“JU-JUANCHO, sa tingin mo ba, magagawa ito ng anak natin? Magagawa ito ni Saskia? Parang napakaimposible naman! Dahil noong ipinipilit namin si Gerald sa kanya, ay talagang ipinaglaban niya ang kanyang sariling damdamin dahil ayaw na niya talagang balikan si Gerald. Kaya nga namin siya tinanggal bilang CEO sa kompanya at pinalayas na rin dito dahil ayaw niya talaga kaming sundin,” lumuluhang wika ni Sania sa kanilang dalawa ni Juancho.“Ayaw ko nang muling magkamali sa paghusga sa ating anak, Sania. Kung may dapat man na magpatunay kung totoo ba iyan o hindi, ay siya lamang, at wala nang iba pa. Hintayin na lang natin siyang bumalik, at nasa kanya na rin iyon kung magsasabi siya ng katotohanan o hindi. Ayaw ko lang na muling maulit ang maling panghuhusga natin sa ating anak, dahil napapagod na rin ako sa bawat hindi natin pagkakaintindihan. Nag-iisa lang siyang anak natin, Sania. At ayaw kong muling lumayo ang loob niya sa ‘tin. Gumawa na lang din tayo ng paraan para matuklasan natin
MALALIM na ang gabi nang makarating si Weston sa kanyang bahay sa mountain lodge. Wala siyang ibang naririnig doon kundi iba ‘t ibang klase ng huni na nanggagaling sa mga ibon at insekto.Nasa gitna ng kakahuyan ang mismong bahay niya, at tanging solar energy ang nag su-supply sa kanya roon ng kuryente. Matagal nang hindi siya nagagawi roon kaya alam niyang marumi na ang loob at labas nito.Pagpasok niya sa kabahayan ay agad siyang dumiretso sa wine rack at dumampot doon ng isang bote. Wala siyang balak na matulog ngayon dahil punung-puno ng sari-saring isipin ang kanyang utak at halo-halong emosyon ang kanyang damdamin.Umupo siya sa isang tumba-tumbang upuan sa balkonahe bitbit ang bote ng wine, at marahan niya itong tinutungga habang nakatitig sa bilog na bilog na buwan. Napabuntung-hininga siya kasabay ng pag-igting ng kanyang mga panga. Siguro kahit saan siya magpunta, talagang maaalala niya ang kanyang asawa.Halos mabaliw na siya kakaisip kung ano na ba ang ginagawa nito at ni
NAPASIKSIK si Saskia sa dingding nang bigla siyang lapitan ni Gerald. Napalunok siya nang hawakan siya nito sa kamay para alalayang tumayo. Sumunod na lang siya rito para hindi na maulit ang ginawa nitong pagwawala. Ayaw na niyang magsalita na makakag-trigger ng galit nito, lalo ‘t sila lang na dalawa ang magkasama. Pinaupo siya nito sa iisang kamang naroon. Pagkatapos ay ipinaghanda siya nito ng makakain. Nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay kung ano na ang gagawin nito.“Kumain ka na muna dahil baka gutom ka na. Medyo malalim na rin ang gabi,” sambit nito.“I-ikaw, hi-hindi ka pa ba kakain?” Nag-aalangang tanong niya. Bakas pa rin sa boses niya ang takot.“Gusto mo ba akong kasalo sa pagkain?” tanong nito na tila nagniningning ang mga mata. “Ibig sabihin ba niyan, ay nag-aalala ka sa ‘kin?” dugtong pa nito. Hindi maitago ang kung anong kasiyahan sa tinig nito.Doon niya napagtanto na kailangan niyang paamuhin at palambutin ito. Kailangan niyang kunin ang tiwala nito, at kapa
UNTI-UNTING iminulat ni Saskia ang kanyang nanlalabong mga mata. Masakit din ang kanyang ulo at nahihilo rin siya, kaya hindi niya masyadong maaninag ang buong paligid na konaroroonan niya.Sinubukan niyang gumalaw, doon niya napagtanto na nakatali ang kanyang mga kamay at paa habang nakaupo siya sa isang silya. Hindi rin siya makapagsalita dahil sa telang nakatakip sa kanyang bibig.May narinig siyang dalawang boses na nag-uusap sa kanyang likuran, at hindi siya pwedeng magkamali ng pandinig, boses iyon nina Gerald at Vivian.“Oh, paano? Ikaw na ang bahala sa pinsan kong ‘yan, ha? Mag-enjoy na lang kayo rito sa pagsasama ninyo. Aalis na ako dahil gabi na, at baka magtaka sina tito at tita kung bakit gabing-gabi na ako umuwi ngayon. Babalikan ko na lang kayo rito paminsan-minsan,” dinig niyang sambit ni Vivian.Sa wakas, ay malinaw na niyang nakikita ang buong kapaligiran. Nawala na rin ang kanyang pagkahilo. Sa tingin niya, ay naroroon sila sa loob ng isang kubo na yari sa kawayan at
TAHIMIK si Weston habang nakatitig sa kawalan sa loob ng silid nilang mag-asawa. Hindi niya alam kung paano mag re-react sa mga natuklasan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya; galit, pagkapoot, pagkalito at panghihinayang.Galit siya sa ginawang pagtataksil sa kanya ni Saskia, at napopoot siya kay Gerald dahil nagtagumpay nga itong bawiin si Saskia sa kanya. Oo, may pagkukulang din siya dahil naging kampante siya na hindi na babalikan pa ni Saskia si Gerald, pero kung talagang mahal siya ni Saskia, ay hindi siya nito iiwan at piliing sumama kay Gerald.Nalilito dahil hindi niya alam ang hakbang na gagawin. Kung hahanapin ba niya ang mga ito para bawiin ang asawa, o hayaan na lang ang dalawa na magsama? Nanghihinayang dahil alam niya sa sariling mahal na mahal niya si Saskia, kaya nga niya ito inalok ng kasal. Nanghihinayang dahil wala naman sanang problema ang relasyon nila, kung hindi lang muli na nakialam si Gerald.Hindi kasi siya mahilig makialam sa mga personal na gamit ng
KAHIT galit na galit si Weston ay nagawa pa rin niyang puntahan ang café na binanggit ni Saskia sa text nito kanina. Pagdating niya ay wala siyang nakitang ni isang customer man lang. Tanging ang nagbabantay doon ang naabutan niyang abala sa pagpupunas ng lamesa. Nilapitan niya ito para magtanong.“Ms., nagawi ba rito kanina itong babaeng ito?” seryosong tanong niya sa babae habang ipinapakita niya rito ang larawan ni Saskia sa kanyang cellphone.Dumungaw naman ito sa cellphone na hawak niya, pagkatapos nitong makita ang larawan ni Saskia ay sumagot ito.“Yes, Sir! Sa katunayan, nakaalis na sila kanina pa nung kasama niyang lalaki. Ang saya-saya nga nila dahil lilipat na raw sila sa bago nilang bahay at magsasama na. Pasensiya na po, Sir. hindi ko sinasadyang marinig o mapakinggan ang usapan nila ng asawa niya. Bakit niyo po ba siya Sir hinahanap, kaano-ano niyo po ba siya?”Mas lalong nadagdagan ang kaninang galit na nararamdaman niya. Kumuyom ang dalawa niyang kamao at umigting ang k
“MAGALING! Magaling! Magaling!” tumatawang sambit ni Vivian habang pumapalakpak pagkatapos mawalan ng malay ng kanyang pinsan na si Saskia.Magkasunod silang lumabas ni Gerald sa kanilang pinagtataguan pagkatapos na makatulog ni Saskia dahil sa gamot na inilagay nila sa inumin nito. Ngising demonyo siya dahil nagtagumpay siya sa kanyang mga plano.Siya ang may pakana ng lahat. Tinawagan niya ang nananahimik na matalik na kaibigan nito sa probinsiya para gawin itong daan para maisakatuparan ang kanilang mga plano ni Gerald. Siya rin ang nagrenta sa café na kinaroroonan nila para isarado iyon sa ganoong oras. Binayaran nila ng malaki iyon para lamang pumayag. Bonus na rin na kakilala nila ang may-ari niyon kaya hindi sila nahirapang gawing kasabwat ito.“Makakaalis ka na, Marie. Heto ang bayad sa serbisyong ginawa mo para sa ‘min,” wika niya sa babae habang iniaabot dito ang isang puting sobre na naglalaman ng pera.“Sana pagkatapos nito, ay wala ka nang ipagawa sa ‘kin sa susunod. Laba
AKALA ni Saskia ay tuloy-tuloy na ang magagandang nangyayari sa relasyon nila ni Weston. Ngunit hindi niya inaasahan na sa isang pangyayari, ay magbabago ang takbo at sitwasyon ng relasyon nilang mag-asawa.“Hello, Kia. Si Marie ito, ang bestfriend mo nung college!” masayang sambit nung nasa kabilang linya.Natuwa siya pagkarinig sa pangalan nito. Hinding-hindi niya ito makakalimutan dahil ito lang naman ang naging ka-close niya nung college at karamay sa lahat ng bagay.“Hi, Marie! Napatawag ka? Ang tagal na nating hindi nag-uusap at nagkikita! Nasaan ka ba ngayon?” masayang sagot naman niya rito.“Nandito ako ngayon sa Maynila, kaya kita tinawagan dahil gusto kong makipagkita sa ‘yo! Syempre, alam mo na, na-miss kita. Pagka-graduate natin ay ngayon na lang muli tayong nagka-usap, eh! So ano, payag kang magkita tayo?”“Oo naman! Papalampasin ko pa ba ang pagkakataon na ‘to? Baka kasi, kung kailan na naman tayo ulit magkita, eh. Ano nga pala ang ginagawa mo rito sa Maynila? Kumusta an
NARAMDAMAN niya ang paghila sa kanya ni Gerald, at ang paghila rin ng Mommy nito kay Katrina, kaya sila natigil sa pagsasakitan.“Ate, Glad! That woman is crazy, if only you knew!” sambit nito sabay duro sa kanya.“Alam ko, at gusto kong iparanas sa kanya ang kabayaran ng pagiging baliw niya!” wika nito sabay lapit sa kanya, at binigyan siya ng mag-asawang sampal.Nasapo niya ang dalawang pisngi dahil sa sobrang sakit. Tumingin siya kay Gerald na nagtatanong ang mga mata. Ano ba ang nangyayari? Una, alam ni Katrina ang kung anong mayroon sa kanila ni Gerald, at ang pagkagusto niya kay Weston. Pangalawa, ang init ng pagtanggap sa kanya ng Mommy ni Gerald nung nakaraan, puring-puri pa nga siya. Pero ngayon, ay halos hindi niya mailarawan ang galit na nakaukit sa mukha nito.“Ti-tita, Ba-bakit po?” pautal-utal niyang tanong habang umiiyak, dahil hindi na niya maramdaman ang kanyang mga pisngi. Pakiramdam niya ‘y namamaga na ito.“Huwag na huwag mo akong matawag-tawag na tita dahil hindi k