Home / Romance / Not Your Wife Anymore / 72 - TATLONG SASAKYAN PLUS CARWASH

Share

72 - TATLONG SASAKYAN PLUS CARWASH

Author: Cristine Jade
last update Huling Na-update: 2025-10-17 16:34:16

“Bakit hindi ikaw ang nag-drive? Bakit kailangan mo pa ng may driver?” sunod-sunod na tanong ni Ingrid lay Eris.

“Nag-hire ako ng driver. Kasi di ba, injured ako? Dahil sa…”

Hindi na tinapos ni Eris ang sasabihin, at sa halip ay matamang tiningnan si Mason na agad namang nagtago sa likuran ni Caleb ng nakita niyang makahulugan siyang tiningnan ng lalaking napana niya.

Nakuha ni Ingrid ang ibig iparating ni Eris at piniling manahimik na lang.

Samantala, halos lahat ng mga naroroon ay interesado sa kung sino ang driver ngayon sa likod ng manibela ni Corona.

“Eris, bakit hindi mo pababain ang driver mo at ng makilala naman namin,” hindi makatiis na sabi ni Ingrid.

“Oo nga!” segunda ng isang lalaki malapit sa kanila, “untouchable ba ‘yang driver mo, attorney? May pagkamayabang, ha…”

Bahagyang tumawa si Eris. “Natural lang naman siguro kay Luna ang magyabang.”

Halos lahat ng naroroon at nakarinig sa pangalang Luna ay nanlaki ang mga mata. Ang iba naman ay nag-isip na baka namali lang
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
galingan reven. kylangan m manalo
goodnovel comment avatar
Cynthia Donato
kaya nga yong iBang story tamad ko Ng basahin Ang tagal Kasi Ng kasunod ayyy kainis
goodnovel comment avatar
Cynthia Donato
Ang tagal Naman parang katulad din Ng iBang story Ang tagal Ng update
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Not Your Wife Anymore   211 - MALING DATA

    “Raven!”“Pwede kitang bigyan ng isa pang pagkakataon upang maibalik ang lahat sa dati. Mananatili kang asawa ko, ina ni Mason. Pwede kong i-invest ang Santana Technology at panatilihin itong umuunlad! Ang gusto ko lang ay maibalik ang lahat sa dati!”Sa bawat salitang binibitawan ni Caleb, pakiramdam niya ay unti-unting nauubos ang kanyang lakas.Nanatili siyang matikas ang tindig, ngunit kumikislap sa kanyang mga mata ang takot at kawalan ng pag-asa.Para siyang nakatayo sa gilid ng bangin; kahit matigas ang kanyang paninindigan na ayos lang siya, halata na siyang malapit nang bumagsak.Lumingon sa kanya si Raven, malamig, walang pakialam, at puno ng matinding pagkasuklam ang kanyang mga mata.“Caleb, nagsisisi ka ba?”Napipi si Caleb sa kanyang mga salita, pinagdikit ang mga labi.“Hindi ko pinagsisisihan na naging asawa mo ako, at ina ni Mason. At hindi ko rin pinagsisisihan na iniwan ang lahat. Hindi na ako iikot sa paligid mo, kaya’t hinding-hindi na ako lilingon!”Naglakad na p

  • Not Your Wife Anymore   210 - 5 BILYON

    Mabilis na napahinto ang hininga ni Caleb, lihim na humahanga sa kagandahan ng kanyang asawa sa loob ng pitong taon.Para siyang isang perlas na nilinis ang alikabok; kumikislap ang kanyang mukha sa mga mata ni Caleb.“Hindi ko ibebenta sa iyo ang Santana Tech! Caleb, tandaan mo, kapag hindi na ako ang asawa mo, magiging kliyente mo na lamang ako, ang boss mo! Maaari ka lamang maging subordinate ko! Wala kang karapatang maging kapantay ko!”Nakatuon ang malalim na titig ni Caleb sa mukha ni Raven. May kagustuhan sa sarili niya na abutin at haplusin ang mukha ng dating asawa. Pero biglang dumating ang realisasyon sa kanya. Nawalan na nga pala siya ng karapatan na hawakan si Raven.Mabigat ang naging tanong ni Caleb kay Raven. “Sigurado ka bang si Eris Mercader ang pipiliin mo?”“Na-finalize na namin ang lahat kasama ang Mercader’s Group. Gaganapin ang pormal na acquisition signing ceremony sa susunod na linggo,” malamig na sagot ni Raven.Kalmado at walang pakialam ang tono ni Raven; h

  • Not Your Wife Anymore   209 - I'M NOT YOUR WIFE ANYMORE

    Nanginig ang katawan ni Ingrid. Hindi niya kailanman naisip na sa harap ni Raven, para lamang siyang isang langgam na maaaring durugin anumang oras!Nilingon ni Ingrid ang opisina ng presidente kung saan nag-oopsina si Raven. Mabangis niya iyong tinitigan. Isang araw, ibabagsak niya si Raven mula sa mataas na lugar nito at ipapakita sa kanya ang pagbagsak hanggang kamatayan!Nang magbaling ng tingin si Ingrid sa sekretarya ay kalmado na ang mukha nito.“Gusto ko lang makita ang aking kapatid at ipasabi niya sa akin kung ano ang dapat kong gawin bilang assistant ng vice president.”“May meeting sa conference room number 1 sa loob ng kalahating oras. Linisin mo ang conference room, punasan ang mga mesa, at pagkatapos bumaba ka para bumili ng dalawampung tasa ng kape. Pagkatapos nun…”Sunod-sunod na binanggit ng sekretarya ang mahigit isang dosenang gawain para kay Ingrid, at pagkatapos ay idinagdag pa, “kung magkakamali ka, mababawasan ng tatlong beses ang iyong sahod. Kung mag-negative

  • Not Your Wife Anymore   208 - MAKATUWIRAN BA?

    “Nandito na ang elevator.”Mabilis na tumakas si Raven mula sa pagkakahawak ni Eris sa beywang niya. Pumasok siya sa elevator at lumingon, nakita niya si Eris na nakatayo pa rin, nakatingin lang sa kanya.Ramdam ni Raven ang matinding pagtibok ng kanyang lalamunan at puso habang nagtataka kung bakit hindi sumunod sa kanya ang lalaki sa elevator hanggang sa magsara ang pintuan nito.Nang magsara na ang pinto ng elevator, agad na nakahinga nang maluwag si Raven. Umatras siya at idinikit ang kanyang likod sa pader ng elevator. Itinaas niya ang kamay upang hawakan ang kanyang nagbabagang mukha, at sa repleksyon sa metal na dingding, nakita niyang kumikislap ang kanyang mga mata.Hindi niya akalaing sa edad na 27, maaari pa siyang magpakita ng ganitong kabata at inosenteng pagkahumaling na tila sa isang teenager.Samantala, pinanood ni Eris ang mga numerong tumataas sa elevator. Pagkatapos ay ibinaling niya ang ulo sa isang direksyon sa parking lot. Isang itim na kotse ang nakaparada sa su

  • Not Your Wife Anymore    207 - SHOE SIZE

    “Simula ngayon, walang sinuman ang dapat magsuot ng mga high heels na ganyan sa harapan ko!”“Ayaw mo sa mga high heels na ganito?” bulong ni Ingrid. Nang bigla siyang may naalala. Ang video na ipinadala sa kanya ni Raven. “Dahil ba may suot na ganyan si Raven?”Napaisip si Ingrid. Paano nga ba nagustuhan ni Caleb ang isang babaeng probinsyana na si Raven? Tiyak naman niya na madidismaya at mandidiri siy Caleb sa ganung babae!Pinakalma ni Ingrid ang boses niya at saka masuyong sinagot si Caleb. “Pinapahubad mo sa akin ang high heels, ano ang isusuot ko pauwi? Caleb! Hindi mo naman siguro ako hahayaang maglakad ng nakapaa, hindi ba?!”Nag-utos si Caleb sa mga tao sa tabi niya. “Hanapan n’yo nga siya ng pares ng tsinelas.”Agad namang nagreklamo si Ingrid sa narinig. “Bakit mo ako pinapasuot ng tsinelas?! Nawala ang sapatos ko! Kailangan mo akong bilhan ng kapalit!”Nagtawanan ang mga binata mula sa mayayamang pamilya. “Ang malalaki mong paa ay bagay lang sa tsinelas, Ingrid! Bilisan

  • Not Your Wife Anymore   206 - ANG SAPATOS

    Kinagabihan, sa isang pribadong silid sa isang private club.Nakaupo si Caleb sa sofa, nakabuka ang mga binti, at ibinagsak ang basong kakainom lang sa mesa.“Salinan n’yo pa ng alak ang baso ko!” utos niya. Kinuha naman ng isang kaibigan niya ang bote ng whiskey at nagbuhos ng kalahating baso.“Caleb, naubos mo na ang buong bote ng whiskey!”May isang naglakas-loob na nagtanong. “Ano’ng nangyari sa iyo? Heartbroken ka ba?”Itinaas ni Caleb ang ulo at ininom ang whiskey ng isang lagok. Gumalaw ang kanyang matalas na Adam’s apple. Nang ibaba niya ang baso, ang kanyang madidilim na mata ay malalim at may bahid ng lungkot.Ngumisi si Caleb, “Heartbroken? Ako, heartbroken?”May isang nagkomento, “Ang huling beses na uminom ka ng ganito karami ay noong araw ng iyong pakikipaghiwalay,"Bago pa matapos magsalita ang taong iyon ay may isa roon na pasimpleng tumapik sa kanya.Ang salitang iyon ay bawal banggitin kay Caleb. Ang sinumang bumanggit nito ay makakatanggap ng malamig na pagtrato mu

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status