Halos limang minuto na akong nakatayo sa harap ng mesa ni Sir Joaquin, pero wala kaming ginawa kundi ang magtitigan. May ideya na ako kung bakit niya ako pinatawag sa office, pero ang pinagtataka ko, bakit ayaw niya pang magsalita? Sa hitsura ng mukha niya, para bang marami siyang gustong sabihin saakin pero hindi niya alam kung saan magsisimula kaya ang resulta, pakikipagtitigan na lang ang ginawa niya. " Chief, tapos na ba? " ako na ang bumasag ng katahimikan dahil nangangawit na ako sa kinatatayuan ko. " Puwede na ba akong lumabas dahil ang dami ko pang trabahong kailangan gawin ngayon. " " Tapos na ba kitang kausapin? " tanong niya. " Ay, may balak ba kayong kausapin ako? Akala ko makikipagtitigan lang kayo saakin. " Idinaan ko sa biro ang pagkabagot ko dahil kailangan ko ng ingatan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Aba, ayoko ng maranasan 'yong kaba at takot na mawalan ng trabaho. " Nandito ba sa kompanya ang taong tinutukoy mo na importante sa'yo? " Tumaas ang kali
Halos isubsob ko na ang aking mukha sa toilet bowl habang inilalabas ng bibig ko ang kinain ko kagabi. Hindi ko alam kung bakit, pero pagkagising na pagkagising ko, nag laway agad ako at dumiretso agad ng banyo nang maramdamang naduduwal ako." Ate, tapos ka na diyan? Maliligo na ako, " rinig kong pagkatok ni Zachary sa pinto ng banyo. " Oo, sandali lang, " sabi ko habang pinakikiramdaman ang aking sarili kung tapos na ba akong isuka ang lahat. Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig at muling binuhusan ng tubig 'yong toilet bowl bago ko buksan ang pinto saka lumabas." Tagal mo sa banyo—hindi ka pa pala naliligo? " Gulat na tanong ni Zachary saka tumingin sa orasan na nakasabit sa pader sa kusina namin. " Mag a-ala sais na, ate. Hindi ka papasok? "" Papasok ako. Mauna ka ng maligo. Bilisan mo na lang. " Dumiretso ako sa lababo para maghilamos at mag mumog. Ang weird ng pakiramdam ko ngayong umaga. Hindi ko naman puwedeng isisi sa lomi 'yong dahilan ng pagsuka ko dahil hindi naman
Para akong tanga na nanonood ng TV pero wala akong naiintindihan sa pinanonood ko. Lumulipad ang isip ko, nag-iisip kung anong dapat kong gawin ngayong may mabubuong bata tiyan ko. Naguguluhan ako sa kung anong dapat kong gawin lalo na't hindi ko nga maalala 'yong mukha ng naka-one night stand ko. Hindi ba kami gumamit ng proteksyon noon? " Ano raw? Ano 'yong sinabi niya? " Sunod-sunod ang kalabit na natanggap ko kay Zachary na nakaupo sa tabi ko. " Anong sinabi? " takhang tanong ko pabalik na nagpatuwid ng kilay niya." Ikaw nga ang tinatanong ko dahil hindi ko naintindihan 'yong sinabi ng bida, " saad ni Zachary, umiiling-iling sabay harap sa TV. " Lumilipad na naman ang isip niya. Saan naman kaya papunta? "Napabuga ako sa hangin sabay yakap sa unan na nasa hita ko. Kung babalikan ko 'yong nangyari noong gabing 'yon, apat na lalaki lang naman ang naalala ko na nakasama ko. Si Ruiz—sandali, hindi ko na siya dapat isama sa bilang dahil hindi na siya tinatablan ng lust sa mga kabab
" Okay ka lang? " tanong ni Terrence saakin saka ako inabutan ng bottle of water. Agad ko naman iyong tinaggap at binuksan ang takip para inumin ang tubig. Gutom na ako at puro tubig na ang laman ng sikmura ko. Alam kong ganoon rin ang mga kasama ko pero kailangan naming mag tiis pa nang kaunti dahil malapit na naming marating 'yong village na sadya namin.Maliwanag na ngunit natatakpan pa rin ng makakapal na hamog ang kakahuyan sa paligid. Ala sais nang umaga noong makarating kami saaming destinasyon at mga nasa isang oras na rin ang nakakalipas simula noong kami ay umakyat sa kabundukan para tumungo mismo sa village kung saan naninirahan ang ilang mga tao na siyang magiging subject namin para sa documentary film. Matarik ang daan kaya kailangang doble ingat kami sa bawat paghakbang na ginagawa namin. Iyong van na aming sinasakyan ay hindi na puwedeng iakyat sa taas kaya wala kaming choice kundi bitbitin 'yong ilan sa aming mga kagamitan." Malapit na ba tayo? Ang sakit na ng mga bin
" Hi Doggy, ang cute mo naman. " Nilaro ko ang isang tuta na nakita kong gumagala malapit sa puwesto kung saan kami nagtayo ng tent. Napakataba niya, ang sarap panggigilan kaya binuhat ko siya at marahang hinimas-himas ang balahibo. " Nasaan ang amo mo ha? Kumain ka na ba? Ang taba-taba mo naman. "Hindi ko alam kung bakit ko kinakausap ang isang hayop kahit alam kong hindi naman ako makakakuha ng sagot. Mahilig ako sa aso't pusa at sa katunayan ay nagkaroon na ako ng alaga dati, pero simula noong layasan ako ng pusa ko noon at hindi na bumalik pa, hindi na ako nag-alaga. Sumunod na araw ay namatay naman ang aso ko dahil sa sakit niya na huli ko noong malaman. Natakot na ako mag alaga dahil sa pagiging iresponble kaya hindi na sila nasundan. Five years ago na pero sariwa pa sa alaala ko ang magkasunod na pagkawala ng dalawa kong alaga." Coco, saan ka naman pumunta? " Umangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni Leng. Lingon siya nang lingon na para bang may hinahanap, kaya agad ko
Ang akala ko'y titila na ang ulan ngunit tuloy-tuloy pa rin ang buhos nito habang nasa loob kami ng isang tila kuweba na malayo na sa village kung saan kami nanggaling. Walang malakas na bugso ng hangin na ipinagpasalamat ko na rin dahil bawas sa saming alalahanin. Tumingin ako sa likuran ko kung nasaan si Sir Joaquin. Abala siya sa hawak niyang cellphone dahil kanina pa siya naghahanap ng signal para may matawagan kahit na isa sa mga team. Siguradong nag-aalala na ang mga ito dahil mga nasa isang oras na rin kaming nawawala." Finally..." Napabuga siya sa hangin saka ibinaba ang kaniyang cellphone. " Nakapagpadala na kayo ng message sa kanila? " tanong ko saka lumapit sa kinauupuan niya." Oo, sana lang matanggap agad nila nang mapuntahan na tayo dito, " aniya saka tumingin sa gilid niya kung saan nakapuwesto si Coco na kahit papaano ay nawala na ang panginginig. Binalot ko sa kaniya 'yong kapote kong suot kanina dahil basa na rin naman na 'yong damit ko. Puro putik na rin 'yong sa
" Kaunting editing na lang, malapit na raw matapos 'yong documentary film, " tila excited na wika ni Jana nang makarating siya sa mesa na lagi naming pinu-puwestuhan sa cafeteria. Ibinaba niya ang tray na dala at naupo sa tabi ko para ikuwento ang nasagap na balita mula sa production team. " Excited na akong mapanood 'yon. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa nating makaligtas sa halos isang linggong pananatili doon sa bundok. Ang daming nangyari at parang panaginip pa rin saakin ang lahat. Kumusta na kaya sila doon, ano? " " Bayanihan pa rin ang mga taganayon sa pagbuo ng mga kubo at sa pagkakaalam ko, tatlo na ang naitayo doon ngayon, " saad ni Terrence na nasa kaliwa ko. " At least kahit papaano, mayroon ng matitirahan 'yong ibang pamilya na nawalan ng tahanan. " " Hoy sandali, totoo kaya na nagbigay pa si Chief ng sobre sa bawat pamilya sa mga taganayon? " halos pabulong na tanong ni Jana saka inilapit ang mukha sa gitna ng mesa para marinig ang boses niya
Pushing cart ang pinili ko kahit hindi naman marami ang bibilhin ko. Ayoko magbitbit o pagbitbitin ng basket si Terrence na abala sa pagtingin ng mga pagkaing de lata sa section kung nasaan kami ngayon. Mayroon ng tatlo sa kamay niya, mukhang napabili na rin siya kahit wala sa plano niya. " Ako na ang magtutulak niyan, " aniya nang iligay 'yong mga de latang kinuha niya sa pushing cart. Sinubukan niyang agawain saakin pero umiling ako at isinandal ang mga braso ko sa handle. Ang sarap kaya sa feeling na maglakad sa grocery store habang may tulak-tulak na pushing cart. Gustong-gusto ko na ito ang gamit ko kahit iilan lang 'yong mga ipamimili ko. Iwas hassle. " So, puwede mo na bang ikuwento? " pasimple kong tanong kay Terrence habang inililibot ang tingin para humanap pa nang masarap-sarap na pagkain. Nabili ko na lahat ng hinahanap ng bibig ko, pero gusto ko na ring bumili ng pasalubong sa bahay." Hindi ko sigurado kung ikatutuwa mo ang sasabihin ko, pero deserve mo naman na malama