Share

CHAPTER 1

"JHESSA's POV "

*LALAWIGAN NG BATANGAS*

"Uy Jhessa ! Sayang naman ang ganda mo kong mag titinda ka lang nang gulay diyan , bakit hindi ka kaya lumuwas ng maynila at sumalang sa mga beauty pageant ? " Sulsol ng kaibigan kong si Cherilyn .

Ang matalik kong kaibigan simula ng elementary pa lang kami hanggang nakapag tapos kami ng highschool , hindi lang kasi kami ang mag kaibigan pati narin ang aming mga magulang .

Siya ang palagi kong inuutungan sa tuwing ginigipit ako sa eskwela at siya narin ang naging sandalan ko sa tuwing ako ay may problema at ako naman ang sumbungan nya kapag binubully ito ng aming mga kaklasi at ako lagi Ang taga rescue nya sa tuwing sinusumpong siya ng kanyang hika .

Late na akong nag simulang nakapag- aral dahil katulong ako palagi ng aking mga magulang na sumusuporta sa pamilya , Panganay kasi ako sa Lima naming magkakapatid at may pagkakataon na minsan wala na kaming makain dahi sa subrang hirap ng buhay kaya kinakailangan kong tumigil muna ng pag aaral para mag hanap buhay para makatulong sa pamilya .

Ngayon 25 anyos na ako at nakapag tapos na ako ng higschool . Hindi na ako nag college dahil alam kong hindi iyon makakaya ng inay at itay .

Masaya ako na kahit ang hirap ng buhay ay nakapagtapos ako ng highschool . Gustuhin ko man sanang mag aral ng  college at dahil malaki ang kailangang pera so ayon hindi ako nakapag college .

"Wuy Jhessa ! Sinabi ko lang Naman na sasali ka sa mga beauty pageant natulala kana agad diyan , ahmmmm .. pwedi ka din namang sumali sa mga beauty pageant dito sa ating baranggay Jhes , sigurado mag kakapera ka dun pag nanalo ka . I'm sure mananalo ka kasi ikaw ang pinakamaganda dito sa baranggay natin "panunulsol pa nito sa akin habang pinanlakihan pa ako ng mga mata nito .

"Hindi ganon kadali 'yon Cherilyn . Alam mo namang mahiyain ako , mapapahiya lang ako kaya tigilan mo ako diyan ! "

Tinalikuran ko ito saglit at hinarap ko Ang Isang babaeng bibili ng gulay sa harapan ko . Mabuti pa ito Ang harapin ko tiyak na magkakapera ako nito pag naubos itong mga paninda ko .

"Naku naman kasi Jhessa , bakit kasi kaliwa yang mga paa mo ? Kong sana mabilis ka lang matutong sumayaw , tiyak sikat kana dito sa ating baranggay " wika pa niya na sinabayan pa ng pag cross Ng kaniyang mga kamay .

Loko talaga itong kaibigan ko ! Kong Hindi ko lang talaga to kaibigan sambunutan Kona ito eh .

"Tigilan mo nga ako Cherilyn ! Bakit ba pinipilit mo ako ? ikaw jaya sumali sa beauty contest diyan maganda ka Naman "

"Ayoko , Wala akong tiwala sa sarili ko eh "

"Kitam ! Pareho lang tayo "

"ikaw nalang , bagay na bagay sa iyo ang sumali sa pageant dahil bukod sa maganda ka napaka sexy pa ng iyong katawan"

"Iwan ko sa iyo che " tinalikuran ko siya at nag focus na ako sa pagtitinda .

Ilang Oras ang lumipas at mag a-alas singko na ng hapon nag pasya na akong umuwi ng bahay at dahil naubos na rin ang aking mga paninda .

Pagkadating ko sa bahay naabutan ko agad ang magulo kong mga kapatid at katulad ng dati hindi ko naman naabutan ang aking itay dahil nasa laot na ito nangingisda para itinda at para may pang ulam na rin kami .

"Mano Po 'nay" bati ko sa aking inay na nadatnan kong nagluluto sa kusina .

"Nandito kana pala anak , kamusta Ang pagtitinda sa palengke ? " Tanong nito.

" Okay Naman po inay , kahit paano ay kumita ako ng limang daan ' wika ko sabay salin ng isang basong tubig galing sa pitsel .

"Maraming salamat anak . May pambili Na tayo ng bigas at pangbaon ng mga kapatid mo bukas , sabi kasi ng tatay mo kunti lang ang huling isda ngayon dahil malakas ang alon sa dagat at hirap sila sa lambat " 

Alam ko ang sinabi ng inay dahil ganoon rin ang sabi ng ama ni Cherilyn na nakasalubong ko kanina sa daan na Isang mangingisda din. Kong may stable na trabaho lang sana ako ay hndi kuna sana papuntahin pa sa laot ang aking itay para makapagpahinga na ito sa bahay dahil may edad na rin ito .

kahit pagod ako ngayong araw pero nanatili akong Masaya lalot naisip ko na may pambaon na bukas ang mga kapated ko at may pang gatas na rin ang aking bunsong kapatid .

Maya Maya lang ay nagpasya na akong maligo dahil na aamoy kuna ang aking sarili dahil sa pawis at sa mga sari saring gulay na kaharap ko kanina sa palengke .

Mahirap talaga ang buhay dito sa probinsya umaasa lang kami sa dagat at sa mga pananim na gulay . Daanan din kasi ang batanggas ng bagyo at malimit iyon , nakakaranas din kami minsan ng matinding bagyo na umaabot sa punto na gumuguho na ang mga lupa at nawasak ang ibang mga pamamahay , sa totoo lang pangalawang bahay na namin ito dahil winasak  rin ng napakalakas na bagyo noon .

Sabay kaming kumain lahat at tanging ang itay lang ang wala dahil nasa laot ito at nasanay narin kami .

Iwan ko ba kahit ang hirap ng panahon ngayon pero marami pang mga tao ang mukhang nakipagpaligsahan sa paramihan ng mga anak katulad nitong magulang ko na parang nakipag paligsahang gumawa ng mga anak dito sa mga kapit bahay namin .

"Jhessa , kumain ka ng mabuti ng may lakas ka para bukas lalo na't maaga na nqman ang gising mo para mag tinda sa palengke ng mga gulay at isda " Sabi Ng inay sabay abot Ng paksiw na tulingan .

"Salamat nay " tugon ko Saka ngumiti

Pinagmasdan ko ang aking mga kapated na masayang nag sasaluhang kumakain . Makita ko lang Sila na may kinakain araw araw ay sapat na sa akin .

Pagkatapos na naming kumain agad kaming dumeritso sa aming silid kwarto . Kwarto na pinaghalong kahoy at kawayan dahil hindi naman gaano kalaki Ang aming bahay dahil sapat narin naman sa amin ang may matitirhan kaming magpamilya .

Agad akong nag lapag nang banig at nagpahinga habang nag iisip ng mga bagay bagay na ikaka ahon namin sa kahirapan .

Pagkatapos Kong manalangin , marahil Kong pinikit Ang aking mga Mata at agad nang natulog .

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status