Compartilhar

CHAPTER 123

Autor: Bhie Anne
last update Data de publicação: 2026-10-20 17:55:06

A SEAT AMONG THE EXECUTIVES

Pagpasok nina Jason at Mia sa restaurant, sinalubong sila ng mahinang tugtog ng piano at masayang kuwentuhan ng mga empleyado. Eleganteng tingnan ang venue, bagay sa celebration na inihanda ng kumpanya para sa mga intern na nabigyan ng pagkakataong maging regular employees.

Sa bandang gitna ng restaurant, nakaupo si Ellain Rivera, ang Executive Vice President, kasama ang ilang senior executives. Habang nakikipag-usap sa mga ito, may napansin siya sa kabilang bahagi n
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 126

    THE MAN BEHIND THE RUMORSDire-diretsong pumasok si Jason sa bahay, kasunod si Mia. Hindi man lang niya nilingon ang sala kung saan nakaupo ang kaniyang ina. Nakakunot ang noo niya at mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao. Kilala ng kaniyang ina ang nag-iisa niyang anak. Kapag ganyan ito katahimik at halatang galit, tiyak na may mabigat na nangyari.“Jason? Anak, anong nangyari sa ’yo?”Hindi sumagot si Jason. Dumiretso lamang siya sa hagdan, tila walang narinig.“Jason!” tawag ulit ng kaniyang ina, pero nagpatuloy pa rin siya sa pag-akyat.Napalingon ang babae kay Mia at agad na nilapitan ito. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga.“Mia, what happened? Bakit parang may kaaway ang anak ko?”Nag-alinlangan si Mia bago sumagot. “Tita, nagkaroon po ng problema sa company event nila.”“Anong problema?”“Nasuntok po ni Jason ang isang coworker niya. Co-intern niya po.”“Good heavens! Bakit naman niya gagawin iyon?”Saglit na tumingin si Mia sa hagdan bago muling humarap sa kaniya.“Dahil po

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 125

    THE CONSEQUENCES “Ulitin mo. Tingnan natin kung kaya mo pang sabihin ’yan sa harap ko.”Nakatayo si Jason sa tabi ng mesa, nakatikom ang kamao habang hawak ni Daniel ang namamagang bahagi ng mukha niya.“Are you crazy, man? Sinuntok mo talaga ako!” galit na sigaw ni Daniel.Mabilis na lumapit ang ilang empleyado upang mamagitan. Si Mia, na naroon sa tabi ni Jason, ay agad na humarang sa pagitan ng dalawang lalaki.“Jason, tama na! Please, stop!” saway niya sa boyfriend. “Hindi ganito ang paraan para ayusin ang problema.”Bago pa makasagot si Jason, isang matatag na tinig ang umalingawngaw sa restaurant.“That's enough!”Napalingon ang lahat kay Ellain Rivera, ang executive vice president ng kumpanya. Tumayo siya mula sa mesa ng mga senior executives at lumapit sa kanila.Sa kabilang mesa, napatingin si Elise sa kaguluhan. Nang makita niyang hawak ni Daniel ang mukha nito, bahagya siyang umusog sa upuan, ngunit marahang hinawakan ni Ellain ang kaniyang braso.“Stay here, Elise. I'll h

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 124

    THE RUMOR BEHIND HER SUCCESSSumandal si Daniel sa upuan at bahagyang ngumisi habang pinagmamasdan si Elise sa mesa ng mga senior executives. Para bang may naalala siyang kuwentong matagal na niyang gustong ibahagi.“Pero alam mo, pre, may narinig akong chismis sa office.”Napalingon si Jason. “Anong chismis?”Bahagyang lumapit si Daniel, kunwari ay may ibinubulong na sikreto. “May malakas daw na backer si Elise.”Kumunot ang noo ni Jason. “Backer?”“Yeah. Kaya pala ang bilis ng promotion niya.” Itinuro ni Daniel ang mesa ng mga senior executives gamit ang baba. “Tingnan mo naman ngayon. Kasama na niya ang EVP at halos lahat ng matataas na officers. Hindi naman siguro basta-basta mangyayari 'yon kung walang tumutulong sa kanya.”Hindi agad sumagot si Jason. Hindi niya alam ang tungkol sa sinasabi ni Daniel. Sa pagkakaalam niya, masipag si Elise at hindi basta umaasa sa iba para umangat. Pero ngayon lang niya narinig ang tsismis tungkol sa isang taong maaaring tumutulong sa dating asaw

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 123

    A SEAT AMONG THE EXECUTIVESPagpasok nina Jason at Mia sa restaurant, sinalubong sila ng mahinang tugtog ng piano at masayang kuwentuhan ng mga empleyado. Eleganteng tingnan ang venue, bagay sa celebration na inihanda ng kumpanya para sa mga intern na nabigyan ng pagkakataong maging regular employees.Sa bandang gitna ng restaurant, nakaupo si Ellain Rivera, ang Executive Vice President, kasama ang ilang senior executives. Habang nakikipag-usap sa mga ito, may napansin siya sa kabilang bahagi ng venue. Bahagya siyang ngumiti at tinawag ang isang waiter.Samantala, nasa isang sulok si Elise, katabi ang kaibigang si Ciara. Pinili nila ang mesa dahil mas gusto ni Elise ang tahimik na lugar kung saan puwede siyang makipagkuwentuhan nang hindi masyadong napapansin.“Alam mo, Elise, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na si Jason pala ang ex-husband mo,” bulong ni Ciara habang inaayos ang napkin sa kandungan niya.Napatingin si Elise sa kaibigan. “Ciara, please. Huwag na nating pa

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 122

    THE UNWANTED INVITATIONNakatayo pa rin sina Jason at Mia sa lobby, kapwa hindi alam kung paano tatapusin ang usapan nila.“Jason, I'm asking you a simple question. May feelings ka pa ba kay Elise?” mariing tanong ni Mia.Napahinga nang malalim si Jason at napatingin sa paligid. Ayaw niyang pag-usapan iyon sa lugar na maraming taong maaaring makarinig sa kanila, pero alam niyang hindi na sapat ang simpleng pag-iwas para mapatahimik si Mia.“Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin 'yan.”“Then when?” Agad siyang sinagot ni Mia. “Kailan magiging tamang oras, Jason? Kapag hindi ka na busy? Kapag wala nang ibang taong nasa paligid? Or kapag handa ka nang sabihin sa akin ang totoo?”“Mia, please. Pagod na ako. Ayoko nang makipagtalo.”“Neither do I!” Bahagyang tumaas ang boses niya bago siya huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili. “Pero girlfriend mo ako. I think I deserve to know what's going on with you.”Napatingin si Jason sa babaeng nasa harapan niya. Alam niyang ma

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 121

    THE GIRLFRIEND IN THE LOBBYMay diin ang huling dalawang salita ni Mia. Hindi lang iyon simpleng pagpapakilala. Gusto niyang marinig iyon ng mga taong naroon, lalo na ni Elise. Gusto niyang maging malinaw sa lahat kung sino siya sa buhay ni Jason.Bahagyang nagulat si Elise. Naalala niya ang huli nilang pagkikita, kung saan tila hindi komportable si Mia sa presensiya niya. Ngayon, iba ang tindig nito—mas matapang, mas sigurado sa sarili, at parang gustong ipaalam sa lahat na may lugar na siya sa buhay ni Jason.“Hello, Mia,” maayos na sagot ni Elise. “Nice to see you again.”“Same.” Sumulyap si Mia sa mga katrabaho ni Elise bago muling ibinalik ang tingin dito. “Nagulat lang ako na nandito ka rin. Akala ko kasi last day na ni Jason ngayon.”Bago pa makasagot si Elise, sumingit si Jason. “Regular employee si Elise dito, Mia. Dito siya nagtatrabaho.”“Ah.” Saglit na natigilan si Mia, saka ngumiti. “I see.”Sa di-kalayuan, napabagal ang lakad ni Ciara. Narinig niya ang palitan ng mga sal

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status