Share

KABANATA 2

Author: Zhyllous
last update Last Updated: 2024-01-13 12:53:17

Dance

Nag inuman kaming lahat at si Hope lasing na lasing, hindi na niya napansin ang pag-alis ng iba dahil sa kalasingan niya, baka kung hindi to lasing magagalit na naman ito dahil nawala sila.

Yung ibang tao ayaw kong malasing dahil natatakot ako, pero pag si Hope na lasing parang gusto ko araw araw siyang lasing para walang malay.

Napakasama ko pero yun ang totoo mabait kasi siya pag lasing.

Lumapit ako kay Fatima para bumulong.

"Cr lang ako," paalam ko sa kanya kaya tumango siya saakin at ininom ang binigay na baso.

Medyo nahihilo na ako, pero kaya ko paring maglakad ng hindi halatang nahihilo at nasa katinuan pa ako ngayon hindi kagaya ni Hope na sinadya naming lasingin.

Birthday niya naman at may bodyguard naman yun, nasa paligid lang sila. Kailangan niya ng bodyguard kasi walang maghatid sa kanya, lahat kami walang pake kung maiwan siya dito.

Pumasok ako sa cr at dumiretso sa isang cubicle dahil naiihi na talaga ako kanina pa pinigilan ko lang kasi tinamad tumayo.

May narinig akong nag uusap sa labas, hindi ko napigilan ang sariling makinig lalo na't familiar ang binangit nilang pangalan.

"Nandito si Zantyr nasa VIP room sila kasama ang kaibigan niya," sabi ng isang babae.

Zantyr? I think, ito yung idol na singer ni Fatima na pilit pinakilala sa akin, sabing hindi ko kilala ayaw maniwala.

"Paano mo nalaman?" tanong ng kausap niya.

"Nakita ko sila kanina dumaan," sabi naman nang isa.

"Hindi rin naman tayo makapasok," sabi din nang isa.

"Oo pero pag nalasing si Zantyr lalabas yun. Naka one night stand nga niya yung kaibigan kong model noong nalasing yun, hindi niya lang matandaan," sabi nong isang babae.

Napahawak ako sa bibig ko at medyo namula sa sinabi niya. Hindi ako inosente pagdating sa ganyan pero hindi din naman ako sanay na marinig yun, at sino naman ang model? playboy pala ang idol ni Fatima?

Narinig kong lumabas yung dalawang babae, lumabas na rin ako para manghugas ng kamay at tiningnan ang sarili sa salamin.

Medyo namumula pa ako at alam kung hindi ito dahil sa alak kundi dahil ito sa sinabi nang mga babae.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, ang brown at curly kung buhok medyo magulo dahil kanina pa kami dito ni Fatima kaya inayos ko ito, ang mahaba kong pilik mata nababagay sa asul kong mata, ang makapal kung kilay ang matangos kong ilong at ang mapupulang labi ko.

Maraming nagsasabi na maganda ako at medyo nahihiya ako dahil hindi ko naman talaga alam kung totoo ang sinabi nila, pero habang pinagmasdan ko ang makinis kong mukha ngayon, masasabi kong maganda nga, hindi dahil maputi ako at makinis, dahil sa mga katangian ko sa mukha na nababagay talaga dito.

Nilagyan ko kunti ng liptint ang labi ko at lumabas na para bumalik kung nasaan ako kanina. Habang pabalik ako nadaanan ko yung mga kasamahan kong model kaya ngumiti ako sa kanila nang makita nila ako

"Andrea! nandito ka pala!" masayang sabi nang isang model, friendly ito sa lahat, ngumiti ako sa kanya.

"Yeahz kasama ko si Fatima, birthday ng kaklase namin dati," sagot ko sakanya at medyo sumisigaw para marinig niya.

"Umupo ka muna dito!" alok niya saakin.

Tiningnan ko ang ibang model nakita kong nakangiti din silang tumingin saakin, tiningnan ko kung nasaan si Fatima, parang hinanap na ako dahil panay tingin sa cr.

"Sure, pero tawagin ko lang si Fatima," nakangiting sabi, tumango siya.

"Bumalik ka ha!" masayang sabi niya.

Tumango ako at tumalikod na para puntahan si Fatima. Lumapit ako sakanya at bumulong.

"Nandun sila Claude sa kabila pinapunta tayo," bulong ko sa kanya

Tumingin siya kung saan ako galing, tumingin din ako doon at nakita kong kumaway si Claude saamin, tumango si Fatima sa kanya.

Nagpaalam muna kami sa kasamahan namin bago sila iniwan doon at si Hope naman hindi ko alam kung nasaan na. Baka sumayaw na o umuwi.

Umupo kaming dalawa ni Fatima, binigyan agad nila kami ng baso para uminom kaya tinaggap naman namin to para hindi matawag na KJ.

Ayaw ko na sanang uminom pero nakakahiyang tumangi. Pag sila kasama ko aasahan ko talagang malasing ako dahil hindi ako titigilan pag hindi uminom.

Nag kwentuhan kami ng madalas namin ginawa sa shooting.

"Alam niyo guyss ang Pogi ni Angelo no!" Kinilig na sabi ni Claude habang binanggit ang pangalan sa lalaking model kung nasaan kami nagtatrabaho.

Tumawa kami kasi alam naming crush na crush niya yun kaso may Girlfriend kaya hindi namin inasar.

"Palagi naman yun gwapo para sayo!" pang aasar ni Fatima dito, nagtawanan kami nang makita naming mas lalong kinilig ang bruha.

"Gwapo nga pero hindi naman mapasayo!" sabi ng isang kasama namin, ito ang pinaka close ni Claude dito. Mas lalo kaming nagtawanan ng biglang naglaho ang masayang mukha ni Claude.

"Nakakainis ka, panira talaga kahit kailan!" reklamo ni Claude, nagtawanan kami. Ngumiti siya sa amin. "Mas maganda naman ako sa Girlfriend!" sabi niya sabay flip hair, nakatanggap siya ng hampas galing sa kaibigan niya.

"Ang hangin mo!" natatawang sabi nito sa kanya pero tumawa lang si Claude.

"Para saan yung maganda kung hindi ikaw ang mahal!" singit ng isang kasama namin kaya nagtawanan ulit kami.

Ito ang gusto ko kay Claude mabait at hindi magagalit pag inasar kaya alam kung ganito din ang inisip ng kasama ko dito kaya siya palagi nilang inasar.

Ngumuso lang si Claude, ilang sandali pa tumawa na dahil wala naman siyang pake kung may ibang mahal ang kanyang crush. Basta gusto niya yun period. Hindi naman niya guguluhin ang relasyon nila.

Naginuman pa kami habang nagkwentuhan hanggang sa nahihilo na ako at alam kong lasing na, dahil hindi ko na mapipigilan ang sarili ko.

Sumayaw na ako sa kinaupuan ko dahil sa kalasingan at ganun din si Fatima, sumabay din sa tugtog ng music ang ending kaming lahat tumayo para pumunta sa dance floor.

Medyo nahihilo pa akong naglakad papunta sa dancefloor, pero wala akong pakealam basta sumayaw ako habang naglakad at ganun din ang iba naming kasama lalo na si Claude na lasing na din kagaya ko.

May ibang kasama namin hindi pa lasing pero sumayaw narin sila kasama naming mga lasing at pinagtawanan kami.

Maingay kami sa dancefloor nagsigawan pero wala kaming pake, sumayaw lang kami ng sumayaw. Alam kong tiningnan na kami ng mga tao dahil sa kaingayan.

Sumayaw lang ako dito sumabay sa tugtog. Lahat naman kami sa dance floor sumayaw kaya hindi nakakahiyang sumayaw.

May nakasayaw na mga lalaki yung mga kasamahan ko, lalo na si Fatima hindi ko na nakita dahil may nakasayaw na. Iniwan na kami dito.

May sumasayaw sa likod ko at humawak sa baywang ko, napangiti ako at tinudo ang sayaw. Hinarap ko ang kasayaw ko. Hindi ko kilala kaya sumayaw ako sa harap niya at ganun din siya.

Ilang sandali pa nawalan na ako ng gana, walang salitang umalis ako sa harap niya at sumayaw nalang ulit magisa ng nakalayo sa kanya.

Hindi ako ganito pag hindi nakainom.

May nakasayaw na naman ako kaya hinarap ko ulit ito at gaya kanina umalis din ako. Parang mas gusto kong magisa lang akong sumayaw.

Sumayaw ako at walang pakealam kung nay nakatingin sa akin. Kung nandito ang manager ko magagalit yun sa akin.

Natawa ako ng inisip ang itsura niyang galit habang tiningnan at pinagalitan ako. Hindi pa naman ako nagpaalam sa kanyang lumabas. Akala niya nasa condo lang ako dahil sinabi kong hindi ako lalabas ngayong gabi.

Nawala sa isipan ko ang manager ng may sumayaw na naman sa likod ko pero hindi kagaya kanina, parang wala lang saakin, ngayon nang hinawakan niya ako sa baywang, natigilan ako nang may naramdaman akong kakaiba sa katawan ko.

Humarap ako sa kanya at dahil sa kalasingan at sa hilo, hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Sumayaw lang siya sa harap ko habang ako hindi na gumalaw.

Lumapit ang mukha niya sa tainga ko para bumulong.

"Don't stop, and dance with me baby," bulong niya habang ang boses niya parang inaakit ako, pumikit ako at unti unting sumayaw kagaya kanina.

Hindi ko talaga alam kong saan galing ang init sa mukha ko, basta ang alam ko habang sumayaw ako at sinabayan  siya mas lalong akong nang init.

Dahil ba ito sa alak o iba?

Sobrang lapit naming dalawa dahil palagi niya akong hinila palapit, naamoy ko na ang alak sa kanyang bibig.

Hindi kagaya kanina, umalis ako dahil hindi gusto ang kasayaw, pero ngayon hindi na makaalis, mas nakukulangan pa sa pagsayaw namin.

Parang may gusto ako na hindi ko mapangalanan. Sobrang lapit namin at tumingin ako sa mukha niyang hindi ko maaninag ng maayos dahil sa kalasingan.

Kahit hindi ko kita ng maayos masasabi kong pogi ito.

Sumayaw kami, dahil sobrang lapit namin sa isa't isa, palaging nababanga yung dibdib ko sa kanyang katawan, napadaing ako nang mabangga ito.

"You're so hot," bulong niya s aakin kaya tumingin ako sa kanya na halatang nalalasing na sa ginagawa naming pagsayaw ngayon.

Naiinitan lalo ako dahil sa pagbulong niya sa akin habang sumayaw kami.

"And beautiful," dagdag niyang bulong saakin, pumikit ako. Naramdaman ako ng init pero ayaw kong huminto sa pagsasayaw.

Sumayaw ako kahit alam kung pagsisihan ko bukas ang ginawa ko ngayon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • OFFENSIVE DOWNFALL   SPECIAL CHAPTER #04

    Ilang oras silang nasa labas, hindi pa rin mapakali si Nathan, hindi rin umupo kahit isang minuto lang, nag-aabang lang siya parati sa pintuan, naghihintay na lumabas smang doctor."Bakit ang tagal?" tanong ni Nathan. Natutuwa naman sila Erik at Lucas na asarin si Nathan."Hala! baka may nangyaring masama," kunwaring kinabahan na sabi ni Lucas."Baka nga, sabi ng lolo ko, matagal daw lalabas pag hindi maganda ang kinalabasan," sabi naman ni Erik. Halatang nang-aasar lang ang dalawa pero si Nathan hindi ata napansin dahil mas kinabahan siya sa pinagsasabi ng dalawa."Ano bang mangyayari madalas pag matagal?" kinabahan na tanong ni Nathan sa dalawa, paniwalang paniwala sa sinabi nila. Pilit ng dalawa magseryoso at hindi matawa sa reaction ni Nathan. Ang iba nilang kasama nakikinig lang at pilit din hindi matawa sa sitwasyon."Pag nahihirapan manganak si misis," sagot naman ni Lucas."Nakita ko sa TV pag nahihirapan manganak, it's e

  • OFFENSIVE DOWNFALL   SPECIAL CHAPTER #03

    Tarantang taranta si Nathan habang dinala niya ang kanyang asawa sa hospital habang si Fatima naman, nagawa niya pang tawanan si Nathan na parang natatae na sa taranta."Ang panget mo!" sigaw ni Fatima kay Nathan at ng maramdaman na niya naman ang sakit pumikit siya at sumigaw. Mas lalong kinabahan si Nathan."Bilisan mo panget!" sigaw ni Fatima ng hindi na tumigil ang sakit ng kanyang naramdaman. Hindi pinansin ni Nathan ang pagtawag nitong panget dahil ang attention niya ay nasa kalsada nagiingat parin kahit mabilis itong nagpapatakbo."Wait! malapit na tayo!" sigaw rin ni Nathan. Nag drive ng mabilis si Nathan hanggang sa dumating siya sa hospital."Wait!" sabi nito kay Fatima at agad tumakbo palabas papasok sa hospital at doon nang gugulo sa mga doctor."doc! doc! manganganak na ang asawa ko!" kinabahan na sabi ni Nathan sa doctor na hinawakan niya."Nasaan siya?" mahinahong tanong ng doctor."Nasa sasakyan, bilisan niyo doc! nasasaktan na siya!" taranta paring sabi ni Nathan sa d

  • OFFENSIVE DOWNFALL   SPECIAL CHAPTER #02

    Papasok na sana si Amadeus pero naka lock ang kwarto ng kanyang kapatid. Kumatok siya at tinawag si Amara sa loob."Amara!" tawag nito sa kanyang kambal pero hindi ito sumagot kaya tinawag niya ulit ito ng dalawang beses. "Bakit!?" sigaw na tanong ni Amara galing sa loob ng kwarto niya."Buksan mo," malumanay na sagot ni Amadeus sa kanyang kambal."Hindi dito ang kwarto mo kambal!" sigaw ulit ni Amara para marinig ng kuya niya."Gusto kitang kausapin, please?" sabi naman ni Amadeus sa kanyang kapatid. Hindi sumagot si Amara pero tumayo na ito ng marinig niya ang salitang 'please' sa kanyang kambal. Hindi rin matiis ni Amara ang kanyang kambal kaya lumapit siya sa pintuan para buksan ito "Ano bang pagusapan natin kuya?" tanong ni Amara ng mabuksan ang pintuan. Nakita niya si Amadeus na nakatayo doon, hinintay ang pagbukas ng pintuan.Naglakad ulit si Amara papunta sa kanyang kama habang si Amadeus pumasok at sinirado ang pintuan at nilock ito."Nagtatampo ka," sabi ni Amadeus matapos

  • OFFENSIVE DOWNFALL   SPECIAL CHAPTER #01

    Third Person POV10 Years Later..Agad tumakbo sa itaas si Andrea ng marinig niya ang iyak ng anak niyang babaeng kambal."Wife! careful!" sigaw ni Zantyr ng makitang hindi ito nagiingat. Natatakot si Zantyr dahil buntis ito baka mapano pa dahil sa hindi nagiingat."Zantyr! sumunod ka dito!" sigaw ni Andrea ng napansin niyang hindi sumunod si Zantyr sakanya.Nilapitan niya ang 8 years old niyang anak na babae."What happened baby?" nag-alalang tanong ni Andrea dito habang pinahid ang mga luha sa mata ng anak niya."Kuya is bad!" sumbong ng anak nito. Hinanap sa mata niya ang kambal ni Amara."Amadeus!" tawag ni Andrea sa anak ng hindi ito makita sa kwarto. Pumasok naman ito pero kasama na ang Daddy niya, nakayakap ito sa binte ng Daddy niya parang nagsusumbong din."Anong ginawa mo?" malumanay na tanong ni Andrea kay Amadeus. Ayaw niya naman magalit dito ng hindi niya pa alam ang totoong nangyari."Wala akong ginawa Mommy!" Nakangusong sabi nito Amadeus."Why are you crying Amara?" ta

  • OFFENSIVE DOWNFALL   WAKAS

    OFFENSIVE DOWNFALLAndrea's POV"Sapat na lahat ng naitulong mo kay Zantyr nong wala ako, salamat sa palaging nandiyan sakanya sa panahong wala ako sa pangalawang pagkakataon ikaw na naman ang tumulong sakanya," sabi ko kay Cheska. Nakita ko ang gulat sa mata niya pero hindi niya ito masyadong pinahalata.Yes, malaki ang pasalamat ko sakanya dahil siya palagi ang nandiyan kay Zantyr. Kung hindi ako mahal ni Zantyr tatanggapin ko na mapunta siya kay Cheska dahil alam kong maalagaan siya ng maayos. Pero parang nakatadhana ang lahat. Nakatadhana na hindi magiging sila ni Zantyr dahil may taong magmamahal sakanya. Yun ay si Andrew.Unang tingin ko sa dalawa alam kong medyo naging okay na ang relasyon nila. Sana nga para tuluyan ng maging masaya si Andrew.Umalis kaming tatlo ni Fatima at Andrew dun para mag-usap. Tiningnan ko ang sa sala, nakita kong nag-usap na rin sila, nakita kong masaya sila, at napansin kong close rin ng tatlo si Cheska hindi lang si Zantyr. Unang babaeng inaalagaan

  • OFFENSIVE DOWNFALL   KABANATA 75

    Sorry"Yes," sagot ko. Tumawa ulit siya ng malakas."Tama talagang ginawa ko yun, para sayo yun pinsan!" tumawa ulit niyang sabi. May napansin ako sakanya, ngayon lang."Ano bang ginawa mo?" tanong kunwari kuryoso."May bata akong pinalapit kay Andrea at sinabing ama niya si Zantyr," sabi niya sabay tawa ng malakas. Pumikit ako ng mariin."Huh? talaga? paano mo ginawa yun?" kunwari nagugulat kong tanong sakanya."Mahabang storya," natatawa niyang sabi."Alam ba nila na ikaw ang gumawa?" tanong ko para hindi ako paghinalaan."Pinaghandaan ko lahat Cheska kaya wala silang mahanap na ebidensya na ako ang gumawa," natutuwang sabi niya. "Mabuti," tipid na sagot ko. Hinintay ko kong sabihin niya kung nasaan ang bata, hindi ko siya tatanungin para hindi siya maghinala."Bakit ka pala tumawag?" tanong niya. Kinabahan akong tumingin kay Andrew."Para ikwento sayo ang nabalitaan ko, baka hindi mo alam," simpleng sabi ko."Mas nauna ko pang nalaman Cheska," natatawang sabi niya. "Ngayon hinanap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status