Share

CHAPTER 4: Tarlac Province with Him?!

It's been almost 2 weeks mula ng makabalik kami from New York, sobrang busy mula non dahil sa daming napag-usapan sa business meeting. Tapos pag-balik dito ay puro din meetings dahil syempre to deliver what happened during the meeting in New York. So far, so good naman dahil all we need to do is to arrange the things the casino-resort should arrange. Things shall be smooth and well-organized dahil syempre to increase the sales and to maintain the trust of investors and stakeholders. 

“Hello, Good afternoon! Is this Amorsolo De Jesus?” tanong ko mula sa telepono habang nakaharap sa aking computer kung saan naka-flash ang email na pinarating ko.

“Yes, speaking.”

“Okay. This is Damara Vertudez of Carter Casino-Resort, let me just remind you about the email I sent three days ago containing your scheduled appointment with Mr. Carter later at 7:00 pm in line with sponsorship. Were you able to read the email, Mr. De Jesus?” 

“Oh, yeah! I’m sorry for not replying to the email. By the way, that is noted. I will be attending the appointment on the schedule later. Thank you for notifying me.” 

Matapos niyon ay ibinaba ko na ang linya at nagsulat sa memo ko na confirm ang appointment mamaya unless magkaroon ng urgent meeting si Mr. De Jesus. ‘Yung sponsorship kasi na iyon ay malaking halaga para sa business ni Mr. De Jesus which is esports, he holds a lot of players and teams sa iba’t ibang laro katulad ng Dota, League of Legends, Mobile Legends at iba pa. Malaking halaga ang in-offer ni Sir Bry dahil malaki ang industriya ng esports. Syempre normal being of a businessman ay ang magpalakas sa masa to gain more profit. Malaki na kasi ang esports lalo na dito sa southeast asia kaya hindi pwedeng maliit na halaga ang offer ni Sir Bry lalo na’t kilala ang Carters. 

Dumaan ang mga oras na puro lang ako arrange ng papers at appointments hanggang sa pumatak ang oras bago ang appointment ni Sir Bry with Mr. De Jesus kaya naman agad na akong kumilos nagtungo sa office niya. Bago pumasok ay kumatok muna ako at doon nadatnan ko itong nakahilata sa sariling upuan, nakataas pa ang dalawa nitong paa sa mesa habang nakatingala at nakapikit. Ganito ba kapag bilyonaryo? Pahila-hilata na lang? Charot!

Ang gwapo naman nito mapagod. Ang unfair, samantala ako heto at sobrang haggard. 

“Cancel the appointment with Mr. De Jesus and reschedule it tomorrow at 5:00 PM.”

“Huh?!” laglag ang panga na sambit ko at napamulat ito dahil sa lakas ng boses ko. “Y-You cannot just drop the appointment, Sir. Settled na po siya and Mr. De Jesus is also on his way now.” 

“I’m not dropping it, I said reschedule it by tomorrow. Are you deaf?” seryosong sambit nito ng maka-upo nang maayos at diretso akong tinitigan. 

“Eh kasi po, Sir… abala po ito kay Mr. De Jesus–”

“Go, meet him then. You know what to do. I’m f*cking tired,” tila nairitang aniya at muling humilata sa kanyang upuan.

Kung pwede ko lang ibato ‘tong hawak kong memo eh. Nakakainis! Napa-irap ako sa inis bago nagpaalam. I took my laptop in the office at nag-message kay Mr. De Jesus na hihintayin ko na lang ito sa cafeteria ng Carters. 

“Good evening, Mr. De Jesus. I’m Damara Vertudez, secretary of Mr. Brion Carter. He told me to meet you here.”

“Where’s Mr. Carter?” tanong niya habang lilinga-linga sa paligid.

 Tila hindi maganda ang timpla ng isang ‘to.

“A-Ah… As of the moment, busy pa po si Mr. Carter so he asked me to meet you instead–”

“How am I able to discuss everything without your boss?” 

Napalunok ako sa sinabi nito at tinignan pa talaga ako ng diretso na akala mo ay isa lang akong sekretarya na utusan lang.

“We will discuss everything, Mr. De Jesus and I will discuss everything with Mr. Carter as well. So, shall we proceed?” Binuksan ko ang aking laptop ngunit tila nauubusan na ito ng pasensya sa akin.

“I need your boss. Siya ang pinunta ko rito. I get it, you are the secretary–but in times like this I need to talk to your boss instead so we could further discuss everything–”

“Wala ka bang tiwala sa secretary ko?” 

Napa-tigil kami pareho ni Mr. De Jesus sa boses na ‘yon. Hindi ko man lang siya napansin agad!

“No, Mr. Carter. What I’m saying is… this is an important matter to discuss, that's why I need you here instead.”

“My secretary can do everything, Mr. De Jesus,” seryosong sambit nito habang diretsong nakatingin sa kanya. 

Hindi agad nakasagot si Mr. De Jesus at napatingin sa akin na para bang humihingi ng tulong pakalmahan si Sir Bry. Actually, hindi ko rin po alam ang gagawin ko.

“A-Ahm, since nandito na si Mr. Carter. We can now proceed with the meeting. Thank you for waiting, Mr. De Jesus. We apologize for the inconvenience.” Tumingala ako kay Sir Bry na kunot ang noo na nakatingin sa akin na para bang tinatanong kung anong pinagsasabi ko rito. Imbis magtitigan kaming dalawa ay marahan kong hinila ang braso niya para umupo sa tabi ko sabay ngiti ko kay Mr. De Jesus. 

Inaayos ko na ang dapat i-discuss kaya naman iniharap ko kay Sir Bry ang laptop ko, kunot pa rin ang noo nito pero wala ring nagawa. Bandang huli ay nag-proceed din kami sa meeting at maayos naman itong natapos. 

“Thank you so much, Mr. Carter and Ms. Vertudez. I’ll go ahead.”

“Thank you so much, Mr. De Jesus. Keep safe on your way home!” nakangiting sambit ko at hinintay itong makalabas ng main building bago ko binagsak ang aking mga balikat dahil sa pagod. 

Mabigat na paghinga ang nagawa ko dahil sa sobrang pagod ngayong araw.

“I’m so f*cking tired,” sambit ni Sir Bry sa tabi ko habang hawak ang kanyang batok marahil ay dahil sa ngalay kaka-trabaho. 

“Ahm, pasensya na po Sir Bry sa abala kanina. Dapat po ay hindi na kayo pumunta pa kanina.” Nakayuko na usal ko.

“You are just being professional, that’s it. Pumunta ako dahil naisip kong may ibang meeting ako bukas ng alas-singko, since nandito na rin naman siya katulad ng sinabi mo ay pumunta na lang ako. Nakakahiya naman sa secretary ko ‘di ba?” 

Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya, sarcasm ba ‘yon?

“That’s all for today, you may go now. Thank you for your assistance,” sambit nito at nagulat ako nang mahina nitong tinapik ang balikat ko bago siya umakyat. 

Well, at least alam kong hindi na mainit pa ang ulo niya. 

Kinabukasan ay nauna akong nakarating sa company kaya naman inayos ko na agad ang mga dapat ibigay kay Sir Bry. Kagabi kasi ay nagpahinga na ako agad at hindi na nag-trabaho pa nang makauwi ako.

Galing ako sa finance department para i-abot ang ilang mga dokumento, habang naglalakad papuntang elevator ay biglang tumawag si Sir Bry.

“Yes, Sir?” sagot ko ‘tsaka tumango sa nakasabay ko sa elevator bilang pagbati.

“Come to my office,” simpleng sabi niya at ibinaba ang linya. Syempre dumiretso ako sa office niya.

“Ano po ‘yon, Sir?” nakangiti na tanong ko habang papalapit sa table niya. 

Ibinaba nito ang binabasa na papel at doon bumungad sa akin ang Brion na naka-eyeglasses. Ang gwapo lalo, in fairness ah bumagay sa kanya nagmukha siyang anghel. 

“Get me some coffee. Iced coffee. You know what my favorite is. That’s all, I’ll be waiting.” 

“Anak ng…,” mahinang bulong ko sa sinabi niya.

“What? Go now, tatayo ka lang ba riyan?” aniya at sumilip habang nagbabasa. 

Mabigat na buntong hininga ang ginawa ko ‘tsaka dali-daling lumabas ng opisina niya. Gusto kong sumigaw sa sobrang inis! 

“Hindi na lang kasi sinabi sa call kanina eh. Kakagaling ko lang sa baba, ngayon bababa na naman ako. Argh!” inis na sambit ko habang padabog na pumasok sa elevator. 

“Ayos lang po kayo, Ms. Damara?”

“Hindi!” inis na sagot ko na ikina-gulat ng isang employee na kasama ko dito sa loob ng elevator. “A-Ah, p-pasensya na. Frustrated lang ako sa amo natin.S-Sige, mauna na ako, bye!” malumanay na sambit ko at lumabas ng elevator at muling nag-buntong hininga.

“Isang iced americano, please.” I ordered. Ilang sandali lang ay dumating na rin ang order ko kaya bumalik na rin ako agad sa office ni Sir Bry.

“Here’s your coffee, Sir.” Nilapag ko ang kape sa table niya na agad niya namang kinuha. “Anything else, Sir?” malumanay na sambit ko.

“Wala na, you may go.” Humilata na muli ito at nagbasa ng mga dokumento.

Napakagat ako sa aking labi at napa-irap sa hangin bago tumalikod.

“Wala man lang ‘thank you’.”

“Ano ‘yon?” Nagitla ako nang magsalita ito at alam kong nakatingin siya ngayon sa direksyon ko.

“Wala po, Sir. You’re welcome po.” Humarap akong muli sa kanya at tumango ako ‘tsaka siya nginitian bago naglakad palapit sa pintuan. 

“Thank you for bringing me coffee, Damara.” 

Napatigil ako sa pagpihit ng doorknob sa sinabi niya. Dahil sa sinabi niya ay napangiti ako. Marunong naman pala magpasalamat eh pinapainit pa ang ulo ko eh.

Nang makabalik sa office ko ay inayos ko muna ang mga papers na ibibigay ko per department. I sort it out per floor para minsanan ang pagbibigay ko. Matapos kong mai-ayos ang lahat ay agad na akong kumilos. It took me for almost 30 minutes just delivering the documents dahil syempre nakipag-kwentuhan pa ako sa mga employee. Oh ‘di ba, kailangan talaga naisisingit mo ang pag-chi-chismis kahit nasa kalagitnaan ka ng trabaho. Hindi ka tunay na workholic kapag hindi ka nakikipag-chismisan sa work. Charot! 

After delivering all the documents, pabagsak akong umupo sa aking upuan at itinaas ang paa sa table. Sakto namang tumawag si Mama. 

“Hello, Ma? Kumusta po? Napa-tawag kayo?” usal ko bago kinuha ang tumbler ko at uminom.

“Pasensya na sa abala, ‘nak. Eh kasi problemadong-problemado talaga kami noong isang araw pa. Binagyo kasi ang palayan natin. Buong ektarya nadamay. Hindi namin alam anong gagawin dahil sa wala pang ani maging sa manggahan at tubohan natin.” Napa-upo ako nang maayos dahil sa sinabing ‘yon ni Mama. 

“Ano ho? Bakit ho ngayon lang kayo nagsabi sa akin, Ma? Pa? Kumusta po kayo r’yan? Ayos lang ho ba kayo r’yan sa bahay? Wala naman ho bang pinsala?” nag-aalalang sambit ko.

“Oo, ‘nak. Ayos lang kami dito sa bahay. Ang problema lang talaga namin ay ang palayan natin, maging ang babuyan at manukan ay nadamay pero hindi naman sobrang lala ng pinsala hindi katulad sa palayan natin,” sambit naman ni Papa sa mahinahon na boses ngunit bakas ang pag-aalala. “Eh namomroblema kami ngayon sa lahat ng gastusin, maging sa sahod ng mga magsasaka natin. Napinsala rin sila ng bagyo kaya kailangan nila ang pera.”

Napa-kagat ako sa aking labi dahil sa mga narinig ko.

“Ganun ho ba, e-eh titingnan ko ho kung anong maitutulong ko. Gagawan ho natin ‘yan ng paraan. Ang mahalaga muna ngayon ay safe kayo. Nakalabas na ho ba ang bagyo? Pasensya na ho at sobrang busy lang talaga namin nang makabalik dito sa Pinas.” 

Napa-masahe ako sa aking sintido dahil bigla itong sumakit. Ni-hindi ko man lang nabalitaan man lang na may bagyo palang tumama sa probinsya, hays.

“Ganito na lang ho, Ma, Pa. Magpapaalam po ako sa amo ko na uuwi r’yan sa Tarlac kahit tatlong araw lang ho at asikasuhin po namin ang problema.”

“S-Sigurado ka ba, ‘nak? E-Eh baka naman ma-yari ka sa boss mo n’yan?” 

“Hindi ho, Ma. Kahit papaano naman ay maluwag na ang schedule namin ngayon.” 

“Sige, ‘nak. Maraming salamat,” malumanay na sambit ni Mama.

“Sige na ho, mag-iingat po kayo riyan. Baka po anytime this week ay pupunta na po ako riyan,” usal ko bago nag-end ang call.

Mabigat na buntong hininga ang nagawa ko dahil sa balitang nakalap ko ngayon. Sa sobrang busy ko sa trabaho ay nakalimutan ko man lang kamustahin ang pamilya ko. Humilata muna ako saglit sa upuan ko para i-process ang mga nangyari at sinabi nila Mama bago ako tumayo at nagtungo sa office ni Sir Bry. Sigurado naman akong wala na ito masyadong ginagawa ng mga oras na ito. 

“Yes? I didn’t call you, what are you doing here?” tanong niya habang nananatili ang kanyang atensyon sa binabasa at sinusulatan na dokumento sa lamesa. 

Shocks, nakalimutan ko siyang i-inform! Sa sobrang stress at balisa ay ‘yon pa ang nakalimutan kong gawin. 

“A-Ah… Sir, I know this is so urgent p-pero. Pwede po ba ako mag-request for a 3 days leave?” Napa-lunok ako ng sabihin ko ‘yon. I pursed my lips as I saw him stop writing. 

“What?” tila iritang tanong niya at tiningnan ako habang salubong ang kanyang kilay.

“A-Ahm… kasi nasalanta po ng bagyo ang probinsya namin, Sir. Apektado po ang palayan ng magulang ko maging ang ibang negosyo nila. Gusto ko po sana magpaalam for a 3 days leave, Sir. I-Is that possible?” 

“No.” Yumuko ito at bumalik sa kanyang ginagawa. 

“Sir, please po. Mag-o-overtime na lang po ako kahit isang linggong over time po once ma-settle na po ang bukid namin–”

“I said ‘No’, Ms. Vertudez. Is that hard to understand?” seryosong tanong niya nang muli akong tinitigan na para bang sinasabi na hindi naman mahirap intindihin ang kanyang sinabi. 

Napa-yuko ako dahil doon ‘tsaka walang ganang aalis na sana nang magsalita muli ito.

“Wait… where are you going?” 

Hinarap ko itong muli ‘tsaka sumagot.

“Babalik na po sa office–”

“What I mean is… what province are you going to?” 

“T-Tarlac po” 

“I’m coming with you then. Let’s have 3 days leave.” 

“P-Po?” gulat at nanlalaki ang mata na tanong ko.

“For how many times, Damara… Are you deaf? I said I’m coming with you.” 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status