공유

KABANATA 7

작가: nhumbhii
last update 최신 업데이트: 2025-05-30 21:11:21

CELESTINE VIENNE 

“Dapat dati pa lang, mula noong sumakabilang buhay ang ama mo, pinalayas mo na ang babaeng ‘yan!” dinig kong sigaw ni Therese mula sa sala.

Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto namin ni Zion sa second-floor ng bahay. Kadarating lang namin galing sa Haven Palace at ini-expect ko kaagad na magiging ganyan ang reaksyon ng ina ni Zion after ko silang ipahiya kanina kina Lolo.

“That’s enough, ma. Nangyari na ang nangyari,” sagot ni Zion.

“Pero hindi mangyayari yun kung nakinig ka sakin dati!”

“Huwag kang mag-alala, maghihiwalay din naman kami. Humahanap lang ako ng magandang tyempo para mapapayag si Lolo.”

Napahigpit ang hawak ko sa doorknob sabay pakawala ng isang malaim na buntong hininga. Binuksan ko ang pinto saka pumasok sa loob ng kwarto.

Bahala silang magkasagutan doon sa ibaba, kunwari wala tayong pakialam.

Tinapon ko sa kama ang purse at tinanggal ang stilettos habang minamasahe ang talampakang halos tumirik ang kaluluwa ko sa sakit. Unti-unti kong hinubad ang suot kong midi wrap dress.

Dumiretso ako sa ensuite at binilisan ang paglilinis sa sarili. Gusto ko na nga lang sanang matulog kasi sobrang nakakapagod ang araw na ‘to, kaso hindi ako sanay na hindi maligo bago matulog.

Pagkalipas ng mahigit dalawampung minuto, natapos din akong maligo. Isinuot ko ang bathrobe na nakasabit sa likod ng pinto at agad na kinuha ang tuwalya mula sa towel rack para punasan ang basang buhok. Habang pinupunasan ito, lumapit ako sa drawer malapit sa pinto at binuksan iyon para kunin ang hairdryer.

Pagkalabas ko ng bathroom, hindi na ako nagtaka nang makitang nasa kama si Zion, kaharap ang laptop na nakapatong sa kanyang lap.

Saglit siyang bumaling sakin pero kaagad akong umiwas ng tingin at dumiretso sa vanity table.

“Tuloy pa rin ang divorce kahit hindi pumapayag si Lolo.” sambit niya.

In-on ko ang hairdryer at sinubukang hindi mag-react sa sinabi niya. Sobrang babaw ng luha ko at ayokong umiyak na naman ako dahil pinagpipilitan niya ang divorce.

Abala ako sa pagpapatuyo ng buhok ko nang muli na naman siyang magsalita.

“Ilang taon din akong nakatali sa’yo. Sana maintindihan mo kung bakit gusto ko nang makipaghiwalay.”

Napahigpit ang hawak ko sa hairdryer.

Sa sinasabi niya, parang siya pa yung nagmukhang inaabuso habang nakatali sakin, e ako nga ‘tong halos pag-iinitan araw araw ng ina niyang walang ibang ginawa kundi hanapan ako ng mali.

“Saka hindi nakakatuwa ang ginawa mo kanina. Ano na lang ang iisipin nila Lolo kay Thalia?”

Huminga ako nang malalim. Ipinatong ko ang hairdryer sa table at kinuha ang suklay para suklayin ang buhok ko. Tahimik pa rin ako sa ginagawa ko at hindi siya sinasagot.

“Pwede mo namang sabihin na hindi ka pabor sa divorce, pero kailangan ba talagang ipahiya mo pa si Thalia?”

This time, pabagsak kong inilagay sa mesa ang suklay saka inis siyang binalingan. “Concern ka sa kanya dahil pinahiya ko siya? E, sino ba ang nauna? Hindi ba’t plano mo naman talagang ipakilala siya kina Lolo? Inunahan lang kita Zion—”

“Oo, pero hindi sa ganung paraan!” putol niya. “Sana inisip mo man lang ang mararamdam ni Thalia bago mo sinabi ‘yon kay Lolo.”

"Sana inisip mo rin ang nararamdaman ko habang sinisiraan mo ako kina Lolo. Bakit kailangan mo pang magsinungaling na infertile ako kaya mo ako gustong iwan?" pabalang kong tanong. 

"I have no choice dahil hindi siya papayag na mangyari ang gusto ko kapag walang mabigat na dahilan."

"So, ayos lang sa'yo na masaktan ako, pero full of concern ka kapag si Thalia na ang pinag-uusapan?" nagkunwari akong natatawa. 

Napaka-insensitive niya. Sobra.

"What the hell, Vienne? Hindi mo kailangan ikumpara ang sarili mo kay—”

"Yeah, right. Hindi ko kailangang ikumpara ang sarili ko sa Thalia'ng 'yon dahil sobrang layo niya kumpara sakin. Well, thanks for reminding me, huh."

Muli kong hinarap ang vanity mirror at piniling itikom na lang ang bibig.

Kahit ano pang sabihin o gawin ko, si Thalia pa rin ang kakampihan niya at ako ang mali.

Puro na lang si Thalia, si Thalia. Wala na siyang ibang bukambibig kundi si Thalia kahit ako ang asawa niya. 

“Sa susunod, huwag ka nang makialam sa mga plano ko. Lagi ka na lang panira. Tch.”

Ilang sandali pa at hindi na siya nagsalita kaya nilingon ko siya sa kama.

Tulog na nga siya.

Minadali ko na ang ginagawa ko at nagbihis ng maluwag na t-shirt at cotton shorts na paborito kong pantulog.

Bago ako humiga sa tabi ni Zion sa kama, muli ko siyang sinulyapan.

He was sleeping so soundly, as if completely unbothered by what had just happened.

“I’ll do whatever it takes para hindi ka mapunta sa babaeng ‘yon,” pabulong kong sambit.

I suffered alone in silence, drowning in pain, so you deserve to suffer just as much.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 13

    CELESTINE VIENNE“TELL ME,” panimula ni Mr. Reyes. Nakatayo siya sa harap ng kanyang desk habang nakahalukipkip ang mga braso at tila’y X-ray machine kung makatitig sakin. “Ano ‘yung nakita ko sa presentation mo kanina?”“Sir, I—I’m not sure how it got there. It wasn’t part of the original deck—”“Alam kong hindi ‘yun kasama sa deck,” singit niya. Matalim ang kanyang tono pero nanatiling kalmado ang boses. “I wouldn’t have approved a slide with a banana wearing sunglasses dancing in front of Vanguard’s board of directors.”Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Sana lamunin ako ng lupa, ngayon din.“Sir, it might’ve been a file corruption—”“Corruption?” napailing siya. “May nangyayaring file corruption na naglalagay ng animated fruit sa PowerPoint? Bago ‘yan sa IT.”Tumingin siya saglit sa screen ng computer niya, pagkatapos ay muling binaling ang tingin sa akin.“You’re lucky. The Chairman and the CEO didn’t walk out,” dagdag pa niya. “And for some reason, Mr. Caelan Delgado seems to t

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 12

    CELESTINE VIENNEBAGO pa man ako makapasok sa loob ng conference room, hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Caelan.“What’s up, Vienne. Nagkita ulit tayo?”I’m not in the mood para sabayan ang trip ng lalaking ‘to. But since this guy is rumored as a new replacement for CEO position, I should be on his good side.“Good morning, sir.” pormal kong bati sabay yuko.Paniguradong nandito siya to attend the presentation.Bahagyang natawa si Caelan, may pilyong ngiti sa labi niya. “Nah, you’re making me feel old by calling me sir.”Bago pa man ako makasagot, biglang dumating si Zion—his presence as commanding as ever.“The presentation is about to start any minute,” he said coolly, his tone devoid of warmth. Mabilis niya kaming pinasadhan ng tingin ni Caelan bago muling magsalita. “Did I interrupt you both?”Napahigpit ang hawak ko sa folder at halos bumaon ang mga daliri ko sa gilid nito. Hanggang ngayon nandito pa rin ang bigat ng pakiramdam ng sagutan namin kanina.“If you’ll excuse me

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 11

    CELESTINE VIENNE“Tawag ka ni Boss D.” bungad kaagad ni Elle pagkapasok ko sa opisina namin. Hawak-hawak niya ang laptop sa kanang bahagi ng kamay niya habang cup of coffee naman sa kabila.“Teka, anyare sa’yo?” nag-aalalang tanong niya, marahil halata pa rin na kagagaling ko lang sa pag-iyak. “Mukha kang giniba ng bagyo sa hitsura mo. Ayos ka lang ba?”“I’m fine,” pagsisinungaling ko at nilagpasan siya.May kung ano pa siyang sinabi pero hindi ko na pinansin at dumiretso patungo sa inner office para puntahan si Mr. Reyes, yung PMO Director namin.Pinilit kong i-neutralize ang ekspresyon ko bago binuksan ang frosted glass door. Bawal ang personal na emosyon dito.“Miss Hervilla,” sabi ni Mr. Reyes nang makapasok ako. “I’m glad you’re here,” dagdag pa niya at kinuha ang isang folder sa table niya saka muling tumitig sakin.“Good morning po, sir.” bati ko.“Good morning. Anyway, you’ll be presenting the Sapphire Heights proposal this morning. The board expects a comprehensive walk-throu

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 10

    CELESTINE VIENNE“I KNOW! THAT’S WHY I FCKIN’ NEED IT!”Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang sa pinto ng opisina ni Zion, iyan kaagad ang narinig ko sa kanya habang may kausap siya sa telepono.Kumatok pa ako ng tatlong beses kahit bukas na ang pinto, just to get his attention.“You asked me to come,” sabi ko nang sa wakas ay tumingin siya sakin.Nananatiling nakakunot ang noo niya, halatang hindi pa rin nawawala ang init ng ulo. Ilang segundo pa bago niya ibinaba ang telepono—medyo madiin pa ang pagpatong nito sa mesa.Sino kaya ang kausap niya at ganun na lang ang galit niya?“Bakit mo ba ako pinatawag?” tanong ko habang nagsisimulang maglakad papunta sa mahabang sofa. Umupo na ako kahit hindi pa siya nagsasabi.“I need your help.”Napaangat ako ng tingin, tila hindi makapaniwala sa narinig ko.Seryoso ba ‘to?“Tulong saan?”Naglakad siya palapit din sa direksyon ko at umupo rin sa kaharap kong sofa. “Kailangan kong makausap si Lolo. He’s considering removing me as CEO and I need you

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 9

    CELESTINE VIENNETAHIMIK buong byahe papunta sa main office building ng kompanyang pinagtatrabahuan ko.Sino ba naman ang hindi tatahimik matapos halikan ng siraulong nasa driver’s seat?Kung hindi ko lang kailangan ngayon ng masasakyan papuntang opisina, malamang binalibag ko na ’to.“Dito mo na lang ako ibaba.” sabi ko habang papalapit kami sa likurang bahagi ng main office building, malapit sa side entrance na halos walang dumadaan.Ayokong may makakita sa akin na bumaba mula sa kotse ng lalaking kasama ko.“Doon na lang sa parking—”“Hindi na,” putol ko agad, sabay tingin sa unahan.“Fine,” aniya sa mababang tinig saka inihinto ang kotse. “Parang kinakahiya mo yata na kasabay ako.”Kunot noo akong napabaling sa kanya. “Ganun na nga,” pabalang kong sagot, making his face twist in irritation.“Grabe, ikaw na nga ‘tong hinatid ko,”Hindi ko na siya pinansin at binuksan ang pinto sa passenger seat. “Salamat na lang,” sabi ko at tinalikuran siya.“Wala man lang bang kiss?” dinig kong h

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 8

    CELESTINE VIENNE PASADO alas sais na nang magising ako at wala na si Zion sa tabi ko. Siguro on the way na siya papuntang office dahil lagi namang maaga kapag umaalis ‘yon.Bumangon ako para makapaggayak papuntang trabaho.Ilang araw din akong hindi pumapasok dahil binabagabag ako sa divorce na gustong mangyari ni Zion, pero wala siyang kaalam-alam. Kaya kung sakaling umabsent na naman ako ngayong araw, baka malaman na niya at sisantehin ako.Sarado ang puso nun pagdating sakin e, kaya paniguradong hindi siya magdadalawang isip at tanggalin ako sa trabaho.Pagbaba ko sa hagdan, dumiretso ako sa kusina para kumain muna bago pumasok, ngunit hindi ko inaasahang maabutan si Zion na nakaupo sa paborito niyang spot tuwing umaga.Napatingin ako sa wristwatch na suot, bago muling bumaling sa kanya. Nagkakape siya habang abala sa kung ano mang binabasa sa hawak na iPad.Mag-aalas syete na’t nandito pa rin siya? Bago ‘to ah.“Morning,” bati ko sa kanya.Binalingan niya ako saglit at tinanguan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status