Mag-log inGabi-gabi, palihim kong nararamdaman ang malalambing na halik ni Cole sa labi ko. Tahimik lang akong nakahiga, kunwari’y walang nangyayari, pilit kong pinapakalma ang paghinga ko na parang normal lang ang lahat.
Tuwing ginagawa niya iyon, dati, mahina akong umuungol, isang maliliit na tunog na halos hindi marinig, tapos bigla akong sumisiksik sa leeg niya, hinahanap ang init at amoy ng balat niya. Kapag ganun, niyayakap niya ako nang mahigpit, parang gusto niyang iparamdam na hindi niya ako hahayaang mawala sa mga bisig niya.
Isang araw, halos sabay sa pag-uwi nina Mom at Dad galing abroad, nangyari ang hindi ko inaasahan. Labinlimang taong gulang lang ako noon, at si Cole naman ay disiotso. Maaga akong nagising. Ramdam ko agad ang sakit na parang may humihila sa ilalim ng tiyan ko. Pagtingin ko sa bedsheet at sa likod ng pajama ko, may pulang mantsa. Wala akong kaalam-alam; wala pa kasing nakapagsabi sa akin tungkol sa ganito at hindi ko namalayan na iyon na pala ang unang regla ko.
Doon ko unang naramdaman na nagdadalaga na talaga ako. Noon din, nagpasya sina Mom at Dad na dapat daw maghiwalay na kami ni Cole sa kwarto niya. Tumingin siya sa akin nang diretsahan, walang emosyon, parang blangko ang mukha. Hindi rin ako makapagsalita; hindi dahil tutol ako, kundi parang may malamig na aninong tumakip sa puso ko. Wala akong nagawa kundi sumunod sa utos nila.
Habang tumatagal, biglang napansin ko na lang na nagbabago na rin ang katawan ko. Lumalambot ang mga hugis; nagiging mas babae ang itsura ko. Lagi pa namang napapansin ng mga tao, lalo na’t alam nilang ampon lang ako, wala ni isang hibla ng dugo na magkaugnay kami ni Cole.
Si Cole naman, parang biglang naging tunay na lalaki. Eighteen pa lang, pero matangkad na siya, tuwid ang tindig, malapad ang balikat, payat ang baywang, tapos ang panga niya, matalim at halatang lalaki. Kapag tumingin siya, lumalalim ang mga mata niya; palaging malamig at tahimik ang dating, pero kapag ngumiti, parang natutunaw lahat ng tension sa paligid.
Sa paningin ko, si Cole na ang pinakamagandang nilalang na nakita ko. Kapag tinititigan ko siya at nahuli niya akong nakatitig sa kanya, ay hindi ako umiiwas. Ngumingiti lang siya't marahang hahaplusin ang tulay ng ilong ko gamit ang daliri niya, sabay bulong ng “Blink.”
Simula noong magkaiba na kami ng kwarto, gabi-gabi akong hirap matulog. Lalo na kapag bumabagsak na ang dilim, parang bawat sulok ng kwarto may matang nakatingin o may aninong nag-aabang.
Sa gitna ng katahimikan, biglang magba-vibrate ang phone ko. Walang iba kundi si Cole, at sunod-sunod ang messages: “Gising ka pa ba?” “Okay ka lang?” “Natatakot ka na naman ba?”
Hindi ako nagdadalawang-isip na sumagot at palaging totoo: “Hindi ako makatulog. Hindi ako okay at natatakot ako.”
Lagi rin siyang may sagot, diretso at walang paligoy-ligoy: I-unlock mo yung p***o. Papasok ako. Sasamahan kita.
Agad akong babangon, marahang tatapak sa malamig na sahig, dahan-dahang bubuksan ang p***o, at maghihintay sa kanya. Tahimik siyang papasok na parang anino, tapos yayakapin ako nang buong-buo at hahaplusin ang buhok ko.
“Don’t be afraid. I’m here. I’ll stay with you,” bulong niya, malalim at paos ang boses, may init pero may lalim na parang sinasakyan ng hangin. Doon lang ako nakakahinga nang maluwag, parang biglang naglalaho ang mga multo ng gabi.
Sabay kaming mahihiga sa kama; ang braso at dibdib niya ang magiging unan ko, habang nakabalot kami sa makapal na kumot. Yakap ko siya nang mahigpit na parang takot akong mawala siya. Pero tuwing madaling-araw, bandang alas-tres o alas-kuwatro, parang bula na lang siyang nawawala sa tabi ko. Maingat siyang umaalis bago pa kami madiskubre nina Mom at Dad.
Tumagal yung ganoong lihim na routine namin ng ilang taon. Mula noong nagdadalaga ako, lalo siyang naging protective, parang laging nakabantay, laging nagmamasid, laging nag-aalaga. Pero may hindi ako maintindihan sa mga kilos niya: may kakaibang lambing at may tinatagong sigla na hindi ko mabigkas.
Pero kapatid ko pa rin siya. Kahit hindi talaga kami magkadugo, sobra ang pagmamahal sa akin nina Mom at Dad. Parang prinsesa ako sa kanila; lahat ng gusto ko ay ibinibigay nila kahit hindi ko man ito hingin. Minsan pa nga, parang mas paborito pa nila ako kaysa kay Cole. Pero ni minsan, hindi siya nagreklamo; lalo pa siyang naging maalaga, mas mabait pa kaysa kina Mom at Dad.
Isang gabi, bigla niya akong tinanong: “Anong klaseng lalaki ang gusto mong balang araw?” Diretsahan akong sumagot na walang pag-aalinlangan:
“Gusto ko yung kagaya mo. Yung inuuna ako lagi.”
Natigilan siya at parang natulala, tapos ngumiti nang mahina. Marahan niyang hinaplos ang ulo ko, sabay bulong: “Hindi mo na kailangang maghanap. Nahanap mo na.”
Napakunot-noo ako. Parang hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Pero ramdam ko yung init ng tingin niya, na parang ako lang ang mundo niya.
Nagsimula akong magsulat ng mga lihim sa makukulay na papel at tinatago ko ang mga ito sa lumang storage box sa ilalim ng kama. Halos gabi-gabi, sinusulat ko lahat ng nararamdaman ko, mga sikreto tungkol sa taong iniidolo ko.
Isang madaling-araw, nagising ako nang madilim pa, pero napansin ko si Cole na nakaupo sa tabi ng kama, hawak-hawak niya yung box ko. Nanlaki ang mga mata ko. Alam kong nabasa na niya ang lahat. Tumingin siya sa akin nang seryoso, na parang may galit.
“Sino siya?” tanong niyang mababa ang boses, parang umuugong sa buong kwarto.
Dali-dali akong tumayo, tinangkang agawin yung box, pero mabilis siyang umiwas at tinaas pa lalo, parang nang-aasar.
“Sino… siya?” ulit niya, mas madiin, may halong selos, parang may pag-aari, at may bahid na panganib sa tono.
Hindi ko pa siya nakitang ganoon. Dati, sobrang gentle siya, ngunit ngayon, parang may kakaibang anyo. Nanginginig na ang kamay ko at napakapit ako sa laylayan ng damit ko na parang kuting na takot na takot.
Simple lang naman ang mga sinulat ko, walang pangalan, pero puno ng sikreto. Normal lang na magtanong siya, kasi hindi niya alam na siya talaga ang tinutukoy ko mula sa umpisa.
Matagal ko na siyang gusto. Lahat ng kabutihan niya, lahat ng pag-aalaga, doon ko na-realize na siya ang gusto kong makasama, kahit alam kong imposible. Mali kasi dahil magkapatid kami, magka-apelyido, magka-pamilya na kahit hindi magkadugo.
Kung aamin ako kay Cole, magagalit kaya siya? Ituturing pa rin ba niya akong kapatid? Karapat-dapat pa ba akong maging parte ng pamilya nila?
Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Ayokong masira ang lahat ng pinagsamahan namin dahil lamang sa nararamdaman ko. Kaya ang tanging paraan lamang ay ang magsinungaling.
“C-Cole?” nauutal kong sabi, halos di makatingin sa kanya. “Reference lang yun, para sa story na sinusulat ko. Di ba sinabi ko dati na gusto kong maging journalist balang araw?” Nanginginig ang labi ko sa pagpapaliwanag at pilit kong pinapakalma ang sarili.
Bahagya siyang tumango at ibinaba ang box. Unti-unting nawala yung kunot sa noo niya, pagkatapos tiningnan niya yung box, tapos ako. “Sure ka… reference lang talaga ‘to?”
Mabilis akong tumango na pinipigilan ang luha ko. Lumapit siya at lumambot yung tingin niya sa akin. Hindi na siya galit tulad ng kanina at parang nabawasan na rin ang bigat sa loob niya.
“Jas, natatakot ka ba sa akin?” tanong niya't paos ang boses, mahina pero may lalim.
Nanginginig pa rin ako at hirap akong huminga. Inilapag niya yung box sa kama, saka nilapitan ako at niyakap nang mahigpit. Ramdam ko ang init ng katawan niya; halos matunaw ang lamig na bumalot sa akin.
Marahan niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko. “Sorry. Hindi kita dapat tinakot,” bulong niya, mahina at puno ng pagsisisi. “Jas, habang humihinga ako, walang sinuman ang puwedeng gumalaw sa’yo. Kailangan muna nilang harapin ako. At kahit makapasa sila, wala pa rin silang chance. Tandaan mo ’yan.”
May naghihintay na luxury car sa tapat ng private nightclub. Hindi ko akalain na doon kami tutungo, kaya tiningala ko siya habang buhat-buhat niya ako.Napakaganda ng porma ng mukha niya, napaka-manly, matangos ang ilong, at ang mga labi niya ay hindi naman sobrang nipis. Sakto lang, kissable at parang ang sarap halikan.Naalala ko si Cole sa kanya. Ganyan na ganyan din ang pormahan ng facial features niya. Kaya siguro naging maamo ako sa lalaking ito. At siguro, namimiss ko lang talaga si Cole dahil pitong taon na rin kaming hindi nagkikita o nagkakausap, kahit sa social media.Miss na miss ko na siya. Eh siya kaya, na-miss din ba niya ako? Siguro may girlfriend na siya sa States. For sure, maraming magkakagusto sa kanya. Well-packaged na kasi si Cole.Kung may girlfriend na siya, maalaga rin ba siya gaya ng pag-aalaga niya sa akin noon?Pinapatuyo rin ba niya ang buhok ng girlfriend niya kapag basa ito mula sa pagligo?Pinagluluto rin ba niya ng pagkain at almusal sa umaga?Hinahali
May naghihintay na luxury car sa tapat ng pribadong nightclub. Hindi ko akalain na doon kami tutungo, kaya tiningala ko siya habang buhat-buhat niya ako.Napakaganda ng porma ng mukha niya, napaka-manly, matangos ang ilong, at ang mga labi niya ay hindi naman sobrang nipis. Sakto lang, kissable at parang ang sarap halikan.Naalala ko si Cole sa kanya. Ganyan na ganyan din ang pormahan ng facial features niya. Kaya siguro naging maamo ako sa lalaking ito. At siguro, namimiss ko lang talaga si Cole dahil pitong taon na rin kaming hindi nagkikita o nagkakausap, kahit sa social media.Miss na miss ko na siya. Eh siya kaya, na-miss din ba niya ako? Siguro may girlfriend na siya sa States. For sure, maraming magkakagusto sa kanya. Well-packaged na kasi si Cole.Kung may girlfriend na siya, maalaga rin ba siya gaya ng pag-aalaga niya sa akin noon?Pinapatuyo rin ba niya ang buhok ng girlfriend niya kapag basa ito pagkatapos magligo?Pinagluluto rin ba niya ng pagkain at almusal sa umaga?Hin
Lumipas ang maraming taon at dumating na ang oras ng aming paghihiwalay ng landas.Cole needed to be sent overseas para sa law course niya. As for me, I chose to stay here and be content with the best available academy for my course. It was against both of our wishes, pero kailangan naming tuparin ang mga pangarap namin. At the end of the day, magkakasama at magkikita pa rin naman kami.Wala pang kalahating taon nang ma-undergo na naman ako ng psychiatric assistance. My trauma worsened when Mom and Dad also flew overseas to attend the biggest awarding ceremony for the Most Successful Businessman in the world, kasama na rin ang Most Expandable and High Rate Companies.According to my psychiatrist, I needed to tighten my grip and learn how to be independent, para malabanan ko ang trauma at phobia na dinaranas ko. Mom and Dad agreed, thinking it was convincing. Including no more connection to Cole. He was my emotional anchor, kaya isa siya sa mga main target na dapat kong isantabi.I los
Gabi-gabi, palihim kong nararamdaman ang malalambing na halik ni Cole sa labi ko. Tahimik lang akong nakahiga, kunwari’y walang nangyayari, pilit kong pinapakalma ang paghinga ko na parang normal lang ang lahat. Tuwing ginagawa niya iyon, dati, mahina akong umuungol, isang maliliit na tunog na halos hindi marinig, tapos bigla akong sumisiksik sa leeg niya, hinahanap ang init at amoy ng balat niya. Kapag ganun, niyayakap niya ako nang mahigpit, parang gusto niyang iparamdam na hindi niya ako hahayaang mawala sa mga bisig niya.Isang araw, halos sabay sa pag-uwi nina Mom at Dad galing abroad, nangyari ang hindi ko inaasahan. Labinlimang taong gulang lang ako noon, at si Cole naman ay disiotso. Maaga akong nagising. Ramdam ko agad ang sakit na parang may humihila sa ilalim ng tiyan ko. Pagtingin ko sa bedsheet at sa likod ng pajama ko, may pulang mantsa. Wala akong kaalam-alam; wala pa kasing nakapagsabi sa akin tungkol sa ganito at hindi ko namalayan na iyon na pala ang unang regla ko.
Hindi alam ng lahat na ang lalaking iyon pala ang pinakamakapangyarihang tao sa buong bansa, isang taong kayang patahimikin ang isang buong silid sa pamamagitan lamang ng kaniyang presensya, at ang mga desisyon ay may kakayahang makaapekto sa buhay ng napakaraming tao.Sa edad na eighteen, nakontrol na niya ang ilang maliliit na kumpanya at napalago ang mga ito sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Despite his young age, his intelligence and determination were far beyond his years. Higit sa lahat, siya ang pinakamalapit at pinagkakatiwalaang childhood friend ng aking ama.Bago pumanaw ang aking ama, nangako sila ni Mr. Isadora sa isa’t isa. If anything ever happened to my father, the Isadoras would take care of me. Alam ng aking ama ang lahat tungkol sa sitwasyon ko, at alam niyang hindi ako kailanman magiging ligtas o magiging masaya sa pangangalaga ng aking auntie.Ngunit hindi kailanman naghintay ang tadhana.Matapos pumanaw ang aking ama, nangyari ang lahat ng kinatatakutan nila. Sa wak
Napalingon ako sa gulat nang marinig ko ang malakas na kalabog mula sa armchair na marahas na hinampas sa harapan ko. Naputol ang mahimbing kong pagkakatulog at dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko. Pagmulat ko, bumungad sa akin ang mukha ni Mrs. Dela Cruz na namumula sa galit.“Isadora!” sigaw niya, dahilan upang paulit-ulit akong pumikit sa sobrang lakas ng boses niya. Mariin niya akong itinuro habang nakapamewang sa harapan ko. “You’re sleeping in my class again? This is inappropriate! My class is not for slacking students like you! If you’re not interested in my lesson, then get out of my class immediately! This is disrespectful!”Napasinghap ako at sinubukang magsalita, ngunit tila namuo ang mga salita sa aking lalamunan. Patuloy niya akong pinagsasalitaan, kaya bahagya ko na lamang yumuko at nagpanggap na hindi ko siya naririnig. Hinintay kong matapos ang kaniyang sermon bago ako nag-ipon ng lakas ng loob upang sumagot.“I’m sorry, Prof. Hindi na mauulit,” mahinahon kong sambit







