Mag-log inLumipas ang maraming taon at dumating na ang oras ng aming paghihiwalay ng landas.
Cole needed to be sent overseas para sa law course niya. As for me, I chose to stay here and be content with the best available academy for my course. It was against both of our wishes, pero kailangan naming tuparin ang mga pangarap namin. At the end of the day, magkakasama at magkikita pa rin naman kami.
Wala pang kalahating taon nang ma-undergo na naman ako ng psychiatric assistance. My trauma worsened when Mom and Dad also flew overseas to attend the biggest awarding ceremony for the Most Successful Businessman in the world, kasama na rin ang Most Expandable and High Rate Companies.
According to my psychiatrist, I needed to tighten my grip and learn how to be independent, para malabanan ko ang trauma at phobia na dinaranas ko. Mom and Dad agreed, thinking it was convincing. Including no more connection to Cole. He was my emotional anchor, kaya isa siya sa mga main target na dapat kong isantabi.
I lost contact with him. No more directory contacts, social media accounts, or anything na puwedeng maging paraan para makausap ko siya. I endured it. I also believed I could prove to them na kakayanin ko ‘to, kahit alam kong napakahirap. Dahil physical and emotional issues ang kinakaharap ko.
Nahinto pa ako nang isang taon sa pag-aaral dahil sa tindi ng trauma at muntik na akong mabaliw. Pinilit kong tibayan ang sarili ko until I recovered and returned to my studies. And now, I’m on my fourth year in college. Graduating na, at isang semester na lang, magtatapos na rin ang lahat. How about Cole?
When we separated, I was in Grade 11, and he was in his first year of college. I'd better think about it now… he’s already a professional lawyer. In the last six months, he passed the bar exam. Hindi ko man lang siya nabati ng congratulations. I just heard it from the news, when the reporter on screen announced the passers of the law licensure exams.
Yet, hindi niya binigyan ng permission ang reporter to expose his identity, even through posters or pictures. Mom and Dad strictly prohibited that, since alam nila na makikita ko.
It's been seven years. Napailing na lang ako habang nakatanaw sa labas ng bintana ng classroom. Natapos na ang klase namin sa Media Law and Ethics, pero hindi ko man lang isinaulo ang leksyon ni Mrs. Dela Cruz.
I’m exhausted. I just want to go home and lie down on my bed for the entire afternoon. Tomorrow is my free day. Babawiin ko ang mga puyat na gumugulo sa utak ko.
The class is over, kaya sunod-sunod nang nagsilabasan ang mga kaklase ko sa room. Twelve noon na, kaya mahaba-habang oras pa ang ipapahinga ko before the night comes.
Habang naglalakad sa campus hallway, narinig ko ang isang sigaw sa likuran ko. “Jas!” Tumigil ako at nilingon ko ang tumatawag. It was Erich, my closest pal. Nginitian ko siya habang papalapit siya sa akin, hapong-hapo mula sa kakatakbo.
“Bakit ka ba kasi tumatakbo? Puwede mo naman akong tawagan para hintayin na lang kita,” sabi ko sa kanya. Huminga siya nang malalim habang mariing ipinikit ang mga mata, sinusubukang pakalmahin ang sarili mula sa pagod.
“Expired na load ko. Gagawin ko ba ‘yun kung may pantawag ako?” rason niya, kaya saglit kong inalog ang balikat ko at kumibot-labi sa kanya. “Tara, gimik tayo.” Sinipat ko siya dahil sa pag-anyaya niya. Plano ko talagang umuwi at matulog, pero heto siya, dala-dala ang panggugulo sa akin.
“Anong klaseng gimik naman iyan? Gusto mo na namang mamasyal? Hanggang tumigas ang semento ng kalsada?” pilosopong sagot ko.
Ngumiwi siya at napahalukipkip. “Linyahan mo talaga iyan. Seryoso ako,” tugon niya na may kasamang tango. “Sige na… alam kong iniisip mo na naman ang antok mo na iyan. Alam ko ang solusyon diyan, for sure maiitulog mo iyan nang maayos mamaya,” dagdag pa niya, na parang asong nakangiti habang nanghihingi ng atensyon.
“O, sige na nga. No tricks, ha,” sabi ko, na may babala.
“Boring life doesn’t make you better. Gamitin mo ang ganda mo at mag-explore tayo.” Hindi na ako kumontra. Wala rin naman sina Mommy and Daddy sa bahay, kaya go with the ride.
Bandang hapon, alas singko, nasa loob kami ng powder room ni Erich. Abala siyang inaayusan ako at pinagsuot pa ako ng fitted backless cami dress na may malaking slit hanggang tuhod.
Kulay maroon, bagay na bagay sa kutis ko dahil sa kaputian at kakinisan. Sabayan pa ng hourglass curves ko na masasabi mong kahit sino ay mapapalingon talaga. Ang mahaba, makapal, at tuwid kong buhok ay ginamitan niya ng pampakulot upang maging curly ang dulo nito. Lalo tuloy akong nagmukhang sasali sa pageant. Bumagay rin ang makeup ko dahil fresh glow lang ito. Suggestion ko iyon dahil ayaw ko ng makapal na makeup.
Nang matapos ang retouch, napatayo ako at tumingin sa malaking salamin ng powder room. Pinagmasdan ko ang sarili ko at umikot-ikot, medyo nailang dahil sa exposed kong likod. Mariin kong naitikom ang bibig at kinalabit ko si Erich, na lumalawak ang ngiti habang nakatingin sa akin.
“Erich, para naman akong p****k nito. Ayaw kong magsuot nito, palitan natin,” reklamo ko habang pilit tinatakpan ang likod ko.
Tumayo si Erich at hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Day, huwag mong sabihin iyan. Alam mo bang napakaganda mo? Napakasexy mo, pero hindi bastusin ang dating. Tingnan natin mamaya kung walang magkakainteres sa iyo doon,” masigla niyang paliwanag. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Ang ganda-ganda ko nga naman, sa totoo lang. Hindi lang ako ‘yung tipong nagmamayabang ng physical na anyo. Marunong akong makuntento sa kung anong meron ako. Kahit pa sobrang spoiled ako kina Mommy at Dad, hindi kailanman ako naging brat o mapagmataas. Alam ko ang pinagmulan ko, kaya alam ko rin kung saan ako lulugar.
Matapos ang mahabang proseso ng pag-aayos, sabay na kaming lumabas ni Erich ng unit niya at nagbiyahe patungo sa private nightclub kung saan puro mayayaman lang ang allowed na pumasok.
Siksikan ang dance floor na sumalubong sa amin pagkapasok pa lang sa entrance. Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa dami ng tao at first time kong pumasok sa nightclub. Parang gusto ko nang umatras dahil parang nagyeyelo ang talampakan ko sa nerbiyos. Hinawakan ni Erich ang kamay ko at dahan-dahan akong hinila sa dance floor.
Pagsugod namin, tila nahinto sa pagsasayaw ang mga tao sa parteng iyon. Mga mata nila’y naipako sa akin, mapang-usisa mula ulo hanggang paa.
Ang daming babae dito. Bakit sila nakatingin sa akin?
Nangilabot ako at lihim na napalunok.
Ano ba ‘tong pinasok ko?
Niyuko ko na lang ang ulo at hinigpitan ko ang hawak ko kay Erich. Baka may magtangkang sumukbit sa akin at tapusin ang maligayang araw ko.
Bago namin matunton ang dulo ng dance floor, may narinig akong papuri mula sa sumasayaw doon.
“Hi, beauty!” Bati ng isang lalaki na sa tingin ko ay halos kaedad ko.
May sumunod pa. “How spectacular… you’re so rare. Once in a century to find.”
Hindi sinasadyang nag-init ang pisngi ko.
Spectacular? Ako daw? Mabola rin yung mokong na ‘yon.
Sunod-sunod pa ang papuri na naririnig ko, pero deadma na lang at nakatuon ang focus ko kay Erich. Sa wakas, nalampasan din namin ang masikip na dance floor. Akala ko hindi na ako makakahinga. Halos hindi ako makadaan nang maayos; bawat hakbang ko, parang didikit na sa akin ang mga hindi kilala.
Hindi lang pala sa gubat may predator… Marami rin dito, mas mapanganib pa.
“Hi!” Bati ng isang babaeng sumalubong sa amin ni Erich. Napabitaw si Erich sa kamay ko at nakipagyakapan sa babae. Hindi ko pa siya nakita dati, but I think close sila ni Erich. “I’ve waited for so long.”
“Sorry… traffic,” tugon ni Erich at lumingon ang babae sa akin.
“Who is she? She’s so… beautiful,” sambit ng babae na tila namamangha.
“My friend, Jasmine.”
“Hi, Jasmine. I’m Claire. Nice to meet you!” Nag-abot siya ng kamay at tinanggap ko ito.
“Jasmine. Nice meeting you too.” Niyaya kami ni Claire sa VIP lounge. Nandoon ang iba pang kasamahan niya at sunod-sunod silang bumati at nagpakilala.
Naupo akong tahimik sa malamig na sofa at ibinaling ang tingin sa mga sumasayaw. Napatingin din ako sa umiikot na makukulay na ilaw ng club, hanggang sa isa sa mga kakilala ni Erich ang nag-abot sa akin ng wine glass.
“Drink and enjoy.” Aniya, kaya saglit ko siyang tiningnan. Hindi pa ako nakakatikim ng alak at first time ko ito. Nilingon ko si Erich na nakangiti.
“Day, come on! Walang lason ‘yan,” panghihikayat niya, at nagtawanan ang mga kasamahan namin.
Titikman ko lang naman.
Bumuntong-hininga ako at tinanggap ang wine glass. Ilang segundo ko munang pinag-isipan bago ko tinungga nang dire-diretso.
Gulat na gulat ang nag-abot sa akin ng wine at tumingin kay Erich. “Wow! I thought first time niyang uminom,” aniya, at umiling si Erich.
“You guessed it right, first time nga niya. Pero hindi lahat ng first time ay pa-demure. Demure lang siyang tingnan pero wise iyan,” pabida ni Erich, kaya sinipat ko siya.
Ano bang pinagsasabi niya?
Tinakpan ni Erich ang bibig niya habang tumatawa, kaya binalewala ko na lang siya. Sumunod pa ang tagayan. Habang tumatagal, sumasarap ang inuman. Kung dati mapakla at mapait, ngayon parang nasasabik na ako sa aftertaste.
Ganito pala ang alak… nakakawala ng hiya. Parang gusto ko nang sumugod sa dance floor at magliwaliw.
Muli akong tinagayan ni Erich at nilaklak ko agad. Pagkatapos, hinatak ko ang kuwelyo niya na ikinabigla niya. “Erich, gusto kong sumayaw!” bulyaw ko para maintindihan niya dahil habang lumalalim ang gabi, palakas nang palakas ang disco music sa loob ng club.
Nag-hesitate pa si Erich, pero hindi siya umubra. Gusto ko talagang sumayaw at nangangati na ang mga paa ko't umiinit na rin ang mga kalamnan ko. Hinila ko siya patungo sa dance floor. Nagsitinginan ang mga tao habang halos matisod si Erich sa paghila ko.
Nang makaposisyon kami, natigilan ako nang mapansin kong nakatingin pa rin ang mga tao. Kumunot ang noo ko at itinuro ko sila. “Bakit kayo tingin nang tingin diyan? Sumayaw kayo!” maawtoridad kong saad. Wow, parang feeling ko pa ay ako ang nagmamay-ari ng club. Hahaha.
Gumalaw ang mga paa ko at umindayog ang katawan. Sumabay naman ang mga tao at itinuloy ang pagsasayaw. Hindi ko na rin namalayang napagitnaan na pala ako ng karamihan at lahat sila nag-e-enjoy habang sumasabay sa indak ko.
Para tuloy akong superstar. May pataas-taas pa ng kamay habang sumasayaw sa gitna. Buti na lang, sobrang puti at kinis ng kili-kili ko at wala kang makikitang kahit isang buhok.
Kung sino-sino na lang ang nag-aabot sa akin ng wine at walang pili akong tinatanggap ang mga ito. Hanggang sa bigla akong natapilok at bumagsak sa sahig. Napatigil ang lahat nang makita akong bumagsak.
Nakakahiya, litse!
Pinilit kong tumayo at maibalanse ang sarili.
Bwesit na heels ‘to, KJ masyado!
Pinagpag ko ang sarili ko, inayos ang dress ko, saka nagpatuloy sa pagsayaw. Never mind na lang sa mga nakasaksi. Walang hiya na kung walang hiya. Basta walang makakapigil sa akin sa gabing ito.
Tawang-tawa si Erich sa harapan ko at muntik pa akong matalsikan ng iniinom niyang alak dahil sa tawa niya.
Karma mo iyan, tawa pa more!
Habang tumatagal, sumasayaw na rin ang paningin ko. Damn! Am I really drunk? Umiikot na rin ang paningin ko at lumalala pa tuwing tinitingala ko ang disco light.
Isang hakbang pa at muntik na akong ma-out of balance sa heels ko. Babagsak na sana ako nang tuluyan nang biglang naramdaman ko ang matigas na braso na sumalo sa akin sa likuran at hinapit ang baywang ko para masuportahan ako.
Dug. Dug. Dug.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, lalo na nang maramdaman ko ang hininga ng estranghero sa balat ng balikat ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon. Medyo malabo na ang paningin ko dahil sa tama ng alak, pero naaaninag ko pa rin ang hitsura niya sa malamlam na ilaw ng nightclub. Tumitig siya sa akin, ngunit hindi ko makilala ang mukha dahil nakasuot siya ng masquerade mask.
Bakit ba siya nakamaskara?
Tanong ko sa isip ko habang pilit ibinabalik ang katinuan ko. Ngunit nababasa ko sa mga titig niya na may gusto siyang sabihin, na hindi niya masabi nang lantaran. Hindi na ako gumalaw. Baka matumba lang ulit ako. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa baywang ko, kaya dahan-dahan ko siyang hinarap.
Sinadya kong itapon ang sarili ko sa kanya, kunwari'y natapilok. Sinalo naman niya ako agad at humahapit ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko. Kulang na lang na yakapin niya ako.
Pero bakit pamilyar ang mga yakap na iyon? At ang mga titig niya… bakit parang nakita ko na ito dati? Sino ba ang lalaking ‘to? Bakit ang lakas ng dating niya sa akin? Bakit gustong-gusto ko ang paraan ng paghawak niya sa akin?
Parang baliw ko siyang nginitian na kulang na lang akitin ko siya para hindi na mabaling sa iba ang atensyon niya. “Sir? May girlfriend ka ba?” malambing kong tanong at lalo ko pang idiniin ang katawan ko sa kanya.
Gusto naman yata niya dahil hindi naman siya pumalag.
Ngumuso ako sa kanya na parang nagmamakaawa ng atensyon. Pagkatapos, ngumiti ako at iginapang ang kamay sa matigas niyang dibdib. Hindi siya umiwas, ngunit malamig ang mga titig niya sa akin.
“Hindi ka ba nagagandahan sa akin?”
Hindi siya sumagot.
“Hindi ba ako sexy?”
Wala pa ring sagot.
“Hindi ba nakakaakit ang hitsura ko?”
Tahimik pa rin siya, pero ramdam ko ang paghigpit ng kamay niya sa baywang ko. Nagkibit-labi ako habang malikot ang kamay ko sa leeg niya.
“Jasmine nga pala pangalan ko. Mukhang in-enjoy mo naman ang paghawak sa baywang ko. Twenty-three lang ang sukat niyan,” malambing kong saad, pero hindi pa rin siya nagsasalita.
Pipi ba ‘to? Maporma naman at mukhang gwapo kahit nakamaskara. Sayang naman kung ganon.
Sinubukan kong abutin ang tainga niya at bumulong, “Wala pa akong boyfriend. Gusto mo ba akong jowain?”
Biglang umigting ang panga niya sa sinabi ko, pero dahil lasing ako, balewala na kung magalit man siya. Rinig ko ang malamlam na buntong-hininga niya at bahagyang yumuko para bulungan ako.
“Who told you to come to this place? You’ll get a punishment!” madiin niyang sabi, at ramdam ko ang tensyon sa panga niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Bakit parang galit siya na nagpunta ako rito? Pakiramdam ko, pagmamay-ari niya ako para pagsabihan ako nang ganito. Hindi pa nga niya ako nililigawan. Nag-suggest lang naman ako kung puwede niya akong jowain. Pakiramdam ko tuloy parang sinagot ko na siya kahit hindi pa kami magkakilala.
Malamlam ang titig ko sa kanya at walang pagdadalawang-isip na isinandal ko ang sarili ko sa matipuno niyang katawan. Dinadalaw na ako ng antok. Tama si Erich… mukhang makakatulog ako nang mahimbing dahil dito.
Ilang segundo akong tahimik sa lalaking ito. Pakiramdam ko, napakakomportable ko at gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Sa hindi inaasahan, bigla siyang gumalaw at walang pag-aalinlangan akong binuhat na parang bride na hindi man lang ininda ang kabigatan ko.
“Te-teka! Saan mo ako dadalhin?” alarma ko habang nagtataka sa ginawa niya.
“Tuturuan kita ng leksyon. That way, magtatanda ka na kung anong boundary ng puwede at hindi.” Malalim at mabigat ang boses niya. Seryoso ang mukha niya na tila may kinikimkim na inis at galit.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Tinohanan niya ang sinabi niya. Matapos niya akong buhatin ay inilayo niya ako sa dance floor. Lumabas kami ng nightclub nang hindi man lang nakapagpaalam kay Erich.
Saan ba niya ako dadalhin? Anong pakay niya sa akin?
May naghihintay na luxury car sa tapat ng private nightclub. Hindi ko akalain na doon kami tutungo, kaya tiningala ko siya habang buhat-buhat niya ako.Napakaganda ng porma ng mukha niya, napaka-manly, matangos ang ilong, at ang mga labi niya ay hindi naman sobrang nipis. Sakto lang, kissable at parang ang sarap halikan.Naalala ko si Cole sa kanya. Ganyan na ganyan din ang pormahan ng facial features niya. Kaya siguro naging maamo ako sa lalaking ito. At siguro, namimiss ko lang talaga si Cole dahil pitong taon na rin kaming hindi nagkikita o nagkakausap, kahit sa social media.Miss na miss ko na siya. Eh siya kaya, na-miss din ba niya ako? Siguro may girlfriend na siya sa States. For sure, maraming magkakagusto sa kanya. Well-packaged na kasi si Cole.Kung may girlfriend na siya, maalaga rin ba siya gaya ng pag-aalaga niya sa akin noon?Pinapatuyo rin ba niya ang buhok ng girlfriend niya kapag basa ito mula sa pagligo?Pinagluluto rin ba niya ng pagkain at almusal sa umaga?Hinahali
May naghihintay na luxury car sa tapat ng pribadong nightclub. Hindi ko akalain na doon kami tutungo, kaya tiningala ko siya habang buhat-buhat niya ako.Napakaganda ng porma ng mukha niya, napaka-manly, matangos ang ilong, at ang mga labi niya ay hindi naman sobrang nipis. Sakto lang, kissable at parang ang sarap halikan.Naalala ko si Cole sa kanya. Ganyan na ganyan din ang pormahan ng facial features niya. Kaya siguro naging maamo ako sa lalaking ito. At siguro, namimiss ko lang talaga si Cole dahil pitong taon na rin kaming hindi nagkikita o nagkakausap, kahit sa social media.Miss na miss ko na siya. Eh siya kaya, na-miss din ba niya ako? Siguro may girlfriend na siya sa States. For sure, maraming magkakagusto sa kanya. Well-packaged na kasi si Cole.Kung may girlfriend na siya, maalaga rin ba siya gaya ng pag-aalaga niya sa akin noon?Pinapatuyo rin ba niya ang buhok ng girlfriend niya kapag basa ito pagkatapos magligo?Pinagluluto rin ba niya ng pagkain at almusal sa umaga?Hin
Lumipas ang maraming taon at dumating na ang oras ng aming paghihiwalay ng landas.Cole needed to be sent overseas para sa law course niya. As for me, I chose to stay here and be content with the best available academy for my course. It was against both of our wishes, pero kailangan naming tuparin ang mga pangarap namin. At the end of the day, magkakasama at magkikita pa rin naman kami.Wala pang kalahating taon nang ma-undergo na naman ako ng psychiatric assistance. My trauma worsened when Mom and Dad also flew overseas to attend the biggest awarding ceremony for the Most Successful Businessman in the world, kasama na rin ang Most Expandable and High Rate Companies.According to my psychiatrist, I needed to tighten my grip and learn how to be independent, para malabanan ko ang trauma at phobia na dinaranas ko. Mom and Dad agreed, thinking it was convincing. Including no more connection to Cole. He was my emotional anchor, kaya isa siya sa mga main target na dapat kong isantabi.I los
Gabi-gabi, palihim kong nararamdaman ang malalambing na halik ni Cole sa labi ko. Tahimik lang akong nakahiga, kunwari’y walang nangyayari, pilit kong pinapakalma ang paghinga ko na parang normal lang ang lahat. Tuwing ginagawa niya iyon, dati, mahina akong umuungol, isang maliliit na tunog na halos hindi marinig, tapos bigla akong sumisiksik sa leeg niya, hinahanap ang init at amoy ng balat niya. Kapag ganun, niyayakap niya ako nang mahigpit, parang gusto niyang iparamdam na hindi niya ako hahayaang mawala sa mga bisig niya.Isang araw, halos sabay sa pag-uwi nina Mom at Dad galing abroad, nangyari ang hindi ko inaasahan. Labinlimang taong gulang lang ako noon, at si Cole naman ay disiotso. Maaga akong nagising. Ramdam ko agad ang sakit na parang may humihila sa ilalim ng tiyan ko. Pagtingin ko sa bedsheet at sa likod ng pajama ko, may pulang mantsa. Wala akong kaalam-alam; wala pa kasing nakapagsabi sa akin tungkol sa ganito at hindi ko namalayan na iyon na pala ang unang regla ko.
Hindi alam ng lahat na ang lalaking iyon pala ang pinakamakapangyarihang tao sa buong bansa, isang taong kayang patahimikin ang isang buong silid sa pamamagitan lamang ng kaniyang presensya, at ang mga desisyon ay may kakayahang makaapekto sa buhay ng napakaraming tao.Sa edad na eighteen, nakontrol na niya ang ilang maliliit na kumpanya at napalago ang mga ito sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Despite his young age, his intelligence and determination were far beyond his years. Higit sa lahat, siya ang pinakamalapit at pinagkakatiwalaang childhood friend ng aking ama.Bago pumanaw ang aking ama, nangako sila ni Mr. Isadora sa isa’t isa. If anything ever happened to my father, the Isadoras would take care of me. Alam ng aking ama ang lahat tungkol sa sitwasyon ko, at alam niyang hindi ako kailanman magiging ligtas o magiging masaya sa pangangalaga ng aking auntie.Ngunit hindi kailanman naghintay ang tadhana.Matapos pumanaw ang aking ama, nangyari ang lahat ng kinatatakutan nila. Sa wak
Napalingon ako sa gulat nang marinig ko ang malakas na kalabog mula sa armchair na marahas na hinampas sa harapan ko. Naputol ang mahimbing kong pagkakatulog at dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko. Pagmulat ko, bumungad sa akin ang mukha ni Mrs. Dela Cruz na namumula sa galit.“Isadora!” sigaw niya, dahilan upang paulit-ulit akong pumikit sa sobrang lakas ng boses niya. Mariin niya akong itinuro habang nakapamewang sa harapan ko. “You’re sleeping in my class again? This is inappropriate! My class is not for slacking students like you! If you’re not interested in my lesson, then get out of my class immediately! This is disrespectful!”Napasinghap ako at sinubukang magsalita, ngunit tila namuo ang mga salita sa aking lalamunan. Patuloy niya akong pinagsasalitaan, kaya bahagya ko na lamang yumuko at nagpanggap na hindi ko siya naririnig. Hinintay kong matapos ang kaniyang sermon bago ako nag-ipon ng lakas ng loob upang sumagot.“I’m sorry, Prof. Hindi na mauulit,” mahinahon kong sambit







