Share

CHAPTER 3

"Anak may bisita ka sa labas " Tawag Ng inay habang nag liligpit ako ng higaan sa silid ng kwarto.

"Sandali lang po inay "

Paglabas ko ng kwarto nagulat ako ng bumungad sa akin si Cherilyn at nagtaka ako dahil may kasama itong isang bakla .

"ito na pala ang napakaganda Kong kaibigan girl " Ani niya sa bakla niyang kasama .

"Jhes, meet my friend jaygirl nag hahanap sya nang ere-representang beauty queen para sa pageant  sa darating na fiesta dito sa baranggay natin , kaya ikaw agad naisipan ko "

"Hi , ang ganda mo naman ineng may posibilidad na mananalo ka kapag sasali ka " Ani ng bakla .

" wait lang po huh , may sasabihin lang po ako sa kaniya " Ani ko dito at hinila ko si Cherilyn palayo " ano ka ba che alam mo

namang wala akong balak sumali sa mga ganyang contest mapapahiya lang ako "

"Sige na kasi , nakakahiya naman diyan sa kasama ko , wag mo na kasi tanggihan wala naman mawawala kong mag try ka "

"Ikaw talaga che " napakamot ako ng ulo

"Sige na kasi , papahiramin kita agad ng 500 kong papayag ka " wika pa nito na ikinalaki ng mata ko , kailangan ko kasi ngayon ng pera dahil wala na kaming panghaponang bigas mamaya .

"Talaga lang hah , Sige na sasali na ako "

"Kitam ! Bilis mo talaga pag pera e nuh ? "

Agad kaming bumalik sa kinaroroonan ng baklang si Jaygirl daw.

"So ano na ? Sasali ka ba ? " Tanong agad N

Ng jaygirl

"Si ... Sige Po "

"Good ! Babalikan Kita dito sa susunod na araw para sa ating pag papractice"

**Fast forward**

Habang kumakain , nabuo ang pasya sa isip ko . Pagbubutihan ko para sa darating na pageant sa fiesta ng barangay . Kailangan kong manalo , Kaya kailangan Kong mag focus sa pag pa-practice para manalo ako .

"Jhessa , handa kana ba ? " Matinis na boses ni cherelyn Ang bumungad sa akin " besh ! Ano ba naman yang soot mo pupunta tayo sa audition ng pageant hindi sa palengke para mag tinda ng gulay at isda " Sabi nito na pinandilatan ako ng mga nata ng makita ang ayos ko .

Naka maong na tattered jeans ako at pinaresan ko ng white t-shirt at naka ponytail ang mahaba kong buhok .

"Besh !  kulang nalang mag soot ka ng I'd para mag mukha kang estudyante na mag pe-P.E" Ang bruha talaga nitong kaibigan siya may balak nito tapos sya din una lalait sa akin.

"Hoy Cherilyn ! Hindi mo kasi Ako sinabihan kong ano ang isu-isuot ko . Nag suot lang naman ako ng pormal " nakasimangot kong sabi .

"Mag palit ka nga ! palitan mo yang soot mo na nag mukha kang estudyante . Maya Maya nandito na si jaygirl . Wag mo naman ako ipahiya" nakairap pa na Sabi nito.

Kong hindi ko lang talaga best friend nng bruha na to siguradong sinipa kona ito palabas ng bahay .

"Audition at screening ang Pupuntahan natin dapat maganda at sexy ka " sabay pose sa harap ko " dapat ay may wow factor at pak !"

Hay naku ang dami talagang arte ng bruhang ito kong siya nalang kaya ang sumalang .. hays .

"Ready na ba kayo ? " Sambit ni jaygirl . Nandito na pala siya .

" Hindi pa nakabihis itong beauty queen natin " sambit agad ni Cherilyn.

"Wala Naman kasi akong ibang isusuot na mas maayos pa dito sa suot ko "

"Akong bahala diyan girl ! Hindi pweding lalaban tayo ng walang mga k*****a" tugon pa ni jaygirl sabay labas ng Kaniyang malaking bag nadala .

"Ano ang mga yan ?" Tanong ko

"Ano pa nga ba ? Shempre mga damit at mga pampaganda para marami ang ma mangha sayo tiyak na mananalo ka "

Wala akong nagawa kundi sundin ang dalawang to sa mga plano nila sa akin .

Matapos ang kong ano anong mga kolorete ang inilagay sa aking mukha na tila bang parang nangangapal na ang mukha ko sa dami ng ibat ibang inilagay Dito .

"Finally , were done " nakangiting Sabi nito habang pinasadahan ang mukha ko .

"Ohh my gosh ! It's that you Jhes ? " Tugon naman ni Cherilyn na nanlaki pa ang mga Mata nito .

"Ohhh diba ? Hindi pa iyan naka bihis huh . Paano na lang kaya kong nakabihis na yan " Ani ni jaygirl habang naka cross pa ang kamay nito na tila proud na proud sa ginawa nya sa mukha ko "oh sya , Sige na mag bihis kana at baka mahuli pa tayo " dugtong nya sabay abot Ng Isang bag na may lamang damit .

Agad akong pumasok sa aking silid at nag bihis , sinuot ko ang dala nitong fitted pink Tube na dress na tila lumantad Ang kaputian ng aking balat sa dress na ito at halos mangapos Ang hininga ko dahil sa subrang fitted nito .

Parang na mula ang mukha ng makita ko ang aking dibdib na tila kitang kita ang aking cleavage sa damit na ito .

"Laban lang para sa pangarap " Paalala ko sa sarili.

Maya Maya lang ay bumuntong hininga ako at agad lumabas ng silid .

"Pak ! Ang ganda ng kaibigan ko " Sabi ni Cherilyn na halatang na mangha sa ganda ko .

"Shempre , mana lang yan sa nag make up"sambit pa ni jaygirl na tila halatang proud sa kinalabasan ng pag make up Sa aking mukha "oh ito soutin mo " inabot nito sa akin ang Isang kulay de gatas na sandals . Napakataas nito Kaya nadagdagan Ang aking pagka tangkad .

Pagkatapos ko itong suotin , Lumabas na kami ng bahay at tumungo sa city hall kong San gaganapin ang audition .

"Dapat confident ka huh , wag Mong kalimutang ngumiti " Ani ni jaygirl

"Katulad nitong ngiti ko" sabay pakita ng kaniyang ngiti " ohh Diba , parang commercial lang nang close up.

Hay naku! Marami talagang nalalamang kabaliwan itong kaibigan ko .

Maraming naka posturang mga ka baranggay ko Ang nadatnan Namin sa city hall Kong Saan gaganapin ang screening ng mga kandidata .

"My gosh Jhessa ! Ikaw yan ? Parang hindi kita makilala huh" Sabi pa ng isang kaklasi ko dati nung highschool na si Ella . nginitian ko lang ito .

"Sasali ka ba sa pageant ? " Tanong niya na parang hindi makapaniwala . Isa kasi siya sa mga kaklasi ko na mahilig mang bully sa akin dati pero kinalimutan kona iyon ilang taon din naman ang nakalipas .

"Oo , susubukan ko " Sabi ko sabay tipid na ngumiti .

"Good luck sayo Jhessa . Pagbutihin mo dahil mukhang mahigpit ang labanan ngayong taon marami na kasing mga bagohan ang sumali ngayong pageant " Sabi nya habang nilibot ang kaniyang tingin .

Tama nga siya napansin ko nga na ang daming mga kandidata ngayon at puro lahat may mga potential . Pero hinayaan ko iyo mas nilakasan kopa ang lakas ng aking loob dahil sa inaasam kong premyo. Malaking tulong iyon sa aking pamilya kong sakaling mananalo ako .

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status