Mag-log inNapalingon ako sa gulat nang marinig ko ang malakas na kalabog mula sa armchair na marahas na hinampas sa harapan ko. Naputol ang mahimbing kong pagkakatulog at dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko. Pagmulat ko, bumungad sa akin ang mukha ni Mrs. Dela Cruz na namumula sa galit.
“Isadora!” sigaw niya, dahilan upang paulit-ulit akong pumikit sa sobrang lakas ng boses niya. Mariin niya akong itinuro habang nakapamewang sa harapan ko. “You’re sleeping in my class again? This is inappropriate! My class is not for slacking students like you! If you’re not interested in my lesson, then get out of my class immediately! This is disrespectful!”
Napasinghap ako at sinubukang magsalita, ngunit tila namuo ang mga salita sa aking lalamunan. Patuloy niya akong pinagsasalitaan, kaya bahagya ko na lamang yumuko at nagpanggap na hindi ko siya naririnig. Hinintay kong matapos ang kaniyang sermon bago ako nag-ipon ng lakas ng loob upang sumagot.
“I’m sorry, Prof. Hindi na mauulit,” mahinahon kong sambit habang nakayuko, pilit na ipinapakita ang aking pagsisisi.
“Well, this is your last warning! I’ll let it slide this time, but next time, you won’t get another chance to make excuses!” mariin niyang pagbabanta bago mabilis na tumalikod at bumalik sa harapan ng whiteboard. Isinulat niya roon ang pagpapatuloy ng aming aralin na para bang walang nangyari.
Napahawak ako sa aking dibdib habang unti-unting nanghihina ang aking mga kalamnan.
Bakit napapanaginipan ko na naman si Cole sa hindi kaaya-ayang karanasan?
Masyado akong nagulat, ngunit hindi ko rin naman masisisi si Mrs. Dela Cruz. Hindi iyon ang unang pagkakataong nahuli niya akong natutulog sa kaniyang klase.
Hindi ko talaga maiwasan ang ganitong sleeping habit. Nagsimula ito pitong taon na ang nakalilipas noong nagkahiwalay kami ng landas ng kapatid kong si Cole upang mag-aral sa magkaibang kolehiyo.
Grade 11 ako noon nang magkahiwalay kami. Simula nang umalis siya, hindi na ako makatulog nang maayos sa gabi. Madalas ay nananatili akong gising hanggang madaling-araw at saka lamang inaantok bandang alas-tres o alas-kuwatro.
Hindi lamang iyon simpleng bisyo o nakasanayan. Mayroon akong kondisyon sa kalusugan mula pa noong limang taong gulang ako, kaya patuloy akong sumasailalim sa psychiatric assistance. Ang nyctophobia at astrophobia ay palaging nakaaapekto sa aking pang-araw-araw na buhay, lalo na kapag nagsisimula nang lumubog ang araw.
Hanggang ngayon, patuloy pa rin akong hinahabol ng takot na iyon.
Hindi ako makatulog nang mahimbing kapag wala si Cole. Hindi ko kayang harapin ang nakapangingilabot na mga tunog ng kulog o ang nakakasilaw na pagkidlat kapag masama ang panahon. Sa tuwing sumasapit ang gabi, tila bawat kaluskos ay nagiging banta at bawat anino ay nagkakaroon ng sariling anyo.
Sina Mom at Dad ang nagsisilbing sandigan ko sa tuwing lumalala ang aking kondisyon, ngunit hindi rin sila palaging naroon. Abala sila sa pamamahala ng mga ari-arian ng pamilya at pagpapatakbo ng malalaki nilang kumpanya sa buong lungsod.
Kaya madalas, nauupo na lamang ako sa isang sulok, niyayakap ang aking mga tuhod habang buong lakas kong nilalabanan ang matinding takot sa dilim.
Ginagawa ko iyon para lamang mabuhay at magpatuloy.
Dalawampu't dalawang taon na ang nakalilipas bago ako tuluyang mapadpad sa pamilyang ito. Isa lamang akong nag-iisang anak ng aking tunay at mapagmahal na ama. Isa siyang military general na handang ialay ang kaniyang buhay para sa bayan.
Ang aking ina naman ay bahagi ng isang military medical team. Sa kasamaang-palad, namatay siya habang ipinapanganak ako. Hindi ko man lamang nasilayan ang kaniyang mukha, maliban sa mga litrato niyang maingat na itinago ng aking ama sa loob ng kaniyang keepsake box.
Nang lusubin ng mga terorista ang hangganan ng bansa, ipinadala ang aking ama upang mamuno sa mga espesyal na pangkat na nagtatanggol sa bayan. Sampung araw ang tumagal ng digmaan. Sa huli, nagwagi ang kanilang panig, ngunit kapalit nito ang buhay ng aking ama.
Ang naiwan lamang sa akin ay ang kaniyang mga medalya, ang watawat ng bansa, at ang urn na naglalaman ng kaniyang abo. Sa murang edad, para bang pinunit mula sa akin ang dalawang taong naging pinagmumulan ng aking lakas at pagkakakilanlan.
Maaga kong nawala ang aking mga magulang, ang mga taong nagbigay sa akin ng buhay, ngunit iniwan ako nang wala man lamang pagkakataong matutong mabuhay nang mag-isa.
Isang linggo matapos ang lamay ng aking ama, bigla na lamang dumating ang aking tiyahin sa mansiyon. Kapatid siya ng aking ama, ngunit wala ni katiting na awa sa kaniyang mga mata.
Isa-isa niyang ipinalabas ang aking mga gamit at walang pag-aalinlangang itinapon ang mga iyon sa labas. Sinabi niyang hindi na raw ako kabilang sa kanilang pamilya at wala na akong karapatan sa alinman sa mga ari-arian o lupain ng aking ama.
Noong araw na itinaboy nila ako, makapal at madilim ang kalangitan. Ayon sa balita, isang malakas na bagyo ang paparating noong gabing iyon.
Paulit-ulit akong nakiusap sa aking tiyahin na papasukin ako, ngunit sa halip na maawa, pinagtawanan lamang nila ako kasama ang kaniyang asawa. Walang ibang bagay ang nanatili sa aking mga bisig kundi ang maliit kong brown teddy bear, ang regalong ibinigay sa akin ng aking ama noong ikatlong kaarawan ko.
Magdamag akong umiyak habang marahas na hinahampas ng bagyo ang buong paligid. Lalong nagdilim ang kalangitan, at ang malalakas na kulog ay tila nagbabantang yumanig sa buong mundo.
Biglang kumidlat nang napakalapit. Tinamaan ng kidlat ang antigong plorera ng mga bulaklak, ang plorerang binili ng aking ama noong dalawang taong gulang pa lamang ako. Sa lakas ng tama, nabasag ito at nagkalat ang matutulis na piraso sa sahig.
Tumalsik ang ilan sa mga bubog sa aking mga bisig at nag-iwan ng malalalim na hiwa sa aking balat. Agad na bumalong ang dugo, ngunit higit pa sa sakit ng sugat ang takot na kumuyom sa aking dibdib.
Malakas akong sumigaw at walang tigil na kumatok sa p***o, ngunit walang sinuman ang naglakas-loob na pagbuksan ako. Maging ang mga katulong na ilang taon nang naglingkod sa akin ay walang magawa dahil kontrolado rin sila ng aking tiyahin.
Basang-basa na ang aking damit dahil sa walang tigil na ulan. Hindi nagtagal, tuluyan akong nawalan ng malay dahil sa matinding takot, lamig, at panghihina.
Nang magising ako kinaumagahan, natagpuan ko ang sarili ko sa labas ng tarangkahan ng mansiyon. Nandoon ang ilan sa aking mga gamit, pati na ang keepsake box na naglalaman ng larawan ng aking ina, mga medalya ng aking ama, at kaniyang abo.
Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang paghikbi, ngunit tuluyan pa ring tumulo ang aking mga luha. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay. Isa lamang akong batang mahina, takot, at walang kaalam-alam kung paano harapin ang mundong puno ng paghihirap.
Ilang araw akong nagpagala-gala sa mga lansangan, hinahayaan lamang ang aking mga paa na dalhin ako kung saan man nila nais. Wala akong pupuntahan at wala ring naghihintay sa akin.
Sa wakas, nakakita ako ng isang maliit na silungan kung saan maaari akong makapagpahinga. Doon ako nahiga, ngunit dahil sa mataas na lagnat at matinding pagod, muli akong nakatulog.
Nang magising ako, natagpuan ko ang sarili ko sa isang hindi pamilyar na lugar. Maputi ang kisame at maliwanag ang paligid. Sa itaas ko ay may malalaki at bilog na bombilyang nakasabit, habang unti-unting bumabalik ang aking mga alaala.
Paglingon ko sa aking tabi, isang lalaking hindi ko kilala ang nakaupo sa isang silya. May kakaiba siyang presensya: matatag, makapangyarihan, at tila sanay na sinusunod siya ng mga tao. Mahina siyang ngumiti sa akin, ngunit tapat ang kabaitan sa kaniyang mga mata.
Sa tabi niya ay isang magandang babae na may banayad at maamong mukha. Nagkatinginan muna sila bago muling ibinaling ang kanilang atensyon sa akin.
“Jasmine Willington, right?” mahinahon na tanong ng lalaki, na para bang matagal na niyang alam ang pangalan ko.
Tahimik lamang akong tumango.
Maingat na hinawakan ng babae ang aking kamay. May mga benda itong nakabalot dahil sa mga sugat na natamo ko nang nabasag ang plorera. Malumanay niya akong tinitigan, at ang awa sa kaniyang mga mata ay nagbabantang muling magpakawala ng aking mga luha.
“Honey, don’t worry. From this day onward, we will be your family,” sabi niya sa isang boses na puno ng katiyakan.
“We’re already processing the adoption papers. Once everything is settled, we’ll take you home for good,” dagdag ng lalaki.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Isa-isang kumawala ang mga luha sa aking mga mata habang unang beses kong naramdaman na baka, sa wakas, hindi na ako kailangang mag-isa.
May naghihintay na luxury car sa tapat ng private nightclub. Hindi ko akalain na doon kami tutungo, kaya tiningala ko siya habang buhat-buhat niya ako.Napakaganda ng porma ng mukha niya, napaka-manly, matangos ang ilong, at ang mga labi niya ay hindi naman sobrang nipis. Sakto lang, kissable at parang ang sarap halikan.Naalala ko si Cole sa kanya. Ganyan na ganyan din ang pormahan ng facial features niya. Kaya siguro naging maamo ako sa lalaking ito. At siguro, namimiss ko lang talaga si Cole dahil pitong taon na rin kaming hindi nagkikita o nagkakausap, kahit sa social media.Miss na miss ko na siya. Eh siya kaya, na-miss din ba niya ako? Siguro may girlfriend na siya sa States. For sure, maraming magkakagusto sa kanya. Well-packaged na kasi si Cole.Kung may girlfriend na siya, maalaga rin ba siya gaya ng pag-aalaga niya sa akin noon?Pinapatuyo rin ba niya ang buhok ng girlfriend niya kapag basa ito mula sa pagligo?Pinagluluto rin ba niya ng pagkain at almusal sa umaga?Hinahali
May naghihintay na luxury car sa tapat ng pribadong nightclub. Hindi ko akalain na doon kami tutungo, kaya tiningala ko siya habang buhat-buhat niya ako.Napakaganda ng porma ng mukha niya, napaka-manly, matangos ang ilong, at ang mga labi niya ay hindi naman sobrang nipis. Sakto lang, kissable at parang ang sarap halikan.Naalala ko si Cole sa kanya. Ganyan na ganyan din ang pormahan ng facial features niya. Kaya siguro naging maamo ako sa lalaking ito. At siguro, namimiss ko lang talaga si Cole dahil pitong taon na rin kaming hindi nagkikita o nagkakausap, kahit sa social media.Miss na miss ko na siya. Eh siya kaya, na-miss din ba niya ako? Siguro may girlfriend na siya sa States. For sure, maraming magkakagusto sa kanya. Well-packaged na kasi si Cole.Kung may girlfriend na siya, maalaga rin ba siya gaya ng pag-aalaga niya sa akin noon?Pinapatuyo rin ba niya ang buhok ng girlfriend niya kapag basa ito pagkatapos magligo?Pinagluluto rin ba niya ng pagkain at almusal sa umaga?Hin
Lumipas ang maraming taon at dumating na ang oras ng aming paghihiwalay ng landas.Cole needed to be sent overseas para sa law course niya. As for me, I chose to stay here and be content with the best available academy for my course. It was against both of our wishes, pero kailangan naming tuparin ang mga pangarap namin. At the end of the day, magkakasama at magkikita pa rin naman kami.Wala pang kalahating taon nang ma-undergo na naman ako ng psychiatric assistance. My trauma worsened when Mom and Dad also flew overseas to attend the biggest awarding ceremony for the Most Successful Businessman in the world, kasama na rin ang Most Expandable and High Rate Companies.According to my psychiatrist, I needed to tighten my grip and learn how to be independent, para malabanan ko ang trauma at phobia na dinaranas ko. Mom and Dad agreed, thinking it was convincing. Including no more connection to Cole. He was my emotional anchor, kaya isa siya sa mga main target na dapat kong isantabi.I los
Gabi-gabi, palihim kong nararamdaman ang malalambing na halik ni Cole sa labi ko. Tahimik lang akong nakahiga, kunwari’y walang nangyayari, pilit kong pinapakalma ang paghinga ko na parang normal lang ang lahat. Tuwing ginagawa niya iyon, dati, mahina akong umuungol, isang maliliit na tunog na halos hindi marinig, tapos bigla akong sumisiksik sa leeg niya, hinahanap ang init at amoy ng balat niya. Kapag ganun, niyayakap niya ako nang mahigpit, parang gusto niyang iparamdam na hindi niya ako hahayaang mawala sa mga bisig niya.Isang araw, halos sabay sa pag-uwi nina Mom at Dad galing abroad, nangyari ang hindi ko inaasahan. Labinlimang taong gulang lang ako noon, at si Cole naman ay disiotso. Maaga akong nagising. Ramdam ko agad ang sakit na parang may humihila sa ilalim ng tiyan ko. Pagtingin ko sa bedsheet at sa likod ng pajama ko, may pulang mantsa. Wala akong kaalam-alam; wala pa kasing nakapagsabi sa akin tungkol sa ganito at hindi ko namalayan na iyon na pala ang unang regla ko.
Hindi alam ng lahat na ang lalaking iyon pala ang pinakamakapangyarihang tao sa buong bansa, isang taong kayang patahimikin ang isang buong silid sa pamamagitan lamang ng kaniyang presensya, at ang mga desisyon ay may kakayahang makaapekto sa buhay ng napakaraming tao.Sa edad na eighteen, nakontrol na niya ang ilang maliliit na kumpanya at napalago ang mga ito sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Despite his young age, his intelligence and determination were far beyond his years. Higit sa lahat, siya ang pinakamalapit at pinagkakatiwalaang childhood friend ng aking ama.Bago pumanaw ang aking ama, nangako sila ni Mr. Isadora sa isa’t isa. If anything ever happened to my father, the Isadoras would take care of me. Alam ng aking ama ang lahat tungkol sa sitwasyon ko, at alam niyang hindi ako kailanman magiging ligtas o magiging masaya sa pangangalaga ng aking auntie.Ngunit hindi kailanman naghintay ang tadhana.Matapos pumanaw ang aking ama, nangyari ang lahat ng kinatatakutan nila. Sa wak
Napalingon ako sa gulat nang marinig ko ang malakas na kalabog mula sa armchair na marahas na hinampas sa harapan ko. Naputol ang mahimbing kong pagkakatulog at dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko. Pagmulat ko, bumungad sa akin ang mukha ni Mrs. Dela Cruz na namumula sa galit.“Isadora!” sigaw niya, dahilan upang paulit-ulit akong pumikit sa sobrang lakas ng boses niya. Mariin niya akong itinuro habang nakapamewang sa harapan ko. “You’re sleeping in my class again? This is inappropriate! My class is not for slacking students like you! If you’re not interested in my lesson, then get out of my class immediately! This is disrespectful!”Napasinghap ako at sinubukang magsalita, ngunit tila namuo ang mga salita sa aking lalamunan. Patuloy niya akong pinagsasalitaan, kaya bahagya ko na lamang yumuko at nagpanggap na hindi ko siya naririnig. Hinintay kong matapos ang kaniyang sermon bago ako nag-ipon ng lakas ng loob upang sumagot.“I’m sorry, Prof. Hindi na mauulit,” mahinahon kong sambit







