공유

KABANATA 5

작가: nhumbhii
last update 최신 업데이트: 2025-05-28 10:02:35

CELESTINE VIENNE 

SAGLIT na nagtama ang mga mata namin ni Caelan, pero kaagad akong umiwas at ininom ang tubig na nasa harap ko.

“Ayos ka lang ba, hija?” pabulong ngunit may pag-aalala sa boses ni Luna.

Pilit akong ngumiti saka tumango. “Punta lang po akong powder room,” paalam ko saka tumayo.

Tinanguan ako ni Lola, kaya kinuha ko ang dala kong purse at mabilis na tinungo ang powder room.

WOOOH! Grabeng katangahan talaga meron ako to the fullest.

Napatampal ako sa sarili habang nakatitig sa harap ng salamin na nandito sa sink. Nagbabakasakaling magising ako sa kahibangan.

“Ano na lang ang iisipin nila kapag nalaman nila ang ginawa ko?” inis akong napahagod sa sariling buhok.

Anong gagawin ko? What if sabihin ni Caelan sa kanila ang nangyari sa’min? Edi, malalaman nila Zion. Tapos magmumukha akong manloloko kasi pinagtataksilan ko siya kahit hindi pa naman kami tuluyang divorce?

Argh! Mababaliw na yata ako.

“Should I bribe him?” para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.

“Who? Me?”

Anak ng—

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang pumasok sa pinto ang lalaking dahilan ng pagka-praning ko ngayon.

Kaagad niyang isinara ang pinto kaya hindi ko mapigilang mas lalong kabahan at napahigpit ang kapit sa sink.

“W-What are you doing?” pinilit kong gawing kalmado ang boses, pero pinangungunahan ako ng utal.

“I didn’t expect na ikaw pala ang asawa ng pamangkin ko.” lumapit siya sa gawi ko.

Napapikit ako nang mariin at napayuko, tahimik na ipinagdadasal na sana bumuka itong tile na kinatatayuan ko para lamunin ako at tuluyang makaalis sa lalaking ‘to.

Pero ilang saglit pa, narinig kong bumukas ang tubig sa sink. Dahan-dahan akong napamulat at nakitang naghuhugas siya ng kamay.

So, pumunta lang siya dito para maghugas?

Napalunok ako, pero bago pa ako tuluyang makabawi ng composure, nagsalita siya.

“You act like you regret what happened between us last night,” mababa, kalmado, pero punong-puno ng bigat ang boses niya. “But your eyes… they tell a different story.”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, tila gustong tumakas ng puso ko paalis sa dito.

“You’re scared,” dagdag pa niya, habang marahan niyang pinatuyo ang kamay gamit ang tissue sa tabi ng sink. “But I’m not here to hurt you, Vienne.”

Halos pabulong ang pagkakabanggit niya sa pangalan ko. Then he looked at me—fully, deeply, and with a gaze overflowing with affection.

“I just wanted to see you… in case you disappear again.”

At bago pa ako makapagtanong kung anong ibig niyang sabihin doon, bigla siyang lumapit. Mabilis. Mas mabilis kaysa sa kakayahan kong umatras o umiwas. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, at bago pa ako makatutol—

Hinalikan niya ako.

Mainit. Marahas. Masidhing halik na parang nagtatakda ng hangganan sa pagitan ng dalawang mundong pilit kong pinaglalayo.

Nagpumiglas ako. Ramdam ko ang kaba at takot na baka may pumasok, baka may makakita, baka malaman ni Zion.

Pero hindi niya ako binitawan. Hindi rin siya lumalaban—he was still, as if letting me decide whether to pull away or give in.

Napadiin ang pagtulak ko, at sa pagkakataranta, hindi ko sinasadyang makagat ang kanyang labi.

“Caelan!” gulat na sambit ko, sabay tulak sa kanya palayo.

Napaatras siya nang bahagya, at doon ko nakita ang manipis na dugo sa kanyang ibabang labi. Nanlaki ang mga mata ko.

“Oh my God—I'm sorry! I didn't mean—”

Pero imbes na magalit, ngumisi siya. May dugong nakahalo sa ngiti niya pero hindi iyon nakakabawas sa halimuyak ng presensiya niya. Sa halip, parang lalo siyang naging mapanganib.

“You left your mark on me, Vienne.” bulong niya, habang marahang pinunasan ang dugo sa labi. “That made me yours. Whether you like it or not.”

Tumalikod siya at iniwan ako na para bang walang nangyari.

Ako naman ‘tong si hindi maka-get over sa sinabi niya.

‘You left your mark on me, Vienne. That made me yours. Whether you like it or not.’

Ugh! Napasabunot ako sa sarili ko. Anong klaseng forbidden romantic drama ba ‘tong pinasok ko?

Naiwan akong tulala sa harap ng salamin. Ilang minuto rin akong hindi gumalaw—binibilang ang bawat tibok ng puso ko na hindi mapakali, at paulit-ulit na sinusubukang ikalma ang sarili.

Naghilamos ako at wala na akong pakialam kung matanggal ang light make-up na nilagay ko. Ayokong may makita silang ebidensyang may... nangyari.

Huminga ako nang malalim, inayos ang buhok, at pinilit tumindig nang maayos bago bumalik sa table. Hindi ko alam kung anong itsura ko, pero bahala na si Batman.

Pagkaupo ko, kaagad kong narinig si Lola na nagtanong.

“Caelan, hijo, anong nangyari sa labi mo?” usisa ni Lola na ngayo’y nakatingin kay Caelan. Nakaupo ito sa harap namin, katabi si Therese.

“Ha?”

“May sugat. Wala naman 'yan kanina.” dagdag ni Lola, sabay turo sa ibabang labi niya na bahagyang namumula.

Bahagyang tumikhim si Caelan, parang pinipigil ang ngisi.

“Kinagat po,” kaswal niyang sagot, na para bang sinabi lang niyang natapilok siya o nadapa sa hallway.

Napatikhim ako at halos mabulunan sa tubig na iniinom ko. Gusto ko nang mag-disapparate gaya sa Harry Potter.

“Kinagat?” tanong naman ni Jasmine, ang tiya ni Zion, na kararating lang dahil wala pa siya dito kanina bago ako umalis papuntang powder room.

Madalas siyang pumunta dati sa bahay at makipagkwentuhan sakin. Kaso natigil lang noong namalagi sila sa Spain nang matagal dahil kailangan asikasuhin ng asawa niyang si Manuel ang negosyo nila doon.

“By what?” pagtataka pa nito, habang nagbubukas ng napkin at walang kamalay-malay sa tensyon sa mesa.

Napatingin si Caelan sa kanya, pero pagkatapos ay pasimpleng tumingin sa direksyon ko—dead on. Dahan-dahang sumilay ang ngisi sa labi niya.

“By something... beautiful.” may halong lambing na halimuyak ang boses niya.

Sh-t!

“Hay, naku! Kung anu-anong kalokohan na naman ‘yan, Caelan.” sabat ni Tiyo Manuel, habang sinasalinan ng wine si Jasmine. “Kauuwi mo lang dito kaya umayos ka kung ayaw mong ibalik kita sa Espanya.” dagdag nito.

“Sinasagot ko lang naman ang tanong,” sagot ni Caelan na may kalmadong ngiti.

Tumawa si Jasmine at umiling. “Hayaan mo na, alam mong likas talaga ang pagiging makulit niyang kapatid mo.”

“Edad lang ang tumatanda sa kanya pero isip bata pa rin,” hirit pa ni Lolo.

So, confirm nga ang tsismis. Tiyuhin ni Zion si Caelan dahil kapatid siya ng yumao nitong ama.

Nagkatawanan ang ilan sa mesa at pansamantalang naging magaan ang atmosphere.

May sari-sarili silang mundo at nag-uusap patungkol sa business na hindi ako maka-relate.

Dumako ang tingin ko kay Zion at nakita ang sweet gesture nito towards Thalia. Para bang daig pa ang mag-asawa sa sobrang sweet nilang tignan ngayon.

Like, hello! Hindi pa kami hiwalay.

Gusto ko sanang ipukol ang tinidor sa kanila, pero syempre, demure tayo ngayon—kunwari.

Umiwas na lang ako ng tingin dahil ramdam ko din sa peripheral vision ko ang titig ni Caelan sa bawat kilos ko.

Gusto yata akong mag-evaporate at mag-phase out ng isang ‘to. Tch.

“Ay, Vienne,” biglang sabi ni Jasmine habang inaabot ang dessert. “Ang ganda talaga ng suot mo. You’ve always had great taste and Zion is so lucky to have you.”

Napangiti na lang ako nang pilit. “Salamat po, Tita.”

Pero bago pa ako makasagot ng maayos, inunahan na ako ni Zion. Napatikhim muna siya bago pormal na magsalita. “Actually, I have something to say.”

Biglang natahimik ang mesa.

Napalingon ang lahat sa kanya. Kasama na ako.

“Ano ’yon, apo?” nakangiti pa si Lola. 

Bumaling muna si Zion sakin, wala akong makitang kahit na anong emosyon sa mga mata niya.

“Gusto ko lang sabihin na... I’ve already decided. I'm filing for divorce.”

Para akong sinampal ng salitang ‘divorce’. Diretso sa mukha at walang paunang babala.

Nanigas ang katawan ko, habang unti-unting nawawala ang lakas sa mga kamay ko.

Natahimik ang lahat ng nasa mesa at natigil din sila sa kani-kanilang ginagawa. Lahat ng mga mata ay palipat-lipat lang sa’ming dalawa ni Zion.

“Zion,” mahinang tawag ni Lola. “Anong pinagsasabi mo?”

“Lola,” marahan niyang sagot. “It’s been long overdue. Ayoko na rin naman pilitin pa ang sarili ko na matali sa kasalang hindi ko naman gusto. And I believe... we both deserve peace.”

We both deserve peace.

Parang dumagundong ‘yon sa tenga ko.

Napansin kong bumaling ang tingin ni Caelan sa akin, ngunit hindi siya nagsalita.

Wala akong nasabi. Wala rin akong nagawa.

Sa gitna ng katahimikan ng mesa, tanging tunog ng lumalamig na hangin mula sa aircon at tik-tak ng centerpiece clock ang naririnig.

Ilang segundo lang ’yon, pero pakiramdam ko'y para akong nalunod sa oras.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa, malungkot, o matakot sa susunod na mangyayari.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 13

    CELESTINE VIENNE“TELL ME,” panimula ni Mr. Reyes. Nakatayo siya sa harap ng kanyang desk habang nakahalukipkip ang mga braso at tila’y X-ray machine kung makatitig sakin. “Ano ‘yung nakita ko sa presentation mo kanina?”“Sir, I—I’m not sure how it got there. It wasn’t part of the original deck—”“Alam kong hindi ‘yun kasama sa deck,” singit niya. Matalim ang kanyang tono pero nanatiling kalmado ang boses. “I wouldn’t have approved a slide with a banana wearing sunglasses dancing in front of Vanguard’s board of directors.”Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Sana lamunin ako ng lupa, ngayon din.“Sir, it might’ve been a file corruption—”“Corruption?” napailing siya. “May nangyayaring file corruption na naglalagay ng animated fruit sa PowerPoint? Bago ‘yan sa IT.”Tumingin siya saglit sa screen ng computer niya, pagkatapos ay muling binaling ang tingin sa akin.“You’re lucky. The Chairman and the CEO didn’t walk out,” dagdag pa niya. “And for some reason, Mr. Caelan Delgado seems to t

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 12

    CELESTINE VIENNEBAGO pa man ako makapasok sa loob ng conference room, hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Caelan.“What’s up, Vienne. Nagkita ulit tayo?”I’m not in the mood para sabayan ang trip ng lalaking ‘to. But since this guy is rumored as a new replacement for CEO position, I should be on his good side.“Good morning, sir.” pormal kong bati sabay yuko.Paniguradong nandito siya to attend the presentation.Bahagyang natawa si Caelan, may pilyong ngiti sa labi niya. “Nah, you’re making me feel old by calling me sir.”Bago pa man ako makasagot, biglang dumating si Zion—his presence as commanding as ever.“The presentation is about to start any minute,” he said coolly, his tone devoid of warmth. Mabilis niya kaming pinasadhan ng tingin ni Caelan bago muling magsalita. “Did I interrupt you both?”Napahigpit ang hawak ko sa folder at halos bumaon ang mga daliri ko sa gilid nito. Hanggang ngayon nandito pa rin ang bigat ng pakiramdam ng sagutan namin kanina.“If you’ll excuse me

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 11

    CELESTINE VIENNE“Tawag ka ni Boss D.” bungad kaagad ni Elle pagkapasok ko sa opisina namin. Hawak-hawak niya ang laptop sa kanang bahagi ng kamay niya habang cup of coffee naman sa kabila.“Teka, anyare sa’yo?” nag-aalalang tanong niya, marahil halata pa rin na kagagaling ko lang sa pag-iyak. “Mukha kang giniba ng bagyo sa hitsura mo. Ayos ka lang ba?”“I’m fine,” pagsisinungaling ko at nilagpasan siya.May kung ano pa siyang sinabi pero hindi ko na pinansin at dumiretso patungo sa inner office para puntahan si Mr. Reyes, yung PMO Director namin.Pinilit kong i-neutralize ang ekspresyon ko bago binuksan ang frosted glass door. Bawal ang personal na emosyon dito.“Miss Hervilla,” sabi ni Mr. Reyes nang makapasok ako. “I’m glad you’re here,” dagdag pa niya at kinuha ang isang folder sa table niya saka muling tumitig sakin.“Good morning po, sir.” bati ko.“Good morning. Anyway, you’ll be presenting the Sapphire Heights proposal this morning. The board expects a comprehensive walk-throu

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 10

    CELESTINE VIENNE“I KNOW! THAT’S WHY I FCKIN’ NEED IT!”Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang sa pinto ng opisina ni Zion, iyan kaagad ang narinig ko sa kanya habang may kausap siya sa telepono.Kumatok pa ako ng tatlong beses kahit bukas na ang pinto, just to get his attention.“You asked me to come,” sabi ko nang sa wakas ay tumingin siya sakin.Nananatiling nakakunot ang noo niya, halatang hindi pa rin nawawala ang init ng ulo. Ilang segundo pa bago niya ibinaba ang telepono—medyo madiin pa ang pagpatong nito sa mesa.Sino kaya ang kausap niya at ganun na lang ang galit niya?“Bakit mo ba ako pinatawag?” tanong ko habang nagsisimulang maglakad papunta sa mahabang sofa. Umupo na ako kahit hindi pa siya nagsasabi.“I need your help.”Napaangat ako ng tingin, tila hindi makapaniwala sa narinig ko.Seryoso ba ‘to?“Tulong saan?”Naglakad siya palapit din sa direksyon ko at umupo rin sa kaharap kong sofa. “Kailangan kong makausap si Lolo. He’s considering removing me as CEO and I need you

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 9

    CELESTINE VIENNETAHIMIK buong byahe papunta sa main office building ng kompanyang pinagtatrabahuan ko.Sino ba naman ang hindi tatahimik matapos halikan ng siraulong nasa driver’s seat?Kung hindi ko lang kailangan ngayon ng masasakyan papuntang opisina, malamang binalibag ko na ’to.“Dito mo na lang ako ibaba.” sabi ko habang papalapit kami sa likurang bahagi ng main office building, malapit sa side entrance na halos walang dumadaan.Ayokong may makakita sa akin na bumaba mula sa kotse ng lalaking kasama ko.“Doon na lang sa parking—”“Hindi na,” putol ko agad, sabay tingin sa unahan.“Fine,” aniya sa mababang tinig saka inihinto ang kotse. “Parang kinakahiya mo yata na kasabay ako.”Kunot noo akong napabaling sa kanya. “Ganun na nga,” pabalang kong sagot, making his face twist in irritation.“Grabe, ikaw na nga ‘tong hinatid ko,”Hindi ko na siya pinansin at binuksan ang pinto sa passenger seat. “Salamat na lang,” sabi ko at tinalikuran siya.“Wala man lang bang kiss?” dinig kong h

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 8

    CELESTINE VIENNE PASADO alas sais na nang magising ako at wala na si Zion sa tabi ko. Siguro on the way na siya papuntang office dahil lagi namang maaga kapag umaalis ‘yon.Bumangon ako para makapaggayak papuntang trabaho.Ilang araw din akong hindi pumapasok dahil binabagabag ako sa divorce na gustong mangyari ni Zion, pero wala siyang kaalam-alam. Kaya kung sakaling umabsent na naman ako ngayong araw, baka malaman na niya at sisantehin ako.Sarado ang puso nun pagdating sakin e, kaya paniguradong hindi siya magdadalawang isip at tanggalin ako sa trabaho.Pagbaba ko sa hagdan, dumiretso ako sa kusina para kumain muna bago pumasok, ngunit hindi ko inaasahang maabutan si Zion na nakaupo sa paborito niyang spot tuwing umaga.Napatingin ako sa wristwatch na suot, bago muling bumaling sa kanya. Nagkakape siya habang abala sa kung ano mang binabasa sa hawak na iPad.Mag-aalas syete na’t nandito pa rin siya? Bago ‘to ah.“Morning,” bati ko sa kanya.Binalingan niya ako saglit at tinanguan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status