Share

Chapter 164

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2025-06-15 17:41:06

NAPAPANGITI na lang si Saskia sa isang tabi habang pinagmamasdan sina mommy Diana at Wesley na masayang naghahabulan sa kanilang mini garden. Paano ba naman, nagmumukha na rin itong limang taong gulang dahil sa pakikipaglaro sa kanyang anak.

Lahat na lang ng gustong laruin ng anak niya ay sinasang-ayunan nito. Kaya naman ang anak niya ay tuwang-tuwa, at araw-araw na lang niyang naririnig ang malulutong nitong halakhak. Naiisip nga niya na hindi ba ito napapagod sa araw-araw na pabalik-balik sa kanilang bahay, para lang makipaglaro sa anak niya?

Madaling araw pa lamang ay kumakatok na ito sa kanilang pintuan, at uuwi ng gabing-gabi na. Kaunti na lang at baka mamaya, ay magdala na ito ng mga damit para roon na sa kanila manirahan.

“Ano naman ang nginingiti-ngiti mo riyan, anak? Dahil ba ‘yan sa pagiging masaya ng anak mo, o dahil sa pagiging isip bata ni Diana?” pukaw sa kanya ng mommy niya na hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya.

Napahagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi nito.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 165

    ISANG UMAGA ay nagpaalam si Jedrick sa kanila na uuwi muna ito saglit para tingnan ang kalagayan ng bahay nito, pagkatapos ay babalik din naman daw kaagad. At dahil wala rin namang magawa si Saskia ng araw na iyon, ay napagpasiyahan niyang pumunta ng mall. Sumabay na lang siya kay Jedrick sa sasakyan at nagpahatid. Dadaanan na lang daw siya nito roon kapag pauwi na ito.Pumasok siya ng mall at naglibot-libot. Kumain din siya sa natipuhan niyang restaurant. Masarap pala sa pakiramdam na minsan ay magkaroon siya ng oras para sa sarili, katulad ngayon, malaya siyang nakakapaglakad, nakakapamasyal, na-re-refresh ang utak niya sa mga ganoong pagkakataon.Hindi naman sa sinasabi niya na dapat ay hindi na sana siya nagkaroon ng anak, ang sa kanya lang naman, iyong kahit saglit lang, ilang oras lang para magkaroon siya ng tinatawag na ‘me time’. Grateful nga siya sa pagkakaroon ng anak, dahil hindi niya alam kung paano malalagpasan ang mga pinabaon na sakit at hirap sa kanya ni Weston nung in

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 164

    NAPAPANGITI na lang si Saskia sa isang tabi habang pinagmamasdan sina mommy Diana at Wesley na masayang naghahabulan sa kanilang mini garden. Paano ba naman, nagmumukha na rin itong limang taong gulang dahil sa pakikipaglaro sa kanyang anak.Lahat na lang ng gustong laruin ng anak niya ay sinasang-ayunan nito. Kaya naman ang anak niya ay tuwang-tuwa, at araw-araw na lang niyang naririnig ang malulutong nitong halakhak. Naiisip nga niya na hindi ba ito napapagod sa araw-araw na pabalik-balik sa kanilang bahay, para lang makipaglaro sa anak niya?Madaling araw pa lamang ay kumakatok na ito sa kanilang pintuan, at uuwi ng gabing-gabi na. Kaunti na lang at baka mamaya, ay magdala na ito ng mga damit para roon na sa kanila manirahan.“Ano naman ang nginingiti-ngiti mo riyan, anak? Dahil ba ‘yan sa pagiging masaya ng anak mo, o dahil sa pagiging isip bata ni Diana?” pukaw sa kanya ng mommy niya na hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya. Napahagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi nito.

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 163

    KANINA pa naghihintay si Weston sa pagdating ng kanyang mommy. Gabi na kasi pero wala pa rin ito. Nagpaalam ito sa kanya kaninang umaga na pupunta kina Saskia para mangumusta, huwag nitong sasabihin na wala itong balak na umuwi, at balak nitong mag-overnight doon?Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang pantalon para sana tawagan ito, pero biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang kanyang mommy. Ibinalik na lang niya ulit sa kanyang bulsa ang cellphone bago nagsalita.“Salamat naman at umuwi ka na rin. Doon ka lang ba kina Saskia naglagi buong araw?” nakakunot-noo niyang tanong sa ina.“Oo, bakit, ay masama ba?” tila wala sa sariling sagot nito sa kanya. Sumasagot ito pero parang may ibang laman ang isip.“Wala naman! Nakapagtataka lang kasi, buong araw mo siyang kinumusta? Ano ba ang mga napag-usapan ninyo?”“Kinumusta ko lang siya sa naging buhay niya sa loob ng limang taon. Pagkatapos, nakipaglaro na ako sa napakagwapo niyang anak,” sagot nito na hindi mapuknat

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 162

    MASAYANG pinagmamasdan ni Saskia ang kanyang anak, habang masaya itong nakikipaglaro sa kanyang lola Diana. Pagkatapos ng naging pag-uusap nila sa kaniyang silid, ay hindi pa ito umuwi, bagkus ay nakipaglaro nang nakipaglaro ito kay Wesley.Kung hindi pa dumilim ay hindi pa nito maiisipang umuwi. Parang ayaw na nitong humiwalay kay Wesley. Nangako pa ito sa anak niya na araw-araw itong pupunta sa kanila para makipaglaro, na siya namang ikinatuwa ng kanyang anak.Nag-selfie pa talaga ito kasama si Wesley at iyon ang ginawang wallpaper sa cellphone nito. Hindi sana siya papayag, pero nakiusap ito at ang alam naman daw ni Weston ay anak nila ito ni Jedrick, kaya wala siyang dapat na ipag-alala.“Paano ‘yan, apo, Wesley? Mommy-lola is going home now. We’ll play again tomorrow—I’ll be back here. And I’ll bring you a little gift, too. What would you like me to bring you?” ani mommy Diana kay Wesley.“I want a helicopter and an airplane, Mommy-lola!” masiglang sagot naman ni Wesley.“Can you

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 161

    IBINALING ni Saskia sa ibang direksyon ang kanyang paningin, dahil parang hindi niya kayang tingnan si mommy Diana na umiiyak.“Mommy Diana, hindi ko po alam kung bakit ninyo sa ‘kin sinasabi ang lahat ng ito? Kung tutuusin, dapat ay wala na kayong pakialam sa ‘kin dahil matagal na kaming hiwalay ng anak ninyo. Kung dumanas man siya ng hirap sa paghahanap sa ‘kin, wala naman akong sinabing hanapin niya ako, lalo na at kusa akong lumayo para makalimutan siya. At kung dumanas man siya ng sakit, lungkot at pangungulila sa puso niya para sa ‘kin, hindi ko naman hiningi na maramdaman niya iyon sa ‘kin nung pinili ko siyang iwan. Dahil nung pumirma ako sa annulment paper na matagal na niyang gustong mangyari, ay tanggap ko na sa puso’t isipan ko na hanggang doon na lang talaga kami,” mahabang litanya niya, hindi mapigilang hindi manubig ang mga mata tanda ng labis na emosyon.Humarap ito sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi, pilit na hinuhuli ang kanyang mga tingin."Anak, naiintindihan k

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 160

    NAPASARAP ang tulog ni Saskia kaya tinanghali siya ng gising. Pagbangon niya ay tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone, alas-dies na pala ng tanghali. Napangiti siya nung marinig ang mumunting halakhak at pagtawa ng kanyang anak mula sa labas ng kanyang silid.Minsan lang ito tumawa ng ganoon, kapag may nakakausap itong tao na gusto nito, at nakukuha ang vibes ng anak niya. Alam naman niyang walang ibang pwedeng makapagpatawa nang ganoon sa anak niya kung hindi si Jedrick at ang kanyang daddy, pati na rin ang kanyang mommy.Kapag sila lang kasing dalawa ang magka-bonding, minsanan lang ito tumawa ng ganoon, na para bang sagad ang katuwaan. Nagpasiya siyang lumabas na ng kanyang silid upang puntahan ang kanyang anak at kumustahin. Ngunit nagulantang siya sa nakitang taong kausap nito, si mommy Diana. Paanong?“Kia, anak! Mabuti naman at gising ka na! Papasukin na sana kita sa silid mo para gisingin ka! Excited na kasi akong makita at makausap ka!” natutuwang sambit ni mommy Diana

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status