Nagising ako sa kalagitnaan ng pagtulog ng makarinig ng kalabog at ingay mula sa kusina.
“Baka may nakapasok na magnanakaw?”bulong ko sa sarili
Naglakas loob akong bumangon mula sa pagakakahiga at naglakad palabas ng kwarto ko kahit napakadilim ng paligid.
Kinuha ko ang walis tambo at nagtuloy-tuloy sa kusina.
Hinding-hindi ako makakapayag na pagnakawan nila si Nanay.
Naningkit ang mga mata ko ng maaninag ang taong naghahalungkat sa kusina kaya hinanda ko ang sarili kong paluin ito ng walis tambo.
Akmang hahatawin kuna ito ng hawak kong armas kaagad na nagliwanag ang paligid.
“I-Ikaw?!”hindi makapaniwalang sambit ko ng makilala ang lalaking nasa harapan ko.
Napatingin ito sa hawak-hawak kong handa na s’yang hatawin sa ulo kaya kaagad ko ‘yung ibinaba.
“Ano bang ginagawa mo ng ganitong oras? Napagkalaman tuloy kitang magnanakaw”inis na sabi ko.
“Magnanakaw? Ang lala naman ng pag-overthink mo”tugon n’ya s’kin na ikinasama ng timpla ng mukha ko.
“Hinahanap ko kasi ‘yung swtich kaya nakarinig ka ng ingay. Kakarating ko lang galing ‘don sa pinapagawa kong resthouse tapos binisita ko ‘din ‘yong palayan—-”
“Teka, bakit ka nagpapaliwanag?I’m not your wife, okay?”putol ko sa sinasabi n’ya.
Bumuga s’ya ng hangin. “Sinasabi ko lang para hindi mo ako mapagkamalan na magnanakaw, nagugutom na ako, e. Kaya magluluto sana ako”
Ako naman ang napabuntong hininga. Gano’n naman pala ang nangyari, akala kong ano na. Sabog sana ang bungo n’ya ngayon.
Hindi na ako nagsalita at tinalikuran na s’ya ngunit napatigil ‘din ako ng tawagin n’ya ko.
“Talaga bang hindi mo ako nakikilala? Sa ilang araw na kasama kita talagang parang hindi mo ako kilala”sabi nito kaya hinarap ko s’ya ng may pagtataka.
“Nagkita na ba tayo noon? Saan naman?”naguguluhang tanong ko.
Napakurap-kurap ang mga mata ko ng may ilabas s’yang bracelet na kahawig ‘nong bracelet ko. Kinapa ko sa wrist ko ang bracelet ko pera wala ‘yon doon.
“Paano mo nakuha ‘yan?”galit na tanong ko sabay lapit sa kaniya para sana kunin ‘yon pero niyakap n’ya ang beywang ko gamit ang kanang braso.
Napalunok ako ng titigan n’ya ang mukha ko. Nagpumiglas ako sa kaniya ng ilapit n’ya sa’kin ang mukha n’ya.
“Nakuha ko ‘to ‘don sa abandonadong bahay kung saan may nangyari sa ‘tin”bulong n’ya sa’kin.
Napanganga ako sa sinabi n’ya.Ilang sandali akong hindi nakaimik dahil pinoproseso pa ng utak ko ang mga sinabi n’ya.
“K-Kung gano’n alam muna—”
“Yes, pero mukhang nakalimutan mo kaagad ako”putol nito sa pagsasalita ko.
Mahina kong tinulak ang dibdib n’ya para pakawalan ako pero mas hinigpitan n’ya ang pagkakayakap sa beywang ko.
Nag-iwas ako sa kaniya ng mukha dahil titig na titig s’ya sa mga mata ko na hindi magawang makatingin ng diretso sa kaniya.
“K-Keep it a secret”mahinang sabi ko na alam kong narinig naman n’ya.
Napalunok ako ng hawakan n’ya ang baba ko at itinaas ang mukha ko para magtagpo ng mga mata namin.
“Sabi ko naman sayo na mag-uusap tayo kinabukasan di’ba?bakit hindi ka nagtiwala sa’kin?”tanong n’ya na tila gusto n’yang magalit sa’kin.
Lakas loob ko namang sinalubong ang mga titig n’ya.
“D-Dhil wala naman tayong dapat pag-usapan o ipaliwanag sa nangyari. Hayaan na lang natin na manatiling One night stand ‘yon”pahayag ko.
Umiling s’ya. “Sa ating dalawa ikaw ang lugi dahil nakuha ko ang virginity mo, pero hindi ako katulad ng ibang lalaki na walang pakialam sa bagay na ‘yon”
Napalunok ako sa sinabi nito. Mukhang sincere s’ya sa mga sinasabi n’ya dahil kitang-kita ko ‘yon sa mga mata niya.
“May prinsipyo akong tao, Maria. Kaya pakiusap give me chance to prove na malinis ang intensyon ko sa’yo”seryusong sabi n’ya.
Nangungusap ang mga mata n’ya at mas lalo pang humigpit ang pagkakayap n’ya sa beywang ko sa puntong ito kaya kahit gusto kong tumakbo pabalik sa kwarto ko mukhang hindi ko magagawa ‘yon.
“Mahina akong umalala ng mga mukha ng tao lalo na kong ilang sandali ko lang silang nakita o nakasama. ‘Yun ang rason kung bakit hindi kita nakilala kaagad”paliwanag ko dahil baka kasi kong ano ang isipin n’ya.
“Naiintindihan ko”aniya.
Pinakawalan n’ya ako mula sa pagkakayakap n’ya sa beywang ko. Mabilis kong hinablot sa kaniya ang bracelet ko at kaagad na tumakbo papunta sa kwarto ko.
Hindi ako mapakali ng makapasok ako sa kwarto. Paano na ‘to? Sa lahat ba naman nang lalaki ‘yong kolokoy talaga na ‘yon ang naka One Night Stand ko?
Napakagat ako sa koko sa sobrang kaba.
“Ano ng gagawin ko?”nag-aalalang tanong ko.
Sunod-sunod ang pagbuga ko ng hangin bago nahiga sa higaan at inisip ang nangyari kanina.Hindi ko alam kong anong oras na akong nakatulog sa kakaisip.
Nagising ako ng makarinig nang maingay mula sa labas.Boses iyon ng mga bata na nagtatawanan at nagsisigawan.
“Ano ba ‘yan ang aga-aga,e!”naiinis na sabi ko bago nagpaikot-ikot sa kama habang nanatiling nakapikit ang mata.
Mas lumakas pa ang ingay nang mga bata kaya hindi na ako nakatiis. Inis akong bumangon sa kinahihigaan ko saka nagdadabog na pumunta sa bintana saka iyon binuksan. Ipapakita ko sa kanila kong paano magalit ang dragon na ginising nila.
Handa kuna sana silang sigawan nang makita ang nangyayari sa labas.
Nakikipaglaro ng patentero si Mayor sa mga bata.Weekend ngayon kaya wala atang pasok ang mga bata.
“Napaka-childish naman ng taong ‘to”bulong ko sa sarili habang tahimik silang pinagmamasdan.
Nataranta ako ng mapatingin dito sa gawi ko si Mayor kaya kaagad kong isinara ang bintana.
Nag-ayos ako ng magulo kong buhok at naglakad papunta sa banyo para maghilamos at magsipilyo.
Siguro kailangan kunang bumalik sa bahay para hindi kuna s’ya makita pa. Naiilang ako sa kaniya dahil nakatira lang kami sa iisang bubong.
“Nakakainis!”inis na sabi ko habang nagsasabon ng mukha.
“Sa lahat ba naman ng lalaki sa mundo, bakit s’ya pa? Hay!”buntong hiningang sabi ko.
Nangmatapos ako sa ginagawa nagpalit ako ng damit bago lumabas sa kwarto.
Mabilis pa sa alas kwartong bumalik ako sa kwarto ng makitang papasok si Mayor.
Napasandal ako sa nakasaradong pintuan para makinig sa footstep n’ya. Nagtaka ako ng wala akong marinig na ingay mula sa labas. Teka bakit ba ako kinakabahan na makita s’ya? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya, ah.
Napayuko ako ng maalala kong paano ako umungol sa harapan n’ya ‘nong gabing ‘yon.
Napabuga ako ng hangin at napahawak sa mukha ko. Anong gagawin ko?
Halos mapasigaw ako ng biglang bumukas ang pintuan kong saan ako nakasandal.
Napapikit ako ng babagsak ako sa sahig mabuti na lang dahil may biglang nagbuhat sa’kin.
“Pasensya kana, hindi ko alam na nasa pintuan ka pala”
Napamulat ako ng mga mata ng marinig ang kilala kong boses kaya kaagad ko itong sinampal. Nagulat ako sa nagawa ko kaya kaagad ‘din akong humingi ng pasensya sa kaniya.
Hindi naman s’ya umimik at maingat akong ibinaba sa sahig.
“P-Psensya kana nagulat lang ako”kinakabahang sabi ko ng hindi makatingin sa mga mata n’ya.
Napaatras ako ng isarado n’ya ang pintuan at inilock iyon. Ano ba ang binabalak n’yang gawin?
“Let’s talk. Tinakasan mo ako kagabi, e”anito ng harapin ako.
Napakurap-kurap naman ang mga mata ko dahil hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sa kaniya.
“Sinabi ko naman sa’yo na hayaan na lang natin na One night stand lang ang nangyari sa ‘tin di’ba?”giit ko habang iniiwasan parin ang mga mata niya.
“It’s not fine with me”anito.
“I feel sorry for what happened pero hindi ko ‘yon pinagsisihan kaya hindi ako hihingi ng tawad. Give me a chance to prove myself to you habang nandito ka”seryusong sabi n’ya.
Napatingin ako sa mga mata n’ya ng hawakan n’ya ang mga kamay ko. Alam kong sincere s’ya sa sinasabi n’ya kaya hindi s’ya nagbibiro.
“Ano bang sinabi mo d’yan?”naguguluhang sabi ko.
“I’m your first, young lady and you're mine after we did it”anito habang papalapit ng papalapit ang mukha n’ya sa mukha ko.
Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking ‘to bakit hindi ko s’ya magawang itukak o ipagtabuyan.
“I’m responsible sa nangyari sa ‘tin ‘nong gabing ‘yon at ayaw ko ‘din na pagsisihan mo ‘yon kaya ko ‘to ginagawa”saad n’ya habang nakatitig sa mga mata ko.
Nataranta ako ng bumaba ang mga mata n’ya sa mga labi ko. Huli na ng gusto ko s’yang pigilan sa gagawin n’ya.
Napakurap-kurap na lang ang mga mata ko ng siilin n’ya ako ng halik. Inangkin n’ya ang mga labi ko na parang bang sinasabi n’ya sa’kin na pagmamay-ari n’ya ‘yon.
Binitawan n’ya ang mga kamay kong hawak n’ya pagkuwa’y niyakap ang beywang ko.
Napayakap naman ako sa leeg n’ya saka pumikit ng mata.Namalayan kuna lang na tumutugon na pala ako sa halik n'ya.
Mabilis ko s'yang naitulak papalayo sa'kin ng makagat n'ya ang labi ko.
"I'm sorry"anito.
"It's okay"saad ko sabay iwas ng tingin sa kanya pagkuwa'y hinawakan ko ang labing nasaktan.
Kaagad akong niyakap ni Ares ng mapagbuksan ko siya ng pinto kinabukasan. Bakit ang aga niya naman atang dumalaw?"Ba't ang sweet mo ata ngayon?"nakangiting tanong ko sa kaniya habang yakap niya parin ako."Wala naman, gusto lang talaga kitang yakapin"tugon niya sabay halik sa sentido ko.Yinakap ko 'din siya pabalik mas mahigpit kaysa sa pagkakayakap niya sa'kin."May nangyari ba?"nag-aalalang tanong niya habang nanatili kaming magkayakap sa isa't-isa."Wala naman, gusto lang talaga kitang yakapin ng ganito"gaya ko sa sagot niya sa'kin kaya natawa siya at muli akong hinalikan sa sentido.Dati pangarap ko lang siyang mayakap ng ganito, hindi ako makapaniwalang nayayakap kuna siya ngayon na walang pag-alinlangan."Alam mo bang sobrang payapa ng puso ko tuwing yakap natin ang isa't-isa ng ganito?"anito.Napangiti naman ako. "Ako 'din""Para pala sa'yo"aniya sabay bigay sa'kin ng bulaklak.Nakangiti ko 'yung tinanggap at tiningala siya, yinuko niya naman ako at mabilis na hinagkan sa lab
Suot ko ang T-shirt ni Ares habang nagluluto ako ng breakfast. Malawak ang ngiti ko habang nasa kusina, hindi ko alam kung bakit sobrang saya-saya ko ngayon."Good morning"bati sa'kin ni Ares sabay yakap sa beywang ko at halik sa pisngi ko."Sobrang hot mo pala pagsuot ang damit ko"komento niya sabay kagat sa balikat ko at halik sa gilid ng leeg ko."Ares, nagluluto ako. H'wag mokong landiin, ang aga-aga, eh"reklamo ko.Natawa naman siya saka pinakawalan ang beywang ko. Tinulungan niya ako sa niluluto ko kaya ako naman ang yumakap sa beywang niya."Kailangan kuna nga palang umuwi"paalam n'ya.Para akong sinampal ng katotohanan na ang lalaking sa harapan ko ngayon ay pagmamay-ari na ng iba parang kinurot ang puso ko.Pilit akong ngumiti at tumango, sino ba naman ako para pigilan siya."Sige, ingat ka"sabi ko.Hinalikan niya ako sa noo bago tumalikod at naglakad palabas ng bahay.*****Sa nakalipas na ilang linggo naging patago ang relasyon namin ni Ares, hindi ko pinangarap na mating k
Maagang bumusita si Nanay at Jannet kinabukasan para kumustahin ako kaya nadatnan nila si kuya na tulog na tulog sa sofa.“Mabuti naman pala dahil sinamahan ka ng kuya mo”anang ni Jannet.Ngumiti ako. “Oo nga, e”“Nga pala, kami na lang ni Nanay ang susundo kay Amarie kila Ares para makapagpahinga kapa ng kaunti bago kayo pumunta sa sementeryo”pahayag n’ya.“Salamat”pasalamat ko sa kanilang dalawa ni Nanay.“Pwede ka naman sa’min sumama sa sementeryo para madalaw mo ‘din si Daddy”saad ko.“Naku, hindi na. Family bonding n’yo ‘yon ayaw ko namang sirain. Isa pa,sawang-sawa na kaya ang Daddy mo sa pagmumukha at boses ko dahil palagi ko s’yang dinadalaw”anito kaya mahina akong natawa.“Tigilan muna nga ‘yang kalukuhan mo”saway naman sa kanya ni Nanay na nagsasangag ng kanin.“Good morning everybody”bati ni kuya sa’min ng magising s’ya.“Mabuti naman dahil gising kana, iho. Umupo kana rito, ipagtitimpla kita ng kape”anang ni Nanay.Nagkangitian kami ni Jannet sa isa’t-isang dahil ganitong-
Alas syete ako ng gabi na discharge kaya nakauwi na ako sa bahay. Nagpumilit si kuya na dito na muna sa bahay ko matulog dahil hindi daw s’ya mapapakali kung iiwan n’ya akong mag-isa.Nakahiga ako sa sofa habang nakatanaw kay kuya na abalang nagluluto sa kusina.Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil hanggang ngayon sobrang caring n’ya pa’rin sa’kin.Nilingon n’ya ako at ngumiti sa’kin pagkuwa’y naglakad s’ya papalapit sa’kin.Napatingin ako sa mukha n’ya ng hawakan n’ya ang noo ko para tingnan kong may lagnat pa ba ako o wala na.“Nilalamig ka?”tanong n’ya.Tumango ako kaya kumuha s’ya ng comforter at ipinatong ‘yon sa katawan ko. Inayos n’ya ‘din ang unan ko kaya mas lalong naging komportable ako sa pagkakahiga sa sofa.“Salamat”nakangiti kong sabi.“Always for you my baby”tugon n’ya.Napasimangot ako. “Malaki na ako pero bini-baby mo pa’rin ako”I hearm him chuckled. “Nagrereklamo kaba? Alalahanin mong ako ang nagpapalit ng diaper mo ‘non kapag tulog na tulog si Mommy at Daddy. Ako
ARES POVPaulit-ulit kong hinilamos ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko. Damn!Kaagad kong pinagsisihan ang ginawa ko kay Almera kanina, she's not deserve that. Ginawa ko lang ‘yun para mapanatag na ang kalooban ng magiging asawa ko.Nadadamay lang s’ya sa sitwasyon namin ngayon ni Chin-Chin. Chin-Chin is very jealous to Almera ng makita nitong nagsend s’ya sa’kin ng picture ni Amarie na naka-little mermaid na costume kaya nag-away kami.Alam kong kasalanan ko dahil na kay Amarie ang buong atensyon ko during our photoshoot kaya bigla na lang pumitik si Chin-Chin.Doon ko lang s’ya nakitang nagalit ng gano’n. Bigla ‘din s’yang dinugo ‘nong araw na ‘yun at doon ko nalaman na buntis s’ya kaya nag-alala ako ng sobra.Binalingan ko si Chin-Chin na himbing na sa pagtulog dito sa tabi ko saka ako maingat na umalis sa kama.Pinuntahan ko ang kwarto ni Amarie. Tulog na tulog na ang anak ko ng madatnan ko, hinahanap n’ya kanina ang Mama n’ya hanggang sa nakatulog s’ya sa paghahanap.Mainga
Nagising akong masama ang pakiramdam ko pero pinilit kong pumunta sa Naga City para maglibot-libot sa Mall para maghanap ng ireregalo sa kasal ni Ares at Chin-Chin.Nakakahiya naman kasi na wala man lang akong ireregalo tapos flower girl pa ang anak kong si Amarie.Hindi ko alam kung ano ang ireregalo ko sa kanilang dalawa kaya medyo natagalan ako sa paglilibot.Napahilot ako sa sentido ko ng makaramdam ng pagkirot mula ‘don, mabuti pa siguro kong kumain na muna ako para makainom ng gamot.“Ayos ka lang, Almera?”Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nagsalita.“Oh, ikaw pala Mike”saad ko ng makilala ang lalaki.“Namumutla ka, ah. Ayos ka lang ba?”nag-aalalang tanong nito kaya ngumiti ako at tumango.“A-Ayos lang, medyo sumama lang ang pakiramdam ko”tugon ko.“Mukhang hindi nga talaga maganda ang pakiramdam mo, pwede kitang samahan magpa-check-up kung gusto mo”anito.Umiling ako. “Hindi na, ayos lang naman ako”“Hindi mo ata kasama si Amarie?”tanong n’ya.Tumango ako. “Oo, eh. Medyo mas