Andrea Zeyn Ellias, a rich women and a famous model. Hindi masyadong nakikipagusap sa mga tao opposite sa kanyang best friend na madaldal. Even Andrea shows to everyone her bad side they still love her until Zantyr come. Maraming nagalit sakanya because akala nila inagaw niya ang lalaki sa kanyang girlfriend. But not everyone hates her because her fans still believe that Andrea is innocent. Zantyr is a Singer and Actor, nag plano siya na umalis sa showbiz nagalit ang mga fans ni Zantyr kay Andrea kasi akala nila si Andrea ang nagtulak kay Zantyr na umalis sa showbiz. Maraming nagalit kay Andrea, minumura siya at dumami rin ang death threats sakanya. Hindi niya pinansin o pinakinggan ang lahat ng sinabi nila para hindi masira and relasyon nilang dalawa ni Zantyr until someone approached her and said "Your boyfriend is my father"
View MoreAlien
"Where are you?" tanong ni Fatima saakin sa tawag."Why?" umirap kong tanong sa kanya kahit hindi niya ako nakita, alam ko kung bakit ito tumawag saakin at nagtanong kung nasaan ako."Just answer me Andrea!" sabi nito na medyo naiinis na saakin. Tinawanan ko siya."Wala ako saamin," pagsisinungaling ko, alam ko namang alam niyang nagsinungaling ako."Pupunta ako diyan in 10 minutes," sabi niya at pinatay agad ang tawag.I'm sure yayain na naman niya akong lumabas dahil wala akong trabaho bukas, guguluhin na naman ako ng babaeng yun.Pumikit ako ng ilang sandali bago kumatok sa kwarto ko ang kapatid ko."Ate nandito kaibigan mo," sabi nang kapatid kong nasa labas.Hindi ko na siya sinagot at hindi na rin ako lumabas kasi alam kung papasok din naman yun si Fatima dito sa kwarto ko kahit hindi ko sinabi.Humiga ako sa kama at nagkunwaring natulog at ilang sandali pa pumasok na si Fatima na natatawa sa itsura kung nagtulog-tulogan."Andrea!" sigaw nito saakin at niyugyog ako para bang ginising kahit alam niyang gising ako. "Wake up!" sigaw niya pa. Inis akong tumingin sa kanya na natatawa sa itsura ko."Ang ingay mo!" reklamo ko sa kanya habang tiningnan ang oras ng cellphone ko.Seriously!? it's 9:00 am at nandito na itong kaibigan ko sa kwarto ko para mang gugulo!"Tumayo kana diyan!" sabi nito saakin pero hindi ko sinunod dahil antok. Nagising lang ako sa tawag niya kanina at ngayon ginulo na niya ako."5 minutes," sabi ko habang pumikit pero niyugyog ulit niya ako. Masama ang tingin ko sa kanya sa ginawa niyang pagyugyog sa akin."Gumising kana!" natatawang sabi niya kaya inirapan ko siya at tumayo.No choice alam ko namang hindi na ulit ako makatulog dahil sa isang to. Tumayo at dumiretso sa cr para mag toothbrush at mangbanlaw ng mukha. Sumunod siya saakin dahil may tinanong."Bakit nandito sa condo mo ang kapatid mo?" tanong niya habang nakasunod sa akin papuntang cr."I don't know," simpleng sagot ko kaya masama niya akong tiningnan, akala siguro nagsinungaling ako.Totoo naman talagang hindi ko alam!"Hindi niya ba sinabi kung bakit siya nandito?" tanong niya pa sa akinUmiling ako at hindi nagsalita dahil nag toothbrush, hinintay niya akong matapos sa ginawa."Hindi" Sabi ko nang natapos."Alam niyo, kayo lang ang close na magkapatid na walang pakialam sa isa't isa," sabi ni Fatima at umirap sa akin. Ako naman ngayon ang natawa sa kanya.Close kami ng kapatid ko nong nandun pa ako sa mansyon nakatira dahil kaming dalawa ang laging magkasama na gagawa nang kalokohan pag wala sila mommy at daddy.Hanggang ngayon din naman close parin, pero iba na ngayon dahil nagbibinata na yung kapatid ko, baka nga may girlfriend na, hindi lang sinabi sa amin."Bibisita naman yan every friday night at dito na matulog kaya hindi ko na tinanong kasi nasanay na ako," sabi ko. Tumango siya at sumunod na naman sa akin pabalik."Kailan siya uuwi?" tanong niya ulit."Later or maybe tomorrow sunday," sagot ko kaya tumango ulit siya."Labas tayo mamaya, dalhin mo siya." nakangiting sabi ni Fatima kaya umirap ako. Right! that's explain why Fatima's here!"Ayaw," sagot ko at umupo sa sofa sa kwarto ko.She's here because she already know if nasa phone lang hindi niya ako mapapayag kahit anong pilit."Sige na, nandiyan naman yung kapatid mo," sabi niya parang papayag ako pag nandiyan ang kapatid ko."Ask him then I'll go if he's interested," nakangising sabi ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya."Why?" taas kilay na tanong niya sa akin."He's not interested and I know dadalhin mo lang ako sa bar kaya mas lalong ayaw niya," sabi ko at kinuha ang cellphone ko para sana mag order ng pagkain. Nakita ni Fatima ang ginawa ko kaya pinigilan niya ako taka akong tumingin sakanya. I'm hungry!"What!?" tanong ko sakanya habang hawak niya ang kamay ko kung nasan ang phone ko."I saw your brother cooking," sabi niya. Tumango ako nang maintindihan ang sinabi niya. Binitawan na rin niya ako.Tumayo ako para puntahan ang kapatid ko para kumain at sumunod naman ang kaibigan ko."Labas na tayo mamaya Andrea!" pilit niya sa akin pero umiling ako."Birthday nang kaklase natin dati and we're invited and... I already said we're coming!" sabi niya kaya lumingon ako sa kanya."Ikaw nalang pumunta," sabi ko.Alam kong hindi siya nagsinungaling. Naalala ko yung classmate namin na yun, kung may birthday yayain kaming dalawa ni Fatima even hindi kami gaanong ka close."Ayaw ko! hindi ako pupunta pag hindi ka pupunta at ikaw ang sisihin ko kapag nagtanong siya kung bakit wala tayo doon mamaya!" sabi niya. Masamang tingin lang ang binigay ko sa kanya at hindi na nagsalita.Kumatok ako sa pintuan ng kapatid ko at ilang sandali pa binuksan na niya ito. Tumahimik muna si Fatima sa tabi ko."Nagluto ka?" tanong ko agad sa kanya.Minsan kasi hindi yan magluluto pag nandito at minsan din nagluluto. Aminin ko mas magaling pa ang kapatid ko magluto kaysa sa akin na walang talent sa kusina."Yeah," tamad niyang sagot at lumabas sa kwarto niya."Hindi ka pa kumakain?" Tanong ko ulit kaya tumango siya bilang sagot at nauna nang bumaba para siguro sasabay sa akin kumain. Sumunod kaming dalawa ni Fatima sa kanya."Bakit ngayon ko lang siya nakitang pumunta dito kahit madalas naman ako dito sa condo mo," bulong ni Fatima saakin."Dumating yan gabi na at wala ka na dito. Nandiyan lang yan sa kwarto buong araw at hindi lalabas pag may tao," nakangiting sabi ko."Bakit lumabas yan ngayon?" takang tanong niya."Maaga ka kasi eh madalas naman pumunta ka dito 1:00 pm," sagot ko, tumango siya bilang pagsangayon.Nasa kusina na kami at umupo. Ang walang hiyang kaibigan ko syempre umupo din naman para makikain din. Hindi na yan mahihiya sa harap ng pamilya ko o sa kapatid ko dahil kilala naman nila si Fatima sadyang hindi lang sila naguusap ng kapatid kong tahimik lang.Nagsimula na kaming kumain at nagsimula na naman si Fatima sa pagpilit saakin."Punta na tayo Andrea!" sabi niya sa akin habang sumusubo ng pagkain. Umirap ako sa kanya at hindi siya sinagot.Bahala ka diyan."Saan kayo?" Tanong ng kapatid ko sa kay Fatima. Ito ang hinarap ni Fatima."Birthday ng kaklase namin at nag invite saamin sa isang bar," sagot ni Fatima. Tumango ang kapatid ko sa kanya at bumaling sa akin."Bakit hindi ka pupunta ate?" tanong nito sa akin. Umirap ulit ako sa kawalan.Fine!Ayaw kong pagtutulungan ako sa dalawang to! alam kong pipilitin ako ni Vence na pumunta."Fine pupunta na ako," sabi ko kay Fatima.Hindi ko naman first time pumunta sa bar at hindi rin ito ang first time na niyaya ako doon ni Fatima. Tinamad lang talaga akong lumabas mamayang gabi gusto ko nalang humiga sa kama ko whole day and whole night!Pagkatapos naming kumain nanghugas muna ako ng nga plato bago pumunta sa living room kong nasaan ang dalawa."Rea aalis na ako," sabi ni Fatima kahit hindi pa ako nakaupo at siya nakaupo parin sa sofa sa condo ko."Yun lang ba ang sadya mo dito?" taas kilay na tanong ko sa kanya habang umupo sa tabi ng kapatid ko na tahimik lang nakikinig sa amin. Tumango ang walang hiya kaya umirap ako sa kanya."Kukuha ako ng ticket ngayon!" excited na sabi niya. Kumunot ang noo ko habang tumingin sa kanya."Aalis ka?" tanong ko na may pagtataka. Wala naman siyang sinabi sa akin! dapat sinabihan niya ako!Tumawa siya ng malakas at tinuro ako na para bang ang b*b* ko sa sinabi ko. Mas lalo akong nagtaka sa kanya."Ticket sa concert ang ibig sabihin ko!" sabi niya. Tumango ako ng marealize ang pagkakamali."Wala ka namang sinabi," sabi ko. "Kaninong concert?" tanong ko sa kanya. Wala naman akong marinig na may concert o wala lang talaga akong pakialam kahit may narinig ako."Kay Zantyr," simpleng sabi niya kaya tumingin ako sa kanya na may pagtatanong sa mukha dahil hindi makilala ang binangit na pangalan."Sino yan?" tanong ko. Nanlaki ang mata niya sa akin dahil gulat dahil hindi ko kilala ang sinabi niya."Idol ko yun! magaling kumanta! maganda boses! sikat na singer! sikat sa buong mundo!" sunod sunod niyang sabi para bang makilala ko pag sinabi niya lahat yun kaya nagtaka parin akong tumingin sa kanya."You don't know him ate?" tanong ng kapatid ko. Umiling ako sa kanya bilang sagot. "Zantyr Xian Trenz ate," bangit niya sa buong pangalan. Nagisip naman ako kung kilala ko ba siya.Familiar lang sa akin pero— naputol ang pagiisip ko ng suminghap ng malakas si Fatima."Nagiisip kapa talaga!? jusko bakit hindi mo kilala!?" tanong niya sa akin. Taka naman akong tumingin sa kanya."Required ba yun?" inosenteng tanong ko. Mas lalo siyang hindi makapaniwalang tumingin sa akin sa sinabi ko. Tumawa ang kapatid ko sa tabi ko kaya inosente din akong tumingin sa kanya pero hindi siya nagsalita."Saan kaba galing Andrea!? taga mars kaba!? alien kaba!?" sunod sunod niyang tanong sa akin. Lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin."Ganon ba yun ka importante para tawagin mo akong alien?" mataray na sabi ko sa kanya. Umiling siya sa akin, hindi parin makapaniwala."Kukuha din ako ng ticket para sayo," sabi ni Fatima pagkatapos tumahimik. Tumayo siya at nagpaalam na sa amin."Bye rea, wag mong kalimutan mamaya, sabay na tayong pupunta," sabi niya kaya tumango ako.Tumayo na rin ang kapatid ko para siguro pumunta na sa kwarto niya kaya tumayo na rin ako.Ilang oras silang nasa labas, hindi pa rin mapakali si Nathan, hindi rin umupo kahit isang minuto lang, nag-aabang lang siya parati sa pintuan, naghihintay na lumabas smang doctor."Bakit ang tagal?" tanong ni Nathan. Natutuwa naman sila Erik at Lucas na asarin si Nathan."Hala! baka may nangyaring masama," kunwaring kinabahan na sabi ni Lucas."Baka nga, sabi ng lolo ko, matagal daw lalabas pag hindi maganda ang kinalabasan," sabi naman ni Erik. Halatang nang-aasar lang ang dalawa pero si Nathan hindi ata napansin dahil mas kinabahan siya sa pinagsasabi ng dalawa."Ano bang mangyayari madalas pag matagal?" kinabahan na tanong ni Nathan sa dalawa, paniwalang paniwala sa sinabi nila. Pilit ng dalawa magseryoso at hindi matawa sa reaction ni Nathan. Ang iba nilang kasama nakikinig lang at pilit din hindi matawa sa sitwasyon."Pag nahihirapan manganak si misis," sagot naman ni Lucas."Nakita ko sa TV pag nahihirapan manganak, it's e
Tarantang taranta si Nathan habang dinala niya ang kanyang asawa sa hospital habang si Fatima naman, nagawa niya pang tawanan si Nathan na parang natatae na sa taranta."Ang panget mo!" sigaw ni Fatima kay Nathan at ng maramdaman na niya naman ang sakit pumikit siya at sumigaw. Mas lalong kinabahan si Nathan."Bilisan mo panget!" sigaw ni Fatima ng hindi na tumigil ang sakit ng kanyang naramdaman. Hindi pinansin ni Nathan ang pagtawag nitong panget dahil ang attention niya ay nasa kalsada nagiingat parin kahit mabilis itong nagpapatakbo."Wait! malapit na tayo!" sigaw rin ni Nathan. Nag drive ng mabilis si Nathan hanggang sa dumating siya sa hospital."Wait!" sabi nito kay Fatima at agad tumakbo palabas papasok sa hospital at doon nang gugulo sa mga doctor."doc! doc! manganganak na ang asawa ko!" kinabahan na sabi ni Nathan sa doctor na hinawakan niya."Nasaan siya?" mahinahong tanong ng doctor."Nasa sasakyan, bilisan niyo doc! nasasaktan na siya!" taranta paring sabi ni Nathan sa d
Papasok na sana si Amadeus pero naka lock ang kwarto ng kanyang kapatid. Kumatok siya at tinawag si Amara sa loob."Amara!" tawag nito sa kanyang kambal pero hindi ito sumagot kaya tinawag niya ulit ito ng dalawang beses. "Bakit!?" sigaw na tanong ni Amara galing sa loob ng kwarto niya."Buksan mo," malumanay na sagot ni Amadeus sa kanyang kambal."Hindi dito ang kwarto mo kambal!" sigaw ulit ni Amara para marinig ng kuya niya."Gusto kitang kausapin, please?" sabi naman ni Amadeus sa kanyang kapatid. Hindi sumagot si Amara pero tumayo na ito ng marinig niya ang salitang 'please' sa kanyang kambal. Hindi rin matiis ni Amara ang kanyang kambal kaya lumapit siya sa pintuan para buksan ito "Ano bang pagusapan natin kuya?" tanong ni Amara ng mabuksan ang pintuan. Nakita niya si Amadeus na nakatayo doon, hinintay ang pagbukas ng pintuan.Naglakad ulit si Amara papunta sa kanyang kama habang si Amadeus pumasok at sinirado ang pintuan at nilock ito."Nagtatampo ka," sabi ni Amadeus matapos
Third Person POV10 Years Later..Agad tumakbo sa itaas si Andrea ng marinig niya ang iyak ng anak niyang babaeng kambal."Wife! careful!" sigaw ni Zantyr ng makitang hindi ito nagiingat. Natatakot si Zantyr dahil buntis ito baka mapano pa dahil sa hindi nagiingat."Zantyr! sumunod ka dito!" sigaw ni Andrea ng napansin niyang hindi sumunod si Zantyr sakanya.Nilapitan niya ang 8 years old niyang anak na babae."What happened baby?" nag-alalang tanong ni Andrea dito habang pinahid ang mga luha sa mata ng anak niya."Kuya is bad!" sumbong ng anak nito. Hinanap sa mata niya ang kambal ni Amara."Amadeus!" tawag ni Andrea sa anak ng hindi ito makita sa kwarto. Pumasok naman ito pero kasama na ang Daddy niya, nakayakap ito sa binte ng Daddy niya parang nagsusumbong din."Anong ginawa mo?" malumanay na tanong ni Andrea kay Amadeus. Ayaw niya naman magalit dito ng hindi niya pa alam ang totoong nangyari."Wala akong ginawa Mommy!" Nakangusong sabi nito Amadeus."Why are you crying Amara?" ta
OFFENSIVE DOWNFALLAndrea's POV"Sapat na lahat ng naitulong mo kay Zantyr nong wala ako, salamat sa palaging nandiyan sakanya sa panahong wala ako sa pangalawang pagkakataon ikaw na naman ang tumulong sakanya," sabi ko kay Cheska. Nakita ko ang gulat sa mata niya pero hindi niya ito masyadong pinahalata.Yes, malaki ang pasalamat ko sakanya dahil siya palagi ang nandiyan kay Zantyr. Kung hindi ako mahal ni Zantyr tatanggapin ko na mapunta siya kay Cheska dahil alam kong maalagaan siya ng maayos. Pero parang nakatadhana ang lahat. Nakatadhana na hindi magiging sila ni Zantyr dahil may taong magmamahal sakanya. Yun ay si Andrew.Unang tingin ko sa dalawa alam kong medyo naging okay na ang relasyon nila. Sana nga para tuluyan ng maging masaya si Andrew.Umalis kaming tatlo ni Fatima at Andrew dun para mag-usap. Tiningnan ko ang sa sala, nakita kong nag-usap na rin sila, nakita kong masaya sila, at napansin kong close rin ng tatlo si Cheska hindi lang si Zantyr. Unang babaeng inaalagaan
Sorry"Yes," sagot ko. Tumawa ulit siya ng malakas."Tama talagang ginawa ko yun, para sayo yun pinsan!" tumawa ulit niyang sabi. May napansin ako sakanya, ngayon lang."Ano bang ginawa mo?" tanong kunwari kuryoso."May bata akong pinalapit kay Andrea at sinabing ama niya si Zantyr," sabi niya sabay tawa ng malakas. Pumikit ako ng mariin."Huh? talaga? paano mo ginawa yun?" kunwari nagugulat kong tanong sakanya."Mahabang storya," natatawa niyang sabi."Alam ba nila na ikaw ang gumawa?" tanong ko para hindi ako paghinalaan."Pinaghandaan ko lahat Cheska kaya wala silang mahanap na ebidensya na ako ang gumawa," natutuwang sabi niya. "Mabuti," tipid na sagot ko. Hinintay ko kong sabihin niya kung nasaan ang bata, hindi ko siya tatanungin para hindi siya maghinala."Bakit ka pala tumawag?" tanong niya. Kinabahan akong tumingin kay Andrew."Para ikwento sayo ang nabalitaan ko, baka hindi mo alam," simpleng sabi ko."Mas nauna ko pang nalaman Cheska," natatawang sabi niya. "Ngayon hinanap
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments