LOGINBIANCA POINT OF VIEW Nagtataka na talaga ako sa sarili ko. Habang tumatagal, lalo ko lang nararamdaman na gusto ko si David na laging nasa tabi ko. Mula sa pagkagising ko sa umaga hanggang sa bago ako pumikit sa gabi, siya ang laging hinahanap ng mata at isip ko. Kahit nasaan man ako, kapag wala siya, parang may kulang, parang hindi kumpleto ang araw ko. Alam ko sa sarili ko na hindi na ito normal. Alam kong may mali na sa ugnayan namin bilang magpinsan. Sa paraan ng pakikitungo namin sa isa’t isa, sa mga hawakan, sa mga salitang binitiwan namin, at sa kung paano kami magkatampuhan... para na talaga kaming magkasintahan. Hindi na ito gaya ng dati na simpleng pagmamahal lang ng magkamag-anak. Kung ano ang gusto ko, ginagawa niya. Kung ano ang sinasabi ko, sinusunod niya. Palagi niya akong inuuna sa lahat ng bagay, kaibigan man, pag-aaral, o kahit kanino pa. Alam kong handa siyang isakripisyo ang lahat basta lang masaya ako at hindi ako nagtatampo sa kanya. Isang araw, habang
Sa unang pagkakataon, nagkatampuhan ang dalawa. Hindi sumabay si Bianca sa pagkain ng almusal. Hindi rin siya sumakay at sumabay kay David papasok sa eskwelahan. Sinadya niyang magpa-iwan at sumakay ng ibang sasakyan. Pinaparamdam niya talaga kay David na nagtatampo siya at galit ito. Umaasa siyang mapapansin nito, lalapit, at hihingi ng sorry. Pero si David naman, parang walang nangyari, manhid, at busy na agad kay Camille. Pagdating ni Bianca sa campus, doon pa lalong sumama ang loob niya. Nakita niya agad ang dalawa na magkatabi, masayang nagkukuwentuhan, at bitbit-bitbit pa ni David ang bag ni Camille. Kitang-kita niya kung paano ito maging maalaga at masunurin sa kasintahan, bagay na dati ay sa kanya lang ginagawa nito. Mas lalong kumirot ang puso niya at damang-dama niya ang selos na umaalab sa kanyang dibdib. Nang mapansin ni David ang pagdating niya, agad siyang nilapitan nito. "Bianca! Andito ka na pala. Bakit hindi ka sumabay sa akin kanina? Hinintay kita eh," bati ni
Kinabukasan, Inenroll agad ng mag-asawa si David sa parehong paaralan kung saan nag-aaral si Bianca. Napansin nila na kahit bagong lipat lang, sabik na sabik ang bata na makapasok sa klase at makasama ang ibang mga kaklase. Sabik itong mag-aral. Si David ay palaging tahimik at hindi madalas nagsasalita, pero masunurin siya sa lahat ng utos at gawain sa klase. Ginagawa niya ang lahat nang maayos at hindi nagpapakita ng pagrereklamo. Si Bianca naman ay laging nasa tabi ng kanyang pinsan. Siya ang laging nag-aasikaso sa mga gamit nito, nagtuturo ng mga bagay na hindi pa alam kagaya ng assignment at projects, at pagkatapos ay laging inaaya itong maglaro. Araw-araw, sinasabi niya kay David, "Tara, maglaro tayo!" o "Halika, samahan mo ako!" Kahit minsan ay hindi agad sumasama si David, hindi nagsasawa si Bianca na ayain si David at makasama ito. Dahil dito, unti-unting nagiging komportable ang bata at nararamdaman na siya ay tunay na bahagi na ng kanilang pamilya. Sa umaga, sabay s
Andrea’s POV Speaking of Bianca, gising na rin siya. At gaya ko, nagtaka at nagulat din siya nang makita ang maliit na batang nakaupo sa sala. Agad siyang lumapit sa amin, puno ng curiosity ang mukha. "Mom, Dad, who is he?" tanong niya kaagad. "Sino po siya?" pag-uulit niya habang nakaturo nang bahagya kay David. Nagkatinginan kaming mag-asawa. Pareho kaming nag-aalinlangan at hindi alam kung paano ba namin siya maayos na ipapakilala sa anak namin. Ayaw naming magbigay ng komplikasyon o maling akala, kaya ako na ang naunang magsalita. "Ah, anak... siya si David, your cousin," pagpapakilala ko. Sinabi kong magpinsan sila nang may dahilan—para malinaw sa lahat ang kanyang puwesto at kaugnayan sa pamilya, at para hindi na lumalim pa ang mga tanong na maaaring magdulot ng gulo. At para rin hindi na maungkat ang nakaraan. "Cousin? Anong pangalan po niya?" muling tanong ni Bianca. She is two years older than David, kaya naman parang natural na sa kanya ang maging mas matanda at m
ANDREA'S POINT OF VIEW Kakaigising ko lang at medyo lutang pa ako at nagkakusot-kusot pa ng mata habang pababa ng hagdan para sana uminom ng tubig. Sobrang aga pa noon, halos madilim pa ang paligid, pero gulat na gulat ako nang makita ko si Damien na nakatayo sa may sala. Hindi siya mag-isa... may akay-akay siyang isang maliit na batang lalaki na sa tingin ko ay nasa 5 o 6 ang edad. Sa gilid nila, nakita ko rin ang ilang malaleta at bag na sigurado akong hindi naman sa amin. Napakurap-kurap ako, parang hindi makapaniwala sa nakikita. Ano 'to? Saan nanggaling ang batang 'yan? Bakit may kasamang bata ang asawa ko? Biglang pumasok sa isip ko yung madalas naming pinag-uusapan. Alam naman ng lahat na hindi na nasundan si Bianca, ang panganay namin, at madalas ko rin itong nakikitang malungkot at tahimik. Naisip ko... baka ito na 'yun. Baka inihanda ito ni Damien bilang sorpresa sa amin. Baka nagpasya siyang mag-ampon ng bata para may kalaro at may ituring na kapatid ang mga anak ko,
Pagkatapos ng magulong pangyayari, sunod-sunod na putukan, at matinding traumang kanilang nasaksihan, sinunod agad ng yaya ni David ang iniutos ni Mijo. Kahit siya ay nanginginig pa rin sa takot at sariwa pa sa kanyang alaala ang bawat sigawan at putok ng baril kanina, batid niyang ito na ang tanging paraan upang mailigtas ang buhay ng bata. Mabilis silang sumakay sa sasakyang inihanda ni Mijo at tinahak ang mahabang daan palayo sa Tarlac. Madaling araw na nang makarating sila sa Maynila. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si David. Hinaplos ng yaya ang likod nito habang pilit na pinapakalma. “Tahan na, anak. Ligtas na tayo... ihahatid na kita sa taong pinagkakatiwalaan nang lubos ng Daddy mo. Tahan na, David... naiiyak na rin ako dahil sa’yo,” bulong niya habang tumutulo na rin ang kanyang luha. “Napakabata mo pa lamang, ngunit kailangan mong masaksihan ang lahat ng ito.” Matagumpay naman silang nakarating sa mansyon ng mga Cojuangco. Napakalaki at napak







