Share

CHAPTER 6: His helping hands

“Oh Hijo, bitbitin mo ito… pati na rin ito,” sambit ni Papa sabay abot ng dalawang malaking basket kay Brion kung saan naglalaman ang mga kakainin namin para sa tanghalian at kung ano-ano pa. Agad akong lumapit para abutin ang mga dapat kukunin ni Brion.

“Pa, naman… ako na po,” sambit ko at akmang kukunin ang mga basket pero kinuha agad iyon ni Brion at inilayo sa akin. 

“It’s fine,” nakangiting aniya habang taas-baba ang mga kilay. 

Okay lang ba talaga? Baka mamaya sinusumpa na niya ang pamilya ko. Lalo na kagabi, doon siya sa kwarto ni Derick natulog, eh baka mamaya niyan ay sa sahig siya natulog. Baka ma-yari ako pagbalik sa trabaho! Tapos ngayon baka hindi pa siya kumportable sa suot niya, katulad ko ay nakasuot ito ng tipikal sa pambukid. Naka-long sleeve na polo tapos mahabang pants, tapos naka-straw hat. Well, para din naman sa kapakanan niya ‘no, tirik ang araw kaya okay na rin ‘yon. Sasama-sama kasi siya dito eh, e ‘di mag-tiis siya. 

Habang hinihintay namin si Papa rito sa harap ng bahay ay wala ni-isang tao ang hindi napalingon kay Brion. As in! Talaga naman kada may daraan ay lilingon sabay ngiti at kahit hindi mo dinig ay mababasa mo ang pag-tili nila ng patago. 

“Bakit ba kasi ang gwapo mo, ha?” sambit ko habang nakatingin sa kakalagpas lamang na grupo ng kababaihan.

“Because I was born to be handsome–wait… so you did admit that I am good looking, huh?” aniya at bakas sa boses nito ang pang-aasar. 

Taas ang isang kilay ko nang lingunin ko siya at naka-ngisi lang ako nitong tiningnan na para bang ayaw nito magpagtalo.

“Kapal talaga ng mukha mo, ‘no? Tsk.” Inirapan ko ito at dinig ko naman ang mahina nitong pagtawa. 

Ilang sandali lamang ay dumating na si Papa, sumakay kami sa kuliglig na dala nito or ‘yung sasakyang pambukid habang si Brion ay tila nag-aalangan sumakay o umakyat.

“Hindi ka kakainin nito kaya sumakay ka na. Here,” I stated before tapping the seat beside me where he could seat. Umakyat naman ito at umupo sa tabi ko. “Matigas nga lang ang upuan dahil bakal, pero you can use this if you’re uncomfortable.” Inabot ko sa kanya ang malong na hawak ko para sana ilagay sa kinauupuan niya pero agad siyang umiling.

“I’m fine, don’t worry about me.” Kinuha niya ang malong na hawak ko at ipinatong sa ulo ko dahilan para matakpan ang pagmumukha ko. 

Dahil doon ay dinig ko ang pagtawa niya maging ang tawa ni Mama. Agad ko naman tinignan ng masama si Brion nang alisin ko ang malong pero bakas pa rin ang pang-aasar sa mukha nito. 

“Mama, naman tawang-tawa din eh ‘no?” 

“Oh, kapit ah. Aalis na tayo!” biglang sambit ni Papa bago kami tuluyang umalis. 

Napatingin ako kay Brion at nakita ang mahigpit nitong pagkapit sa sandalin ng kinauupuan nito. Natatawa ko itong tinignan at ayun nga, salubong na ang kilay niya. 

“What?” seryosong tanong niya na para bang sinasabi nitong walang nakakatawa at hindi siya nakikipag-biruan. 

“Kapit na kapit yarn?” sagot ko bago siya tinawanan bago bumaling sa aming dinadaanan.  

It took us almost 10-15 minutes to actually reach our destination which is our rice farm. 

Brion guided me to get off as well as my mother before taking the things we prepared. I thank him nang tuluyan kaming makababa. With that I saw how our rice farm was ruined by the storm. 

“Your family owned this?” Brion asked at tumango naman ako.

“Let’s go, doon ang kubo namin.” Tinuro ko kung saan ang kubo namin at iyon ay sa ibabang bahagi ng kalsada kung saan nakaparada ang kuliglig ni Papa. Tabi ng isang malaking puno ng mangga ang kubo namin kaya presko at mahangin. 

“This is huge, you know…” aniya habang naglalakad at nakahawak sa straw hat nito. 

“Oo malaki… tapos malaki rin gastos,” pagbibiro ko at pilit na tumawa. 

Halos majority ay talagang sira dahil sa bagyo. Nang tuluyan kaming makarating sa kubo ay ibinaba namin ang mga gamit at umupo sa kahoy na higaan o papag kung tawagin, kung saan kami umuupo at kumakain. Si Mama naman ay dumiretso sa duyan habang si Papa ay kinakausap ang kakilala nito. 

“Ayos ka lang naman ba, Hijo?” tanong ni Mama habang nag-aayos ng kanyang malong. 

“Yes, Mrs. Vertudez.”

“Tita na lamang,” sambit naman ni Mama bago tumayo at muling isinuot ang kanyang sumbrero.

“Saan ka po, Ma?” tanong ko.

“Ah puntahan ko lang ang manggahan natin, ikaw na lang muna ang mag-asikaso riyan,” aniya at tuluyang umalis. Hindi naman nalalayo rito ang manggahan namin dahil tabi lang ng aming palayan.

“Baka nauuhaw ka, inom ka lang. Here, this is yours,” sambit ko bago inabot sa kanya ang isang tumbler bago tuluyang umupo at pinanood si Papa na asikasuhin ang palayan kasama ang kanyang kakilala. Nabanggit ko kay Papa na kung maaari ay tingnan ang mga pwede pang i-salba para ma-ani na and the rest ay hayaan na dahil mukhang hindi naman na maisasalba pa. Para makita ang pinag-bentahan at dagdagan na lamang. 

“This is so messed up, isn't it?” Brion asked and as I looked at him, he’s looking at our entire farm. “This is huge, yet it was ruined by the storm. What’s your plan about this?”

“Well, kailangan kong tulungan sila Mama sa pag-aasikaso rito.” Napakamot ako sa aking kilay bago tumayo para puntahan si Papa. “Just stay there, if you want something to eat just call me so I can prepare for it!” Sigaw ko habang nakahawak sa sumbrero ko dahil sa sobrang lakas ng hangin. 

Nang tuluyang makarating kay Papa ay tinulungan ko itong magtingin ng mga palay na maaari pang mai-salba pero ang sabi ni Papa ay ang mga sira na lamang ang ihiwalay ko. Which is sinunod ko naman. Ilang sandali lang din ay dumating na ang mga magsasaka namin at siya ring tumulong, maya-maya rin ay dumating na ang tatlong tractor na inarkila ni Papa kaya naman nagpahinga na kami sa kubo at hinayaan na ang tractor ang kumilos. 

“Ay, sino aytoy gwapo nga lalaki, Damara? Boyfriend mo?” Nasamid ako dahil sa sinabing iyon ng isa sa mga magsasaka namin na kakilala nila Papa.

(Translation: Sino itong gwapo na lalaki, Damara? Boyfriend mo?)

“H-Hindi po! Boss ko isuna, Manang. Nagbakasyon lang ket madi met tight iti schedule na,” pagpapaliwanag ko. 

(Translation: H-Hindi po! Boss ko po siya, Ate. Nagbakasyon lang dahil hindi naman po tight ang schedule niya.)

“I could actually sense what you guys are talking about,” bulong ni Brion bago uminom ng tubig at tumingin sa malayo.

“S-Sorry po, Sir,” nahihiyang sambit ko bago napakagat sa ibabang labi ko.

“Kami na ang mag-aasikaso ng makakain, Damara.” Kinuha naman ng isa pang kasamahan namin ang mga basket na aming dala at sila na nga ang nag-asikaso.

Ilang sandali lang ay dumating na rin si Mama at may dala-dala na kung ano-anong gulay marahil mga ligaw na gulay sa tabi-tabi katulad ng kangkong, talbos ng kamote, at bunga ng malunggay.

All of us started eating and we are all eating using our hands. Habang kumakain ay napatigil ako dahil napatigil din ang karamihan at tumingin kay Brion. As I looked at him, he was just holding the utensils like he’s unsure of using it. 

“Y-You can use it,” bulong ko, “they’re not judging you, they are just curious why you ain’t started eating yet,” dagdag ko pa.

“I actually want to try eating with my hands… I-I’m watching how you… do it,” mahinang sabi niya na ako lang ata ang nakarinig dahil naging abala na ang lahat na kumain at kwentuhan. 

I sighed before teaching him. Syempre naghugas kami ng kamay ano. 

“Ganito lang oh, kuha ka ng ulam at ilagay mo sa kanin and then just scoop it and eat,” pagpapaliwanag ko habang ipinapakita sa kanya ang gagawin. “Use you thumb to push the food papasok sa bunganga mo,” dagdag ko pa habang pinapanood itong sundan ang ginagawa ko. 

“Yeah, just like that!” masiglang sabi ko dahil nakuha nito agad ang pag-demonstrate ko.

“It’s quite easy, huh? But messy,” aniya at medyo natawa.

“Ikaw lang ‘yon, you can do better,” sagot ko bago kami sabay na kumain.

Matapos kumain ay sila Mama na ang nag-ayos ng aming mga pinag-kainan. Nagpahinga lang ang mga tao saglit ‘tsaka bumalik sa trabaho. Hindi na ako pinakilos pa nila Mama at pinag-ready na dahil pupunta pa kami sa aming manukan at babuyan. 

“Okay ka pa ba? Baka mamaya uwing-uwi kana ha. You can just leave me here in Tarlac,” tanong ko habang nag-susuot ng malong sa ulo.

“I’m fine, it’s actually relaxing,” sagot niya sabay suot ng sumbrero.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na kami sa mga magsasaka bago tuluyang umalis. It took us 10 minutes to go to our piggery and poultry. 

“Sa inyo rin ito?” tanong ni Brion nang tuluyan kaming makapasok sa lugar kung saan ang babuyan at manukan namin.

“Yes, pero y-you can just stay here or there baka hindi ka maging komportable sa lugar maging sa amoy,” sambit ko sabay turo sa maliit na kubo kung saan may mauupuan.

“Magandang hapon, Pareng Eddie! Kumusta?” pagbati ni Papa sa kasama nitong namamahala sa lugar. 

Si Mang Eddie ay matalik na kaibigan ni Papa, sa kanila itong lupa kung saan nakatayo ang negosyo namin pero nabili ni Papa ang lupa na kinatatayuan ng aming negosyo years ago. Si Mang Eddie na rin ang in charge sa pagbantay sa mga baboy at manok namin pero taga-bantay lang dahil si Mama ang nag-aalaga at kung minsan ay may kinukuha itong tao para mag-asikaso sa mga alaga namin.

“Mauna na kami, hintayin mo na lang kami dito dahil hindi maganda ang amoy doon eh–”

“I’m coming, it’s fine.” Nauna itong maglakad sa akin kasunod ni Mama. 

Alam ko namang hindi okay pero go pa rin ang isang ‘to. Bahala siya, basta pinigilan ko pa rin siya at siya lang ang nagpumilit.

“Medyo malaki ang sira ng manukan natin, ‘nak. Pero patapos na rin naman ang pag-aayos. Hawakan mo ito, Hijo,” nanlaki ang mata ko nang iabot ni Papa kay Brion ang tatlong malalaking kahoy.

“Pa!  A-ako na po,” agad na sambit ko at akmang kukunin kay Brion ang mga iyon nang agad niya itong inilayo sa akin. “S-Sir…”

“I told you it’s fine. Saan po ito, Mr. Vertudez?” aniya sabay sunod kay Papa at talagang iniwan ako!

“Tito na lamang, Hijo. Ibaba mo riyan at paki-abot ng martilyo sa akin,” sambit naman ni Papa at sila na ngayon ang nag-uusap, hindi na ako pinansin pa.

Napa-buntong hininga ako dahil doon at wala nang nagawa kung ‘di sumunod kay Mama kung saan ang mga baboy.

“Mabuti po ay hindi sila gaanong apektado, Ma,” sabi ko habang hinahaplos ang isang biik.

“Oo, ‘nak. Eh agad namin silang inasikaso bago pa man tumama rito ang bagyo. Yung bukid naman sinubukan namin asikasuhin pero wala rin talaga kaming magawa,” pagpapaliwanag ni Mama habang naglilinis ng kulungan. Tinulungan ko naman siya para mabilis kami matapos. Sanay naman din ako sa mga ganitong gawain kasi syempre, sa ganito ako lumaki eh.

Ilang sandali pa ay natapos na rin kami sa kani-kanilang gawain. Nauna kami ni Brion sa kuliglig dahil kinakausap pa nila Mama si Mang Eddie. Brion look so tired at pawis na pawis.

He looked so hot actually. Well, oo hot siya at nakakainis ‘yon dahil siya mukhang hot habang pawisan at pagod samantala ako ay mukhang losyang na. 

“What? Nag-nanakaw ka na naman ng tingin,” nakangising sambit niya matapos nitong uminom ng tubig.

“Ang kapal mo, anong nagnanakaw ng tingin? Hinihintay kita matapos uminom dahil iinom din ako!” depensa ko bago kinuha sa kanya ang ininuman nito ‘tsaka uminom.

“That’s mine, remember?” aniya at napatigil ako sa aking pag-inom nang mapag-tantong kinuha ko nga pala itong thumbler na ito para sa kanya. Agad ko naman itong ibinalik sa kanya at kinuha ang isang water jag at doon kumuha ng tubig para inumin. Kainis!

Dumating sila Mama at umuwi na rin kami. Tahimik buong byahe dahil pare-parehong pagod. Nang makarating sa bahay ay sinalubong kami nila Derick at tumulong sa pagkuha ng mga gamit na dala namin. Umalis na rin si Papa para igarahe ang kuliglig.

“Oh, Damara! Sika gayam dayta, kumusta ka met?” 

(Translation: Oh, Damara! Ikaw pa iyan, kumusta ka naman?)

Napatigil kami dahil sa kakilala naming tumigil para mangamusta.

“Okay naman po hehe,” nahihiyang sambit ko. Bumaling ito kay Brion ‘tsaka tumingin sa akin.

“Boyfriend mo?” sabay tanong niya.

I pursed my lips because of the inconvenience before answering her.

“Hindi po, Boss ko po. Nagbakasyon lang po rito. A-Ah sige po, mauna na kami.” Tumango ako bago hinila si Brion sa braso at dali-daling pumasok sa bahay.

“P-Pasensya na po, Sir. Sobrang inconvenient ng mga nangyari,” nahihiyang sabi ko habang nagtatanggal ng malong, sombrero, at maging ng malaking polo na suot ko pambukid. Syempre may doble akong damit sa loob ‘no!

“It’s fine. And there you go again,” he said, talking about my formality again. 

“Eh syempre, I need to at least maintain the formality pa rin, ‘no. Tara na sa loob.” Pumasok na kami sa loob para magpahinga saglit bago nag-hugas ng katawan. Matapos niyon ay nakapag-handa na rin si Mama para sa hapunan. 

“Kain ka marami, Hijo!” ani Mama at siya pa talaga ang nagsandok ng kanin para kay Brion. Tapos ako ay hindi man lang ipinag-sandok. Tumawa naman ang mga kapatid ko dahil doon.

“Ma, si Ate rin daw sandukan mo ng kanin,” natatawa na sambit ni Sophia na siyang pangalawa sa akin sa aming magkakapatid. 

“Hay nako, Damara, malaki ka na,” pagbibiro naman ni Mama bago umupo. 

Napailing na lamang ako bago kami nagdasal at kumain.

“Ikaw ba’y maayos ang pakikisama sa anak namin, Hijo?” biglang tanong ni Papa, sabay-sabay kaming napatingin sa kanya bago bumaling kay Brion. 

“O-Of course, Tito.” 

Nilingon ko ito agad at tinitigan ng masama, nag-salubong naman agad ang kilay nito at tumingin na tila ba pinag-babantaan ako na huwag na lang maingay. 

“Eh kumusta naman ba itong si Damara bilang sekretarya mo?” tanong naman ni Mama.

“Well, she’s consistent. Brilliant, hard-working, and hands on.” Sumubo ito ng pagkain at tumango-tango naman sila Mama habang ako ay feel na feel ang papuri ni Brion. Syempre naman, mahal ko ang trabaho ko, ‘no!

Ilang sandali pa ay natapos na rin kami kumain. Sila Mama na ang nag-ayos ng kinainan namin habang kami ni Brion ay pumunta sa terrace upang magtrabaho. 

While working, hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa problema ng aming pamilya. I have checked the balance of may savings, masasaid if ever magbibigay ako ng ambag para sa financial problem ng aming bukid. May savings din sila Mama pero baka masaid din eh kailangan nila ng pera lalo na at nag-aaral pa ang dalawa kong kapatid. 

“Are you okay?” 

Napatingin ako kay Brion as he asked me.

“A-Ah… yeah! I’m good, don’t mind me,” nakangiting sagot ko. He didn’t respond and stared at me like he wasn’t satisfied with my answer.

“No, you’re not, Damara. Kanina pa kita napapansin, you cannot focus, nakailang buntong-hininga kana, and you don’t look good,” he explained before folding his laptop to see me properly.

“E-Eh kasi, to tell you honestly we’re facing a huge financial problem dahil sa nasalanta naming palayan dulot ng bagyo. Kaunti lang ang nai-salba, magkano lang ang kita nyon. Walang pera sila Mama dahil sa nagastos sa pagtatanim ng palay, hindi sapat ang savings namin dahil magbabayad pa ng mga nagamit na tractor, pati na rin ang mga sahod ng mga magsasaka. My savings are not enough dahil malaki rin ang nailabas naming pera last month dahil sa mga baboy. Wala pang ani ng mangga maging ng tubo, hindi pa pwede ang mga baboy at manok kaya wala talaga kaming mapagkukunan as of now. Pero ginagawan naman na namin ng paraan, s-so no need to worry,” pagpapaliwanag ko habang ito ay naka-yuko at tila may isinusulat. He then lend me something and as I took it, halos manlaki ang mata ko.

“Half a million, is that enough?” seryosong sambit niya habang nakatingin ng diretso sa akin.

“I-I cannot accept this. This is actually more than enough–”

“Damara, you’re the most loyal and hardworking secretary I have ever had, give me this opportunity to help you and your family. I’ll be more thankful if you would accept it,” he stated and he looked so sincere on every word he had spoken.

Muli kong tiningnan ang cheque na inabot nito sa akin, kalahating milyon ang nakasulat rito at pirmado niya. This is actually more than enough! Gusto kong maluha sa sobrang tuwa at ginhawa dahil sobrang laking tulong nito sa amin. 

I immediately stood up and rushed towards him to give him a hug sidewards.

“Thank you so much, Sir– I mean Brion, sobrang laking tulong po nito sa amin,” sambit ko habang nakangiti bago muling bumalik sa aking kinauupuan.

“You’re always welcome, Damara. Ayokong nakikitang problemado ang secretary ko, it affects your work,” nakangiting aniya bago muling binuksan ang kanyang laptop at bumalik sa kanyang trabaho. 

Hindi ako makapaniwala, iba talaga kapag CEO na eh bilyonaryo pa. Ganun-ganun lang pumirma sa cheque! 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status