Share

CHAPTER 5: He met my family

Nasa labas na ako ng condominium dala ang mga gamit ko. Sasakyan ni Sir Bry ang gagamitin at ang sabi niya ay hintayin ko na lamang ito rito sa labas para sunduin ako. Ang sabi ko ay mag-commute na lamang kami at sumakay ng bus para hindi ito mapagod sa pagmamaneho dahil malayo ang probinsya namin pero makulit ito at gusto talaga mag-drive. Well, sa bagay bakit ko nga naman isasakay sa public transportation ang isang ‘yon? Baka murahin pa ako ng isang ‘yon sa isip niya. 

Alas-syete na ng umaga nang makarating at alis kami ni Sir Bry. At talaga namang siya talaga ang nagmamaneho. Sobrang awkward at nakakahiya naman ng sitwasyon na ‘to. 

“Tama naman ang dinaraanan natin, ‘di ba?” he asked before turning the steering wheel. 

“Y-Yes po, Sir,” nahihiyang sagot ko habang nakatingin sa harapan. 

Iyon lang ang naging conversation namin habang nasa byahe. It’s been 30 minutes at tahimik lang kaming dalawa sa byahe. Bukod sa awkward ang atmosphere dito sa loob ng sasakyan ang nakaka-bwisit din dahil traffic dahil rush hour pa rin. 

“Nag-breakfast ka naman ba before ka umalis?” he then asked matapos ang ilang minutong katahimikan sa loob ng kanyang sasakyan.

“A-Ah, nag-coffee lang po ako bago umalis.”

“Gusto mo ba munang dumaan sa isang fast food?” malumanay na usal niya bago ako nilingon dahil natigil kami dahil sa traffic. 

“Ayos lang po ba, Sir?” 

“Yeah, kapag nakarating na tayo sa express way ay baka mamatay ka sa gutom dahil tuloy-tuloy na ang magiging byahe natin.” Lumingon itong muli sa harap at nagpatuloy sa byahe.

“Okay po, Sir. Drive thru na lang po tayo–”

“Ayoko ng may kumakain sa sasakyan ko. Kung ako nga ay hindi kumakain dito, ikaw pa kaya?” 

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil doon. E ‘di sorry naman ‘no? Ano bang malay ko na bawal pala? 

“Sige, Sir! Sa malapit na kainan na lang po tayo.” 

“Sure. Palipasin na rin muna natin ang rush hour. Hindi ka naman nagmamadali, ‘di ba?” 

“Hindi naman po,” 

Ilang sandali lang ay nakarating na rin kami sa isang fast food. 

“Isang truffle pasta and burger,” sambit ko habang nakatingin sa menu.

“Iyon lang po, Ma’am? Eh ang inyong mister po, anong order?”

“What?”

“Huh?” sabay at gulat na sambit namin ni Sir Bry dahil sa sinabing iyon ng cashier.

Sir Bry cleared his throat out before speaking. “Isang tuna pasta, please,” biglang mahinahon na usal niya bago inabot ang kanyang card. I was about to stop him pero bigla akong nitong tinitigan na para bang manahimik na ako at siya na ang magbabayad, kaya naman nginitian ko na lang ang cashier bago kami naghanap ng mauupuan.

“Pasensya na po sa nangyari, Sir.” Umupo kami pareho sa table kung saan wala masyadong tao.

“That’s fine, you know we cannot always explain ourselves in public. Hindi naman natin sila kilala.” Sumandal ito sa kanyang kinauupuan ‘tsaka tumingin sa labas since glass naman ang pader ng pinuntahan namin.

He’s wearing a simple white polo na siyang naka-tucked in sa kanyang pants. His sleeves was rolled up until his elbow, akala mo nasa trabaho pa rin eh. Sa bagay, ganyan naman siya palagi… palaging gwapo. 

“What are you looking at? You can just ask me, para hindi ka nagnanakaw ng tingin d’yan.” Ngumisi ito ‘tsaka tumingin sa akin. 

Biglang uminit ang mukha ko sa sinabi niya pero syempre nakakainis pa rin. “H-Hindi ‘no! Ang hangin mo talaga kahit kailan ‘no? Anong nagnanakaw ng tingin?”

“Eh anong tinitingin-tingin mo?” aniya at isinandal ang dalawang braso sa lamesa at diretso akong tinitigan habang nananatiling naka-ngisi.

“Napansin ko lang na bagong ahit ka pala ng bigote, i-iyon lang,” pagpa-palusot ko at napalunok dahil naiilang ako sa mga titig niya.

“So you did notice that, huh?” aniya at agad akong tumango. “Good to know.” 

Tumaas ang dalawa kong kilay sa sinabi niyang ‘yon na siyang hindi ko masyadong narinig. Sakto namang dumating na ang order namin at sabay kaming kumain. We took 30 minutes eating breakfast before we finally went back to our travel. At para hindi naman ganun ka-awkward ang sitwasyon ay nag-play ito ng music. 

Hindi ako makapaniwala na kasama ko ang boss ko na pupunta sa bahay mismo namin. The moment he told me na sasama siya ay halos malaglag ang panga ko dahil sa gulat. Sinabi kong hindi naman na kailangan pa, ang kaso sinabi nitong dapat pala ay may bakasyon sila ni Sir Mathew, ang matalik niyang kaibigan, sa isa ring probinsya. Ang kaso ay hindi raw natuloy kaya naman gusto na lang din niyang sumama sa akin sa probinsya. Since maluwag-luwag na rin naman ang kanyang schedule sa mga susunod na araw. 

“Are you okay?” 

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at saglit ako nitong tiningnan bago ibinalik ang atensyon sa daan.

“Y-Yes, Sir! I’m okay,” nakangiting sambit ko.

“I know you are not fine, you’re not going to your province for nothing, Damara.”

Napa-yuko ako dahil don. Oo nga pala, uuwi ako hindi para magbakasyon katulad ni Sir Bry. Uuwi ako para mag-asikaso ng problema. 

“Pasensya na po, Sir. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng paumanhin dahil pagdating po sa amin ay puro po problema.” I pouted while looking at him and as he glanced at me, I saw how he stared at my pouted lips before looking away and saw how his Adam's apple moved.

“I-It’s fine. I decided to come with you after hearing your reasons anyway.” Napakamot ito sa kanyang kilay bago lumiko.

“Ganun po ba kayo ka-bored at sumama na lang kayo out of the blue sa akin? I mean, h-hindi lang ako makapaniwala na kasama kita ngayon sa sarili mong sasakyan and… we are going to my f-family,” sambit ko habang nakatingin sa kanya.

Kasi ‘di ba? Medyo hindi lang ako makapaniwala dahil amo ko ang kasama ko, hindi lang basta amo, kung ‘di bilyonaryong CEO ng isang malaki at sikat na business sa bansa. Tapos ito at ipinag-mamaneho pa ako. Well, gentleman naman talaga itong si Sir. Minsan lang ay parang walang pakialam sa nararamdaman mo. 

“You still feel awkward whenever we’re alone together, Damara?” 

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, tumingin pa ito sa akin upang i-kumpirma ang reaksyon at magiging sagot ko.

“What do you mean? Hindi lang po ako sanay dahil we usually are in business matters when we’re alone together. We never once bond like this or been in this situation.” 

“You know what? You are so formal, tapos kay Ahlix you talk like you guys know each other for a very long time. While you talk to me so formally, we are not even inside the company or business trip so you can just call me by my name,” diretso at seryosong sambit niya habang nananatili ang pansin sa daan, ngunit kita sa expression ng mukha nito na parang nainis ito sa pagka-formal ko dahil sa kunot na noo nito.

“Eh kasi po, Sir–”

“Brion… I said you call me by my name, Damara.” He then stared at me straight into my eyes, seriously and deeply like he was planting those words inside my head. 

I swallowed hard and tried my best to look away. 

“Say it.” Muling bumalik ang paningin ko sa kanya na syang muling nakatingin sa akin. “Say my name, Damara.”

“O-Okay, Brion. W-Why are you pressuring me by just stating your name, huh?” lakas loob na sambit ko just to kill the freaking weird atmosphere!

Natawa naman ito dahil sa sinabi ko. 

“You’re pressured by just stating my name yet you easily just drop the formality between you and Ahlix, huh?” 

“At bakit naman nasama pa rito si Ahlix eh nananahimik ‘yung tao eh?” Tinaasan ko ito ng kilay pero napailing lang ito. 

“See? You can easily state his name without formality.” 

“Okay, I’ll do as you say. Amo kita eh. Right, Brion?” 

He stared at me for a second before looking at the road again, kitang-kita ko ang pag-porme ng ngiti sa kanyang labi dahilan para mapangiti rin ako. 

Dahil medyo malayo pa ay naisip ko na magbasa muna ng librong halos isang buwan ko na ata binabasa. Eh paano ba naman kasi, sobrang busy ko sa work ay hindi na ako makapag-basa. Pero paunti-unti ay nakakapagbasa ako kapag may katiting akong vacant. 

“Oh, you’re not yet done reading that?” aniya nang saglit nitong sulyapan ang hawak kong libro.

“Opo–” I stopped as he glared at me, agad ko naman naintindihan ang tingin niya na ‘yon. “O-Ohh yeah! As you can see ‘no? Although patapos na din pero hindi ako matapos-tapos dahil syempre sobrang busy ko ‘no? Parang ako nga ata yung may-ari ng kumpanya mo sa sobrang tight ng schedule ko. Eh kaso hindi ko rin naman ma-feel na parang ako ‘yung may-ari ng kumpanya kasi parang katulong mo ako kung maka-utos ka. Gets?” mahabang paliwanag ko habang pinapakita sa kanya ang librong hawak ko habang pilit na nakangiti. 

Natawa ito dahil sa mga pinagsasabi ko at napailing. “Well, that’s what you applied for, right?” sambit nito na para bang ipina-pa-realize nito sa akin ang lahat habang nakangisi.

“Oo na, alam ko naman. Magmaneho ka na nga lang riyan,” sambit ko at umayos sa aking pagkakaupo bago magbasa upang hindi ako makaramdam ng boredom. 

Ang tagal ko na kayang gustong tapusin itong libro na ito, although it is not totally a novel but more likely a classic informative book of Aristotle entitled “The Art of Rhetoric”. Pero parang ako ata ang tatapusin nito sa sobrang hirap intindihin at i-comprehend sa lalim ng mga ingles, talaga namang mapapahawak ka ng dictionary eh. 

Lumipas ang ilang mga oras at tuluyan na nga kaming nakapasok sa Tarlac. Tinuro ko kung saan ang daan papunta sa probinsya namin hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa mismong lalawigan namin at barangay. Grabe, mabuti at kabisado ko pa ang papunta sa amin. Habang nasa daan ay kitang-kita namin ang pinsala ng bagyo. Talagang kawawa ang magsasaka sa mga ganitong may bagyo eh.

“Are you okay?” ani Brion na bakas ang pag-aalala. 

“A-Ah, yeah! I’m good, I’m okay!” usal ko at pilit itong nginitian. 

Ilang sandali lang ay tanaw ko na kung saan ang bahay namin.

“Stop right there, sa tapat ng may natumbang puno.” Turo ko at agad naman niya itong sinunod. “Salamat.” 

Nakita ko agad sila Mama na siyang nagwawalis sa labas habang si Papa naman ay nakaupo sa kanyang silya sa terrace. Nakatingin lamang sila sa sasakyang dala namin at hindi binubuksan ang kahoy namin na gate, doon ko lang na-realize na hindi ko pala sasakyan ang gamit ko. 

“Let’s go,” pag-aaya ko kay Brion bago naunang bumaba. 

Doon ay kitang-kita ko ang tinginan ng aming mga kapitbahay. Pinagbuksan rin ako agad ni Mama at agad akong sinalubong maging ni Papa.

“Anak! Bakit naman hindi mo sinabi na ngayon ka uuwi?” sambit ni Mama at ibinaba ang walis na hawak niya.

“Eh nagmamadali na po ako eh, hindi na po ako nakapag-sabi pa,” sagot ko at nag-mano sa kanilang dalawa.

“Ahm, good afternoon po.” Napagitla naman ako dahil sa bulong ni Brion, “Hey, where should I park this?” aniya sabay turo sa sasakyan.

“A-Ah, yeah! Ipasok mo na lamang dito,” sambit ko at marahan itong itinulak para kumilos dahil iba ang expression ng mukha ni Papa. “A-Amo ko po, Ma, Pa,” usal ko.

“Siya pala ‘yon. Ang gwapo ng amo mo, parang may lahi ata,” sambit ni Mama habang tinitignan si Brion.

“Espanyol po, Ma. Tara po at pumasok na tayo.” Marahan ko silang hinila kahit pa nananatili ang tingin ni Papa kay Brion. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil he got the wrong idea.

Nang pare-pareho kaming nakapasok at upo sa sala ay nag-asikaso naman agad si Mama ng meryenda at talaga namang pinaupo pa ng maayos si Brion at inabutan ng maliit na unan.

‘Ako anak mo, Ma, huh? Baka nakakalimutan mo na.’

“Bakit kayo magkasama? Bakit kasama ka rito?” seryosong tanong ni Papa na tila ba sinusuri si Brion.

“A-Ah, Pa… kasi po ay–”

“Wala ba siyang bibig, Damara?” 

Na-tahimik naman ako dahil doon. Brion glanced at me and nodded like he was telling me not to worry.

“Ito, magmeryenda muna kayo.” Binaba ni Mama ang tray na naglalaman ng makakain at maiinom bago umupo sa tabi ni Papa.

“Hindi mo pa ako sinasagot, Hijo. Bakit ka kasama ng anak ko pauwi rito? Nasa iisang sasakyan pa.”

“Ano ba, Dominic? Amo ‘yan ng anak mo–”

“Ah, mayroon ho sana akong bakasyon kasama ang aking kaibigan somewhere in Pangasinan and Nueva Ecija pero hindi ho natuloy. Kaya ho napagdesisyunan ko na lamang sumama sa kanya rito sa probinsya niyo for a vacation. Today and for the following day was supposed to be my vacation,” malumanay na paliwanag ni Brion na siyang pumutol sa pagsaway ni Mama kay Papa.

“Iyon naman pala eh! Ano ba, Dominic umayos ka nga! Hijo, welcome ka rito, huwag ka mag-alala.” Ngumiti naman si Mama at pasimpleng siniko si Papa.

Nag-buntong hininga si Papa at umayos sa pagkakaupo, this time ay parang okay na ang awra at mood niya.

“Alam mo ba kung ano ang ipinunta ni Damara rito, Hijo? Para sabihin ko sa ‘yo, mayroon kaming problemang pamilya at gusto sana namin pag-usapang pamilya ‘yon para ayusin. Nakakahiya naman kung madidinig mo ang pag-uusap namin,” malumanay na sambit ni Papa at tumango naman si Brion bago ako nilingon at tingnan na para bang sinasabi nitong ayos lamang siya. 

“Sige po, ahm… sa labas na po muna ako,” 

“Salamat, Hijo.” Tumango si Papa at tumayo naman si Brion. Saglit ako nitong nilingon at tumango bago tuluyang lumabas.

“Kumusta po kayo?” sambit ko bago uminom ng hinain ni Mama na juice.

“Ayos naman kami, maging itong bahay ay ayos lamang din. Ang bukid lang talaga ang problema maging ang babuyan dahil ang manukan ay inaayos na namin ng Papa mo, itutuloy na lamang namin ulit bukas. May mga manok na namatay at nasiraan ng kulungan. Pero madali na lamang iyon solusyonan, ang tanging malaking problema ay ang pinansyal sa ektarya ng palayan maging sa pasahod sa mga magsasaka natin,” pagpapaliwanag ni Mama.

“Eh bisitahin po natin bukas ang mga ‘yan. Titignan ko rin po muna ang laman ng savings ko dahil medyo malaki po ang nailabas natin last month dahil sa mga baboy, ‘tsaka wala pa po akong sahod eh. Anong petsa pa lang po,” 

“May natitira pa naman sa savings namin, ang problema ay hindi na siya aabot pa sa kalahati man lang pampa-sahod sa mga magsasaka natin. Eh syempre naawa naman kami at hindi na pwede pang i-delay pa ang sahod at apektado rin sila ng bagyo.”

Nagbuntong hininga ako dahil doon. Kung sana ay may ani na sa manggahan at tubohan ay kahit papaano ay gagaan ang bayarin kaso hindi pa anihan ng mga ito. 

“Hayaan nyo po at gagawan natin ng paraan,” nakangiting sambit ko at sakto namang pumasok si Brion kasama ang kapatid kong si Derick na tila masayang nagku-kwentuhan. Brion looked at me like he was asking if I’m okay. Tumango naman ako at ngumiti, he smiled back before following Derick into the kitchen. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status