Share

Chapter 52

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2025-04-28 18:08:28

“TALAGANG masasaktan ko siya, Gerald! Dahil inagaw niya sa ‘kin ang tito mo! Kahit naman siguro ikaw, ay masasaktan mo rin ang taong umagaw sa mahal mo!” sagot dito ni Katrina.

“Para sa kaalaman mo, ate Kat. Si Saskia lang naman ang long time girlfriend ko at CEO ng MS Wine Haven na siyang pinagtatrabahuhan ko ngayon. Dahil sa nalaman ko na sinaktan mo ang babaeng mahal ko, mukhang magbabago na rin ang treatment at pakikitungo ko sa ‘yo. Botong-boto pa naman ako sa ‘yo noon para kay tito, pero may itinatago ka rin pala na kakaibang ugali,” pagkasabi niyon ay agad na tumalikod si Gerald at sumakay sa sasakyan nito sa hindi kalayuan.

Nakanganga namang naiwan si Katrina na para bang shock na shock sa nalaman. At saka lang ito nahimasmasan nang makitang papalayo na ang sasakyan ni Gerald.

“Gerald, hintayin mo ‘ko! Wala akong masasakyan! Gerald!” kahit anong sigaw nito ay wala na rin itong magagawa dahil tuluyan nang nawala sa kanilang paningin ang sasakyan ni Gerald.

“Nalagasan ka na nam
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fatima Sato
Tnx author….more more update po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 116

    “KILALA mo ba siya at ganoon mo na lang siya kung titigan?” nagtatakang tanong ni Weston sa kaibigang si Jamila.“Hindi, sadyang nagagandahan lang ako sa kanya, at mukhang mabait din. Gusto ko rin siyang maging kaibigan. Siguro kung lalaki ako, liligawan ko siya! Ang ganda-ganda niya! ang swerte naman ng lalaking magkakagusto at mapapangasawa niya!” sambit nito.“Akala mo lang ‘yon!” bulong niya.“May sinasabi ka?” tanong nito.“Wala. Ang sabi ko, tara na sa loob,” yakag niya rito.Pagdating nila sa living area ay kataka-takang nakapaghanda agad ng meryenda nila ni Jamila si Saskia. Nakalapag na sa naroroong lamesa ang dalawang sliced ng chocolate cake na nakalagay sa magkahiwalay na platito, at dalawang baso ng malamig na malamig na pine apple juice.Nakita niyang palabas na ito ng bahay para siguro muling balikan ang winawalis nito sa bakuran, pero napahinto ito ng tawagin niya ito.“Saskia, dalhin mo ito sa kwarto, doon kami magtatrabaho ni Jamila,” utos niya rito.Nagtaka naman si

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 115

    “A-ARAY, Mommy!” biglang hiyaw ni Saskia sabay bawi sa palapulsuhan niya na hinawakan ni Mommy Diana. Sa mismong pasa at galos kasi ito nakahawak. Nabitiwan tuloy niya ang isang plato at bumagsak iyon sa sahig, kaya nabasag.“I’m sorry, kukuha lang po ako ng walis at dustpan!” natatarantang wika niya sabay talikod.Habang winawalis niya ang nabasag na plato ay hindi siya makatingin sa mag-ina. Natatakot kasi siya na muling magtanong si Mommy Diana tungkol sa sugat niya, at natatakot din siya kay Weston dahil baka madulas siya at masabi niya ang totoo. Malalagot na naman siya rito kapag nagkataon. Baka mas malalang parusa ang matanggap niya mula rito.Pagkatapos niyang maitapon ang nabasag na plato, ay agad siyang bumalik sa kitchen at ipinagpatuloy ang paghahanda.“Alam ko na kung bakit ka nagkakasugat at nagkakapasa! Masyado kang nagmamadali sa ginagagawa mo, eh. Hijah, anak, nakakapaghintay naman itong si Weston, kaya okay lang na magdahan-dahan ka. Baka mamaya niyan, hindi lang ‘ya

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 114

    SUNUD-SUNOD na tumulo ang mga luha ni Saskia sa kanyang dalawang mga mata. Patuloy na namamalisbis iyon sa kanyang mga pisngi, at hirap siyang pigilan iyon. Muli, hindi na naman niya inaasahan na magagawa nito iyon sa kanya.Pagkatapos siya nitong tawagin at madaliin na ipaghanda ito ng makakain, ay iiwanan lang nito ang mga inihanda niya na parang baliwala lang dito ang effort niyang pagsilbihan ito. Kung kabilang na naman iyon sa mga pagpapahirap nito sa kanya, ay unti-unti na itong nagtatagumpay.Ngayon pa nga lang, ay nahihirapan na siya sa mga ginagawa at pinaparamdam nito sa kanya. Paano pa kaya sa mga susunod pang mga araw at buwan? Ipinapanalangin niyang sana ay makayanan niya, alang-alang sa pagmamahal niya rito.Habang inililigpit niya ang mga inihandang pagkain para rito, ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak na kasamang paghikbi. Pagkatapos, ay muli siyang bumalik sa silid ni nanay Lita. Doon, ay umiyak siya nang umiyak. Tinatawag ang kanyang mommy at daddy na para bang gust

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 113

    NARINIG ni Saskia ang pagbukas at pagsara ng pintuan, tanda na lumabas ng kanilang silid si Weston. Nakadapa pa rin siya sa kama habang nakatali pa rin ang kanyang mga kamay sa kanyang uluhan, gamit ang belt nito.Wala pa siyang balak na gumalaw o ibahin ang kanyang posisyon mula sa pagkakadapa sa kama, dahil labis niyang pinapakiramdaman ang sakit sa kanyang ibabang bahagi. Wala sa hinagap niya na magagawa iyon sa kanya ni Weston, ang pwersahin siya.Handa naman siyang pagbigyan ito ng kusang loob, pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nitong pwersahin siya. Alam naman niya ang obligasyon niya rito bilang asawa. Iniisip na lang niyang siguro, ay kasama iyon sa pagpapahirap nito sa kanya.Kung palagi silang magiging ganito, ay hindi niya alam kung tatagal ba siya kasama ito. Pero mahal na mahal niya ito, kaya wala siyang pagpipilian kung hindi ang pakisamahan at sundin lahat ng mga kagustuhan nito, bumalik lang sila sa dati. Nami-miss na niya ang dating asawa, ang dating s

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 112

    SISIGAW sana si Weston sa loob ng kwarto para muling tawagin si Saskia, pero naisip niyang baka hindi siya nito marinig. Kaya ang ginawa niya ay lumabas siya at dumiretso sa kusina upang kumuha ng maiinom na tubig.Pero mas lalong ikinagalit niya ang nakitang suot nitong duster dress habang nakatalikod itong nagluluto. Humuhulma kasi roon ang matambok nitong pang-upo, mas lalong naging kaakit-akit ito sa paningin niya. Pakiramdam niya ay sinasadya siya nitong akitin.Eksaktong pagkapatay nito ng lutuan, ay mabilis siyang lumapit sa direksyon nito at agad na hinaklit ang braso nito.“A-aray! Weston may problema na naman ba?” nanlalaki ang mga matang tanong nito.“Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo!” nanggigigil na sambit niya.“Paano ko ba kasi malalaman kung ano ang ikinagagalit mo sa ‘kin kung hindi mo sasabihin! Hindi naman ako manghuhula!” sagot nito na hindi niya nagustuhan.“Sumasagot ka pa talaga! Sinabi ko ba na sagot-sagutin mo ako ng pabalang?! Alam kong nananadya ka para m

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 111

    PAGKAALIS ni Weston sa bahay ng kanyang kaibigan, sa halip na umuwi siya, ay dumiretso siya sa kompanya. Doon ay ginugol niya ang oras sa pagpipirma ng mga papeles at pagresolba sa mga problemang kinakaharap sa produksyon ng kanyang Winery, maliit man o malaki. Dahil doon ay pansamantala niyang nakalimutan ang kasalukuyang sitwasyon.Ngunit nang sumapit ang hapon, ay nagpasya na siyang umuwi dahil napag-isip-isip niya, na paano niya mapapahirapan si Saskia kung palagi niya itong iiwasan? Ito ang may atraso sa kanya, kaya dapat ito ang mag-alangan na kasama siya nito.Pagdating niya sa bahay ay naabutan niya itong nag mo-mop ng sahig. Agad niyang iniiwas ang paningin dito dahil bahagya niyang natatanaw ang dalawang mapuputi at makikinis nitong bundok, medyo maluwag kasi ang suot nitong blouse sa banda roon. Pawis na pawis na ito at gulo-gulo na rin ang buhok. Pero hindi niya maitatangging napakaganda pa rin nito sa kanyang paningin kahit na ganoon ang hitsura nito, na mas lalong nagpap

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 110

    NANG SUMAPIT ang gabi, ay lumabas si Weston ng hindi nagpapaalam kay Saskia. Hindi na rin naman niya kailangang magpaalam dito, dahil hindi na niya obligasyon pa na gawin iyon. Gusto niyang uminom at magpakalasing, mabuti na lang at pumayag ang kaibigan niyang si Jedrick na samahan siya sa isang sikat na bar.“Paano ‘yon, Bro? Iniwanan mong mag-isa roon ang asawa mo?” tanong ng kaibigan niya habang magkaharap sila sa isang mesa at sumisimsim ng alak.“Safe naman siya roon kahit na mag-isa lang siya. Hindi ko lang talaga siya kayang makita at makasama ng matagal sa iisang bubong, lalo na’t sariwang-sariwa pa ang sakit ng ginawa niyang pagtataksil sa ‘kin.”“Pero asawa mo pa rin siya. Lalo na ‘t hindi ka nagpaalam, panigurado mapa-praning iyon kakahanap sa ‘yo at kakaisip kung nasaan ka ba,” sagot nito na tila mas nag-aalala pa yata kaysa sa kanya.“What’s the difference? Hindi nga niya inisip noon nung sumama siya kay Gerald na baka mag-alala ako sa pagkawala niya.”“Grabe ka naman, Br

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 109

    PAGKATAPOS niyang iwanan sa sala si Saskia ay dumiretso siya sa kanilang silid. Ini-locked niya iyon dahil baka maisipan nitong sumunod doon. Ayaw na muna niya itong maka-usap at makaharap ulit. Ayaw naman talaga niyang gawin kay Saskia iyon, ang papirmahin ito ng annulment paper, pero sa tuwing sumasagi kasi sa isipan niya ang pagtataksil nito, ay nakakagawa siya ng mga desisyon na pwedeng humantong sa literal na paghihiwalay nila, katulad na lamang ngayon.Ang main purpose niya talaga kaya niya ginagawa iyon sa asawa, ay para masaktan ito at pahirapan. Pwede naman niyang bawiin ang mga sinabi, pero imposible, dahil kinakain siya ng galit. Mahirap para sa kanya na basta na lang ito tanggapin at patawarin, dahil paano kung ulitin na naman nito ang pagtataksil na ginawa?Napahawak tuloy siya sa kanyang ulo at ginulo ang sariling buhok. Basta sa ngayon, ang gusto niya ay makitang nahihirapan at nasasaktan ito, dahil iyon lang ang tanging paraan para gumaan ang pakiramdam niya.Muli siy

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 108

    NAHINTAKUTAN si Saskia nang lumapit sa kanya si Weston at hinaklit ang kanyang braso. Muntikan pa siyang mapasubsob sa dibdib nito dahil sa lakas ng pagkakahatak nito sa kanya.“You know, Saskia. Hindi na sana kita papansinin pa, pero naisip ko kasi, parang unfair naman sa ‘kin na hindi kita magagantihan. Kaya ang gagawin mo ngayon habang tayo lang ang magkasama rito? Ikaw ang magsisilbing tagaluto, tagalaba, at tagalinis! Sa madaling salita, ikaw na ang gagawa ng mga ginagawa ni nanay Lita!”“A-aray, Weston, ma-masakit…” nakangiwing sambit niya habang nakahawak sa malabakal nitong kamay na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso. Pakiramdam niya ay madudurog ang mga buto niya.“Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?!” galit na tanong nito.“O-Oo, na-naiintindihan ko—aaah!” sigaw niya nang pisilin nito ng madiin ang kanyang pisngi.“Sumunod ka sa ‘kin sa itaas, dahil may sasabihin pa ako sa ‘yo roon!” malakas na sambit nito bago binitiwan ang kanyang pisngi at mabilis na tumalikod. Pakira

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status