INICIAR SESIÓNSa isang tahimik na café malapit sa headquarters ng Quantum Technology, magkatapat sina Raven at Eris habang sa mesa nila ay may umuusok na dalawang tasa ng mainit na kape. Ang ilaw ay malamlam, at ang paligid ay tila nagbibigay ng pagkakataon para sa isang tapat na pag-uusap, habang ang mga mata nila ay nakatuon lamang sa isa’t isa.“Raven, alam kong marami kang pinagdaanan. Pero gusto kong itanong sa iyo kung nakahanda ka na bang maging asawa ko?” seryosong tanong ni Eris.“Nakita mo naman na siguro ang malinis kong intensyon sa iyo. Handa akong maging higit pa sa naipakita ko na sa iyo kung papayagan mo,” dagdag pa ni Eris.Hindi agad umimik si Raven, nakatingin lang sa tasa ng kape. Pero nang nagsalita siya ay mariin ang kanyang tinig, puno ng bigat ng nakaraan.“Eris… hindi ko maitatanggi na ikaw lang ang naging sandigan ko nitong mga panahong nag-iisa at walang-wala ako. Pero sana maintindihan mo na hindi pa ako handa sa isang mas mabigat na relasyon nating dalawa. Ang masamang
Malalim na ang gabi. Sa loob ng terminal ng airport ng San Clemente, kapasin-pansin ang isang taong nakaupo sa pinaka-sulok na parte ng lugar. May suot itong baseball cap at shades. Mapapansin na yukong-yuko ito at parang ni ayaw na makihalubilo o tumingin man lang sa ibang mga pasahero roon.Hawak ang tiket at pasaporte, mapapansin ang panginginig ng kamay ng taong iyon, at ang kanyang mga mata ay malikot, tila takot na baka may makakita sa kanya.“Kailangan kong makaalis bago pa ako tuluyang mahuli. Kung makalipad ako ngayong gabi, baka may pagkakataon pa akong magsimula muli,” pagka-usap ni Angie sa sarili. May ilang oras din ang nakalipas nang tumayo si Angie at naglakad patungo sa check-in counter. Pero hindi pa siya nagtatagal na nakapila roon, nang may biglang lumapit na dalawang security personnel sa kanya. Ang isa sa kanila ay nagpakilala bilang bahagi ng security team ng Quantum Technology.“Miss Angie Ong, may alerto mula sa Presidente ng Quantum Technology. Ikaw ay nasa
Nagsimula ng magtayuan ang mga bisita. Mahina silang nagbubulungan habang naglalakad palabas ng simbahan. Naiwan si Ingrid kung saan siya nakaluhod pa rin sa harap ng altar. Hindi inaasahan ni Ingrid ang biglang paglapit sa kanya ni Barbara at ubod-lakas siya nitong hinampas ng mamahaling bag na kanyang dala."Hayop kang babae ka! Kahit noon pa, wala na akong tiwala sa 'yo! Malakas ang kutob ko na hindi ka kailanman gagawa ng matino! Pagkatapos kang pakisamahan nang maganda ng anak ko, nagawa mo pa 'yun sa kanya?!" Sunod-sunod ang ginawang pag-atake ni Barbara, na kahit gusto mang salagin ni Ingrid ang bawat bagsak ng bag sa ulo at katawan niya ay hindi na niya makayang gawin. Naawat lang si Barbara sa ginagawa niya nang nakalapit sa kanya ang asawang si Leo."Tama na, Barbara! Tama na! Nakaganti ka na, tama na! Buntis ang tao sa apo mo,"Humihingal na tumigil si Barbara, pero nanlilisik pa rin ang mga mata na nakatingin kay Ingrid. "Wala akong apo sa kanya! Sa umpisa pa lang, hind
Lumapit si Ingrid, ang kanyang tinig ay mababa, puno ng desperasyon.“Coleen, hindi mo naiintindihan. Hindi ko kayang hayaang masira ang lahat ng pinaghirapan ko. Ipagpalagay mo na lang na wala kang nalalaman.”“Walang alam? Hah! Ingrid… napaka-delikado ng ginagawa mo. N’yo. Saka, hindi ka ba nakukunsyensiya? Pera ng bayan ang pinag-uusapan natin. Ang ninanakaw n’yo.!”“Ninanakaw? Wala akong ninakaw, Coleen! Oo, sila! Pero hindi ako. Taga hatid lang ako ng mga pera. Mensahero lang ako.”“Kahit pa, Ingrid. Kunektado ka pa rin. Magkano ba ang kailangan mong pera? Pahihiramin na lang kita. Tigilan mo na lang ‘to…”“Coleen… hindi libo ang kinikita ko rito… milyon! Milyon, Coleen… maghahatid lang ako ng pera nila, pero milyon ang nakukuha ko. Saan ka pa?” “Aanhin mo ang milyon, Ingrid kung ang kapalit naman nun ay ang buhay mo? Paano kung mabuko ‘yan? Paano kung madamay ka? Makakaladkad ang pangalan mo sa eskandalo, Ingrid. Ang pamilya n’yo. Ingrid… huwag mong ipagpalit ang easy money na
Matiim na tinitigan ni Caleb si Ingrid. “Noon pa man, may tensyon na silang dalawa ni Coleen. At sa araw ng insidente, si Raven ang huling kausap ni Coleen para makipagkita sa kanya doon sa lumang gusali kung saan natagpuan ang bangkay ni Coleen. Kung may ebidensya si Erline laban sa akin, bakit hindi si Raven ang imbestigahan niya?” mariing sabi ni Ingrid. “Ingrid… hindi mo pwedeng basta idamay si Raven para lang makaligtas ka. Oo, hindi sila malapit ni Coleen, pero dahil ‘yun sa ‘yo, sa mga walang kwentang mga kuwento at mga kasinungalingan na sinasabi mo kay Coleen. Para sabihin ko sa 'yo, wala akong nakitang ebidensya na may kinalaman si Raven sa pagkamatay niya,” sagot ni Erline.Nanginginig si Ingrid na sumigaw.“Meron! Iyong recording ng pag-uusap namin ni Coleen ilang oras bago ang kanyang kamatayan!” Nagbaling ng tingin si Ingrid kay Caleb. “Ibinigay ko iyon sa iyo, Caleb.”Sa gitna ng bulwagan, matapos ang sunod-sunod na akusasyon, biglang lumapit ang isang babae mula sa
Si Caleb ay lumapit kay Erline, malamig pero matalim ang kanyang mga mata. “Ibigay mo sa akin ang mga ebidensya. Ako mismo ang mag-iimbestiga. ”Lumapit din si Ingrid kina Caleb at Erline habang hawak-hawak ang laylayan ng kanyang gown.“Caleb… alam mong hindi ako ang may kasalanan. Ginagamit lang ni Erline ang mga ebidensya para sirain ako. O baka naman binayaran ka ni Raven para sirain ako at hindi matuloy ang kasal ko kay Caleb?”“Walang kinalaman si Miss Raven dito. Ginawa ko ang lahat ng ito para sa pagmamalasakit ko kay Coleen.”“Pagmamalasakit? Bakit? Sino ka ba? Sino ka sa buhay ni Coleen? Bakit napaka-determinado mo na imbestigahan ang kamatayan ni Coleen? Ano ba talaga ang relasyon mo sa kanya?”Napangiti si Erline, malamig pero puno ng hinanakit.“Relasyon? Si Coleen ay naging kaibigan ko. Siya ang nag-iisang taong tumanggap sa akin noong high school, noong panahong binully mo ako.”Nagulat si Ingrid, napaatras, kasabay ng paniningkit ng mga mata, tila nag-iisip.“Ano? Hin







