Share

Chapter 5

Like

"Ang tigas ng ulo." I heard her murmured but I ignored it again.

Basang-basa ako mula ulo hanggang paa at ramdam ko ang lamig na nanunuot sa balat ko ngunit naiinda ko pa naman. Kaya hindi ko na kailangan ng twalya na ginamit... niya.

Agad akong napaangat ng tingin at tinignan siya. Nagbabakasali na mahingi ko pa pabalik ang ibinibigay niyang twalya sakin. 

Ngunit ang tanging nakita ko na lang ay ang pagsarado ng pinto na kaharap ng kusina. Sayang.

Hindi ko mapigilan na mapangisi sa sarili at mapailing. Do I seems creepy for wanting that towel she used and hoping that some of her scent get attached to it? 

Naiisip ko pa lang na bumabalot ang bango niya sa buong katawan ko ay parang nagiinit ang buong sistema ko. At laban sa lamig ng paligid ay gumawa 'yon ng sensasyon kung saan tumindig sa balahibo ko sa batok.

Napalunok ako at pinili na lang na sumimsim sa mainit na inumin. Tahimik ang paligid at malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas.

Sa ilang sandaling wala siya ay pinili kong pagmasdan ang paligid gamit malamlam na ilaw ng lampara.

Wala masyadong gamit. Tanging lamesa na may dalawang upuan, maliit na lababo, kalan, maliit na kabinet, maliit na refrigerator ang nakikita sa loob ng kusina. Habang isang sofa sa sala at maliit na lamesa sa gitna.

Walang TV o anu pa mang appliances. Kahit ang pader ay tanging wallpaper lang na halatang luma na dahil sa pagiiba ng kulay at naging dilaw. Walang ni isang litrato ang nakasabit doon bukod sa salamin.

It looks and feels empty. Napakunot ang noo ko saka ko narinig ang pagbukas ng pintuan. At halos nabilaukan ako ng makita ang manipis na naman niyang damit.

Isa ulit bestidang puti at sa nipis nito ay halos naaaninag ko na ang dibdib niya sa malamlam na ilaw. Kahit ang kulay ng undergarment niya ay lantad sa harapan ko.

Umiwas ako ng tingin at tumuwid ng upo habang nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. Bitbit ang isang twalya ay lumapit siya sakin at hinagis ang hawak.

Agad ko 'yong nasalo habang kunot noo parin.

"Nagpunas ka. Bago magkasakit ka pa at sumugod dito ang Mama mo at sisihin ako." Aniya habang hindi ako tinitignan at nakatuon ang tingin sa mug na hinanda ko kanina.

Kinuha niya 'yon at sinimulan niyang inumin.

"Hindi ako madaling kapitan ng sakit. At isa pa, hindi sumusugod si Mama sa kahit sinuman. Mabigat man ang rason o hindi, she keep herself in check and collected." Ngumiti ako sa kanya matapos 'yong masabi.

Sumulyap siya sakin at agad ding umiwas ng tingin. Palihim ko naman sinimhot ang twalya sa kamay ko. And as creepy as it sound, I was disappointed when I smell a familiar detergent instead of her scent.

"Hindi niya man ako susugudin pero sisihin pa rin niya ako kaya bilisan mo nang magpunas para makauwi ka na." Malamig niyang saad.

Napatitig ako sa hawak na mug at mariin na nilapat ang labi.

"So eager to get rid of me, huh." I murmured.

She snapped her gazed towards me. Mariin niya akong tinitigan na para bang hinahanapan ng kung ano.

"At isa pa, you should refrain yourself on wearing that kind of clothes especially when entertaining a visitor." Hindi ko mapigilan na punahin ang damit niya.

Actually, she could wore any clothes she desired. Wala 'yong problema. But there's also a proper time on where and when to wear those kind of skimpy and revealing dresses.

Akala ko ay mao-offend siya sa sinabi ko. Instead, I saw her smirked and chuckle.

"Actually, ganito talaga ang sinusuot ko kapag nage-entertain ng mga 'bisita' ko." 

Hindi nakaligtas sakin ang pagdiin ng salitang bisita sa sinabi niya. At agad kong nakuha ang gusto niyang iparating.

"I didn't mean it that way." I frown.

"But I mean it that way." She countered.

Agad kaming nagsukatan ng tingin. I'm starting to get annoyed on how peaceful the atmosphere between us then suddenly shifted into a tense ambience.

"Payo ko lang sa'yo, bata. Never, ever, dictate a girl about the kind of clothes she wore. If we're comfortable in that set up but too offensive in our own perspective then it's your problem. Educate first yourself before educating me." Taas noo niyang saad.

Napamaang ako sa sinabi niya. Ang gusto ko lang namang mangyari ay hindi siya mabastos. 

Yet it wasn't the case for me because my mind was on the way she addresses me.

"I'll keep that in mind. Pero Jacinto ang pangalan ko at kung komportable ka na ay Jack na lang, hindi bata." Seryosong sabi ko.

Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Ang layo naman ng Jacinto sa Jack na palayaw." She drawled.

"I more prefer it though." Kibit-balikat kong sagot.

Hindi na niya dinugtungan ang naging sagot kaya ilang sandali namayani ang katahimikan samin bago ko ito binasag.

"Bakit mo pala naiisipan na magpaulan sa labas?"

It took a lot of courage not to show how eager I am to know her reason and pacify the burning curiousity inside my mind.

"Naliligo ako." Pasimple niyang sabi.

Agad na nagtagpo ang mga kilay ko sa sinabi niya. Wala na bang mas kapanipaniwalang kasinungalingan na alam niya?

"Sa dilim at sa hating gabi? Bakit pati ba agos ng tubig nawala kaya sa labas mo naisipan na maligo?" Napanuya kong tanong.

Nang bumaling siya ay agad na naningkit ang mata niya. Hawak niya parin ang mug habang nagsusukatan kami ng tingin.

"Talaga na bang wala ng ikakagalang ang mga salita mo sakin?" She countered with the same sarcastic tone.

"Hindi ako magbabanggit ng 'po' sa bawat sasabihin ko sa'yo at lalong hindi kita tatawaging Ate. So what's the reason why you decided to took a bath in the middle of the pouring rain?" Pamimilit ko.

Hindi ko siya gustong bigyan ng daan para ibahin ang usapan. At lalong hindi ko hahayaan na masayang ang pagkakataon na ito.

"Kung sasabihin mo ang rason kung bakit hindi mo ako matawag na Ate ay sasagutin ko din ang tanong mo." Panghahamon niya.

She tilted her face and smirked. Tila panalo na sa gyerang namamagitan samin.

"Hindi malayo ang agwat na'tin sa edad para tawagin kitang Ate." I calmly said then sipped on the drink that's already lukewarm.

"Na-ah," she shook her head, "So do tell me kung ilang taon ang agwat na'tin." She tantalized.

I gritted my teeth and clenched my jaw because of her defiance. Mariin ko siyang tinitigan. 

"I just recently turned 18 and I know you're already 24. Hindi gaanong malayo para tawagin kitang Ate at may 'po'."

Nakita ko ang aliw sa mukha niya habang nakatitig sakin. Gusto kong mainis ngunit pinigilan ko. 

She wanted this right? To prove that I know something or might be everything about her? She wanted to know if I'm tracking her life. She wanted to know if I secretly wanted to know her.  Then I'll let all the beans spill for my goddamn care.

Akmang magsasalita sana siya ngunit inunahan ko.

"I'm interested in your life kaya alam ko ang pagitan ng edad na'tin," Tumayo ako at lumapit sa kanya,"Hindi lang 'yon ang alam ko tungkol sa'yo." Humakbang ako ng sobrang lapit sa kanya at halos ilang dangkal na lang ang layo ng katawan namin.

I sense how her breath turned into erratic and her eyes widen while looking at me.

"Alam kong nagtatrabaho ka sa Gino's Beer Bar sa may Velez. Alam kong nag-iisa ka lang dito sa bahay mo. Alam kong paborito mo ang Turon dahil sa palagian mong pagbili kina Aling Rema. Hilig mo ang paninigarilyo at gusto mo ang Green Marlboro. Marami pa akong alam sa'yo at may dahilan lahat ng 'yon." I seriously said.

Umawang ang labi niya sa mga sinasabi ko. 

Nang tinawid ko ang kunti pang distansya sa pagitan namin at hinawakan ang pisngi niya ay alam kong wala na akong kawala at lalo na siya.

And even though I'm younger than her, I'm still tall and consider to have good physique. Kaya nakadungaw ako sa kanya dahil sa sobrang lapit namin.

"I like you, Maria. Kaya ayokong pinipilit mo sakin ang isang bagay na dapat hindi pa binibigyan ng oras para isipin." I said in low voice.

Napatingin ako sa nakakahalina niyang mata bago dumako ang mata ko sa mapula niyang labi. She moisten her lips and I saw it turned into deep shade of red. Then she swallowed and ironically, I did the same.

Gusto kong tawirin ang kaunting distansya na humihiwalay sa pagitan namin ngunit alam kong hindi pa tamang panahon. Hindi pa sa ngayon...

Kaya bumalik ang tingin ko sa mata niyang kumikislap dahil sa ilaw ng lamparang tumatama doon. Hinugot ko ang natitira kong kontrol at pinili kong hinalikan ang kanyang noo bago umatras.

Kinuha ko ang twalyang nakasabit sa balikat ko at binalot 'yon sa kanya. She's still seems shocked while standing there and looking at me with disbelief.

"Sa susunod na'tin pag-uusap ay hihingin ko na ang rason mo. Sa ngayon ay mauna na muna ako para makapagpahinga ka ng maaga." I calmly said then stepped back.

As I walked away toward her back door, I didn't heard any noise coming from her. At kahit naghuhuremintado na ang loob ko na lumingon at tignan siya ay hindi ko ginawa.

Dahil alam ko kasi sa sarili ko na kapag pinagbigyan ko ang sarili ko ay baka tumakbo ako patungo sa kanya at gawin ang gustong-gusto ko ng gawin sa kanya.

That's why I left without any backward glance towards her.

~SpadeLucker

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status