Share

OIAL 4.0

"Hello, Ms. Gonna be alright someday."

Muntik na akong masubsob sa gulat. Kung kanina ay broken hearted ako, ngayon ay halos atakihin na ako sa puso.

Handa na sana ang kamay ko para sampalin ang nangulat sa akin nang salagin nito ang kamay ko na dadapo sana sa ulo niya.

My eyes widened, it is Cosmo! Naiinis na sinamaan ko siya ng tingin. How many times do I have to see him this day?! Pag reklamo ko sa aking utak.

"Bakit ba nangugulat ka?!" Inis na binawi ko ang braso ko na hawak niya.

Pinasadahan ko siya ng tingin, he looks so handsome in his black suit.

"Wow, you look handsome today!" I gave him a wide smile and a thumbs up.

Mayabang nitong inilagay ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang slacks, at ngumisi.

"Mas gwapo pa sa lalaking iniyakan mo?"

Sana talaga ay lagi nalang siyang tahimik gaya kapag nasa school kami at nasa harap ng kanyang mga magulang.

Inirapan ko siya at nilampasan, I started walking back to our table when I saw something that would break my heart more.

In our table, Terrence and Thalia are there. Damn, even the first letter of their names tell how much they are meant for each other.

Parang mali na bumalik agad ako, ngunit huli na para tumakas dahil kinawayan agad ako ni kuya Lincoln, one of my brother's friend. Nilingon agad ako ng apat.

"Amelie!" Pag tawag nila sa akin. They insist on calling me by my second name, wala naman akong galit sa pangalan ko. Sa nag pangalan lang mayroon.

I flashed a fake smile. I saw Thalia smiled like an angel at agad na napatingin doon si Terrence. What an eye sore.

I walked towards them like a beauty queen, chin up, as if the crown in my head will fall from my head.

Tumayo si kuya at ipinaghila ako ng upuan.

"Thanks." I smiled reasuringly nang makita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Kumusta ang buhay prinsesa, Amelie?" Pang-aalaska ni kuya Theodore, may hawak siyang kopita sa kanyang kaliwang kamay na may lamang wine.

I rolled my eyes like a bitch that I am.

"Good, how about you? Kumusta ang pag hahabol?" Balik na pang aasar ko. May ngisi sa aking labi.

Kuya's friends cheered, ang table ata namin ang pinaka-maingay. Nakaka-hiya talaga pag sila ang kasama.

Malakas ang halakhak ni kuya Azarius at nang-aasar na itinuro nito si kuya Theodore na naka-simangot sa akin.

"Bastos na bata." Masama ang tingin nito sa akin.

"Wala ka pala, eh."

"Theodore lang tag-habol."

Natatawang umiiling-iling ako, my smile faded when I saw how Terrence kissed Thalia's forehead.

Mabilis na pinalitan ko ito ng pekeng ngiti. From my angle here, I saw how Cosmo intently looking at me. Kasama niya sa table ang kanyang mga magulang.

"Huwag niyo nga sa akin ibaling ang pang aasar niyo. Ayan si Terrence at Thalia, sila ang pag diskitahan ninyo." Kuya Theodore says as he drank all the wine in his glass.

Naramdaman ko ang titig ni kuya mula sa aking gilid.

"Mir geht es gut." (I'm okay.) I said and drank the wine.

Naka-titig pa rin si Cosmo sa akin, I bravely looked back at him. A smirk was on his face.

"Gaano na kayo katagal ni Terrence?" Tanong ni kuya Liam kay Thalia. For a doctor, masyado siyang ususero.

Thalia smiled before answering his question. Nag aalangan munang tumingin si Thalia kay Terrence bago sumagot.

"Exactly three years ago." Muling ngumiti si Thalia. Bago sumagot at pagka-tapos sumagot ay ngumingiti siya. Nasa pageant ba siya?

I almost laugh at my thoughts. Napansin iyon ni kuya Azarius kaya mahina niyang sinipa ang paa ko mula sa ilalim ng lamesa.

Masama ang tingin niya sa akin, ngunit nginitian ko rin siya gaya ng pag-ngiti ni Thalia kanina.

He bursted into laugh at nahinto ang pag-iinterview nila kuya Liam kay Thalia.

"Bro, what's funny? Share ka naman diyan." Pag tapik ni kuya Lincoln sa braso ni kuya.

Even Terrence is curious kung bakit tumawa si kuya mag-isa.

I rolled my eyes at tinignan ang kuko na maiiksi.

Tinawag si Thalia nang kanyang parents. Naiwan si kuya, ako, kuya Theodore, kuya Lincoln, Terrence, at kuya Liam sa table.

"Traydor. Wala ka man lang sinasabi sa amin." Kunwaring nag tatampo na saad ni kuya Lincoln, a waiter served us the meal.

Tahimik na kumakain ako sa tabi ni kuya nang kausapin ako ni Terrence.

"What about you, Devyn? What can you say about Thalia?" Pag tatanong nito. I hate how his gray eyes look at me gently.

This bastard. I gave him so many signs before that I like him, at ngayon ay tila ba nananadya siyang mag tatanong ng ganyan?

Like a plastic that I am, I faked a smile that they always believe.

"She's nice, maganda rin, bagay kayo." Pero mas bagay tayo. Gusto ko sanang idugtong.

Naramdaman ko na natigilan si kuya sa aking gilid. He seems to notice that I only answered his friend's question out of respect.

I finished eating. Tumayo ako mula sa table namin at napa-tingin sila sa akin.

A hand instantly held my arm gently, gulat na napa-igtad ako roon.

"Can I take her out for a while, kuya Azarius?" Tanong ni Cosmo, he's the one who's holding my arm.

Hindi ko namalayan na umalis na pala siya sa table nila at lumapit sa akin.

He saved my heart from the damage that Terrence's questions will made.

"Fine. Huwag lang kayong lalayo rito sa hotel." Pag payag ni kuya. Nag tataka ko siyang tinignan.

Cosmo thanked him and pulled ny arm, habang papalayo ay naka-tingin pa rin ako kay kuya, his friends are curiously looking at Cosmo, while Terrence sa braso ko na hawak ni Cosmo ang humatak sa kanyang paningin.

Dinala niya ako sa garden ng hotel. Kuya Theodore owns this hotel, kaya alam ko na ang pasikot-sikot dito dahil dito kami madalas nag oorganize ng event.

Cosmo made me sit on one of the benches here.

"Put this on, malamig." Tinanggal nito ang coat niya at inilapag iyon sa balikat ko.

Nanatili lamang siyang naka-tayo sa gilid ko, ang kangang kamay ay nasa sandalan ng bench.

I sighed. "Why did you take me here?" Tanong ko.

Magandang panuorin ang ilaw ng mga gusali kapag marami kang iniisip.

The city lights prevents my mind from thinking dark thoughts. I could stare at it without getting bored.

"Para kang constipated roon, naawa ako sayo kaya dinala kita rito." Malamig pa sa hangin ang boses niya. Hinahangin ang kaniyang itim na buhok at inayos niya iyon pataas.

What a handsome view I have here. Pag ngisi ko sa naisip.

I saw his ears getting red because of the coldness of the wind.

"Come here." Tinapik ko ang espasyo sa tabi ko.

Nag aalinlangan man ay umupo siya rito. His manly scent entered my ears. I could sniff his scent all day!

Inabot ko sa kanya ang kanyang coat. Nagtataka niya akong tinignan. "Kunin mo nalang."

Sinuot niya muli ito. Muli akong bumuntong hininga. I wanna ask him if he already had fallen in love with someone, but it seems like I'm prying.

Comfortable by the silence that was surrounded us, and just staring at nowhere.

"Liking a man whose about to marry someone? What a bad ass." Pag tawa ni Cosmo sa kawalan.

I nudge him on his elbow. "Tumahimik ka na nga lang. Wala namang magandang sinasabi yang bibig mo." Mataray na saad ko.

Tumayo siya at inilahad ang kamay. Nagtataka kong tinignan ang kanyang kamay. Nang mapansin na wala akong balak tanggapin ang kamay niya ay suya na mismo ang kumuha ng kamay ko.

"Let him see what he will lose." Ngumiti siya nang nakaka-loko at inilagay niya ang kamay ko sa braso niya

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status