Share

CHAPTER 45

Author: Author Lemon
last update Last Updated: 2025-09-27 17:14:19

"BAKIT nandito ang babaeng yan?" Inis na usisa ni Paula kay Lawrence.

"I don't know. Pero ako ang haharap sa kaniya, don't worry."

Si Kola ay tahimik lang, kahit wala siyang ginagawang masama ay hindi niya maiwasang kabahan sa eskandalong gagawin ni Cindy. Sa dating pa lang ng sigaw nito ay para utong ssusugod sa giyera at kilala niya ang pinsan, sanay na sanay ito sa eskandalo.

Binuksan ni Lawrence ang pintuan at nakita nila ang naggagalaiting si Cindy sa labas.

"Sinasabi ko na nga ba at si Kola ang pupuntahan mo rito! Hindi na kayo nahiya!" Halata sa boses ni Cindy ang gigil nang sabihin 'yon kay Lawrence.

"Cindy what are you doing here? Bakit sinusundan mo pa rin ang bawat galaw ko? Tapos na tayo," hayagang wika ni Lawrence sa dating kasintahan.

"Hindi! Hindi ako makakapayag na ganun-ganun na lang ang lahat, Lawrence! Hindi ako papayag!" Parang baliw na wika ng babae.

Napailing na lamang si Lawrence sa narinig. Pero iniharang niya ang katawan sa pintuan para
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 45

    "BAKIT nandito ang babaeng yan?" Inis na usisa ni Paula kay Lawrence. "I don't know. Pero ako ang haharap sa kaniya, don't worry." Si Kola ay tahimik lang, kahit wala siyang ginagawang masama ay hindi niya maiwasang kabahan sa eskandalong gagawin ni Cindy. Sa dating pa lang ng sigaw nito ay para utong ssusugod sa giyera at kilala niya ang pinsan, sanay na sanay ito sa eskandalo. Binuksan ni Lawrence ang pintuan at nakita nila ang naggagalaiting si Cindy sa labas. "Sinasabi ko na nga ba at si Kola ang pupuntahan mo rito! Hindi na kayo nahiya!" Halata sa boses ni Cindy ang gigil nang sabihin 'yon kay Lawrence. "Cindy what are you doing here? Bakit sinusundan mo pa rin ang bawat galaw ko? Tapos na tayo," hayagang wika ni Lawrence sa dating kasintahan. "Hindi! Hindi ako makakapayag na ganun-ganun na lang ang lahat, Lawrence! Hindi ako papayag!" Parang baliw na wika ng babae. Napailing na lamang si Lawrence sa narinig. Pero iniharang niya ang katawan sa pintuan para

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 44

    ANG pag-ikot ng sikmura ang siyang gumising kay Kola nang sumapit ang umaga. Mabilis siyang bumangon at nagtatakbo patungo sa banyo. Sumalampak siya sa malinis na sahig at sumuka sa toilet bowl. Gaya kahapon ay malagkit lamang ang sinuka niya at mapait. Tatayo na sana siya nang makakita ng dalawang pares ng paa na nasa harapan niya at marahan siyang tumingala. Natigilan siya nang makita si Demus na nakatitig sa kaniya habang nakapamulsa. Mukhang bagong ligo ito, suot na nito ang isang kulay abo na t-shirt at itim na shorts na lagi niyang nakikita sa closet na naroon.Ang buong akala niya ay umalis na ito dahil wala na sa kama. "Are you okay?" Kunot noong tanong nito sa dalaga. Inabot ni Demus ang kamay niya at itinayo siya. "Hang over," tipid niyang turan. "Medyo nahihilo din ako. Naparami yata ang inom natin kagabi," aniya habang napapakamot sa ulo. "The breakfast is ready," saad ng binata at pinakatitigan siya ng binata. "Why don't you take the day off and rest?"

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 43

    PARANG may kung anong mainit na kamay ang humaplos sa puso ni Kola nang marinig ang pagbati ni Demus sa kaniya. "Thank you. Pero bakit?" Nagsalubong ang mga kilay ni Demus. "Bakit saan?" "Ito." Tsaka niya tinignan ang pamilya na masayang nagsasalo-salo sa mesa. Muling bumaling ang tingin niya kay Demus. "Bakit mo naisip gawin ito?" "Gusto kong surpresahin ka and this is also my way of saying sorry to you." "Paano mo nalaman ang birthday ko?" Ngumisi si Demus. "I have my own ways." Napangiti si Kola. Wala naman talagang imposible rito kung gugustuhin nito. Talagang nasurpresa siya sa ginawa ng binata, hindi niya alam kung paano ginawa iyon ni Demus nang hindi niya napansin man lang. "Shall we eat? Mamaya na tayo mag-usap." Natitigilan man ay nakiumpok na sila ni Demus sa lamesa. Nasa harapan niya ang binata na katabi ito ng kuya Evan niya at siya naman ay ang kapatid niyang si Tiff ang katabi. "Bakit?" Usisa niya kay Tiff nang maramdaman ang mah

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 42

    BIGLANG nagising si Kola dahil parang babaligtad ang sikmura niya sa hindi malamang dahilan. Mabilis siyang napabalikwas ng bangon sa kama at nagtungo sa banyo. Pagdating doon ay wala naman siyang isinuka kung hindi malapot na laway. It must be her acid, umaatake na naman. Nakalabas na siya ng banyo nang makarinig siya ng alarm ng kaniyang cellphone, tinignan niya ang orasan sa wall clock, alas dies na ng umaga. Sa pagkakaalala niya ay ini-off niya ang alarm niya kagabi dahil day off niya ngayong araw. Agad niyang tinignan ang cellphone at napakamot pa siya ng ulo nang malaman kung para saan ang alarm. Birthday pala niya. Sinong baliw ang mag-aalarm upang maalala ang sariling kaarawan? Siya lang siguro. Ganoon yata talaga kapag tumatanda na at nakakalimutan na ang sariling kaarawan. Muli siyang humiga sa kama at wala naman siyang gagawing ngayong araw kahit kaarawan pa niya. Pusta din niya, pati pamilya niya ay limot ang birthday niya. Iilan lang ang nakakaala katu

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 41

    DEMUS' POV MARAHANG binuksan ng binata ang drawer sa may bedside table niya at mula doon ay inilabas ang isang picture frame ng isang magandang babae. Sa litrato ay makikita ang matatamis na ngiti ng babae na para bang ito na ang pinaka masayang babae sa mundo. It was Rain Cavlar. Nang gabing 'yon ay tahimik ang paligid, nakapatay ang pinakailaw sa silid ng binata at tanging ang liwanag na nagmumula sa ilaw sa labas na tumatagos sa bintana ang siyang nagsisilbing tanglaw ni Demus nang mga sandaling 'yon. He was on the verge of sleep, yet fragments of the past stirred restlessly in his mind, rousing his spirit awake. Hindi na niya mabilang kung ilang libong beses na siyang nagiging ganoon sa tuwing sasapit ang gabi. Paulit-ulit niyang naalala ang nakaraan nila ni Rain. Mga masasayang alaala man o mapapait. Tahimik niyang pinagmasdan ang litrato at bahagyang hinaplos pa 'yon. Kasabay ng pagbangon ng pangungulila ay ang pagbangon din ng poot na sa mahabang panahon ay

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 40

    HINDI agad nakasagot si Kola sa tanong ni Demus, tinignan lamang niya ang binata at huminga ng malalim pagkatapos. "Wala, sir." Lagi niyang binibigyang diin ang 'sir' sa tuwing sinasabi niya iyon kay Demus. Lalo na sa tuwing naiinis siya rito. "Miss Matias—" Natigilan si Demus nang biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng slacks nito. "Let's talk later," anang binata bago kinuha ang cellphone at lumayo kay Kola bago sinagot 'yon. Doon pa lang nakahinga ng maluwag ang dalaga at ipinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape at pagkatapos ay inilagay 'yon sa table ni Demus na abala pa rin sa pakikipag-usap sa cellphone habang nakatayo sa gilid ng malaki bintana ng opisina. Agad siyang bumalik sa table niya at may kailangan pa siyang i-print na mga papeles. Sa kabilang banda ay hindi niya maiwasang mapangiti habang inuulit sa utak kung paano humingi ng tawad sa kaniya si Demus kanina. Parang ang ganda niya sa part na 'yon. May parte din pala ito na marunong kumilala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status