FAZER LOGINDamien’s POV The moment it was over, I practically jumped off the bed. Nagmadali akong pulutin ang mga nagkalat kong damit sa sahig. Nanginginig ang mga kamay ko habang isinusuot ko ang damit ko. Every second I stayed in that room felt like another nail in my coffin. What the hell did I just do? "This is wrong..." bulong ko sa sarili ko habang tinatali ang sinturon ko. Sa wakas, natauhan ako. Putang ina, sobrang mali ng nagawa ko. Biglang sumagi sa isip ko ang mukha ni Fia. Yung paraan ng pagtingin niya sa akin pag-uwi ko, yung paghawak niya sa kamay ko... Ramdam ko ang bigat ng konsensya ko. I know I’ve made my choice, I know she’s my wife now… but Andrea just has this way of getting under my skin, of making me forget everything I’ve worked so hard for. Gusto kong murahin ang sarili ko sa katangahan. Hindi na ako lumingon pa. Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya. Nagmadali akong bumaba ng hagdan hanggang sa makarating ako sa kotse ko kung saan nandoon pala yung yaya
Andrea’s POV "Ngayon lang ito, ha! Pinagbigyan lang kita para matigil ka na," bulong niya sa tenga ko gamit ang paos at garalgal na boses. Habang buhat-buhat niya ako, ramdam ko yung bilis at lakas ng bawat bayo niya sa loob ko. Enjoy na enjoy siya eh, kahit anong tanggi niya, kitang-kita ko sa mukha niya na miss na miss niya rin 'to. "Okay lang," sagot ko sabay dikit ng katawan ko sa kanya at yumakap dahil ang hirap ng posisyon na ginagawa naman.. "Promise, after this hindi na kita gugulihin." sabi ko lang yon pero alam ko ang kapasidad ni Damien. I know him very well. At ngayong nakita kong bumigay na siya, magiging madali na sa akin ang lahat. hindi diya galit. naiipit lang siya sa sitwasyon namin ngayon pero ramdam ko na ako pa rin ang number 1 sa puso niya.I wasn't hurt when he said it was just for tonight – I know he's just hiding how he really feels. Instead, I focus on the moment – on the warmth of his skin against mine, on how familiar it all feels even after so long
Damien’s POV Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama namin dati na kama na lang niya ngayon. daang-daang alaala ang nagbalik sa akin. Mga masasayang alaala namin sa kamang ito na hanggang alaala na lanv ngayon. Pinunasan ko siya ng basang bimpo para gumaan ang pakiramdam niya. Tinitigan ko siya saglit... sayang naman at ang ganda-ganda niya pero sinasayang lang sa alak. Nahihirapan akong makita siyang ganito pero wala akong magawa, iba na ang mundo namin ngayon. Nang masiguro kong maayos at mahimbing na ang paglakatulog niya, nag-decide na akong umuwi ma. At nang akmang aalis na ako para umuwi na kay Fia, bigla niyang hinila ang kamay ko pabalik. "Dito ka lang, Damien! Huwag mo akong iiwan please... natatakot ako," bulong niya habang pikit-mata at lasing na lasing. "Kahit ngayon lang, oh. Gusto kitang mayakap. Miss na miss na kita! Sorry kung huli na nang bumalik yung alaala ko. Sorry kung late ko na na-realize kung gaano mo ako minahal. Sobrang lungkot ko, Damien. Paano ba tayo
Damien’s POV Hindi kami umalis. Hindi kami bumitaw. Kahit gaano pa katagal, hihintayin namin na ibigay nila si Bianca. Karapatan ko ‘to bilang ama at desisyon ‘yan ng korte. Matiyaga kaming nakaupo ni Fia sa sala, hinahayaan lang ang oras na lumipas hanggang sa sa wakas... bumaba rin ang mga katulong. Bitbit nila si Bianca at ang mga gamit niya. Hindi bumaba si Andrea kaya wala na rin kaming nagawa. Kinuha ko ang anak ko at agad kaming umalis. Habang nasa sasakyan, tuwang-tuwa ang bata. Kilalang-kilala niya ako. Niyakap niya ako nang mahigpit at paulit-ulit akong hinahalikan. "Daddy!" ang tanging sigaw niya. Masaya ako. Sa wakas, makakasama ko na ulit ang prinsesa ko. Akala ko magiging maayos ang lahat. Pero pagdating namin sa mansyon... parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Pagkababa niya, bigla na lang itong humikbi. Nawala ang ngiti sa labi niya. Tinitignan niya ang paligid, ang malaking bahay na hindi naman niya nakasanayan, at doon nagsimula ang walang tigil na pag-iy
Damien’s POV Sinama ko si Fia dahil gusto kong maramdaman niya na wala na siyang dapat ipag-alala. Gusto kong iparamdam sa kanya na siya lang ang mahal ko at ang pagpunta ko dito ay para sa iisang dahilan lang—para sa anak namin ni Andrea. Gusto ko ng assurance. Gusto ko ng maayos na transaksyon. Ayokong magkaroon ng isyu o malisya. Kaya dinala ko siya, para makita niya mismo na wala akong tinatago at ang pagkikita namin ni Andrea ay puro tungkol lang kay Bianca. Pero sa totoo lang... sobrang sabik na sabik na akong makita ang anak ko. Gabi-gabi ko siyang naiisip. Miss na miss ko na ang yakap niya, ang halik niya, at ang tawag niya sa akin na "Daddy". Kaya kanina, ang aga-aga ko nang dumating dito. Akala ko ay gigisingin na nila kami o handa na sila, pero ilang oras akong nakaupo sa sala... naghihintay. Nainip ako. Sobrang nainip. Pati si Fia alam kong naiinip na rin. Ilang beses ko tinignan ang orasan. Wala pang gumigising. Wala pang bumababa. Dahil sa inis at dahil na
Andrea’s POV Umuwi ako... pero pakiramdam ko ay wala akong uuwian. Bigo. Lubog na lubog sa pagkabigo. Ni hindi man lang kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap nang maayos. Ni hindi man lang niya ako pinakinggan. Ang akala ko kasi, once nagkita kami, may mababakas man lang na awa o kahit kaunting pagtingin pa rin. Pero wala. Wala talaga. Yung tingin niya sa akin kanina... I almost died. Yung mga mata na dati’y puno ng pagmamahal at paghanga, ngayon ay naging manhid at walang pakialam. Para akong basura na tinapakan. Para akong hangin na dumaan lang. Sa bawat sulyap niya, parang sinasabi niyang tapos na. Wala na talaga. tumigil na! At doon ko tuloy tinanggap ang katotohanan. Wala nang pag-asa para sa aming dalawa ni Damien. Patay na ang lahat. Ang puso niya para sa akin ay matagal nang nagyelo at hindi na muling matutunaw. Pero ang mas masakit pa sa lahat... ang desisyon ng korte. Dahil sa kagustuhan kong makausap siya, naging daan pa ito para mawala sa akin ang anak nami







