Chapter: CHAPTER 82AWAY FROM HOMENang gabing iyon, pakiramdam ni Elise ay para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Matagal siyang nakaupo sa gilid ng kama habang tahimik na nakatitig sa kawalan, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang lahat ng nangyari—ang mga nalaman niya tungkol sa kanyang ama at ina, ang pag-alis ni Jason, ang pagkawala ni Hope, at ang sunod-sunod na sakit na parang wala nang tigil na dumating sa buhay niya.Mabigat ang pakiramdam niya, pero sa kabila ng lahat ng iyon, may isang desisyon na unti-unting nabuo sa isip niya. Kailangan niyang umalis.Hindi niya alam kung saan siya pupunta o kung ano ang naghihintay sa kanya pagkatapos nito. Ang alam lang niya, ayaw na niyang manatili roon at muling harapin kinabukasan ang parehong mga alaala at mga taong nagpapaalala sa kanya ng lahat ng sakit na pilit niyang tinatakasan. Ayaw na niyang bigyan ang sarili niya ng isa pang pagkakataong magbago ang isip, dahil alam niyang kapag dumating ang umaga, baka muli siyang matakot at piliing
Last Updated: 2026-10-02
Chapter: CHAPTER 81ABANDONEDHindi na napigilan ni Elise ang mga luha niya.Tahimik itong dumaloy sa kanyang pisngi habang pilit niyang inaayos ang mga salitang gusto niyang sabihin. Ang dami niyang gustong itanong sa ama, pero sa dami ng sakit na sabay-sabay niyang nararamdaman, hindi na niya alam kung saan magsisimula.“Hindi ko maintindihan, Pa,” mahina niyang sabi. “Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mangyari lahat ng ’to.”Hindi sumagot si Renato. Hinayaan lamang niyang magsalita ang anak.“Bakit kailangan pang bumalik si Tita Riza? Bakit kailangan mo pa siyang piliin pagkatapos ng lahat ng taon na kasama mo kami ni Mama? Alam kong may sarili kang buhay. Alam kong may mga naramdaman ka na hindi ko naman maiintindihan dahil hindi ako ikaw. Pero si Mama, Pa… si Mama ’yung naiwan.”Napayuko si Renato.“Alam ko.”“Hindi mo alam kung gaano kasakit marinig ’to.” Pinunasan ni Elise ang mga luha niya. “Buong buhay ko, iba ang alam ko. Akala ko si Tita Riza ang babaeng pumasok sa buhay mo at sumira
Last Updated: 2026-10-02
Chapter: CHAPTER 80BEFORE EVERYTHING CHANGEDHindi agad sumagot si Renato sa tanong ni Elise. Matagal siyang nakatingin sa sahig, tila iniisip kung saan siya dapat magsimula. Alam niyang kahit anong paraan niya ng pagkukuwento, hindi magiging madali para sa anak niyang malaman ang bahaging iyon ng nakaraan niya.“Bagong teacher ako noon,” panimula niya matapos ang ilang sandali. “Kakapasok ko pa lang sa school at isa sa mga estudyanteng hinahandle ko sa math competition si Riza. Magaling siya sa math at seryoso sa pag-aaral. Madalas siyang manatili pagkatapos ng klase para mag-training, kaya doon kami naging close. Sa umpisa, tungkol lang sa school at competition ang mga usapan namin, pero habang tumatagal, naging mas personal na ang mga bagay na napag-uusapan namin hanggang sa hindi ko na napansin na masyado na kaming naging malapit.”Napatingin si Elise sa kanyang ama nang aminin nitong nagkaroon sila ng damdamin para sa isa’t isa.“Pero Pa, estudyante mo siya.”“Oo,” agad na sagot ni Renato. Hindi ni
Last Updated: 2026-10-01
Chapter: CHAPTER 79THE TRUTH HE KEPTHindi na bumalik si Elise sa condo nila ni Jason.Pagkalabas niya ng ospital, diretso siyang dinala ni Renato sa bahay nito. Tahimik lamang siyang nakaupo sa sasakyan habang karga si Hope, na mahimbing na natutulog sa mga bisig niya. Wala siyang tanong kung saan sila pupunta at wala rin siyang sinabi tungkol sa condo o kay Jason. Sa ngayon, gusto muna niyang mapalayo sa lahat ng bagay na nagpapaalala sa kanya ng mga nangyari.Pagdating nila sa bahay, dinala siya ni Renato sa dati niyang kwarto. Nandoon na ang ilan sa mga gamit niya at ni Hope.“Hinakot ko na muna ang mga gamit ninyo sa condo,” sabi ni Renato habang inilalagay ang isang bag sa tabi ng aparador. “Kung may naiwan pa o may kailangan ka roon, sabihin mo sa akin. Ako na ang kukuha.”Tumango si Elise. Hindi na niya kailangang ipaliwanag kung bakit ayaw niyang bumalik. Sa ngayon, mas gusto niyang manatili rito kaysa harapin ang condo na minsan nilang tinawag na tahanan ni Jason.Dito muna siya.Pansamantala.
Last Updated: 2026-10-01
Chapter: CHAPTER 78WHEN SILENCE SPEAKSTahimik na nakaupo si Elise sa kama habang nananatili si Renato sa tabi niya. Ilang sandali siyang hindi nagsalita bago marahang hinawakan ang kamay ng anak at hinalikan iyon.“Patawad, anak,” mahina niyang sabi. “Marami akong hindi nasabi sa'yo. Alam kong matagal ko nang dapat sinabi.”Napayuko si Elise, pero hindi niya binawi ang kamay niya.“Hindi ko naman hinihingi na patawarin mo ako ngayon,” dagdag ni Renato. “Gusto ko lang... kapag kaya mo na, pag-usapan natin.”Hindi sumagot si Elise. Nakatingin lang siya sa kanilang magkahawak na kamay.Huminga nang malalim si Renato. “Alam kong marami akong pagkakamali sa pagsasama namin ng mama mo. Hindi naging maayos ang marriage namin. May mga bagay akong ginawa na alam kong nakasakit sa kanya.”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy. “Pero hindi ko ginusto na mangyari ang lahat ng nangyari. Kung alam ko lang na aabot sa gano'n... sana mas maaga akong gumawa ng paraan.”Napatingin si Elise sa kanya.“Mahal ko ang mama
Last Updated: 2026-09-30
Chapter: CHAPTER 77WHEN OLD WOUNDS BLEED AGAINKinabukasan, tahimik ang silid ni Elise nang marinig niya ang marahang pagbukas ng pinto. Napalingon siya at nakita si Jason na pumasok kasama ang ama nitong si Mr. Monteverde. Saglit na nagtagpo ang mga mata nila, ngunit hindi agad lumapit si Jason. Nanatili lamang itong nakatayo sa may pintuan habang tinitingnan siya, at sa likod nito ay si Mr. Monteverde na tila nag-aabang na makausap ng anak ang asawa nito. “Jason, kausapin mo siya. Kailangan ka niya ngayon,” mahinang sabi ng kanyang ama. Tumango si Jason, ngunit hindi iyon nakaligtas kay Elise. Sa paraan ng pagkilos nito, pakiramdam niya ay hindi naman talaga ito kusang pumunta. Para bang napilitan lamang dahil sa ama nito. Hindi niya alam kung bakit iyon ang unang bagay na pumasok sa isip niya, ngunit mas pinili niyang huwag na itong palalimin.Nang makalabas si Mr. Monteverde at tuluyang maisara ang pinto, ilang segundo silang parehong nanatiling tahimik. Si Jason ang unang nagsalita. “Kamusta ka?” t
Last Updated: 2026-09-30

THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION
May mga taong dumarating para turuan kang magmahal.
May mga taong dumarating para turuan kang masaktan.
At may mga taong dumarating sa mismong oras na akala mo ay ayaw mo nang umibig muli.
Si Jillian Santos ay minsan nang naniwala sa habang-buhay.
Minahal niya si Marco Liwanag nang buong puso, ngunit isang araw, napilitan siyang talikuran ang relasyong akala niya ay hindi na magbabago.
Pinili niyang magsimula ulit.
Bagong trabaho. Bagong buhay. Bagong siya.
Hanggang sa makilala niya si Bryan Chen.
Isang lalaking sanay makuha ang lahat ng gusto niya.
Mayaman. Makapangyarihan. Matalino. At higit sa lahat, hindi madaling basahin.
Hindi niya alam kung bakit sa dami ng taong nakapaligid kay Bryan, siya pa ang napansin nito.
At habang unti-unting nagiging espesyal ang bawat pagtatagpo nila, isang bagay ang hindi niya kayang takasan—
bumabalik ang nakaraan.
Dahil si Marco ay muling pumasok sa buhay niya.
Sa pagkakataong ito, hindi na siya basta susuko.
May isang lalaking gustong bawiin ang puso niyang minsan nang nasaktan.
May isa namang lalaking unti-unting inaangkin ang puso niyang pilit nang pinoprotektahan.
At si Jillian?
Hindi niya alam kung alin ang mas nakakatakot—
ang mahalin muli ang taong minsan nang sumira sa kanya,
o ang mahulog sa taong hindi niya kailanman binalak mahalin.
Dahil minsan, ang puso ay hindi sumusunod sa kung ano ang tama.
At kapag dumating ang araw na kailangan mong pumili, sino ang pipiliin mo—ang pag-ibig na may alaala, o ang pag-ibig na may posibilidad ng bagong simula?
Read
Chapter: CHAPTER 187Lumipas ang ilang linggo, at unti-unting bumalik sa normal ang buhay nina Bryan at Jillian. Hindi man agad nawala ang mga alaala ng nangyari, mas naging maayos na ang bawat araw ni Jillian. May mga gabing nagigising pa rin siya dahil sa masasamang panaginip, pero hindi na niya kailangang harapin ang mga iyon nang mag-isa dahil palaging nandoon si Bryan, tahimik na umaalalay at hinahayaan siyang maghilom sa sarili niyang paraan.Mas naging tahimik ang buhay nila pagkatapos ng nangyari kay Marco, at sa katahimikang iyon ay napag-usapan nilang mag-asawa ang isang desisyong matagal na nilang iniisip. Isang gabi, habang mahimbing na natutulog si Ellie sa crib nito, magkatabi silang nakaupo ni Bryan sa sofa. Tahimik ang buong bahay, at tanging mahinang tunog ng air conditioner at maliliit na ingay mula sa kanilang anak ang maririnig.“Sigurado ka na ba?” maingat na tanong ni Bryan habang nakatingin kay Jillian.Sandaling tumingin si Jillian sa anak bago siya bumalik sa asawa. “Sigurado ako.
Last Updated: 2026-09-30
Chapter: CHAPTER 186Matapos suriin ng doktor ang mga sugat ni Jillian, sinabi nitong wala siyang malubhang injury. Nilinis ang sugat sa gilid ng ulo niya at binigyan siya ng gamot para sa pananakit ng katawan. Kailangan lang niyang magpahinga at bantayan ang sarili sa mga susunod na araw dahil sa matinding stress at pagod na pinagdaanan niya.Akala ni Bryan ay iyon na ang huling kailangan nilang gawin bago umuwi, ngunit habang inaayos niya ang mga papeles para sa discharge, biglang nagsalita si Jillian.“Gusto kong makita si Marco bago tayo umuwi.”Napatingin si Bryan sa kanya. Hindi niya inaasahan iyon, lalo na at kakalabas lamang nito sa isang sitwasyong muntik nang magdulot ng mas malala.“Sigurado ka ba?” maingat niyang tanong.Tumango si Jillian. “Kailangan ko lang siyang makita. Pagkatapos noon, gusto ko nang umuwi.”Ilang segundo siyang pinagmasdan ni Bryan bago siya tuluyang pumayag. Ayaw man niyang ilapit muli ang asawa sa taong nanakit dito, alam niyang may dahilan si Jillian kung bakit gusto n
Last Updated: 2026-09-30
Chapter: CHAPTER 185Hindi agad nakita ni Jillian kung sino ang nasa harapan niya.Sobrang liwanag ng headlights kaya halos hindi niya maibuka nang maayos ang kanyang mga mata. Ang tanging nararamdaman niya ay ang malamig na hangin sa paligid at ang bigat ng katawan niyang halos hindi na niya kayang suportahan.Hanggang sa may isang pares ng bisig na mabilis na yumakap sa kanya.Isang jacket ang maingat na ipinalupot sa kanyang katawan upang matakpan ang punit niyang pang-itaas.“Jillian…”Nang marinig niya ang boses, parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.Pamilyar iyon.Pamilyar na pamilyar.Dahan-dahan niyang itinaas ang mukha.Unti-unting nawala ang silaw sa kanyang paningin hanggang sa tuluyan niyang makita ang lalaking nasa harapan niya.Si Bryan.Nanlaki ang mga mata niya.“Bryan…”Halos pabulong lamang ang pangalan nito, ngunit sapat na iyon para tuluyang bumigay ang kanyang emosyon.Mahigpit niyang niyakap ang asawa.“I'm here,” bulong ni Bryan habang hawak siya nang mahigpit. “You'r
Last Updated: 2026-09-29
Chapter: CHAPTER 184Tahimik ang buong silid nang muling bumukas ang pinto.Napalingon si Jillian at agad na nanigas ang katawan nang makita kung sino ang nasa likod nito.Si Marco.Ilang segundo siyang hindi nakagalaw. Kanina lamang ay iniwan siya nito sa loob ng kwarto at isinara ang pinto mula sa labas. Akala niya ay hindi na ito babalik. Akala niya ay kahit papaano ay makakakuha siya ng ilang oras para makapag-isip at makahanap ng paraan upang makatakas.Pero naroon na naman ito.Dahan-dahang isinara ni Marco ang pinto at maingat na ini-lock iyon.Napaatras si Jillian.“Bakit ka bumalik?” tanong niya, pilit na pinatatatag ang boses kahit ramdam niyang nanginginig ang mga daliri niya.Hindi agad sumagot si Marco. Tahimik lamang itong nakatingin sa kanya bago nagsimulang maglakad palapit.“Hindi ako mapakali,” sagot nito. “Gusto kitang makita.”“Marco, huwag kang lalapit.”Hindi nito pinansin ang babala niya.Sa bawat hakbang nito ay lalo namang bumibilis ang tibok ng puso ni Jillian. Napaatras siya han
Last Updated: 2026-09-29
Chapter: CHAPTER 183Mabigat ang pakiramdam ni Jillian nang dahan-dahan siyang magising. Ilang segundo siyang nanatiling nakahiga, pilit na inaalam kung nasaan siya at kung bakit hindi pamilyar sa kanya ang kisame na nasa ibabaw niya. Nang subukan niyang bumangon, agad siyang napahawak sa gilid ng kama dahil biglang umikot ang paligid. Kumirot ang ulo niya at saglit siyang napapikit bago niya marahang hinawakan ang gilid nito. Nang tingnan niya ang kanyang mga daliri, may bahid ng dugo roon.Doon unti-unting bumalik sa kanyang isip ang mga nangyari.Nasa park siya kasama si Ellie. Masayang nakaupo ang anak niya sa maliit na enclosed swing habang marahan niya itong itinutulak, at ang tawa nito ay parang musika sa kanyang pandinig. Masaya siya noon, iniisip pa kung saan sila pupunta bago dumating si Bryan para sunduin sila. Ngunit may biglang nangyari sa likuran niya. May tumama sa kanyang ulo, may humila sa kanya, at kahit sinubukan niyang lumaban, unti-unting nawala ang kanyang lakas hanggang sa tuluyang
Last Updated: 2026-09-28
Chapter: CHAPTER 182Makalipas ang ilang araw, muling nagtungo si Jillian sa park kasama si Ellie.May usapan sila ni Bryan na doon na sila magkikita bago sila mag-dinner, kaya naisip ni Jillian na mauna na silang pumunta para makapaglaro muna si Ellie.Pagdating nila sa playground, maingat na kinuha ni Jillian ang anak mula sa stroller. Bitbit niya si Ellie habang papalapit sa isang maliit na enclosed swing na para sa mga batang kasing-liit nito.“Come on, baby. Dito muna tayo,” malambing niyang sabi.Maingat niyang inilagay si Ellie sa loob ng swing at inayos ang pagkakaupo nito bago dahan-dahang itulak.Bahagyang umindayog ang swing.At agad namang umalingawngaw ang masayang hagikhik ni Ellie.Napangiti si Jillian.Sa bawat tawa ng anak, parang napupuno ang puso niya ng kakaibang saya. Ilang sandali siyang nakatayo roon, tahimik na pinagmamasdan ang maliit na mukha ni Ellie habang masayang sumasabay sa pag-ugoy ng swing.“Are you happy, baby?” tanong niya, kahit halatang alam na niya ang sagot.Tumawa
Last Updated: 2026-09-28