CELESTINE VIENNE
“Hindi puwede!” sigaw ni Lolo, puno ng galit at pagkabigla. “Matagal ka nang kasal, Zion! Hindi ka man lang ba nahihiya sa sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nilang hiwalay ka na?”
Napayuko ako, pakiramdam ko’y nilamon ako ng bigat ng eksenang iyon. Nang maramdaman ko ang marahang paghawak ni Lola sa kamay ko, mas lalo akong hindi makatingin kanino man sa mesa.
“Baka naman puwede niyo pang ayusin, Zion,” mahinahong sabi ni Tita Jasmine. May bahid ng pagmamakaawa ang tono niya, tila sinusubukang pigilan ang pagguho ng kung anumang natitira sa relasyon namin.
Ngunit bago pa makapagsalita si Zion, nagsalita si Therese—ang nanay niya.
“Alam niyo kasi, Ma,” humarap siya kay Lola, “Si Celestina naman talaga ang may kasalanan kung bakit gustong makipaghiwalay nitong anak ko sa kanya.”
Halos hindi ako makahinga nang marinig ko ang sinabi niya. Sa kabila ng sakit, nanatili akong tahimik.
“Kung makaasta kasi siya, akala mo dalaga pa rin. Inaabot ng madaling araw sa gala, hindi mo man lang maramdamang may asawa’t tahanan siyang uuwian. E, sino bang matinong lalaki ang gugustuhing manatili sa ganyang klaseng relasyon?”
Mabilis ang bawat salita ni Therese, para bang bawat letra ay sibat na tumatama sa dibdib ko.
Lahat ng mata sa mesa, ramdam kong nakatingin sa akin, naghihintay ng reaksyon.
Gusto ko sanang sumagot. Ipagtanggol ang sarili ko. Sabihing hindi nila alam ang buong kuwento. Pero nanatili lang akong nakaupo roon—tahimik, pinipilit maging buo kahit pakiramdam ko’y unti-unti na akong nadudurog.
“Malay ba ni Zion kung may kinikitang iba ‘yang asawa niya.” tuloy pa ni Therese, ang tono niya’y puno ng panunumbat, parang may batayang inaakusahan ako ng pagtataksil.
“Therese! Maghunos-dili ka sa mga sinasabi mo!” galit na suway ni Lola, ang tinig niya'y nanginginig sa galit at pagkadismaya. “Hindi mo puwedeng basta-basta itapon ang ganyang klaseng paratang, lalo na kung wala kang malinaw na basehan. Pamilya tayo rito, hindi hukuman.”
“Tama si Mama,” sabat ni Jasmine. “Kilala natin si Vienne. Hindi siya gano’n. Hindi rin makakatulong na magsisihan tayo ngayon—lalo na kung may mas malalim na dahilan sa likod ng desisyong ito nina Zion.”
Pero imbes na huminahon si Therese, mas lalong lumalim ang kunot sa noo niya.
“Eh siya na nga itong ayaw na!” mariing sagot nito, sabay turo sa anak niyang si Zion. “Bakit si Vienne ang pinagtatanggol niyo? Hindi ba’t sampid lang naman siya sa pamilyang ‘to?”
Isang malakas na kalabog sa mesa ang nakapagpatigil sa lahat. “¡CARAJO! ENOUGH!” dumagundong ang boses ni Lolo.
Wala ni isa ang kumibo.
Huminga nang malalim si Lolo, bago muling tumingin kay Zion. “At ikaw, Zion,” matigas ang tinig niya, “Kung may problema ka sa asawa mo, ayusin n’yo. Harapin mo bilang lalaki. Hindi yung dito mo ipapaalam sa harap ng buong pamilya, sa araw pa mismo ng selebrasyon ko. ¡Qué vergüenza!”
“Pero Lolo…”
Itinaas ni Lolo ang kamay—isang simpleng kilos na agad nagpatahimik kay Zion.
“I don’t want to hear any excuses just because you want to separate from your wife,” mariin niyang dagdag. Pagkatapos, bumaling siya sa akin. “I doubt you even consulted your wife before making that decision.”
Namayani ang saglit na katahimikan bago muling nagsalita si Zion. “But I can't have a child with Vienne,” halos pabulong ang boses niya pero sapat na para marinig ng lahat. “She’s infertile.”
Napaawang ang bibig ni Tita, pati na si Lola na katabi ko, halatang nagulat sa sinabi ni Zion.
“Sino ang magtutuloy sa legacy ni Dad kung hindi kami magkakaanak?” tanong pa nito, parang sinusubukang bigyang-katwiran ang sinabi.
“Vienne, is it true?” Tanong ni Lolo, mariing nakatitig sa akin habang magkasalubong ang kanyang mga kilay.
Hindi ko inakalang ilalaglag ako ni Zion sa ganitong paraan. Tatlong taon na kaming kasal, pero sapat na ba talaga ang panahong ’yon para mabuntis ako—gayong halos hindi naman siya nakikipagtalik sa akin? At kung mangyari man, minsan lang sa isang taon. Minsan nga, wala talaga.
Kung tutuusin, dalawang beses lang siyang nakipagsiping sa akin mula noong ikinasal kami. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin ako nabubuntis.
“Totoo ang sinasabi ni Zion, pa.” sabat ni Therese. “Tatlong taon na silang kasal ni Celestina pero hindi pa rin siya mabuntis. Nararapat lang na hiwalayan siya ng anak ko dahil hindi niya maibigay ang inaasam-asam nitong anak.”
Napapikit ako nang mariin. Pakiramdam ko pinagkakaisahan nila akong mag-ina. Gagawin talaga nila ang lahat para lang siraan ako kina Lolo.
Pero, tama na. Hindi pwedeng magmukha akong kaapi-api kahit nasasaktan na nila ako.
“Pasensya na po, pero hindi po ako baog,” pinilit kong gawing kalmado ang boses sa kabila nang panginginig ng kalamnan ko.
Pinasadhan ko ng matalim na tingin sina Zion at Therese, bago huminto kay Thalia. “He’s having an affair with the woman beside him kaya niya gustong makipaghiwalay sakin.” turo ko kay Thalia dahilan para umani ng samu’t saring reaksyon ang mga tao dito sa mesa, maliban lang sa tiyuhin niyang si Caelan na hanggang ngayon wala pa ding reaksyon na pinapanood kami.
Lumipat ako ng tingin kay Lolo. “Lolo… ayoko pong mauwi kami sa hiwalayan. Kaya huwag niyo po sanang payagan ang gusto niyang divorce.” puno ng pagmamakaawa kong sambit dito.
Hindi pwedeng mauwi sa wala lahat ng ginawa kong pagtitiis sa pamilya nila. Si Thalia ang sampid dito, kaya siya dapat ang tinatanggal sa litrato at hindi ako.
CELESTINE VIENNETAHIMIK buong byahe papunta sa main office building ng kompanyang pinagtatrabahuan ko.Sino ba naman ang hindi tatahimik matapos halikan ng siraulong nasa driver’s seat?Kung hindi ko lang kailangan ngayon ng masasakyan papuntang opisina, malamang binalibag ko na ’to.“Dito mo na lang ako ibaba.” sabi ko habang papalapit kami sa likurang bahagi ng main office building, malapit sa side entrance na halos walang dumadaan.Ayokong may makakita sa akin na bumaba mula sa kotse ng lalaking kasama ko.“Doon na lang sa parking—”“Hindi na,” putol ko agad, sabay tingin sa unahan.“Fine,” aniya sa mababang tinig saka inihinto ang kotse. “Parang kinakahiya mo yata na kasabay ako.”Kunot noo akong napabaling sa kanya. “Ganun na nga,” pabalang kong sagot, making his face twist in irritation.“Grabe, ikaw na nga ‘tong hinatid ko,”Hindi ko na siya pinansin at binuksan ang pinto sa passenger seat. “Salamat na lang,” sabi ko at tinalikuran siya.“Wala man lang bang kiss?” dinig kong h
CELESTINE VIENNE PASADO alas sais na nang magising ako at wala na si Zion sa tabi ko. Siguro on the way na siya papuntang office dahil lagi namang maaga kapag umaalis ‘yon.Bumangon ako para makapaggayak papuntang trabaho.Ilang araw din akong hindi pumapasok dahil binabagabag ako sa divorce na gustong mangyari ni Zion, pero wala siyang kaalam-alam. Kaya kung sakaling umabsent na naman ako ngayong araw, baka malaman na niya at sisantehin ako.Sarado ang puso nun pagdating sakin e, kaya paniguradong hindi siya magdadalawang isip at tanggalin ako sa trabaho.Pagbaba ko sa hagdan, dumiretso ako sa kusina para kumain muna bago pumasok, ngunit hindi ko inaasahang maabutan si Zion na nakaupo sa paborito niyang spot tuwing umaga.Napatingin ako sa wristwatch na suot, bago muling bumaling sa kanya. Nagkakape siya habang abala sa kung ano mang binabasa sa hawak na iPad.Mag-aalas syete na’t nandito pa rin siya? Bago ‘to ah.“Morning,” bati ko sa kanya.Binalingan niya ako saglit at tinanguan
CELESTINE VIENNE “Dapat dati pa lang, mula noong sumakabilang buhay ang ama mo, pinalayas mo na ang babaeng ‘yan!” dinig kong sigaw ni Therese mula sa sala.Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto namin ni Zion sa second-floor ng bahay. Kadarating lang namin galing sa Haven Palace at ini-expect ko kaagad na magiging ganyan ang reaksyon ng ina ni Zion after ko silang ipahiya kanina kina Lolo.“That’s enough, ma. Nangyari na ang nangyari,” sagot ni Zion.“Pero hindi mangyayari yun kung nakinig ka sakin dati!”“Huwag kang mag-alala, maghihiwalay din naman kami. Humahanap lang ako ng magandang tyempo para mapapayag si Lolo.”Napahigpit ang hawak ko sa doorknob sabay pakawala ng isang malaim na buntong hininga. Binuksan ko ang pinto saka pumasok sa loob ng kwarto.Bahala silang magkasagutan doon sa ibaba, kunwari wala tayong pakialam.Tinapon ko sa kama ang purse at tinanggal ang stilettos habang minamasahe ang talampakang halos tumirik ang kaluluwa ko sa sakit. Unti-unti k
CELESTINE VIENNE “Hindi puwede!” sigaw ni Lolo, puno ng galit at pagkabigla. “Matagal ka nang kasal, Zion! Hindi ka man lang ba nahihiya sa sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nilang hiwalay ka na?”Napayuko ako, pakiramdam ko’y nilamon ako ng bigat ng eksenang iyon. Nang maramdaman ko ang marahang paghawak ni Lola sa kamay ko, mas lalo akong hindi makatingin kanino man sa mesa.“Baka naman puwede niyo pang ayusin, Zion,” mahinahong sabi ni Tita Jasmine. May bahid ng pagmamakaawa ang tono niya, tila sinusubukang pigilan ang pagguho ng kung anumang natitira sa relasyon namin.Ngunit bago pa makapagsalita si Zion, nagsalita si Therese—ang nanay niya.“Alam niyo kasi, Ma,” humarap siya kay Lola, “Si Celestina naman talaga ang may kasalanan kung bakit gustong makipaghiwalay nitong anak ko sa kanya.”Halos hindi ako makahinga nang marinig ko ang sinabi niya. Sa kabila ng sakit, nanatili akong tahimik.“Kung makaasta kasi siya, akala mo dalaga pa rin. Inaabot ng madaling araw sa gala, hin
CELESTINE VIENNE SAGLIT na nagtama ang mga mata namin ni Caelan, pero kaagad akong umiwas at ininom ang tubig na nasa harap ko.“Ayos ka lang ba, hija?” pabulong ngunit may pag-aalala sa boses ni Luna.Pilit akong ngumiti saka tumango. “Punta lang po akong powder room,” paalam ko saka tumayo.Tinanguan ako ni Lola, kaya kinuha ko ang dala kong purse at mabilis na tinungo ang powder room.WOOOH! Grabeng katangahan talaga meron ako to the fullest.Napatampal ako sa sarili habang nakatitig sa harap ng salamin na nandito sa sink. Nagbabakasakaling magising ako sa kahibangan.“Ano na lang ang iisipin nila kapag nalaman nila ang ginawa ko?” inis akong napahagod sa sariling buhok.Anong gagawin ko? What if sabihin ni Caelan sa kanila ang nangyari sa’min? Edi, malalaman nila Zion. Tapos magmumukha akong manloloko kasi pinagtataksilan ko siya kahit hindi pa naman kami tuluyang divorce?Argh! Mababaliw na yata ako.“Should I bribe him?” para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.“Who? Me?”
CELESTINE VIENNE “Hello, Zion? Nandito na ‘ko sa Haven Palace.” kausap ko si Zion sa kabilang linya.Pasado alas otso na ng gabi nang makarating ako dito. Kagaya ng sabi niya, nag-commute ako mag-isa dahil maliban sa wala akong sasakyan, hindi din ako marunong magmaneho.[We’re on our way. Na-traffic lang.] sagot niya at walang pasabing pinatayan ako ng tawag.‘We’re on our way’? So, magkasama nga talaga sila ni Thalia.Napahigpit ang hawak ko sa bitbit na purse saka napasandal sa pader sa gilid ng entrance ng Haven Palace.I have no access para makapasok kaya kinakailangan ko pang hintayin si Zion. Nag-eexpect din kasi sina lolo na sabay kaming darating ni Zion, kaya hindi na nila ako binigyan pa ng invitation.“Vienne?”Napaangat ako ng tingin pagkarinig ko sa pangalan ko.“Were you stalking me?” pakunwaring biro ng lalaking tumawag sa pangalan ko saka natawa.Napalunok ako nang wala sa oras nang mapagtantong ito yung lalaking katal*k ko kagabi.Anong ginagawa niya dito?He’s weari