Astig ‘yun, ha!”“Narinig ko dun sa mga nanay dun sa umpukan, nas
Namangha ang lahat ng naroroon sa sinabi ng babae. May napasinghap pa. “Wala namang sinaktan ang batang babae. Hindi niya sinaktan iyong lalaki katulad ng mga sinasabi n’yo. Ikaw, bilang principal ng eskwelahan, kaagad kang nagpatalsik ng estudyante base sa sabi-sabi lang ng mga tao sa paligid mo at hindi base sa ebidensya. Hindi ka karapat-dapat na maging lider ng isang eskwelahan!” Nanlaki ang mga mata ni Mrs. de Villa, halos lumuwa na nga ang mga mata niya. “Ano’ng sabi mo? Taga ABS TV ka?”Lumapit si Mrs. de Villa sa babae at saka tiningnan ang ID na ipinagmamalaki nito. “Wala naman akong natatanggap na abiso mula sa istasyon n’yo na iinterbyuhin n’yo ako. Namemeke ka lang yata!” Pero bago makasagot ang babae ay nagdatingan ang iba’t ibang sasakyan at pumarada sa tapat ng gate ng eskwelahan. Nag-uunahang nagsibabaan ang mga sakay nun na may dala-dalang mike, camera at telepono. Halos nagtakbuhan ang mga ito papunta sa kinatatayuan ni Raven. “Ms. Santana!”“Ms. Santana, nata