Bar
5:30 PM na at nandito parin ako sa kwarto ko hindi pa nakabihis kahit ang text ni Fatima 6:00PM pupunta na siya dito.Tinamad talaga akong tumayo ngayon, medyo hectic kasi yung schedule this week kaya gusto kong magpahinga para naman may lakas ako next week pero itong kaibigan kong hindi nagsasawang mag bar ayaw niyang magpahinga ako!Umuwi din ang kapatid ko kanina dahil pinauwi ni mommy, gusto ko nga sanang sumama pero naalala ko tong lakad namin ni Fatima, pumayag na ako at ayaw ko siyang paasahin.I love her kahit parati niya akong ginulo dito.May nag doorbell sa condo ko for sure it's Fatima that's why hindi na ako tumayo para pagbuksan siya.Alam ko namang papasok din yun agad kahit hindi ko pa pinasok dahil may tinago akong susi dun sa labas at alam niya kung saan nakalagay.Medyo nabigla ako sa pagbukas niya ng pintuan sa kwarto ko kaya sinamaan ko siya ng tingin, pero mas masama ang tingin sa akin habang tinuro ako."Hoy alien bakit hindi kapa nagbihis!?" sabi niya habang masama ang tingin sa akin.Inirapan ko siya dahil sa pagtawag sa akin ng alien. Hindi ko lang kilala ang idol niya Alien na agad? para yun lang eh.May sinend siya kanina picture sa idol niya dahil kahit sa chat hindi niya ako tinigilan, hindi siya makapaniwalang hindi ko kilala si Zantyr Xian Trenz. Noong nakita ko yung picture kaya pala familiar name kasi nakita ko yun palagi sa internet but I'm not interested."Stop calling me alien!" mataray na sabi ko at tumayo para pumunta sa cr para maligo hindi ko na hinintay ang sasabihin niya.Ganito talaga kami ni Fatima nagtataray sa isa't isa pareho kaming ayaw sweet dahil masyadong corny at pareho kaming nandidiri.Yak.30 minutes ako sa loob at lumabas na nakatapis lang at nakita ko si Fatima na naiinis sa tagal ko sa cr kaya tumawa ako.Sabing ayaw ko pumunta! magtiis ka. Ngumisi ako sa kanya"Ang tagal mo!" inis na sabi niya habang nakatingin sa cellphone at sumulyap sa akin"Nasa bar na sila?" simpleng tanong ko habang ngumisi sa kanya kaya mas lalong sumama ang mukha niya sa akin at hindi na ako pinansin kaya tumalikod na rin ako para magbihis.Bago ako pumasok sa closet ko tiningnan ko ang suot na dess ni Fatima. Madalas hindi naman yan nag dress sa bar pero dahil siguro birthday, ganyan ang sinuot niya kaya naghanap na rin ako ng dress baka ma out of place ako sa suot ko kapag hindi dress ang suot ko.Pinili ko ang dress na plain black. It's just a simple dress for me, walang design, pero maganda at hindi ko pa ito nasusuot, ito ang susuotin ko ngayon.Nang matapos hindi na ako naglagay sa mukha ko ng make up dahil nakita ko na yung usok sa ilong ng kaibigan ko habang naka tingin sa akin, kaya tinawanan ko ulit siya.Sanay naman ako pag lumabas ng hindi nag makeup, liptint lang pag hindi sa trabaho. Sa work lang talaga ako nag make up dahil kailangan yun sa mga model.Inayos ko lang sandali ang buhok ko at humarap ako sa kaibigan kong halos maging kamukha na si satanas sa galit."Anong mukha yan!?" natatawang tanong ko sa kanya inirapan niya naman ako."Ang tagal mo! 6:00PM yung oras na sinabi ko na pupunta tayo sa bar pero 6:30 na!" sabi niya at halata sa boses niyang naiinis sa akin."I told you, ayaw kong lumabas pero pinilit mo," natatawang sabi ko, inirapan niya ulit ako. "Let's go!" nakangiting sabi ko."Dapat lang!" sabi niya. Malakas ko siyang tinawanan.Nandito kami sa sasakyan niya ngayon at medyo nawala na yung inis niya sa akin kasi nakausap ko naman siya ng maayos habang nag drive siya."Wala akong gift!" biglaang sabi ko ng maalalang birthday ang pupuntahan namin."Wala rin ako" simpleng sabi niya. Ngumisi ako."Nakakahiya pag walang gift!" sabi ko sa kanya, sinulyapan niya ako habang nag dadrive."Sarili nalang natin ang regalo! pasalamat siya, nag bigay tayo ng oras sa birthday niya!" natatawang sabi ni Fatima. Hinampas ko siya ng mahina sa sinabi niya."Sabihin mo yan sa kanya!" hamon ko sa kanya habang natatawa rin."Ayaw ko! dapat tayong dalawa!" sabi niya kaya nagtawanan kami dahil sa kalokohan namin."Hindi na tayo imbitahan non next birthday niya!" sabi ko sa kanya."Edi mabuti!" sabi niya rin sa akin at nagtawanan ulit kami.Ito yung classmate namin dati na pabida at ayaw na ayaw namin ni Fatima dahil napaka kill joy. Actually lahat kami ayaw sa kanya, hindi lang kami ni Fatima, kundi ang buong section namin nong nag Grade 10 kami.Pero inimbitahan kami palagi sa birthday niya I don't know why? hindi kami close, pero dahil mabait kami ni Fatima syempre nakakahiyang tanggihan baka ma post pa kami sa f*.Gawain niya pa naman yun.Dumating kami exactly 6:50 PM, pumasok na agad kami, nasa legal age na kami malaya na kaming makapasok dito.Sumalubong sa amin ang ingay sa bar at mga taong nagsasayawan sa gitna, may mga naginuman, may mga lasing.Nahanap agad namin kung nasaan ang sadya namin, lumapit na kami papunta dito at ng makita niya kaming dalawa ni Fatima tumayo ito agad at yumakap sa amin kaya hinayaan na namin dalawa.Palihim akong siniko ni Fatima para siguro pagsalitain ako. Bumati ako kay Hope."Happy birthday Hope!" masiglang sabi ko sa kanya hindi halatang napipilitan. Medyo sumisigaw kami ngayon dahil sa ingay.Hindi pa siya nakasagot sa aakin nagsalita na din si Fatima."Happy birthday hope!" Ganun din ang boses ni Fatima parang wala kaming inisip na kalokohan kanina.Hindi kami plastic. I know binabackstab din kami nito pag wala kami sa harap, it's fair. Umabot sa amin yung pang backstab niya, mas lalo namin siyang hindi nagustuhan."Thank you! rea and fat!" masayang sabi niya sa amin, pero biglang nagseryoso kaya tumaas ang kilay ko. Alam ko kung ano inisip nito."Why are you late?" seryosong tanong niya, suminghap ako ng palihim at siniko din ako ni Fatima para ako na ang mag explain kasi kasalanan ko.Ito ang dahilan kung bakit inis na inis si Fatima sa akin kanina."Nakatulog ako at hindi agad nakagising," nakangiting sabi ko para hindi halatang nag sinungaling pero seryoso parin siya."Hindi ba ako importante sainyo para tulogan niyo lang ang birthday ko?" seryosong sabi niya. Palihim akong umirap.Gahd! that's why we don't like her."I'm really sorry Hope, please don't say nonsense. You're important to us, that's why we're here!" masiglang sabi ko baka sakaling hindi na magdrama pero nagkamali ako."but you're late!" inis na sabi niya.Patience. Yan ang kailangan ko ngayon.Tiningnan ko si Fatima humingi ng tulong pero tiningnan lang niya ako ng 'Ayan.magtiis.ka.look'."Hindi na namin uulitin promise, ngayon lang kami na late sa birthday mo diba?" nakangiting sabi ko sa kanya, baka kapag hindi na ako ngumiti dito mapuputol na ang pasensya ko sa kanya."Okay pagbigyan ko kayo ngayon!" nakangiti na niyang sinabi kaya suminghap ako dahil sa ginhawa. Tumigil din.Palihim akong pinagtawanan ni Fatima, siniko ko siya baka mahalata pa ni Hope.Bumati kami sa mga kaklase din namin dati bago umupo, natawa ako sa isang kaklase ko na bakla.Tinuro niya si Hope habang nakatalikod ito sa amin at palihim na umirap sa likod ni Hope. Palihim kaming tumawa sa kaklase naming bakla. Lahat ata kami napipilitan lang.Ayaw naming ma post sa F******k. Ginawa na ni Hope sa isang classmate namin, nagaaway sila sa F******k dahil nag explain ang classmate ko na may family bonding sila kaya hindi nakasama sa birthday niya pero ayaw makinig ni Hope. 'Ayusin mo ang rason mo! magsingaling na nga lang halata pa!' sabi ni Hope sa kaklase namin kaya naiinis ang kaklase namin at hindi makatiis pinatulan na niya si Hope.Ang tagal natigil ng away nila sa F******k. May pumanig kay Hope may pumanig din sa kaklase ko. 1 week silang nag paringgan sa F******k pero hindi kami sumali ni Fatima.Kung sasali kami, syempre kakampi kami sa isa naming kaklase hindi sakanya, bakit pa niya pipilitin kung may lakad at kung nagsinungaling naman bakit niya pipilitin kung ayaw.Ayaw namin ng issue kaya kami nagtiis na pumunta dito.Umupo kami ni Fatima sa tabi ng kaklase naming bakla. Ayaw namin tumabi kay Hope. Lahat kami walang tumabi sa kanya pero wala ng space kaya kung may nahuhuli man dumating, no choice sila kundi tatabi sa pabida."Ito ang isa sa mga birthday ko na masaya!" nakangiting sabi Hope. "Nandito kayong lahat na kaya masaya ako." natutuwang sabi niya.'Syempre takot na gawan mo ng issue lalo na't may pangalan kaming inaalagaan sa public masisira mo pa.'Medyo naguilty ako dahil birthday niya ngayon, pero ito ang inisip ko. Can't stop myself hating her kung ganyan siya palagi.Tumingin siya sa amin ni Fatima."Congratulations sainyo, nagtagal kayong dalawa sa modeling," nakangiting sabi niya sa amin ni Fatima. Maguilty na sana ako ng tuluyan ng may dinagdag ito. "Hindi nga lang masyadong sikat kagaya ng pinsan ko pero okay parin naman yun!" nakangiting sabi niya.Nagkatinginan kami ni Fatima at palihim na umirap sa sinabi niyawho cares!?Hilaw kaming ngumiti sa kanya. Kakainis.Ilang oras silang nasa labas, hindi pa rin mapakali si Nathan, hindi rin umupo kahit isang minuto lang, nag-aabang lang siya parati sa pintuan, naghihintay na lumabas smang doctor."Bakit ang tagal?" tanong ni Nathan. Natutuwa naman sila Erik at Lucas na asarin si Nathan."Hala! baka may nangyaring masama," kunwaring kinabahan na sabi ni Lucas."Baka nga, sabi ng lolo ko, matagal daw lalabas pag hindi maganda ang kinalabasan," sabi naman ni Erik. Halatang nang-aasar lang ang dalawa pero si Nathan hindi ata napansin dahil mas kinabahan siya sa pinagsasabi ng dalawa."Ano bang mangyayari madalas pag matagal?" kinabahan na tanong ni Nathan sa dalawa, paniwalang paniwala sa sinabi nila. Pilit ng dalawa magseryoso at hindi matawa sa reaction ni Nathan. Ang iba nilang kasama nakikinig lang at pilit din hindi matawa sa sitwasyon."Pag nahihirapan manganak si misis," sagot naman ni Lucas."Nakita ko sa TV pag nahihirapan manganak, it's e
Tarantang taranta si Nathan habang dinala niya ang kanyang asawa sa hospital habang si Fatima naman, nagawa niya pang tawanan si Nathan na parang natatae na sa taranta."Ang panget mo!" sigaw ni Fatima kay Nathan at ng maramdaman na niya naman ang sakit pumikit siya at sumigaw. Mas lalong kinabahan si Nathan."Bilisan mo panget!" sigaw ni Fatima ng hindi na tumigil ang sakit ng kanyang naramdaman. Hindi pinansin ni Nathan ang pagtawag nitong panget dahil ang attention niya ay nasa kalsada nagiingat parin kahit mabilis itong nagpapatakbo."Wait! malapit na tayo!" sigaw rin ni Nathan. Nag drive ng mabilis si Nathan hanggang sa dumating siya sa hospital."Wait!" sabi nito kay Fatima at agad tumakbo palabas papasok sa hospital at doon nang gugulo sa mga doctor."doc! doc! manganganak na ang asawa ko!" kinabahan na sabi ni Nathan sa doctor na hinawakan niya."Nasaan siya?" mahinahong tanong ng doctor."Nasa sasakyan, bilisan niyo doc! nasasaktan na siya!" taranta paring sabi ni Nathan sa d
Papasok na sana si Amadeus pero naka lock ang kwarto ng kanyang kapatid. Kumatok siya at tinawag si Amara sa loob."Amara!" tawag nito sa kanyang kambal pero hindi ito sumagot kaya tinawag niya ulit ito ng dalawang beses. "Bakit!?" sigaw na tanong ni Amara galing sa loob ng kwarto niya."Buksan mo," malumanay na sagot ni Amadeus sa kanyang kambal."Hindi dito ang kwarto mo kambal!" sigaw ulit ni Amara para marinig ng kuya niya."Gusto kitang kausapin, please?" sabi naman ni Amadeus sa kanyang kapatid. Hindi sumagot si Amara pero tumayo na ito ng marinig niya ang salitang 'please' sa kanyang kambal. Hindi rin matiis ni Amara ang kanyang kambal kaya lumapit siya sa pintuan para buksan ito "Ano bang pagusapan natin kuya?" tanong ni Amara ng mabuksan ang pintuan. Nakita niya si Amadeus na nakatayo doon, hinintay ang pagbukas ng pintuan.Naglakad ulit si Amara papunta sa kanyang kama habang si Amadeus pumasok at sinirado ang pintuan at nilock ito."Nagtatampo ka," sabi ni Amadeus matapos
Third Person POV10 Years Later..Agad tumakbo sa itaas si Andrea ng marinig niya ang iyak ng anak niyang babaeng kambal."Wife! careful!" sigaw ni Zantyr ng makitang hindi ito nagiingat. Natatakot si Zantyr dahil buntis ito baka mapano pa dahil sa hindi nagiingat."Zantyr! sumunod ka dito!" sigaw ni Andrea ng napansin niyang hindi sumunod si Zantyr sakanya.Nilapitan niya ang 8 years old niyang anak na babae."What happened baby?" nag-alalang tanong ni Andrea dito habang pinahid ang mga luha sa mata ng anak niya."Kuya is bad!" sumbong ng anak nito. Hinanap sa mata niya ang kambal ni Amara."Amadeus!" tawag ni Andrea sa anak ng hindi ito makita sa kwarto. Pumasok naman ito pero kasama na ang Daddy niya, nakayakap ito sa binte ng Daddy niya parang nagsusumbong din."Anong ginawa mo?" malumanay na tanong ni Andrea kay Amadeus. Ayaw niya naman magalit dito ng hindi niya pa alam ang totoong nangyari."Wala akong ginawa Mommy!" Nakangusong sabi nito Amadeus."Why are you crying Amara?" ta
OFFENSIVE DOWNFALLAndrea's POV"Sapat na lahat ng naitulong mo kay Zantyr nong wala ako, salamat sa palaging nandiyan sakanya sa panahong wala ako sa pangalawang pagkakataon ikaw na naman ang tumulong sakanya," sabi ko kay Cheska. Nakita ko ang gulat sa mata niya pero hindi niya ito masyadong pinahalata.Yes, malaki ang pasalamat ko sakanya dahil siya palagi ang nandiyan kay Zantyr. Kung hindi ako mahal ni Zantyr tatanggapin ko na mapunta siya kay Cheska dahil alam kong maalagaan siya ng maayos. Pero parang nakatadhana ang lahat. Nakatadhana na hindi magiging sila ni Zantyr dahil may taong magmamahal sakanya. Yun ay si Andrew.Unang tingin ko sa dalawa alam kong medyo naging okay na ang relasyon nila. Sana nga para tuluyan ng maging masaya si Andrew.Umalis kaming tatlo ni Fatima at Andrew dun para mag-usap. Tiningnan ko ang sa sala, nakita kong nag-usap na rin sila, nakita kong masaya sila, at napansin kong close rin ng tatlo si Cheska hindi lang si Zantyr. Unang babaeng inaalagaan
Sorry"Yes," sagot ko. Tumawa ulit siya ng malakas."Tama talagang ginawa ko yun, para sayo yun pinsan!" tumawa ulit niyang sabi. May napansin ako sakanya, ngayon lang."Ano bang ginawa mo?" tanong kunwari kuryoso."May bata akong pinalapit kay Andrea at sinabing ama niya si Zantyr," sabi niya sabay tawa ng malakas. Pumikit ako ng mariin."Huh? talaga? paano mo ginawa yun?" kunwari nagugulat kong tanong sakanya."Mahabang storya," natatawa niyang sabi."Alam ba nila na ikaw ang gumawa?" tanong ko para hindi ako paghinalaan."Pinaghandaan ko lahat Cheska kaya wala silang mahanap na ebidensya na ako ang gumawa," natutuwang sabi niya. "Mabuti," tipid na sagot ko. Hinintay ko kong sabihin niya kung nasaan ang bata, hindi ko siya tatanungin para hindi siya maghinala."Bakit ka pala tumawag?" tanong niya. Kinabahan akong tumingin kay Andrew."Para ikwento sayo ang nabalitaan ko, baka hindi mo alam," simpleng sabi ko."Mas nauna ko pang nalaman Cheska," natatawang sabi niya. "Ngayon hinanap