“ANO NA ang gagawin natin ngayon, Gerald? Alam na nina tito at tita ang lahat ng mga ginawa at pinlano natin! Sa isang iglap lang, ay nawala iyon lahat! Paano na tayo ngayon niyan? Pareho na tayong walang trabaho and worse, pareho rin na walang pera!” Sambit ni Vivian kay Gerald na kasalukuyang nakatulala at matamang nakatingala lang sa kisame.Sa apartment ni Gerald si Vivian tumuloy nung gabing palayasin siya ng bahay ng kanyang tito Juancho at tita Sania. Wala sa hinagap niya na matutuklasan ng mga ito ang mga palihim na kalokohan nilang ginagawa; katulad ng paunti-unting pagnanakaw nila ng malalaking halaga ng budget sa kompanya na siyang ginagamit nila sa pagbabayad sa mga taong inuutusan nila, at sa iba pang mga bagay at kapritso nilang dalawa. Ang lihim na relasyon nila ni Gerald habang magkarelasyon pa ito at si Saskia, at ang pagdukot nila kay Saskia para itago ito sa malayong probinsiya para mailayo ito sa asawa na siyang kinababaliwan niya, para maangkin nito ng tuluyan ni
HABANG mag-isang kumakain si Weston sa harapan ng lamesa, ay parang hindi niya malasahan ang kinakain. Siguro, ganitong-ganito ang pakiramdam ni Saskia nung mga panahon na mag-isa lang itong kumakain.Hindi na nga niya ito kinatok pa sa silid nito dahil baka mas lalo lang itong matakot sa kanya. Papalipasin na lang muna siguro niya ang emosyon nito, at doon na lang niya ulit ito kakausapin.Handa na siyang tuklasin ang katotohanan sa likod ng pagkawala nito ng isang buwan noong nakaraan kasama si Gerald. Handa siyang tanggapin kung ano man ang magiging kalalabasan ng resulta. Dahil sa mga nagdaang araw na kasama niya si Saskia at pinapahirapan niya, ay doon niya napagtanto na mahal talaga niya ang asawa.Na kahit gaano man niya itong pahirapan, gaano man niya isipin na nagtaksil ito sa kanya, ay paulit-ulit naman itong isinisigaw ng kanyang puso. Pero humanda lang talaga sa kanya si Gerald, dahil oras na malaman niya na ito talaga ang may kagagawan ng lahat, ay talagang tutuluyan na n
SAGLIT na naupo si Weston sa kama pagkapasok niya sa kwarto. Naglalakbay ang isip niya sa kasalukuyang sitwasyon nila ni Saskia. Gusto na rin naman niyang baguhin ang masamang pakikitungo niya sa asawa dahil kahit paano, ay nakokonsensiya siya.Sa tuwing aangkinin niya ito, ay hindi niya maitatanggi ang mga ungol nito, at ang paraan ng pagganti nito sa kanyang mga halik at haplos, na parang walang pinagbago. Na para bang walang ibang lalaki na nakagalaw dito.Kaya litong-lito na siya. Sa tuwing naiisip niya na gusto na niyang ibalik ang kung anumang mayroon sila noon, ay pilit naman na nagsusumiksik sa kanyang isipan ang ginawa nitong kataksilan.Kaya nga simula nung huling may mangyari sa kanila, ay tinanggal na niya ang pagiging mahigpit dito. Pinayagan na niya itong gumamit ng cellphone at lumabas ng mag-isa kung gugustuhin man nito. Pero ang pakikitungo niya rito ay malamig pa rin.Ayaw naman kasi niyang biglain ang lahat, gusto niyang dahan-dahanin ang proseso ng pagbabago, dahil
NAGBIGAY ng kasiyahan kay Saskia ang pagbisita sa kanya nina Jedrick at Jamila. Agad niyang nakapalagayan ng loob ang dalawa dahil magagaan itong kasama at kausap. Parang nakatagpo siya ng bagong kaibigan sa katauhan ng mga ito.Pero napapansin niya ang mga kakaibang sulyap sa kanya ni Jedrick. Sulyap ng isang lalaki sa kanyang hinahangaang babae. Alam naman niyang mabait at mabuti itong tao, pero hindi na kasi pwede ang kung anumang damdamin ang gusto nitong iparating at iparamdam sa kanya dahil may asawa na siya.Siguro kung alam lang nito na siya ang asawa ni Weston, ay hindi magiging ganoon ang mga titig na ibibigay nito sa kanya. Siguro ay hindi pa rito nababanggit ni Weston ang pangalan niya nung mga nakaraan, basta ang alam nito ay may asawa si Weston.Ibinigay pa ng dalawa sa kanya ang mga personal number ng mga ito, at nangakong palagi siyang bibisitahin doon. At iniimbitahan din siyang lumabas minsan ng dalawa kapag may libre siyang oras, na siya namang mabilis niyang sinang
“ANG IBIG mong sabihin, ay hindi nagpaalam sa ‘yo si Weston na mag-a-out of town siya at mawawala siya ng ilang araw at hindi makakauwi rito?” gulat na tanong ni Jamila kay Saskia pagkatapos niyang sabihin na wala namang binanggit si Weston na mawawala ito ng matagal.“Naku, parang hindi ka na nasanay sa kaibigan nating ‘yan, Jamila! Ganyan na talaga ‘yan noon pa! Parang walang nag-aalalang kasama sa bahay dahil hindi marunong magpaalam!” sabat naman ni Jedrick.Nagulat pa siya sa sinabi ni Jedrick na ‘kaibigan natin’, ibig sabihin, ay hindi babae ni Weston si Jamila, kung hindi ay kaibigan lang? Kung ganoon, ay wala pala talaga siyang dahilan para magalit at magselos kay Jamila. Nakaramdam tuloy siya ng konsensiya.“Okay ka lang ba, Sasa?” tanong ni Jamila nung mapansin nito ang pananahimik niya.“Oo naman!”“Ang boring naman ng buhay mo rito, Sasa. Alam mo bang ang gaan ng loob ko sa ‘yo nung una pa lang kitang nakita? Alam mo bang ikinuwento ko kaagad dito sa kapatid kong ito na ma
AKALA ni Saskia ay nagbago na ang pakikitungo ni Weston sa kanya simula nung gabing patulugin siya sa tabi nito. Oo, hindi na ito mahigpit sa kanya katulad nung dati, dahil pinapayagan na siya nitong gumamit ng cellphone at lumabas ng mag-isa.Hindi na rin ito palaging nagagalit sa kanya, pero ang nakakapagpasakit ng damdamin niya, ay dahil sa malamig nitong pakikitungo sa kanya. Ni hindi man lang siya nito magawang kausapin, dinadaan-daanan na lang siya nito na parang hangin sa tuwing magkakasalubong sila.Mas gusto pa nga niya ang ugali nito nung una kahit palagi itong galit sa kanya, at least, kinakausap siya nito. Kakausapin lang kasi siya nito kapag gusto siya nitong gamitin at angkinin. Pakiramdam niya, ay iyon na lang ang silbi niya sa asawa, ang maging parausan nito.Pero katulad nga nung palaging sinasabi niya sa sarili at itinatatak niya sa kanyang isipan, na magbubunga rin ng maganda lahat ng paghihirap at pagtitiis niya rito. Hindi siya magsasawang maghintay na dumating an