Share

OFFENSIVE DOWNFALL
OFFENSIVE DOWNFALL
Author: Zhyllous

SIMULA

Alien

"Where are you?" tanong ni Fatima saakin sa tawag.

"Why?" umirap kong tanong sa kanya kahit hindi niya ako nakita, alam ko kung bakit ito tumawag saakin at nagtanong kung nasaan ako.

"Just answer me Andrea!" sabi nito na medyo naiinis na saakin. Tinawanan ko siya.

"Wala ako saamin," pagsisinungaling ko, alam ko namang alam niyang nagsinungaling ako.

"Pupunta ako diyan in 10 minutes," sabi niya at pinatay agad ang tawag.

I'm sure yayain na naman niya akong lumabas dahil wala akong trabaho bukas, guguluhin na naman ako ng babaeng yun.

Pumikit ako ng ilang sandali bago kumatok sa kwarto ko ang kapatid ko.

"Ate nandito kaibigan mo," sabi nang kapatid kong nasa labas.

Hindi ko na siya sinagot at hindi na rin ako lumabas kasi alam kung papasok din naman yun si Fatima dito sa kwarto ko kahit hindi ko sinabi.

Humiga ako sa kama at nagkunwaring natulog at ilang sandali pa pumasok na si Fatima na natatawa sa itsura kung nagtulog-tulogan.

"Andrea!" sigaw nito saakin at niyugyog ako para bang ginising kahit alam niyang gising ako. "Wake up!" sigaw niya pa. Inis akong tumingin sa kanya na natatawa sa itsura ko.

"Ang ingay mo!" reklamo ko sa kanya habang tiningnan ang oras ng cellphone ko.

Seriously!? it's 9:00 am at nandito na itong kaibigan ko sa kwarto ko para mang gugulo!

"Tumayo kana diyan!" sabi nito saakin pero hindi ko sinunod dahil antok. Nagising lang ako sa tawag niya kanina at ngayon ginulo na niya ako.

"5 minutes," sabi ko habang pumikit pero niyugyog ulit niya ako. Masama ang tingin ko sa kanya sa ginawa niyang pagyugyog sa akin.

"Gumising kana!" natatawang sabi niya kaya inirapan ko siya at tumayo.

No choice alam ko namang hindi na ulit ako makatulog dahil sa isang to. Tumayo at dumiretso sa cr para mag toothbrush at mangbanlaw ng mukha. Sumunod siya saakin dahil may tinanong.

"Bakit nandito sa condo mo ang kapatid mo?" tanong niya habang nakasunod sa akin papuntang cr.

"I don't know," simpleng sagot ko kaya masama niya akong tiningnan, akala siguro nagsinungaling ako.

Totoo naman talagang hindi ko alam!

"Hindi niya ba sinabi kung bakit siya nandito?" tanong niya pa sa akin

Umiling ako at hindi nagsalita dahil nag toothbrush, hinintay niya akong matapos sa ginawa.

"Hindi" Sabi ko nang natapos.

"Alam niyo, kayo lang ang close na magkapatid na walang pakialam sa isa't isa," sabi ni Fatima at umirap sa akin. Ako naman ngayon ang natawa sa kanya.

Close kami ng kapatid ko nong nandun pa ako sa mansyon nakatira dahil kaming dalawa ang laging magkasama na gagawa nang kalokohan pag wala sila mommy at daddy.

Hanggang ngayon din naman close parin, pero iba na ngayon dahil nagbibinata na yung kapatid ko, baka nga may girlfriend na, hindi lang sinabi sa amin.

"Bibisita naman yan every friday night at dito na matulog kaya hindi ko na tinanong kasi nasanay na ako," sabi ko. Tumango siya at sumunod na naman sa akin pabalik.

"Kailan siya uuwi?" tanong niya ulit.

"Later or maybe tomorrow sunday," sagot ko kaya tumango ulit siya.

"Labas tayo mamaya, dalhin mo siya." nakangiting sabi ni Fatima kaya umirap ako. Right! that's explain why Fatima's here!

"Ayaw," sagot ko at umupo sa sofa sa kwarto ko.

She's here because she already know if nasa phone lang hindi niya ako mapapayag kahit anong pilit.

"Sige na, nandiyan naman yung kapatid mo," sabi niya parang papayag ako pag nandiyan ang kapatid ko.

"Ask him then I'll go if he's interested," nakangising sabi ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya.

"Why?" taas kilay na tanong niya sa akin.

"He's not interested and I know dadalhin mo lang ako sa bar kaya mas lalong ayaw niya," sabi ko at kinuha ang cellphone ko para sana mag order ng pagkain. Nakita ni Fatima ang ginawa ko kaya pinigilan niya ako taka akong tumingin sakanya. I'm hungry!

"What!?" tanong ko sakanya habang hawak niya ang kamay ko kung nasan ang phone ko.

"I saw your brother cooking," sabi niya. Tumango ako nang maintindihan ang sinabi niya. Binitawan na rin niya ako.

Tumayo ako para puntahan ang kapatid ko para kumain at sumunod naman ang kaibigan ko.

"Labas na tayo mamaya Andrea!" pilit niya sa akin pero umiling ako.

"Birthday nang kaklase natin dati and we're invited and... I already said we're coming!" sabi niya kaya lumingon ako sa kanya.

"Ikaw nalang pumunta," sabi ko.

Alam kong hindi siya nagsinungaling. Naalala ko yung classmate namin na yun, kung may birthday yayain kaming dalawa ni Fatima even hindi kami gaanong ka close.

"Ayaw ko! hindi ako pupunta pag hindi ka pupunta at ikaw ang sisihin ko kapag nagtanong siya kung bakit wala tayo doon mamaya!" sabi niya. Masamang tingin lang ang binigay ko sa kanya at hindi na nagsalita.

Kumatok ako sa pintuan ng kapatid ko at ilang sandali pa binuksan na niya ito. Tumahimik muna si Fatima sa tabi ko.

"Nagluto ka?" tanong ko agad sa kanya.

Minsan kasi hindi yan magluluto pag nandito at minsan din nagluluto. Aminin ko mas magaling pa ang kapatid ko magluto kaysa sa akin na walang talent sa kusina.

"Yeah," tamad niyang sagot at lumabas sa kwarto niya.

"Hindi ka pa kumakain?" Tanong ko ulit kaya tumango siya bilang sagot at nauna nang bumaba para siguro sasabay sa akin kumain. Sumunod kaming dalawa ni Fatima sa kanya.

"Bakit ngayon ko lang siya nakitang pumunta dito kahit madalas naman ako dito sa condo mo," bulong ni Fatima saakin.

"Dumating yan gabi na at wala ka na dito. Nandiyan lang yan sa kwarto buong araw at hindi lalabas pag may tao," nakangiting sabi ko.

"Bakit lumabas yan ngayon?" takang tanong niya.

"Maaga ka kasi eh madalas naman pumunta ka dito 1:00 pm," sagot ko, tumango siya bilang pagsangayon.

Nasa kusina na kami at umupo. Ang walang hiyang kaibigan ko syempre umupo din naman para makikain din. Hindi na yan mahihiya sa harap ng pamilya ko o sa kapatid ko dahil kilala naman nila si Fatima sadyang hindi lang sila naguusap ng kapatid kong tahimik lang.

Nagsimula na kaming kumain at nagsimula na naman si Fatima sa pagpilit saakin.

"Punta na tayo Andrea!" sabi niya sa akin habang sumusubo ng pagkain. Umirap ako sa kanya at hindi siya sinagot.

Bahala ka diyan.

"Saan kayo?" Tanong ng kapatid ko sa kay Fatima. Ito ang hinarap ni Fatima.

"Birthday ng kaklase namin at nag invite saamin sa isang bar," sagot ni Fatima. Tumango ang kapatid ko sa kanya at bumaling sa akin.

"Bakit hindi ka pupunta ate?" tanong nito sa akin. Umirap ulit ako sa kawalan.

Fine!

Ayaw kong pagtutulungan ako sa dalawang to! alam kong pipilitin ako ni Vence na pumunta.

"Fine pupunta na ako," sabi ko kay Fatima.

Hindi ko naman first time pumunta sa bar at hindi rin ito ang first time na niyaya ako doon ni Fatima. Tinamad lang talaga akong lumabas mamayang gabi gusto ko nalang humiga sa kama ko whole day and whole night!

Pagkatapos naming kumain nanghugas muna ako ng nga plato bago pumunta sa living room kong nasaan ang dalawa.

"Rea aalis na ako," sabi ni Fatima kahit hindi pa ako nakaupo at siya nakaupo parin sa sofa sa condo ko.

"Yun lang ba ang sadya mo dito?" taas kilay na tanong ko sa kanya habang umupo sa tabi ng kapatid ko na tahimik lang nakikinig sa amin. Tumango ang walang hiya kaya umirap ako sa kanya.

"Kukuha ako ng ticket ngayon!" excited na sabi niya. Kumunot ang noo ko habang tumingin sa kanya.

"Aalis ka?" tanong ko na may pagtataka. Wala naman siyang sinabi sa akin! dapat sinabihan niya ako!

Tumawa siya ng malakas at tinuro ako na para bang ang b*b* ko sa sinabi ko. Mas lalo akong nagtaka sa kanya.

"Ticket sa concert ang ibig sabihin ko!" sabi niya. Tumango ako ng marealize ang pagkakamali.

"Wala ka namang sinabi," sabi ko. "Kaninong concert?" tanong ko sa kanya. Wala naman akong marinig na may concert o wala lang talaga akong pakialam kahit may narinig ako.

"Kay Zantyr," simpleng sabi niya kaya tumingin ako sa kanya na may pagtatanong sa mukha dahil hindi makilala ang binangit na pangalan.

"Sino yan?" tanong ko. Nanlaki ang mata niya sa akin dahil gulat dahil hindi ko kilala ang sinabi niya.

"Idol ko yun! magaling kumanta! maganda boses! sikat na singer! sikat sa buong mundo!" sunod sunod niyang sabi para bang makilala ko pag sinabi niya lahat yun kaya nagtaka parin akong tumingin sa kanya.

"You don't know him ate?" tanong ng kapatid ko. Umiling ako sa kanya bilang sagot. "Zantyr Xian Trenz ate," bangit niya sa buong pangalan. Nagisip naman ako kung kilala ko ba siya.

Familiar lang sa akin pero— naputol ang pagiisip ko ng suminghap ng malakas si Fatima.

"Nagiisip kapa talaga!? jusko bakit hindi mo kilala!?" tanong niya sa akin. Taka naman akong tumingin sa kanya.

"Required ba yun?" inosenteng tanong ko. Mas lalo siyang hindi makapaniwalang tumingin sa akin sa sinabi ko. Tumawa ang kapatid ko sa tabi ko kaya inosente din akong tumingin sa kanya pero hindi siya nagsalita.

"Saan kaba galing Andrea!? taga mars kaba!? alien kaba!?" sunod sunod niyang tanong sa akin. Lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Ganon ba yun ka importante para tawagin mo akong alien?" mataray na sabi ko sa kanya. Umiling siya sa akin, hindi parin makapaniwala.

"Kukuha din ako ng ticket para sayo," sabi ni Fatima pagkatapos tumahimik. Tumayo siya at nagpaalam na sa amin.

"Bye rea, wag mong kalimutan mamaya, sabay na tayong pupunta," sabi niya kaya tumango ako.

Tumayo na rin ang kapatid ko para siguro pumunta na sa kwarto niya kaya tumayo na rin ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status