Share

CHAPTER 4

"Girls , tahimik magsisimula na Ang audition " malakas na sigaw Ng Isang bakla habang pumalakpak ito .

Agad Naman kaming tumahimik lahat at nagsimula Na kaming pumila ayon sa mga Numero Namin . Nasa bandang gitna ako Ng pila dahil nasa number 20 ako .

Bawat isa ay nag pose at nag pakilala sa limang judges na kaharap namin . Kong sino ang pumasa sa audition na ito tiyak makakasama sa pageant kaya kailangan kong pagbutihan kahit nanginginig na ang aking mga tuhod dahil sa hiya at nerbyos .

"Next , number twenty " Sabi Ng Isang judges .

Kita ko ang pag palakpak ni Cherilyn at ang baklang si jaygirl na nag ayos sa akin sayang Wala Ang inay at itay Dito dahil nasa laot Ang mga ito .

Ngumiti ako ng matamis bago ako nagsimulang magpakilala "Hi , ako nga pala si Jhessa Delos Reyes , 25 years old representing bagong sikat agoncillo na naniwala sa kasabihang WALANG BAGAY NA MAHIRAP SA TAONG MAY PANGARAP . WALANG BAGAY NA IMPOSSIBLE SA TAONG MAY PAGPUPURSEIGE and I thankyou ! " Sabay bow ko sa mga taong nakangiti habang pinapanuod ako .

"Ang galing mo doon sa part ng kasabihan mo girl huh " pumalakpak na sabi ni jaygirl sa harap ko .

"Hindi ka lang pala maganda , may utak ka din pala Jhes " pangiting Sabi ni Cherilyn . hay naku ito talagang kaibigan ko , may utak naman talaga tayong lahat .

Actually kanina nang nagpakilala na ako sobrang lakas talaga ng kabog ng puso ko na tila parang ma tutunaw ako sa hiya , pero dahil iniisip ko ang premyo nito nag lakas loob ako na pigilan ang kaba ko at piliting mag taaS noo sa harap ng mga hurado .

"Guys , break muna kayo after an hour tatawagin na namin ang resulta ng screening ninyo " nang marinig namin iyon nag sitayuan kaming mga kandidata .

"Diyan kana kami na ni jaygirl ang bibili ng pagkain " Ani ni Cherilyn .

"Sasama ako " 

"Wag na nga mapawisan ka lang at mabubura yang make up mo " 

dahil ayaw talaga akong pasamahin ni Cherilyn kaya naiwan akong mag isa dito sa upoan .

Ilang sandali pa ang lumipas ng may biglang tumabi sa akin ng upo at pag lingon ko ay si Resty pala ito ang sobrang crush ko dati noong highschool pa ako .

"Parang hindi kita makilala sa sobrang ganda mo Jhes " wika niya .

"Garabi ka naman , pero salamat " pangiti kong tugon sa kanya dati makita ko lang ito sobrang kilig na kilig na ako pero ngayon na nakausap at nakaharap kuna ay tila parang normal lang sa akin .

Totoo nga ang sabi nila na ang crush mo sa isang tao ay hindi nag tatagal nawawala rin .

"Hindi ko akalain na sumasali ka pala sa mga pageant "

"Actually , sinubukan ko lang naman"

"Hindi masamang pagsubok to dahil ang galing mo "

"Maraming salamat Resty "

Pagkatapos ng ilang mga sandaling pag uusap namin ni Resty ay nag paalam na itong umalis at maya maya lang ay nandiyan na si jaygirl at Cherilyn na may dalang pagkain at inumin .

Nang matapos na kaming kumain ay tinawag na kami ng host na pumila ulit para tatawagain kong sino ang mga pasok sa audition .

Marami na ang tinawag na pasok sa audition ngunit hindi parin tinawag ang number ko pero hindi parin ako nawalan ng pag asa . Marahil kong pinikit ang aking mata at nag dasal .

"Number twenty " tawag sa akin ng host , at agad akong pumagitna .

"Number twenty you're in , congratualations " 

"Contestant number twenty , pumila kana dito kasama nila " Sabi ng host .

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng malaman kong napili ako sa audition parang maluha ako sa sobrang saya ng aking nararamdaman .

Paghandaan ko naman ang susunod na hakbang dahil totoo na ang laban , alam kong hindi magpapatalo ang mga kandidata na napasok rin sa audition kagaya ko .

Tulad ko ay pare pareho kaming lahat na nag hahangad na masungkit ang korona lalo't lalo na ang premyo nitong 25,000 .

Para sa akin malaking tulong na ito sa aking pamilya kong sa pagkakataon na manalo ako at masungkit ko ang korona na aking ina asam. kaya kahit nangangatog ang dalawang tuhod ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko ay taas noo ko paring nilakad papuntang pila ng mga kandidatang napili na sasalang sa grand finals.

"Girls , paghandaan niyo ang susunod na laban . Kailangan nating gandahan ang presentation natin ngayong taon" Sabi ng isang host.

"Yes po" sagot naming lahat

Lahat kami ay nakatayong nakinig sa mga sinasabi nito kahit na nangangalay na ang aking mga paa sa kakatayo dahil sa high heels na pinagamit sa akin ni Jaygirl .

Para sa premyo at pera ay tiniis ko ang pangangalay ng aking mga tuhod . Kailangan kong tiisin at lakasan ang aking loob para makuha ko ang 25,000 . Kong sakaling makukuha ko ito laking tulong ito para sa pangangailangan namin sa pang araw araw na bilihin lalo't na't hindi na ako nag titinda sa palengke ngayon . 

Malaking halaga din ang premyo kaya doon naka tutok ang intensyon ko kaya pilit kong nilalabanan ang hiya ng humarap sa mga tao .

Laking tuwa nina Cherilyn at Jaygirl sa results ng audition ko . Hindi nila akalain na sa first time kong mag audition ay napili agad ako .

Kahit nakakapagod ang maghapong pila sa audition ay magaan naman ang pakiramdam ko ng makauwi ako ng bahay dahil may dala akong magandang balita sa kanila nina itay at inay na labis na ikinatuwa nila .

Isang linggo ang ginugol namin nina Cherilyn at Jaygirl sa pag iinsayo nila sa akin kong paano maglakad ng maayos gamit ang may malaking takong na sandal. Ilang beses ding napaltos ang balat sa paa ko at gumiwang hanggang sa matumba pero tuloy parin ang pag eensayo ko . Walang araw na hindi ako nagtatakong kahit nasa labas lang ng bahay para lang sanayin ang aking mga paa sa high heels na sandal .

Kitang kita ko din ang pagpupursige nina Cherilyn at Jaygirl sa pag iinsayo sa akin at talagang seryoso ang kanilang paghahanda para sa darating  na contest , kaya sisikapin kong masungkit ang korona para hindi sila mabigo sa akin lalo na ang mga pamilya ko na excited manood .

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status