REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE

REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE

last updateHuling Na-update : 2026-11-07
By:  Paul Anderson In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
5Mga Kabanata
15views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Sa likod ng isang perpektong pagsasama ay nagtatago ang pagtataksil na sisira sa buhay ni Zephanie Alecto. Akala niya, ang kanyang asawa na si Thaddeus Grant ang magiging katuwang niya habambuhay, ngunit nagkamali siya nang matuklasan ang lihim na relasyon nito sa asawa ng kanilang amo. Matapos ang komprontasyon sa pagitan niya at ng kabit ng kanyang asawa, namatay si Zephanie sa kamay ni Hermogenia. Isang taon matapos ang trahedyang nagpabago sa kanyang buhay, muling nagbalik si Zephanie—hindi na bilang isang babaeng madaling lokohin, kundi bilang isang makapangyarihang bilyonarya. Sa pagkakataong ito, hindi na siya ang babaeng iiyak dahil sa pagtataksil. Siya na ang magpaparamdam kung gaano kasakit ang mawalan ng lahat. Dahil ang babaeng minsang kanilang itinapon ay siya ring babaeng magpapabagsak sa kanilang mundo.

view more

Kabanata 1

KABANATA 1

Sa isang tahimik na middle-class neighborhood nakatira si Zephanie Alecto kasama ang asawa niyang si Thaddeus Grant.

Sa unang tingin, maaaring isipin ng sinumang makakakita sa kanila na isa silang ordinaryong mag-asawa. Maayos ang kanilang bahay, maganda ang kanilang pamumuhay, at isa lamang sa kanila ang nagtatrabaho.

Hindi pupwede magtrabaho si Zephanie ayon kay Thaddeus, ito ay para lamang sa may kakayahan at mataas na estado ng buhay. Sa likod ng saradong pintuan, malayo sa kung ano ang nakikita ng mga tao ang tunay na buhay ni Zephanie.

Hindi siya kailan man itinuring ni Thaddeus bilang asawa. Para sa kanya, isa lamang siyang alila.

Araw-araw, maagang gumigising si Zephanie upang asikasuhin ang buong bahay. Siya ang naghahanda ng pagkain, naglalaba, naghuhugas ng pinggan, naglilinis ng bawat silid, at sinisigurong walang anumang bagay na makapagbibigay ng dahilan kay Thaddeus para magalit.

Pagsapit ng hapon, halos hindi na niya maramdaman ang bigat ng katawan niya matapos ang paglilinis.

Ngunit kahit pagod na pagod na siya, hindi niya maaaring basta-basta ipahinga ang sarili.

Alam niyang anumang oras ay maaaring umuwi si Thaddeus.

At kapag may nakita itong mali, alam na ni Zephanie kung ano ang kasunod.

Nang gabing iyon, nakaupo lamang si Zephanie sa gilid ng sofa. Nakayuko siya habang pinupunasan ang pawis sa noo. Masakit ang kanyang likod at nanginginig pa ang kanyang mga kamay dahil sa pagod.

Biglang bumukas ang pintuan, at sabay siya napatingin siya sa orasan.

Maaga nang kaunti kaysa karaniwan si Thaddeus.

Agad na tumayo si Zephanie.

Pumasok si Thaddeus Grant na may dalang briefcase. Hindi man lamang nito binati ang asawa. Sa halip, dumiretso ang lalaki sa sala at nagsimulang magmasid sa paligid.

Tahimik na sinundan ni Zephanie ang bawat

kilos nito.

Lumapit si Thaddeus sa isang mesa at pinadaan ang daliri sa ibabaw nito.

Tiningnan niya ang kanyang daliri.

Walang alikabok.

Lumipat siya sa isa pang bahagi ng bahay.

Muli niyang sinuri ang mga kasangkapan.

“Malinis ba talaga rito?” malamig niyang tanong.

“Oo, kakatapos ko lang" mahinang sagot ni Zephanie.

Muli siyang yumuko upang suriin ang ibabaw ng kabinet.

May nakita siyang napakaliit na butil ng alikabok.

Agad nagbago ang kanyang mukha.

“Zephanie!!!" sigaw ni Thaddeus.

Napahigpit ang pagkakahawak ni Zephanie sa laylayan ng kanyang damit.

“B-bakit?" pautal na tanong niya.

“Hindi ba't sinabi ko sa iyong linisin nang mabuti ang bahay?!”

“Nilinis ko yan, hon. Baka—”

“Baka ano?! Kung naglinis ka talaga, wala ako makakapa dapat na katiting na alikabok!!”

Naputol ang sasabihin niya matapos siyang barahin ni Thaddeus.

Alam niyang walang saysay ang pagpapaliwanag.

May asthma si Thaddeus at sensitibo ito sa alikabok. Kahit maliit na dami lamang nito ay maaaring mag-trigger ng kanyang allergy. Ngunit sa halip na unawain ang sitwasyon at tulungan ang asawa, ginagamit niya iyon bilang dahilan upang paulit-ulit na pagalitan si Zephanie.

“Ulitin mo! At dapat pagbalik ko...dapat pulido ang paglinis mo!" utos niya.

Napatingin si Zephanie sa buong bahay.

Pagod na pagod na siya.

Pero wala siyang nagawa kundi kunin muli ang basahan.

“Masusunod, uulitin ko."

At muli siyang nagsimulang maglinis.

Habang pinagmamasdan siya ni Thaddeus, wala man lamang bakas ng awa sa mukha nito.

Para kay Zephanie, hindi na iyon isang tahanan.

Isa iyong lugar kung saan kailangan niyang magtrabaho para lamang maiwasang magalit ang kanyang asawa.

At sa bawat araw na lumilipas, lalo niyang nararamdaman na unti-unti niyang nawawala ang sarili niya.

Bawat pagkakamali ay may kaakibat na parusa.

Iyon ang naging buhay ni Zephanie mula nang mapangasawa niya si Thaddeus Grant.

Hindi kailangan ni Thaddeus ng malaking dahilan upang magalit. Kapag nagkaroon ito ng problema sa trabaho, kailangan niyang may masisi.

At kadalasan, si Zephanie ang pinakamadaling pagbuntunan ng galit.

Kahit wala siyang kinalaman sa problema, hahanapan siya ni Thaddeus ng pagkakamali.

"Ta-tama na… masakit na ang mga kamay ko!" umiiyak na sambit niya habang nagmamakaawa.

Hindi siya pinakinggan ni Thaddeus.

Sa halip, ipinagpatuloy nito ang pagpaparusa sa kanya na para bang wala siyang halaga.

Nakayuko si Zephanie at pilit na pinoprotektahan ang sarili habang tinitiis ang bawat hagupit.

Hindi na siya makapalag.

Wala na rin siyang lakas para ipagtanggol ang sarili.

Sa mga sandaling iyon, hindi asawa ang tingin sa kanya ni Thaddeus. Para lamang siyang isang alilang kailangang sumunod sa bawat utos nito.

Unti-unti nang nawala sa mukha ni Zephanie ang dating sigla. Ang babaeng minsang kilala sa kanyang kagandahan ay halos hindi na makilala. Sa halip na alindog, pagod at pangamba ang mababakas sa kanyang mukha.

Si Thaddeus Grant ay isang manager sa isang malaking corporate company na pagmamay-ari ng bilyonaryong si Roger Jones Goldwell.

Mataas ang posisyon ni Thaddeus sa kumpanya, at sa loob ng ilang taon ay pinatunayan niyang kaya niyang umakyat sa mas mataas na antas. Ngayon, isang linggo na lamang ang hinihintay niya bago ang inaasam niyang promotion.

Ngunit kasabay ng pagkakataong iyon ay ang matinding pressure.

Mas mataas na posisyon ang nangangahulugan ng mas malaking responsibilidad. Habang papalapit ang araw ng promotion, lalo ring tumitindi ang stress ni Thaddeus. Sa halip na harapin nang maayos ang problema, nauuwi ang lahat sa galit na ibinubuhos niya sa kanyang asawa.

Si Zephanie naman ay hindi estranghero sa kumpanyang iyon.

Bago siya naging asawa ni Thaddeus, naging personal secretary siya ni Roger Jones Goldwell. Maayos ang kanyang trabaho at matagal niyang pinagsilbihan ang bilyonaryo.

Ngunit nagbago ang lahat nang magdesisyon silang ni Thaddeus na magsama sa iisang bubong.

Nag-resign si Zephanie sa kanyang trabaho upang asikasuhin ang kanilang pagsasama at bumuo ng sarili nilang pamilya.

Noong una, inakala niyang iyon ang simula ng isang masayang buhay.

Hindi niya kailanman inisip na ang pagbitaw niya sa kanyang career ay magiging simula rin ng pagkawala ng kanyang kalayaan.

Ngayon, habang abala si Thaddeus sa paghahabol sa promotion na matagal na niyang hinihintay, si Zephanie naman ay naiwan sa loob ng kanilang bahay—malayo sa dating trabaho, malayo sa dating buhay, at unti-unting nawawala ang sariling pagkatao.

Hindi niya alam na ang promotion na pinapangarap ni Thaddeus ang siya ring magiging simula ng pagbabagong magpapabaligtad sa kanilang buhay.

"Malapit na ang promotion mo, hon" mahinang sagot ni Zephanie.

Tumaas ang kilay ni Thaddeus habang kumakain sila sa hapag-kainan.

"Eh anong paki mo?! Wala Kana doon" sambit nito.

Tila nawalan na ng gana si Thaddeus kumain at umalis na siya sa hapag-kainan.

Kinuha ni Thaddeus ang kanyang cellphone at tumungo sa sala.

Ilang sandali pa ang lumipas bago niya narinig ang tunog ng kanyang telepono.

May tumatawag at isang kilalang tao iyon.

Pagtingin niya sa screen, agad siyang tumuwid.

ROGER JONES GOLDWELL

Agad niyang sinagot ang tawag.

"Good evening, sir! Bakit po kayo napatawag?"

Ngunit hindi iyon ang inaasahan niyang marinig.

"Thaddeus, may kailangan tayong pag-usapan tungkol sa promotion mo."

Agad na napangiti si Thaddeus.

"Yes, sir. Tungkol po ba saan?"

"Bukas ko na sasabihin .Gusto kitang makita bukas ng umaga. At teka, may isa pa akong kahilingan."

"Anything, sir."

Saglit na natahimik si Roger sa kabilang linya.

Pagkatapos ay binigkas nito ang mga salitang tuluyang nagpawala sa ngiti ni Thaddeus.

"Isama mo ang asawa mo. Gusto kong makausap si Zephanie Alecto."

Nanlaki ang mga mata ni Thaddeus.

"Si... Zephanie?"

"Yes. Your wife."

Napatitig siya sa direksiyon ng hapag-kainan kung saan nakaupo pa rin ang kanyang asawa.

"Bakit nyo po siya kailangan makausap, sir?"

Hindi agad sumagot si Roger.

Ngunit nang magsalita ito, isang pangungusap lamang ang sinabi nito.

"Because I have a position waiting for her."

Natigilan si Thaddeus.

Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, pakiramdam niya ay may bagay na hindi niya kayang kontrolin.

At ang mas ikinagulat niya—

Hindi para sa kanya ang panibagong posisyong iniaalok ni Roger kundi para iyon sa kanyang asawa.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Rebyu

Quen_Vhea
Quen_Vhea
Recommended
2026-11-12 17:01:18
0
0
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status