Home / Romance / Not Your Wife Anymore / 74 - SINO TALAGA SI LUNA?

Share

74 - SINO TALAGA SI LUNA?

Author: Cristine Jade
last update Last Updated: 2025-10-19 07:27:14

“Go, go, go, Papa! Dude Ingrid!” sigaw ni Mason habang iwinawagayway ang hawak na maliit na pulang bandera.

Hanggang sa hindi na niya nakita ang sasakyan ni Caleb.

Samantala, natupad ang hiling dati ni Raven na magkatabi si Black Hole at Corona. Pero iba ngayon. Magkalaban sila. At hindi papayag si Raven na matalo ni Caleb sa laban na ito.

Sa likod ni Corona ay maririnig ang umuugong na si Black Hole. Mahigpit itong nakadikit sa buntot ng nangungunang si Corona. Si Corona ay tila mas mabilis sa straighaway marahil sa matinding top speed nito, habang si Black Hole ay lumalapit tuwing dadaan sa mga bahagyang paliko.

Kalmado lang si Ingrid habang nakaupo at pinagmamasdan ang girian ng dalawang sasakyan. Maski ang ibang mga kasali sa karera ay naging taktikal.

Habang si Raven naman ay makikita sa mga mata niya na hindi siya nate-tensyon at wala siyang takot.

Ganun din naman ang katabi nitong si Eris, pero hindi inaasahan ni Eris ang nangyari nang sa isang banayad na pagpalit ng kambyo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
MARICEL CUAÑO
thank you.. nice... more more pa.
goodnovel comment avatar
Arlyn Garaygay
sa umpisa LG maganda
goodnovel comment avatar
Cynthia Donato
ay naku kulang pa Rin ano ba Yan busit ,nakakatamad na ding basahin to
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Not Your Wife Anymore   213 - SI RAVEN AT SI SUPERINTENDENT

    Sa auditorium ng Northford School."Raven, alam mo ba kung ilang tao sa online ang nangutya sa iyo dahil hindi mo inilipat ang anak mo noon? Sinabi nilang duwag ka! Na hindi mo alam kung paano protektahan ang anak mo!” sabi ni Gwen na nasa ibaba ng stage, katabi ni Raven. “Pinalaki mo ang anak mo ng ganito; kailangan mo talagang protektahan ang kanyang self-esteem. Tingnan mo, ni hindi man lang niya maiangat ang katawan niya sa sobrang bigat niya! Ibibigay ko sa iyo ang diet plan ni Odette. Dalhin mo ang anak mo sa bahay at sundin ang diet ni Odette para pumayat. Tinitiyak ko na sa loob ng isang buwan, mga 10 pounds agad ang mababawas sa anak mo!” Tiningnan ni Raven si Gwen mula sa gilid ng kanyang mata, at saka nagsalita ng hindi ito tinitignan. “Mahilig kang magbigay ng payo, bakit hindi ka na lang mag-direkta ng trapiko sa kalsada?”Napansin ni Raven na ang ibang mga magulang na nakatayo kasama ni Gwen ay nagpapakita rin ng pagkainis.“Ikaw. Ikaw na nanay ni Maddison. Sa tingin

  • Not Your Wife Anymore   212 - IN ADVANCE

    AZ Commercial Building.Diretso pumunta si Annabel sa Development Department at nakinig sa ulat ng Research & Development team.“Wala na ba talagang paraan para maitama ang large model framework na isinulat ni Raven?”Pinunasan ng leader ng Research & Development team ang kanyang kalbong ulo gamit ang kanyang panyo bago sinagot si Annabel.“Hindi pa namin naayos ang data, Madam. Kaya hindi namin alam kung saan magsisimula.”Tumingin si Annabel sa expert team ng Micron Technology.Isa sa mga eksperto ang nagsalita. “Kailangan naming baguhin ang bagong large model framework, at aabutin ito ng hindi bababa sa kalahating taon.”“Kalahating taon?!” nagbago ang tono ni Annabel.Tumango ang eksperto. “Kailangan naming gumugol ng tatlong buwan para maintindihan ang logic at core parameters ng modelong ito.”Dalawang beses huminga nang malalim si Annabel. “Ni tatlong linggo, hindi ko kayang maghintay, lalo na tatlong buwan!”Natural na naunawaan ng leader ng R&D team kung bakit nagmamadali si

  • Not Your Wife Anymore   211 - MALING DATA

    “Raven!”“Pwede kitang bigyan ng isa pang pagkakataon upang maibalik ang lahat sa dati. Mananatili kang asawa ko, ina ni Mason. Pwede kong i-invest ang Santana Technology at panatilihin itong umuunlad! Ang gusto ko lang ay maibalik ang lahat sa dati!”Sa bawat salitang binibitawan ni Caleb, pakiramdam niya ay unti-unting nauubos ang kanyang lakas.Nanatili siyang matikas ang tindig, ngunit kumikislap sa kanyang mga mata ang takot at kawalan ng pag-asa.Para siyang nakatayo sa gilid ng bangin; kahit matigas ang kanyang paninindigan na ayos lang siya, halata na siyang malapit nang bumagsak.Lumingon sa kanya si Raven, malamig, walang pakialam, at puno ng matinding pagkasuklam ang kanyang mga mata.“Caleb, nagsisisi ka ba?”Napipi si Caleb sa kanyang mga salita, pinagdikit ang mga labi.“Hindi ko pinagsisisihan na naging asawa mo ako, at ina ni Mason. At hindi ko rin pinagsisisihan na iniwan ang lahat. Hindi na ako iikot sa paligid mo, kaya’t hinding-hindi na ako lilingon!”Naglakad na p

  • Not Your Wife Anymore   210 - 5 BILYON

    Mabilis na napahinto ang hininga ni Caleb, lihim na humahanga sa kagandahan ng kanyang asawa sa loob ng pitong taon.Para siyang isang perlas na nilinis ang alikabok; kumikislap ang kanyang mukha sa mga mata ni Caleb.“Hindi ko ibebenta sa iyo ang Santana Tech! Caleb, tandaan mo, kapag hindi na ako ang asawa mo, magiging kliyente mo na lamang ako, ang boss mo! Maaari ka lamang maging subordinate ko! Wala kang karapatang maging kapantay ko!”Nakatuon ang malalim na titig ni Caleb sa mukha ni Raven. May kagustuhan sa sarili niya na abutin at haplusin ang mukha ng dating asawa. Pero biglang dumating ang realisasyon sa kanya. Nawalan na nga pala siya ng karapatan na hawakan si Raven.Mabigat ang naging tanong ni Caleb kay Raven. “Sigurado ka bang si Eris Mercader ang pipiliin mo?”“Na-finalize na namin ang lahat kasama ang Mercader’s Group. Gaganapin ang pormal na acquisition signing ceremony sa susunod na linggo,” malamig na sagot ni Raven.Kalmado at walang pakialam ang tono ni Raven; h

  • Not Your Wife Anymore   209 - I'M NOT YOUR WIFE ANYMORE

    Nanginig ang katawan ni Ingrid. Hindi niya kailanman naisip na sa harap ni Raven, para lamang siyang isang langgam na maaaring durugin anumang oras!Nilingon ni Ingrid ang opisina ng presidente kung saan nag-oopsina si Raven. Mabangis niya iyong tinitigan. Isang araw, ibabagsak niya si Raven mula sa mataas na lugar nito at ipapakita sa kanya ang pagbagsak hanggang kamatayan!Nang magbaling ng tingin si Ingrid sa sekretarya ay kalmado na ang mukha nito.“Gusto ko lang makita ang aking kapatid at ipasabi niya sa akin kung ano ang dapat kong gawin bilang assistant ng vice president.”“May meeting sa conference room number 1 sa loob ng kalahating oras. Linisin mo ang conference room, punasan ang mga mesa, at pagkatapos bumaba ka para bumili ng dalawampung tasa ng kape. Pagkatapos nun…”Sunod-sunod na binanggit ng sekretarya ang mahigit isang dosenang gawain para kay Ingrid, at pagkatapos ay idinagdag pa, “kung magkakamali ka, mababawasan ng tatlong beses ang iyong sahod. Kung mag-negative

  • Not Your Wife Anymore   208 - MAKATUWIRAN BA?

    “Nandito na ang elevator.”Mabilis na tumakas si Raven mula sa pagkakahawak ni Eris sa beywang niya. Pumasok siya sa elevator at lumingon, nakita niya si Eris na nakatayo pa rin, nakatingin lang sa kanya.Ramdam ni Raven ang matinding pagtibok ng kanyang lalamunan at puso habang nagtataka kung bakit hindi sumunod sa kanya ang lalaki sa elevator hanggang sa magsara ang pintuan nito.Nang magsara na ang pinto ng elevator, agad na nakahinga nang maluwag si Raven. Umatras siya at idinikit ang kanyang likod sa pader ng elevator. Itinaas niya ang kamay upang hawakan ang kanyang nagbabagang mukha, at sa repleksyon sa metal na dingding, nakita niyang kumikislap ang kanyang mga mata.Hindi niya akalaing sa edad na 27, maaari pa siyang magpakita ng ganitong kabata at inosenteng pagkahumaling na tila sa isang teenager.Samantala, pinanood ni Eris ang mga numerong tumataas sa elevator. Pagkatapos ay ibinaling niya ang ulo sa isang direksyon sa parking lot. Isang itim na kotse ang nakaparada sa su

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status