Share

chapter 3

Author: madly1543
last update Last Updated: 2022-12-18 11:33:42

Nandito ako ngayon sa bahay. Naka upo, habang nanunuod ng anime sa youtube. Mamaya pa 'ko papasok sa trabaho, late ng nagising kanina. Hating gabi na ata ako naka tulog, dahil sa mga reports na pinagawa.

" 'Nak, pupunta ako sa malapit na palengke. May gusto ka bang, ipabili?" tanong ni Inay. May malapit lang na palengke dito sa'ming lugar.

Agad akong tumayo ng ma-pause ang pinapanood.

"Bilhan mo 'ko ng pancit canton, 'nay. 'Yong maanghang ang flavor, kasi mas masarap 'yon. At cup noddles rin po. Ubos na kasi kagabi ang stock ko." Request ko.

Paborito kong kainin ang pancit canton. Lalo na pag marami akong ginagawang trabaho. Minsan nga inuulam ko na 'yon.

Binalingan ako ni Inay ng masamang tingin. "Tigil-tigilan mo na 'yang kaka noddles mo ha! Masama 'yan sa kalusugan mo!"

" 'Nay, naman. Eh, gusto ko nga po 'yon." maktol ko.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Oh, sige pero anim anim lang ang bibilhin ko." aniya at bago lumabas sa bahay.

" 'Nay, 'di pwede 'yon! Ma-mi-miss ako ng pancit canton ko." sigaw ko para marinig niya sa labas ng bahay.

Lumingon siya sa direksyon ng bintana kong sa'n ako naka pwesto.

"Tumahimik ka d'yan. 'Wag mo 'kong nguso-ngusohan d'yan, makakatikim ka talaga sa'kin. Kita mo!" pinakita niya ang kanang kamao niya.

'Di ko na mapigilan ang mapa halakhak sa inasta ni Inay.

"Ingat po, 'nay." kumaway ako sa kan'ya, 'di na 'ko nag abalang lumabas pa dito lang ako sa bintana.

"Anong oras, naba?" bulong sa sarili.

Tinignan ko ang wristwatch ko. Alas diyes na pala, tagal naman ni Inay.

Magsasaing nalang muna ako ng kanin. Para ulam nalang 'yong lulutuin mamaya, pag dating ni Inay.

"Oh, tanga mo self. Magsasaing ka na nga  lang wala pang tubig na naka lagay." sabi sa sarili. Ng akma kong isasaing ang ang kaldero na may lamang bigas na tapos ng hugasan.

Quarter to eleven ng dumating si, Inay. Marami siyang dala, kaya ako na ang nag bitbit sa iba n'yang binili sa palengke at diniritso sa kusina.

Inabot sa'kin ni Inay, ang pancit canton, at cup noddles. "Oh, ito na 'yong pinabili mo. 'Wag araw-arawin ang pag-kain n'yan ha." tumango ako.

"Oh, s'ya usog ka d'un ng k'unti, magluluto na 'ko ng ulam natin. Tutal tapos kana man pala mag saing"

"Ako, na lang po ang maluluto ng upam 'nay. Pagod ka, galing ka pa naman sa pamamalengke. Pahinga ka na lang po muna d'un sa sala, " iginiya ko siya sa isang bangko, pero nag mamatigas.

"Ako na! Ano ba gusto mong ulam? At ng maluto ko ngayon." tanong niya sa'kin.

"Sinigang, na bangus po 'nay," excited kung sabi.

Nagsimula ng mag hiwa si inay, sa mga sangkap, pati narin ang isda.

"Alam mo 'nak, matagal ko na 'tong napapansin sa 'yo simula bata kapa. Lalo na ang mga mata at mukha mo." basag niya sa katahimikan.

Nag tataka ko s'yang binalingan ng tingin.

"Bakit po 'nay? May problema po ba sa mata at mukha ko?" agad kong kinapa at pinakiramdaman ang mag kabilang pisnge at noo. 

Humarap pa 'ko sa salamin na nasa gilid ko lang.

Wala namang problema ah. Wala akong tigyawat. Mas lalong wala akong make up o contact lens man lang na ginagamit.

Wala talaga.

Napailing na lang siya sa ginawa ko.   " Parang malabo naman 'tong iniisip ko... 'Di sila tagadito, mas lalong wala dito sa pilipinas."

"Po?"

"Ganito kasi 'yon 'nak. Dati isa akong domestic helper, sa bansang Spain. Iyong amo ko dati may limang anak. Tatlong lalaki, dalawang babae. 'Yong pangalawa ay isang babae, at 'yon rin ang naunang ikinasal at nag ka anak ng isang lalaki sa edad na bente-dos. Silbe unang apo ng amo ko, ganun. Pero ang pinag tataka ko lang, ay 'yong anak ng amo ko at 'yong asawa niya ay kamukha mo," mahabang sabi niya.

Naka ramdam ako ng kaba sa mga sinasabi ni Inay.

Pinatay niya muna ang kalan, bago nag patuloy sa sasabihin.

"May mga lahi silang mag pamilya, kibale mga half. Simulan natin sa mag-asawang amo ko. 'Yong babae kong amo ay isang half American at Spanish, kulay asul ang mata parehas silang mag asawa. 'Yong lalake naman ay isang pure Argentinian. Tapos d'un tayo sa anak na babae na naka pag asawa na. Ang asawa non ay isang Turkish, may bunos pa sa mata kulay green. 'Yong anak nila na panganay ay napaka gwapong bata, manang mana sa ama pati ang mata. Zain Zucchini ang pangalan, mabuti pa nga at natandaan ko pa ang pangalan." 

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may karera sa loob nito. Ng may sinabi si inay.

"Minsan nga napapaisip ako, na baka anak ka nila. Kamukhang kamukha mo ang dalawa, lalo na 'yong batang lalaki para siguro kayong kambal pag pinagtabi. Tapos ang mata mo kulay green, parehas d'un sa lalaki na asawa."

Kumunot ang noo ko sa mga sinasabi ni Inay. Hirap sundan lahat ng sinabi niya.

"Eh, 'yong apelyido nila 'nay alam mo ba?" Kuryusong kong tanong.

Umiling siya. "Kinalimutan ko na apelyido nila. Napaka hirap sambitin."

Napa buntong hininga na lang ako.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang sabi ni Inay kanina. Kahit pag huhugas ko ng pinggan kanina, 'yon parin iniisip ko.

"Hoy," tawag sa'kin.

Nagtataka akong lumingon kay Lesley, ng tinapik n'ya 'ko ng mahina sa balikat.

"Tulala, ka d'yan? Kanina kapa tinatawag ni sir manager."

Agad akong lumingon sa harap, nakita ko si sir nakatingin at nakataas ang isang kilay. Agad akong tumayo.

Yumoko ako ng k'unti "Sorry, po sir." Pahinging paumanhin ko sa kan'ya.

"Hiwalayan mo na yang boyfriend mo. Para 'di kana matulala kaka overthink kung may iba siya." Rinig ko ang hagikhikan sa likod, kaya nilingon ko ang kasamahan ko dito.

"Wala po akong boyfriend sir-"

"Aysus, deny pa. Punta ka raw sa office ng CEO ngayon." putol n'ya sa sasabihin ko.

"Ay, last day mo na daw ngayon. Sabi ko tulala ka kasi." Biro ni Rex.

Napa irap nalang ako sa kawalan. Tsaka nag simulang maglakad patungo sa office ng CEO.

Kinakabahan ako, baka kung ano ang mangyayari sa'kin. Baka tanggalin na 'ko sa trabaho, pa'no na 'ko/kaming dalawa ni Inay?

Kinakabahan kung tinignan ang pinto. Nagdadalawang isip, kung kakatok ba 'ko sa pinto.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko, bago kumatok.

"Come in." ani ng isang lalaking boses.

Dahan-dahan ko namang tinulak ang pinto.

"Pinapatawag niyo daw po ako sir?" magalang kong tanong.

Tumango lang ito, at mariing tumingin sa'kin. Para bang may sinusuri siya ng maayos sa'king sarili.

"Please, take a sit Miss. Zhanielle." alok n'ya sa'kin, sa visitors sit. Agad akong umupo d'un, nakaka ngalay kaya ang tumayo.

"Pinatawag kita, dahil 'yong kaibigan ng anak ko is nangangailangan ng empleyado. Kulang ng empleyado ang kompanya niya. Temporary ka lang na mag tatrabaho d'un, pag naka hanap na sila pwede ka ng bumalik dito." Mahabang saad n'ya sa'kin.

"Bakit po, ako sir? I mean bakit ako ang 'yong napili. Marami naman pong mas magaling sa'kin." kunot noo kong sabi.

Parang sa minuto na 'yon, naka limutan ko ata na CEO ang kaharap ko. Napakalaki talaga ang pinagtataka ko.

Tumingin siya sa'kin saglit, bago sagutin ang tanong ko.

"Bakit, ikaw? You have a good records. Then mabait ka, marunong kang umentertain ng bisita. Na 'di nagagawa ng iba kong empleyado. Pag may bisita para kang isang tourists guide, inihahatid mo sila o binibigyan ng direksyon kong saan pupunta. 'Yan ang nakita ng secretarya ko sa 'yo." rason n'yang sabi.

Si secretary Gio ba ang nag rekomenda sa'kin? Panira naman oh! Mapupunta ako sa isang kompanya, wala pang kilala.

"Bukas kana lilipat d'un." 'di muna 'ko nag salita, kahit na na ang sarili.

"Saan po bang lugar, ako ma a-assign sir?"

"Du'n sa Magallanes, d'un ka mag tatrabaho bukas." gulat akong tumingin kay sir, naka awang pa ang bibig.

"Sir! ang layo nun. dalawa at kalahating oras akong babyahe. Late na'kong dadating dun tapos, wala akong matutuluyan." reklamo ko.

" 'Wag kang tanga. D'un ka titira sa condo ng anak ko. Then ipapahatid kita sa driver ko dun papunta." tumatawa n'yang sabi.

Sakit naman ng tanga. Kung maka tanga si sir parang wala lang sa kan'ya.

"Now, tatanggapin mo ba o hindi? Nasa 'yo ang disesyon Miss. Zhanielle."

Tumango ako, wala na 'kong choice. Alangan namang tumanggi ako, nakakahiya.

"Yes, po sir." sabi ko. Imbes na ' yes na lang po sir' , para akong tanga n'yan.

"Mauuna, na ho ako sir." ngumiti muna ako, bago lumabas sa kan'yang opisina.

"Okay. Para masimulan mo na rin ang pag liligpit sa gamit mo." feeling ko tinataboy na'ko ni sir.

"Oh, ano sabi sa'yo ni sir. CEO?" agad na lumapit sa'king lamesa si Lesley.

Pati 'yong iba naming kasama, lumapit rin para makinig.

Malungkot akong ngumiti sa kanila.

"Ipapalipat daw ako, ni sir sa ibang kompanya. D'un sa kaibigan ng anak niya." napa hilamos na lang ako sa mukha.

"Ano?! Seryoso ka?" tumango lang ako, bilang sagot.

"Gusto mo, tulungan kita sa pag ligpit?" asar na tanong ni, Rex sa'kin.  " Sa wakas wala na rin dito ang mabait na babae. Ipapalipat na s'ya, kawawa naman." umacting pa si Rex na umiiyak.

"Okay, guys!"tawag atensyon ni Lesley sa lahat. "Bar, tayo mamaya. Libre ni Rex."

Ano daw? Bar? Last month 'di maganda ang nangyari sa'kin sa bar bar na 'yan. Halos isang buwan na 'yon ng may nangyari sa'min nung lalaking 'yon.

"Anong libre ko? Hoy Inday, wala akong sinabi. Pala disesyon ka." Taas kilay n'yang sabi, may irap pang kasama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z series #1: Zachary Montenar)   Epilogue

    I silently cursed when my pregnant ark are not here. Palagi na lang! Nagiging makulit! Nawawala pag bago akong gising o malilingat ako ng tingin. Mabilis pa siya kay flash kumilos. This always happens, everyday. As the months passed, lumalaki ang tiyan niya. Ganoon rin ang pagiging sutil. Nagiging matigas at ayaw paawat. Iiyak kung hindi masusunod.Pikit mata kung hinilot ang sintido bago bumangon. Sumasakit ang ulo ko. Hindi pa lumalabas ang anak ko sa mundo na ito pero hindi ko na kaya ang kakulitan ng Ina. Sana lang talaga hindi mamana ng anak ang pinaggawa ng Ina. I really don't understand kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga buntis. Are they happy doing that thing? Hindi ko hawak ang isipan nila para malaman ang susunod na gagawin. Ito ba ang sinasabi nilang 'don't let them know your next move,'? I don't have any idea, at nanatiling may malaking tanong sa isip. Kahit gano'n, hindi ako nagrereklamo. Why would I? Gusto at ginusto ko ang nangyari. Walang pumilit. And besides i

  • ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z series #1: Zachary Montenar)   chapter 34

    I walked slowly as I reach our house gate. Using my free hand I opened the gate. Iniwan ko itong nakabukas dahil papasok rin naman si kuya. Galing kami sa isang bagong bukas na malaking tindahan dito. Hindi naman gaanong kalayo kaya nilalakad lang namin. And nanay always scolding me. Dapat mag-exercise ako at maglakadlakad. And I do. Abala ako sa pagkain ng fita tuna spread habang may nakaipit sa braso ko. A pack of biscuits. Si kuya ang nagdala sa iba dahil hindi na kaya ng mga daliri ko. As usual pagkain lagi ang inaatupag ko. Wala ng iba. Even my phone, once in a day lang ako nakakahawak dahil nagsasawa na ako. Kahit na tumawag si Zach ay hindi ko sinasagot kaya kay kuya na lang siyang tumawag. Hindi pa kita ang baby bump ko dahil nga ilang weeks pa ito. At ipinagsasalamat ko 'yon. This coming Christmas ang plano kung sabihan ang lalaki. And that will be happen this midnight. Zach, decide na dito siya magpapasko. Sinabihan ko pa nga na 'paano ang kaniyang pamilya?' But he answe

  • ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z series #1: Zachary Montenar)   chapter 33

    Real quick. Back to normal after that celebration happened. I scolded the person who sleeped in my room. Matinding suyuan ang naganap. Hindi ko na alam ang sarili at panay na ang pagiging mainitin na ulo ko. Kaunting maling galaw ay galit. Hindi na rin alam ni nanay at kuya ang gagawin sa akin. Maski si Zach ay parang susuko na. Hindi pa naman napuputol ang manipis na pisi sa pasensya niya. Palagi kaming magkatawag ni Zach dahil nasa trabaho siya. Which is kasalungat sa akin. Palagi akong nasa bahay ni nanay at ayaw kung lumabas. Hindi ko na rin gustong magtrabaho dahil tinatamad na akong bumangon ng maaga. Hindi ko na rin gustong maligo na siyang kinabahala ko. Ayaw kung maligo pero umiiyak ako pagpinapawisan. Nag-iiba ang amoy ko sa sarili. Para bang ilang buwan akong walang ligo sa tuwing pinapawisan ako. Hindi na maintindihan ni nanay ugali ko. Madalas akong nakahiga at kahit sa pagkain, gusto ko ito mismo ang lalapit. Kapal ng mukha ko 'di ba? Dati'y gusto kung uminom ng gata

  • ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z series #1: Zachary Montenar)   chapter 32

    Maaliwalas na kapaligiran. Mapayapang katahimikan tila paghinga lang namin ang maririnig sa buong lugar. Kalmadong dagat na walang alon na sumisira nito. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na bang sinabi na gusto ko ang sunsets. It's my obsession. From the beginning until the end. Nothing's gonna stop me. Nothing's gonna change.I felt arm possessively wrapped around my small waist. Pulled me closer and kiss my head. I can't let my self but close my eyes and feel the unfamiliar feelings he's giving.I hold his hand and squeeze it. The sky are now red and orange. Ang kalahati ng araw na lang ang makikita mo. It's waving, saying goodbye and see you tomorrow. I felt Zach gripping me tightly. Kaming dalawa lang ang narito. Hindi na sumunod si kuya at mga kaibigan niya. I don't know, mukhang naasar ang mga 'yon sa 'di ko malamang dahilan. Pinagsawalang bahala ko na rin."You really love sunset, didn't you? And I'm started love it because you do." he said, hoarse but firm voice.I

  • ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z series #1: Zachary Montenar)   chapter 31

    Sinalubong ko si kuya ng may nagtatakang tingin sa akin. Hilaw na ngumiti ako at yumakap sa braso nito. Masaya ako para sa aming dalawa ni Zach. Maghihintay lang muna ako ng panahon para sabihin sa parents ko ang lahat. Pati na kay kuya na paniguradong hindi agad sasang-ayon. Hindi naman masisisi, bago pa lang ako nakilala ng nila tapos babawiin agad. Saklap!Iniwan ko na si Zach, kasama ang mga kaibigan nito. 'Yong mga kasama niyang nakita ko kahapon. Hindi na rin naman umangal. "Kuya, volleyball tayo." sabi ko at hinila siya palapit isang grupo na naglalaro.Wala akong balak na maligo ng dagat ngayon. Hindi matutuloy dahil mabubura ang panakip kung concealer sa mga kiss marks ni Zach. Nakisali kami at hindi kami magka-grupo ni Kuya. Simula pa lang at nagpapakitang gilas na ito. Puro pasikat sa akin at nagyayabang na magaling siya.He didn't know...Volleyball is my favorite sports. Naman, varsity ako sa larong ito! Libero at spiker ang role ko. Talagang buwis buhay sa pagiging li

  • ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z series #1: Zachary Montenar)   chapter 30

    I walked in the white sand, feeling the cold wind embracing my warm body. We arrive in the beach earlier. This is a private. Kaya, kaming mga bisita at celebrant lang ang mga tao dito. Marami namang bisita, hindi ko alam kung ilan. I wore my bikini but nakasuot ako ng denim shorts short, pero 'di kuna ziniper at binutones. May manipis na tela akong pinatong sa balikat para panakip sa tama ng init ng araw. Iniwan ko sila kuya sa isang cottage at naglakad mag-isa sa dalampasigan. Walang saplot sa paa. I hummed my favorite song while looking at the calm sea. The calmness that I always needed, wanted, and missing for this life of my own. There's no more things I want in this world, to be with my family and my love ones in future, with love in calmness. The blue clear water, napakagandang tingnan. Para bang inaanyayahan kang kalimutan lahat ng problema kahit sandalian man lang. Kahit sandali... I sat in the sand ang let my foot reach the surface of sea. Now, that I already back here, h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status