Share

Chapter 2: Caller

"Stop doing that thing, Kae."

I looked at her. I was a bit disappointed in her because she doesn't care about their lives. Anong masama kung tinutulungan ko sila Carla at Carlo? Wala.

"Yana, can't you see? They're suffering. Kailangan nila ng tulong k---"

"And after that what? Aabusuhin ka na nila? Goodness, Kae! Use your mind!"

Napatayo ako at seryoso siyang tiningnan. "I'm using it! Bakit mo ba ako pinapakialaman? Edi maghanap ka rin ng tutulungan mo." I said, irritated. I went out her office because I don't want having fight with her. She's still my bestfriend. I'd rather choose to be alone than to fight with her.

I bit down my lip in frustration. I then took a deep breath because of what happened. Sinagot ko na naman siya. Mas matanda siya sa akin ng limang taon kaya dapat hindi ko siya ginaganon at isa pa, we're friends. Sumasakit ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

Naiintindihan kong matigas ang puso ni Ariana pero bakit hindi niya naiintindihan na malambot lang ang puso ko? She knew I couldn't resist them. Tutulungan at tutulungan ko sila Carla.

"Kae, start na later ng taping," napatingin ako kay Mich. She's my manager. She was busy fixing her short curly hair so I just said yes.

I looked at Yana when she came out. She looked at me for a seconds but she didn't speak. Nagdire-diretso siya sa paglalakad kaya napabuntong-hininga na lang ako.

Kristelle stepped closer to me---my make up artist. "Tara na?" Tanong niya kaya tumango na lang ako. Umupo ako sa harap ng malaking salamin na may ring light at tiningnan ang cellphone ko dahil mag-uumpisa na siyang make-up-an ako.

"What the hell!"

Agad akong napatingin sa likod. Ariana's face was mad. May natapon na kape sa dress niya at galit na galit talaga siya. "M-ma'am, sorry p---"

"Sorry? Damn! Get out of my way!" Yana shouted at her. Maya immediately walked towards the door. Alam kong takot siya kay Yana.

I stood up. Kinuha ko ang tissue sa mini table dito sa make up room at pupunasan sana si Yana pero malakas niyang tinabig ang kamay ko. "Para saan 'yan? You'll just make it worse!" Sigaw niya at tinalikuran ako.

Tumingin ako sa tissue at napailing. Hindi naman ang dress niya ang pupunasan ko. I was about to wipe her hands. I don't have any idea why she's acting like that. I knew she's hot headed but this is over reacting. Alam ko namang hindi 'yon sinasadya ni Maya.

Maya is one of a kind. She's Yana's assistant. Maybe Yana's on her period that's why she's acting too much. Bumalik ako kay Kristelle at tinuloy na niya ulit ang pag me-make up sa akin.

"You're a slut!"

Tears streaming down my face. That was too much. Hindi ko inaakalang sasabihin niya ito sa akin. "Tumigil ka na, Irene!" Sigaw ko sa kanya, sigaw ko kay Yana. Umaarte na kami ngayon.

"Wow! Tigil? Ayaw mo bang naririnig ang katotohanan, Tina? You're a slut! Gold dig---"

Bumagsak ang isang palad ko sa pisngi niya. Hindi naman 'yon dumikit dahil arte lang naman lahat ng 'to. I would never hurt her because she's my bestfriend---not just my bestfriend but my sister. Itinuturing ko nang kapatid si Yana kahit madalas ay nagmamaldita siya.

"How dare you, bitch!" She grabbed my hair. Napadaing ako dahil totoong nasaktan ako. Hindi naman dumikit ang palad ko sa pisngi niya pero bakit sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko? Bakit parang totoo na?

"Cut!" The Director said.

Ramdam kong ayaw pang tumigil ni Yana pero ikinalma niya ang sarili niya. Agad na lumapit sa akin si Mich at Kristelle para ayusan ako. While they're fixing me, I was looking at Yana. Something's wrong with her. I can't name it but I feel it.

"What happened to you, Ariana? Did you two have a fight?" Lumapit ang direktor sa amin. I was silent. Pinagmamasdan ko lang si Yana habang nakakunot ang noo ko. Ariana, are you really mad at me?

"I'm not in the mood." Simpleng sagot niya kay direk.

"What? Not in the mood? Goodness, Ariana! Nasa trabaho ka!" Direct Alonel placed his hand on his forehead, frustrated.

"Take two. Aayusin ko na." Yana seriously said.

Hindi na ako nagsalita dahil nag-umpisa na kami. Habang nasa trabaho kami ay naisip kong baka galit na naman siya dahil tinulungan ko sila Carla at Carlo. Alam ko namang nag-aalala lang siya na baka abusuhin ako but she's too OA. Alam ko naman ang mga ginagawa ko.

It's late. 8 pm na natapos ang taping at pagod na pagod ako. Even at night I was wearing an aviators. Naka kulay itim akong jacket at black jogging pants. My assistant asked me to drive me home but I refused. Mas komportable ako na ako lang mag-isa sa kotse.

I tried to talk to Yana but she wasn't in the mood kaya hinayaan ko na lang muna. Baka kailangan niya lang palamigin ang ulo niya.

Red light kaya tumigil ako. Ibinaba ko ang bintana ko dahil sumasakit ang ulo ko sa aircon at mas lalo akong inaantok dahil malamig. Matagal pa bago mag green light kaya nagpalinga-linga ako sa paligid kung may drive thru dahil nagugutom na ako nang mahagip ng mga mata ko ang kotse sa gilid ko. His window was open.

My forehead creased. Is he drunk?

Nakatingala siya habang nakasandal ang likod ng ulo niya. I'm shocked when he suddenly looked at me. He's drunk.

His eyes met mine. His brown eyes were so deep. Parang tinatawag ako ng mga mata niya. Mapupula ang labi niya na parang natural na natural lang. Makapal ang kilay at parang isang artista ang mukha. Mukha siyang bad boy tingnan dahil kuminang ang silver na hikaw sa kaliwang tainga niya.

Napalunok ako dahil hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin kaya ako na mismo ang umiwas. Itinaas ko ulit ang bintana ko dahil nakakailang ang lalaking 'to.

Bumagsak ako sa kama nang makarating ako sa condo. Bukas na ako pupunta sa bahay ng mga magulang ko dahil hindi ko na talaga kaya ngayon.

Nagising ako nang maaga because of my alarm clock. I did my morning routines---took a bath, dressed up, fixed my face, feed myself and after those things, I went out.

I was wearing a glow in the dark oversized t-shirt and faded jeans. I was also wearing a Balenciaga green rubber shoes. Nakatali ng buo ang buhok ko at ngayon ko balak na pumunta kay Mommy. Sigurado akong wala si Dad sa mansyon dahil nasa opisina na naman niya 'yon. He's too workaholic.

I stepped down as I opened the door of my car because I was already in front of our mansion. Inayos ko ang Balenciaga shades na suot ko at nag doorbell kaya agad na lumapit sa akin ang guard.

"Good morning, Ma'am." He greeted me.

I smiled at him and greeted him back. Pumasok ako sa loob at naabutan ko si Mom na nag-aalmusal mag-isa. "He's not here again?" I kissed her cheeks.

"It's okay, anak. Walang taping?" Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa makaupo ako. Agad naman akong pinaghandaan ng mga katulong ng pagkain.

"Mamayang tanghali. Hindi mo ba tinawagan si Dad, Mom?" I asked after drinking water.

Hindi agad siya nakasagot kaya nagkibit-balikat na lang ako. "Kahit naman siguro tawagan mo siya hindi pa rin 'yon pupunta." Mas mahal kasi niya ang trabaho niya kesa sa atin.

"He's doing his work to provide us, Kae. H'wag ka nang magtampo sa Dad mo. He called me last night and guess what? He was looking for you." She smiled but I know it's fake.

"Mom, I can provide for our family. He's already a millionaire, ano pa ba ang hinihiling ni Daddy? Artista tayong pareho, kaya nating tustusan ang isa't-isa. Dad needs to rest himself. Baka magkasakit pa siya dahil sa pagtatrabaho niya." I didn't look at her. Alam ko naman na si Dad pa rin ang kakampihan niya.

"Kae---"

"It's okay, Mom. Let's just eat." I looked at her for a seconds and smiled at her to cover up how disappointed I am. She's always like that. Parang alipin siya ni Dad dahil sinusunod niya palagi si Daddy.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanya. I want to visit Carla and Carlo. I want to check up on them if they are okay. My car stopped in front of the convenience store.

Hindi naman ako makikilala because of my cap and aviators. Naglakad ako sa isang iskinita rito sa Tondo, Manila.

"Ate Kae!"

Napangiti ako at lumapit kay Carla. She's alone. "Hey, kamusta ang Mama mo?" I asked her. Parang alam ko na ang sagot dahil nakangiti siya.

"Nasa ospital siya, Ate. Medyo maayos na. Kasama siya ni Carlo. Salamat po, ah?" She smiled again.

We went inside their house so I took my aviators off. "Ate, sorry. 'Yung ipapakain ko sa'yo galing pa sa binigay mo," napakamot siya sa ulo kaya mahina akong natawa.

"It's okay. Kakakain ko lang din naman. H'wag ka nang mag-abala, Carla." Sabi ko at pinagmasdan ang bahay nila dahil hindi ako nagkaroon ng oras para pagmasdan 'to noong nakaraan.

"Ayos lang ba kayo sa bahay na 'to? Hindi ba delikado?" Tanong ko.

She sat down in front of me and stared at their house. She smiled. "Dito po kasi namatay si Itay kaya ayaw naming iwanan ang bahay na 'to. Isa pa, wala naman po kaming lilipatan." She said.

"Gusto mo bang lumipat? Baka matulung---"

"Naku, Ate! Sobra sobra na ang ginawa mong pagtulong kay Inay. Kaya na po namin dito tsaka sanay na po kami, e. Salamat na lang po, napaka bait mo, Ate." Ngumiti siya kaya parang natutunaw ang puso ko dahil sa ngiti na 'yon.

"Pero alam mo, Ate? Pamilyar ka po sa akin. Parang nakita na po kita." Kumunot ang noo niya at napatingin pa sa kisame na parang iniisip kung sino ako.

"Huwag mo nang isipin, Carla. Hindi ka ba dadalaw sa Mama mo?" I asked her.

"Kakagaling ko lang po sa ospital. Kailangan ko pong bantayan ang bahay dahil sa mga grocery na binigay mo, Ate. At isa pa, nandito rin ang pera na binigay mo. Kakailanganin po kasi namin 'yon para sa pang araw-araw namin.

"Nag-aaral ka ba?" Tanong ko.

"Hindi, Ate. Saka na 'yon. Kailangan po kumayod." Aniya.

Bigla akong nalungkot. Maraming bata ang nakakapag-aral at marami rin pa lang hindi. Nakaka guilty dahil hindi naman nila kasalanang pinanganak silang walang pera. Nakapag-aral ako noong bata ako at nakukuha ko ang gusto ko pero sila ni Carlo?

Hindi.

"Tutulungan kita, Carla. Tutulungan ko kayo." Desididong sabi ko pero umiling siya at nagulat ako nang hinawakan niya ang isang kamay ko.

"Ate, uulitin ko po. Sobra-sobra na po ang tinulong mo kay Nanay. Buhay niya po 'yung niligtas mo. Kung tutulungan mo ulit kami, hindi ko na po alam kung paano ko babayaran ang lahat---"

"Hey. Hey. Carla, hindi ako tumatanggap ng kapalit. I insist. I want---gusto ko kayong tulungan." Hinawakan ko ang balikat niya.

"Ate, sobra sobra na po ang tinulong mo kay Nanay." Payapa siyang ngumiti.

Hindi ko alam pero namuo ang mga luha ko. Ariana was wrong. Itong mga taong tinulungan ko ay mababait. Hindi ako nagkamali ng tinulungan. Napalaki ng maayos ni Ma'am Melissa si Carla at Carlo.

Tumunong ang cellphone ko kaya napatingin ako roon. Tinatawag na ako ni Mich. "Ah, Carla. Mauuna na ako, ha? Mag-iingat kayo rito." I stood up she did the same as well.

"Salamat ulit, Ate. Ihahatid ko na po kayo sa labasan." I nodded in response. I wore my aviators again and went out.

Hinatid nga ako ni Carla sa labasan. Pagdating ko sa kotse ay tinanggal ko ang aviators ko. Tiningnan ko ang oras at 9 am pa lang. Bakit naman ang aga akong pinapapunta ni Mich?

Pagdating ko sa building ay sinalubong niya ako. "Goodness, Kae! Ano 'tong nalaman ko? You're helping a beggars?" She yelled while her forehead creased.

Did Yana tell her?

Umupo ako sa swivel chair at inikot 'yon saka pumikit. What's wrong with these people? Ano naman kung tumutulong ako? Kapwa tao ko naman 'yung tinutulungan ko at walang masama sa ginagawa ko.

"Kae, talk to me!" She shouted.

"Mich, what's wrong? I'm just helping them. Wala akong ginagawang masama." I calmly said. Ayoko sa lahat ay 'yung nakikipag sagutan ako dahil ayoko sa away kaya hanggang kaya kong umintindi, iintindihin ko sila... kahit 'di na nila ako maintindihan.

"Oh, Lord! Artista ka! You should know your place! Mataas ka, mababa sil---" napatayo ako at seryoso siyang tiningnan.

"How could you say that? Michelle, tao tayong lahat. Pantay-pantay tayong lahat." I said emphatically. Nakakasawang magpaliwanag.

"Whatever, Mikaela! Stop that bullshit! Nagpapaka santa-santita ka na naman! Artista ka dapat hindi mo sila nililingon! Mahirap lang sila at aabusuhin ka nila!" She yells again.

Hindi ko na kaya. Ayokong lumaki ang away namin ng manager ko. "I have to go. Babalik na lang ako kapag nag-umpisa na ang taping." I coldly said and went out.

I stayed inside my condo. Parang kahit saan ako pumunta ay ako pa rin ang mali.

My phone rang so I looked at it. It was from a stranger again. I slide to answer the call and I don't know why I did that.

"Hello?"

"P-please... comeback."

My forehead creased. Parang noong nakaraan ay may tumawag sa akin at ganito rin ang sinabi. Iisa lang ba sila?

"Who are you?" napaupo ako sa kama ko.

"Princess, comeback..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status