Share

CHAPTER 2

Mabilis na lumipas ang isang linggo at hindi na ako nag titinda ng gulay at isda sa palengke dahil binawi na ang pwestong aking tinitindahan dahil nga bininta ito Ng aking tiyahin dahil kailangan ito Ng Pera kaya wala akong magagawa dahil ipinahiram lang naman iyon sa akin .

Nanghihinayang ako dahil malaking tulong sana ito sa amin sa pang araw araw naming gastusin sa bahay pero wala akong magagawa kundi isauli ang pwestong inihiram ko .

Kasalukuyan ngayon akong nakaupo dito sa gilid ng dagat nag muni muni at nag iisip kong ano na namang raket ang kailangan kong pasukin para magka pera .

"Jhessa ! Jhessa ! "

Napabalik ako sa aking sarili ng marinig kong may tumatawag sa akin at si Cherilyn pala ito hinihingal na tumakbong papalapit sa akin .

"Bakit che ? " Agad kong tanong sa kaniya .

"Tawag ka ng iyong inay " 

Agad akong umuwi ng bahay at pagkadating ko doon nakita kng may isang lalaking kausap si inay naka white t-shirt at naka slack ito na medyo may kaedaran na ang lalaking ito .

"Nandito na pala ang aking anak " wika ni inay sa lalaki

"Bakit ho inay ? " 

"Anak ang tiyo fermen mo pala , siya ang kinu-kwento ko sa iyo na kapated kong isang driver ng isang kilalang pinakamayamang pamilya sa maynila " tugon ni inay , nabanggit na nga ito ni inay sa akin .

"Hi Po tiyo fermen , ikinagagalak kopo kayong makilala " sabay Mano ko sa kanya .

"Napakabait at napakaganda Naman nitong pamangkin ko "

"Hindi naman Po sa ganun , pero salamat Po tiyo " 

"Anak napapunta rito ang tiyo mo dahil naghahanap ng tagapag linis ng mansion ang kaniyang boss , kaya nagbaba sakali siya na baka interesado ka " ttugon ng aking Ina .

"Tama ang iyong inay pamangkin , baka interesado kang sumama sa akin lumuwas ng maynila sa susunod na araw sabihan mo lang ako " 

"iyon naman pala eh , sumama kana Jhes " sambit pa ni Cherilyn .

Napaisip ako sa sinabi ng aking tiyo fermin . Ayaw kong nakikita ako ng maraming tao at ayaw na ayaw ko talaga na sa ibang bahay magtrabaho dahil hindi ako mahilig makipag salamuha ng kahit kanino dahil nga sa napaka mahiyain ko .

"Pag iisipan ko muna tiyo " wika ko sabay sulyap sa aking Ina .

"Okay lang , walang problema . Wag Kang mag alala malaki naman ang sweldo nila roon " 

"Magkano po ? " Agad Kong Tanong .

"Wala akong idea sa maid , pero sa akin kasi nasa 30,000 kada buwan " Nagulat kami sa sinabi niya .

"Whattttttt ? 30,000 ? Driver ka lang pero 30,000 ang sweldo mo Po ? " Gulat na Sabi ni Cherilyn pati na rin kami ng inay ay nagulat din . 

"Isa kasi sa pinakamayaman ang pamilya na iyon kaya ganoon na lamang kalaki ang kanilang sinu sweldo " 

"Iyon naman pala eh , gora na besh " Ani pa ni Cherilyn .

"Basta pamangkin pag nakapag desisyon kana tawagan mo lang ako " sabay abot Ng papel na may Numero.

"Sige Po tiyo , tawagan ko lang po kayo pag nakapag desisyon na Po ako " 

"Oh sya Sige , aalis na muna ako , Ate mauna na ako " pamamaalam niya Kay inay .

"Oh Sige fermin , mag ingat ka " 

Umalis na ang akng tiyuhin , nasa kabilang baryo pa kasi ang pamilya nito .

"Kong ako sayo Jhes , sumama kana doon " ani ni Cherilyn " napakalaki ng sweldo tiyak maiahon muna ang pamilya mo sa hirap , Kong ako yon tiyak sasama talaga ako " dugtong pa nya .

"Masyado kasing malayo ang manila dito sa atin , iniisip ko lang kayo inay . Natatakot akong lumayo sa Inyo " 

"Wag mo na kaming iisipin anak , pero nasaiyo pa rin naman ang desisyon "

"Pag iisipan ko po muna inay " napabuntong hininga ako .

"Sige anak , nga pala paki bantay muna itong kapatid mo pupunta muna ako sa laot naiwan kasi ng tatay mo ang isang lambat ihahatid ko lang " Ani ni inay sabay bigay sa akin ng bunso kong kapatid na babae na dalawang taong gulang .

"Sige inay " agad ko itong kinarga .

"Uwi na din ako Jhes , mag babantay pa ako ng tiyange eh " ani ni Cherilyn .

"Sige ingat " 

"Baby ysha , kaya mo bang sootin ang stinilas mo ? " tanong ko dito at ibinaba ko siya . Paika ika itong lumakad at kinuha ang kaniyang stinilas sa may bandang pintuan . Tumingin siya sa akin at ngumiti ng bahagya. 

"O.. opo ate " nginitian ko siya at hinayaan siyang mag soot .

Nang maayos na niya ay inilahad ko ang aking kamay sa kaniya .

"Tara laro tayo sa labas " tumango ito at nagsimula na kaming mag lakad pa labas hawak ang kamay nito .

Nasa labas kasi ang iba ko pang mga kapatid na naglalaro kasama ang iba pang mga kabataan kaya dadalhin ko rin siya roon . Maganda na makipag socialize siya sa ibang mga bata ng sa ganun hindi siya maging introvert. 

Maya maya lang ay binitawan kona ang kamay nuya at hinayaan siyang mag laro . Maigi ko lang siyang sinusundan ng tingin dahil baka madapa ito o ano pa man .

Pagkatapos ng mga sandaling iyon , Maya maya lang ay umuwi na kami ng bahay dahil nandito na Sina itay at inay galing laot at nakita kong pareho silang matamlay habang nakaupo ito sa mesa at alam kona agad ang ibig sabihin nito kunti lang Ang huling isda nito .

"Pano ba iyan Diego , hindi tayo maka benta ng isda bukas sapat lang ito sa pang ulam natin Kaya waala tayong pabaon bukas sa mga anak natin " Ani Ng inay .

"Pano ba kasi ang lakas ng alon sa dagat , parang uulan siguro " sagot Ng itay .

"Wag kayong mag alala nay ' Tay . Bukas na bukas Pupuntahan ko si Cherilyn baka may extra siyang Pera " 

"Wag na anak , nakakahiya na sa kaibigan mo madami ka nang utang sa kaniya " Ani Ng itay

"Okay lang iyon , babayaran ko naman pag maka pera ako at staka mabait naman si Cherilyn eh "

"Ikaw ang bahala anak "

Maya maya lang ay niluto kona ang isda nadala ng itay at sinaing ko na rin ang isang kilong bigas na natira sa aming bigasan .

Sabay kaming kumain lahat , pinagmasdan ko ang aking mga kapatid na maganang kumakain makita ko lang na masaya at walang may sakit sa kanila ay napakasaya na Ng puso ko .

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status