Share

Kabanata 12

Kabanata 12

PAGKATAPOS ng bangayan nilang dalawa ni Gabrielle ay mayamaya lang ay tinawag na siya ni Aling Susana para sa kanilang tanghalian. Agad din naman siyang kumilos at nagtungo sa kusina. Naroon na si Gabrielle sa mesa at kumakain na. Umupo siya sa tabi nito na walang imik.

Natigilan naman siya nang bigla siya nitong pagsilbihan.

"Ako na," aniya sabay agad ng sandok. Hindi naman ito nagpumilit at hinayaan lamang siya nito.

Tahimik lang siyang kumain at maging si Aling Susana rin.

Mayamaya ay bigla namang tumikhim si Aling Susana at pasimpleng bumaling sa kanya nang mag-angat siya ng kanyang ulo.

"Nag-away na naman ba kayong dalawa?" biglang tanong ni Aling Susana. Mariin naman siyang napalunok at agad na uminom ng tubig.

"No. We're not," simpleng sagot ni Gabrielle.

Kathleen twitched her lips for disagreeing with what he said.

"Kumusta pala ang pagpunta ninyo sa bahay? Nag-enjoy ka na naman Kathleen?" ani Aling Susana.

Sasagot na siya siya nang biglang namang bumaling
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status